Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

"Stephen POV"

PAGPASOK namin sa loob ng tower. Ay lumaki ang mata ko at napanganga ako ng makita ko ang ganda ng loob. Napakalinis at makikintab ang bawat tiles ng aming tinatapakan. Para ngang pwedi ka manalamin doon sa sarili mo eh dahil sa kintab nito.

Nilibot ko ang paningin sa loob. May isang mataas na hagdan patungo sa tutok ng tower. May mga maraming pinto at hindi ko alam kong ano ang mga iyon.

Maganda ang pagkadesenyo ng loob may mga mamahaling vase ang nasa gilid ng hagdan tapos may naglalakihang flatscreen tv na nasa sala. At marami pang iba basta ang masasabi ko lang sobrang ganda talaga. Nakakamangha.

"Nagustuhan mo ba ang bahay natin mahal." Bulong ni Matteo at niyakap nya ko patalikod habang ako naman ay busy sa pagtingin sa loob ng bahay.

"Bahay natin?" Patanong ko sa kanya at nakataas ang kilay ko. Tumango lang naman sya at sinubsob nya ang kanyang mukha sa leeg ko.

"Oo bahay natin at dito tayo boboo ng masayang pamilya." Sabi nya at tinaniman nya ng halik ang batok ko patungo sa pisnge ko.

Hindi ko namamalayan na napaiyak na pala ako dahil sa kasiyahan. Mahal na mahal ko si Matteo higit pa sa buhay ko kaya lord please gabayan nyo po ang relasyon naming dalawa. Alam kong marami pa kaming pagsubok na tatahakin naming dalawa at hindi ako natatakot na tahakin ang pagsabok nayun para lang maging kami hanggang sa huli.

"Oh! Naiiyak naman ang mahal ko. Baket anong problema?" Nag alalang tanong sakin ni Matteo at pinahidan nya ang luha sa pisnge ko gamit ang kanyang kamay. Napahikbi naman ako at niyakap sya. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Natatawa naman nyang hinimas ang likod ko at ang isa naman ay hinahaplos ang buhok ko.

"Ang iyakin naman ng mahal ko." Natatawa nyang sabi at hinalikan nya ang noo ko. "Shhh.. tahan na." Sabi nya pa at hinawakan nya ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

Pinahidan nya ang mga luha ko sa pisnge. Napatutok naman ako sa kanyang gwapong mukha. Ang gwapo talaga ng mahal ko. Sobrang gwapo talaga. Ang kanyang mga mapupungay na mga mata at ang kanyang pouty na labi na ang sarap halikan iyon. May matangos na ilong na parang amerikano at ang higit sa lahat ang kanyang jawline na lalong ikanagwapo ng mahal ko.

"Masaya lang ako dahil binigay ka sakin ng diyos." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Namumungay naman nya kong tinitigan at hinalikan nya ang labi ko.

"Ako rin mahal. Sobra sobrang masaya ako dahil binigay ka din sakin ng diyos. Mahal na mahal kita at gagawin ko lahat para lang sayo." Ang seryoso nyang sabi at ngumiti saakin kalaunan.

Niyakap ko sya ng mahigpit at ganun din sya sa akin. Hinalikan nya ang ulo ko habang nakasobsob naman ako sa kanyang matipunong dibdib.

"May isang supresa pa ako sayo mahal." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko at ang ikinabilis ng tibok ng aking puso. Kumalas naman ako sa aming yakapan at tiningnan ko sya na nagtataka.

"Ano naman?"

"Basta."

"Ano nga eh."

"Secret nga. Basta ako ng bahala sayo." Sabi nya at may kinuha sya sa kanyang bulsa at nakita ko ang kulay pulang panyo. Ngumiti lang naman sya sakin at kinindatan ako.

"Ano naman yan?" Tanong ko sa kanya at tinuro ko ang pulang panyo na hawak nya.

"Basta mahal. Tumalikod ka." Sabi nya kaya wala naman akong magawa sa unggoy nato ay sumunod nalang ako sa sinabi nya.

Piniring nya sa mata ko ang panyo na pula. Madilim at puro itim nalang ang nakikita ko.

Napasigaw pa ako ng bigla nya kong buhatin. "Ahhh!!!!. Matteo ano naman bato? Ibaba mo nga ako." Ang naiinis kong tanong sa kanya. Hindi sya sumagot at sa halip ay lumakad sya at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Matteo.

Ilang minuto ang lumipas ay tumigil na si matteo at binaba nya ko. Narinig ko pa syang hinihingal na para bang tumatakbo sa marathon.

"Yan tuloy hinihingal ka. Sabing wag mo na kong buhatin eh kaya ko namang maglakad." Ang concern kong sabi sa kanya at kahit wala akong nakita dahil sa nakapiring ako ay humakbang ako papalapit sa kanya at pinunasan ko ang kanyang noo na may pawis.

"Okay lang naman sakin mahal eh."

"Anong okay. Hinihingal ka nga eh at pawis na pawis pa."

"Ayos lang sakin mahal. Walang problema ito."

"Tsk. Soplado mo." Ang suko kong sabi at narinig ko pa ang pagtawa nya.

"Sige na pasok na tayo." Sabi niya at inalalayan nya ko lumakad dahil sa nakapiring ako at wala akong makita kundi ang kadiliman.

Narinig ko ang pagpihit nya nang siradora at ang pagbukas ng pinto. Inilayan nya kong pinasok sa loob at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.

Napasinghot ako dahil sa bango.

"Ready ka naba mahal na makita ang supresa ko sayo." Bulong nya sa batok ko. Para naman akong nanginginig dahil sa lamig ng hininga nya.

Tumango lang naman ako bilang tugon at napalunok ako ng tanggalin nya pagkatali ng piring sa akin.

Pagtanggal ng piring niya sa mata ko ay nasilaw pa ako pero pinikit ko muli ang mata ko at nag adjust na ang mata ko ay idinilat ko na iyon.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa sobrang kasiyahan at paghanga.

May lamesa na iisa at naka mantel iyon na pulang tela at katulad din sa dalawang upuan na naka mantel din iyon ng pula. May Candle na nakasindi sa ibabaw ng mesa at may magandang bulaklak din. May mga mamahaling putaheng nakahain sa mesa.

Napatingin ako sa kisame na may chandelier doon at may maraming nakalutang na pulang mga baloon na hugis puso.

Napalibot ang tingin ko sa mga magaganda at makukulay na bulaklak na nakapaligid sa amin.
Sobrang ganda talaga. Nakakamangha. Pinaghandaan talaga to ni Matteo. Napatingin ako sa veranda at lumapit ako doon.

Halos manlaki ang mata ko dahil sa ganda ng tanawin. Nasa tuktok na pala kami ng tower. Sobrang sarap ng simoy ng hangin at napatingin ako kang Matteo na may ngiti sa aking labi.

Nasa gilid ko sya habang nakatingin din sa ganda ng view ng tanawin. Tumingin sya sakin at inakbayan nya ko at mas lalong pinalapit nya ko sa kanya.

"Nagustuhan mo ba..." sabi nya. Tumingin naman ako sa kanya at mabilis ko syang hinalikan sa kanyang pisnge.

"Sobrang sobra. Salamat hal." Sabi ko at niyakap ko ang kanyang bewang. Ngumiti lang naman sya sakin at hinihimas nya ang buhok ko habang nakatingin kami sa ganda ng tanawin sa labas.

"Walang anoman yun hal. Basta gagawin ko ang lahat para makita ko lang na masaya ka." Malumay nyang sabi at hinalikan nya ang noo ko. Tumingin lang naman ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis tamis bago ko hinalikan ang kanyang labi.

Natigil ang aming halikan ng kumulo ang aking tiyan dahil sa gutom. Natatawa namang ginulo ni Matteo ang buhok ko at inakay nya ko papunta sa mesa na may masasarap na pagkain.

Nagningning ang mata ko ng makita ko ang ibat ibang masasarap na pagkain sa lapag. Tumingin ako kang matteo sa harap ko. Ngumiti lang naman sya sakin. "Kumain kana." Pagkasabi nya ay mabilis akong nilantakan ang mga pagkain na nasa lapag. Sorry talaga sobrang gutom lang kase ako eh.

Nagsalin ng wine sa baso ko si Matteo bago nilagay nya din sa kanya.

"Magpakabusog ko mahal para naman mag kalaman laman naman yang katawan mo."

"Oo naman hal ako paba.."

Natatawa nalang syang napailing at tinungga nya ng inom ang wine na nasa baso nya..

Pagkatapos kung maubos lahat ay napadinghay ako dahil sa sobrang kabusugan.

"Opps! Sorry hehehe..." ang natatawa kong sabi sa mahal ko at napatakip ng aking bibig.

Napatingin ako sa relo ko at alas sais na nang hapon. Medyo dumilim narin ang kalangitan sa labas.

"Mahal mukhang hindi tayo makakauwi. Tingnan mo ang kalangitan na nag babadya ng umulan."

"Oo nga hal eh. So dito nalang tayo magpalipas ng gabi." Sabi ko sa kanya. Tumango lang naman sya sakin at ngumiti ng pilyo.

"Oo at dito tayo gagawa ng baby." Sabi nya na ikina taas kilay ko. Ayan na naman ang kamanyakan ng mahal ko eh. Inirapan ko nalang sya at napatingin sa labas na veranda. Umuulan na at madilim na ang kalangitan.

"Tara pasok na tayo sa kwarto mahal para makapag pahinga natayo pagkatapos nating gumawa ng baby."

"Che! Manihimik ka jan Matteo. Pagod ako bawal ngayon."

"Baket naman?"

"Pagod nga eh."

"Ano naman sa ngayon kung pagod ka hal. Ako lang naman ang gagalaw at hindi naman ikaw, hihiga kalang naman eh."

"Hay! Nako bahala ka jan. Basta ako ayoko." Sabi ko at inirapan sya.

"Hal naman eh. Pleasee.. promise mabilis lang." Ang kulit talaga ng ng unggoy nato sabi kong ayoko. Meron ako ngayon. Charot joke lang. Hahaha...

"Sabin---- Aaahhhhhh.. ibaba mo nga ako hal. Isa." Napatili nalang ako ng bigla nya kong binuhat ng pang bridal tyle. Lumakad sya palabas ng pinto at tinungo ang pinto na kulay Brown. Pinihit nya iyon at nasilayan ko ang loob. Isa iyong kwarto at may isang king size bed at lamp na nasa gilid nito.

Binaba nya ko sa kama at tumalikod sya sakin at tinungo ang switch ng ilaw kinapa nya ang switch at pinatay nya iyon.

Ilaw nalang ng lamp ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kwarto. Tumingin ako sa kanya at nasilayan ko ang malaki nyang ngiti bago humakbang papalapit sa akin. Shít.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro