Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

"Stephen POV"

LUMABAS ako ng condo habang sout ko ang malaking ngiti sa aking labi. Hindi ko parin mapigilang kiligin kapag maalala ko ang kaganapan kanina sa amin ni Matteo.

I wore a black tatterd jeans and paired with a white V neck shirt.

Nag aya kasi sakin si Matteo na mag di-date kami. Pagkatapos kung mag text sa kanya ay lumabas narin sya sa unit nya. Magkatabi lang ang condo namin.

I look at him and he smile at me. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Sout nya ay naka polo sya na maroon at pinarisan nya iyon ng black pants. Bagay na bagay sa kanya ang outfit nya lakas maka pogi.

Lumapit sya sa akin at inakbayan nya ko bago hinalikan nya ang aking pisnge. Para naman akong dalagang kinikilig dahil sa paghalik ni Matteo.

"Ang bango naman ng girlfriend ko." Sabi niya at ningodngod nya ang kanyang mukha sa aking leeg habang sinisinghot nya iyon.

Natatawa naman ako dahil sa kiliti ng dulot iyon sa akin. Napaigik pa ako dahil bigla nyang kinagat ang aking leeg.

"Matteo. Baka may makakita sa atin dito, wag kang eskandalo." Ang pigil ko sa kanya. Natatawa naman nyang hinalikan ng mabilis ang labi ko.

"Wala akong pake sa kanila. Inggit lang sila kasi sa akin na ang pinaka magandang dilag sa pilipinas." Napatawa naman akong sinapak ang kanyang braso. Puro kanalang talaga kalokohan Matteo ang sarap mong kurutin ng nail cutter. Nakakagigil ka.

"Che. Nagbibiro kapang ulol ka."

"Totoo naman talaga ah."

"Gusto mong sapakin kita." Banta ko sa kanya. Natatawa naman syang umiling at tinaas nya ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Ang cute talaga ng baby. Ang sarap kantutin este kurotin pala." Natatawa nyang sabi at kinurot nya ang pisnge ko.

"Ang bastos talaga ng bibig mo Matteo." Ang naiinis kong sabi sa kanya at pinandilatan ko sya ng mata. Napakabastos eh.

"Sorry baby." Sabi niya at niyakap nya ko patalikod. Para naman akong naistatwa sa ginawa nya hala! baka may makakita sa amin.

"Okay na. Saan ba tayo pupunta?" Sabi ko sa kanya at pinaharap ko sya sa akin. Ngumiti lang naman sya at kumindat ang loko.

"Secret..."

"May pa secret secret kapang nalalaman. Tara na nga." Naiinis kong sabi at inirapan sya. Natatawa naman nyang inakbayan ako at hinalikan ulit sa aking pisnge patungo sa aking labi.

"Nakakarami kana ah." Sabi ko sa kanya at napangoso nalang sa kanya. Ngumiti lang naman sya sakin ng pagkatamis tamis.

"Anong masama dun. Girlfriend naman kita kaya lage dapat kitang ikikiss."

"Che!" Ang nasabi ko nalang at natatawa nalang ako dahil sa kilig.

"Tara na mahal na prinsesa alam kong magugustuhan mo ang date natin ngayon." Ang hambog nyang sabi at ngumisi pa.

"Siguraduhin mo lang." Ang sabi ko at ngumiti sa kanya.

****

"Wow ang ganda dito Matteo." Ang hanga kong sabi habang nakatutok sa mataas na tower na medyo may kalumaan na pero ang ganda paring tingnan.

Ang paligid naman ay lahat talagang makikita mo ay puro kapunoan at mga halaman. Ang ganda talaga dito sobra.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya at nararamdaman ko ang malaming nyang hininga na lumalapat sa batok ko.

Nilihis ko naman ang tingin ko sa tower at tumingin ako sa kanya na may ngiti sa aking labi. Pagtingin ko sa kanya ay biglang naglapat ang aming labi na ikinagulat ko.

Ang lapit ng mukha nya habang nakatingin sya sa akin at magkalapat ang aming labi. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng gumalaw ang labi nya sa akin.

Nakakadala ang bawat paghalik nya sakin.

Pinigilan ko naman sya baka san pato mapatungo. Nandito pa kami sa kotse nya at napatingin ako sa kanya.

"Ang ganda ng tower na yun Matteo. Pano mo nalaman ang ganda ng lugar nato?" Ang manghang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin namay kinang sa kanyang mga mata.

Kanina pa'tong ngiti ng ngiti hindi ba sya nangangalay sa ginawa nya. Kanina kasi habang nagmamaneho sya ay hindi talaga mawala ang ngiti sa kanyang labi at ang saya ng mukha nya.

"Pamana sakin to ni lolo ang tower nayan." Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin sya sa tower. May nakita akong luhang lumabas sa kanyang mata kaya dali dali akong nilapitan sya at niyakap. Pinunasan ko ang kanyang luha.

Tumingin naman sya sakin at ngumiti ng mapait. Nakita ko ang kalongkotan sa kanyang mga mata at pangulila.

"Bata pa ako noon ng dinala ako ni lolo dito. Tuwang tuwa nga ako non eh' nung makita ko yang tower nayan. Palagi akong jan naglalaro kasama si lolo at natutulog kapag kasama namin si lola." Sabi nya at nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata habang nakatingin sa tower.

"Pero nung nawala si lolo. Para akong nawalan ng gana pang mabuhay. Si lolo lang kasi ang nag aruga sa akin nung bata pa ako. Sya na ang tinuturing kong ama at ang Lola ko naman ay tinuturing ko naring ina. Kasi simulat sapol nung niluwal ako ng tunay kong ina ay tinakwil na nya ko bilang anak. Demonyo daw ako at hindi nya daw ako tunay na anak kasi anak daw ako ng demonyo." Sabi nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para gumaan ang loob nya. Hindi ko kasi alam na may karanasan pala syang ganito sa kanyang ina na itinakwil siya bilang anak.

"Hanggang sa nabaliw ang ina ko. Kaya nya ako hindi matanggap bilang anak kasi bunga daw ako ng kamalasan sa buhay nya. Ginahasa ang inay ko. Naging rape victim sya noon at ako ang bunga ng paggahasa sa kanya ng ama ko." Bumuhos ang kanyang luha at humahagulhol na syang napaiyak. Para namang piniga ang puso ko dahil nasasaktan akong umiiyak si Matteo ng ganito.

Niyakap ko syang ng mahigpit at habang hinihimas ko ang kanyang buhok. Para syang batang umiiyak sa akin. Niyakap naman din nya ko ng mahigpit at humahagulhol sa balikat ko.

"Shhh.. tahan na matteo. Hindi ka nag-iisa nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan."

Suminghot naman sya na parang bata bago tinuloy nya ang kanyang sasabihin.

"Namatay ang inay ko dahil nag suicide sya. Ang sakit sa pakiramdam ng hindi ka tanggap ng ina mo bilang anak. Namatay sya na may galit ang loob nya sa akin. Kaya nung namatay ang ina ko ay ang lolo at lola ko na ang nag alaga sakin hanggang sa lumaki ako. Pero hindi rin nagtagal ay namatay din ang dalawang pinakamahal ko sa buhay. Sa edad na 18 ay nawala na ang lolo at lola ko. May sakit na dinadala si lolo, may cancer sya sa atay habang si lola naman ay may sakit na tumor. Sabay silang nawala at iniwan nila ako. Sobra nga akong nangulila nun eh. Bago pa pumanaw ang lolo ay binigay nya sakin titolo ng lugar na ito. At alam mong anong sinabi nya sakin. Dito ko daw itanan ang mahal ko at dito gumawa ng masayang pamilya." Sabi nya at ngumiti pa sa akin ng pilyo. Kumunot naman ang noo ko dahil sa inasta nya.

"Oh! Ba-baket ka ganyan makatingin sa akin Matteo." Ang natarantang sabi ko sa kanya. Nakatingin kasi sya sakin nang mariin.

"Kasi ikaw ang gusto kong maging ina sa aking mga anak. At dito tayo boboo ng masayang pamilya." Ang masaya nyang sabi at nagningning pa ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Nawala ang lungkot sa kanyang mga mata at napalitan iyon nang napakaaliwalas at masaya nyang mukha.. Napangiti narin ako dahil nakita ko syang nakangiti sa akin ang mokong.

"Che! Manahimik ka nga jan Matteo. Tandaan mo wala akong MATRES at hindi kita mabibigyan ng anak." Sabi ko at diniin ko pa ang salitang matres. Totoo naman talaga eh. Hindi ko sya mabibigyan ng masayang pamilya kasi hindi ako tunay na babae. Nalungkot naman ako dahil sa aking naiisip.

"Wala akong pake kung wala kang matres basta ang gusto ko ay ikaw ang ina ng mga anak ko. Hindi problema sakin kung hindi tayo magkaroon ng anak kasi pwede namang mag aadopt nalang tayo ng bata sa bahay ampunan para may anak tayong dalawa." Sabi niya at hinalikan nya ng malumay ang noo ko. Napapikit naman ako dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sayo bilang ikaw. Mahal na mahal ko talaga ang mokong nato. Sobra. I love him so damn! much.

"I love you." Ang sabi ko habang nakayakap parin ako sa kanya.

"I love you more." Sabi niya at pinatakan nya ng halik ang aking labi. Tinugon ko naman ang halik nya sakin. Sobrang saya ko na naging kami ni Matteo.

"Lets go." Sabi niya pagkatapos naming mag halikan sa loob ng kotse nya. Pareho kaming may ngiti sa labi.

"Okay." Sabi ko at ngumiti sa kanya ng pagkatamis. Pinatakan muna nya ng halik ang aking labi bago sya lumabas sa kotse at pinagbuksan nya ko ng pinto. Nahihiya naman ako dahil para naman akong babae nito kung ituring ni Matteo.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro