Chapter 15
"Stephen POV"
"LASING KA MATTEO. MATULOG KANA." Ang natataranta kung sabi sa kanya. Nakainom kasi sya eh. Alam kong hindi totoo ang pinagsasabi nya. Hindi nya ko maloko, straight sya at babae ang gusto nya.
"Nagsasabi ako ng totoo Stephen. Hindi kita pinagloloko. Mahal na mahal kita."
"Hindi yan totoo. Lumabas kana." Seryoso kong sabi sa kanya. Tinuro ko yung pinto palabas.
Hinawakan nya ang mukha ko at pilit na pinaharap sa kanya.
"Seryoso ako Stephen sa sinasabi ko. Totoo itong nararamdaman ko para sayo. Mahal kita Stephen..." Malumay nyang sabi habang nakatitig sya sa mga mata ko. Pinaling ko pakaliwa ang mukha ko kasi naiilang ako eh. Naiilang ako sa mga titig nya.
"Bukas na natin to pag-usapan Matteo. Lasing ka, kaya kung ano ano nalang ang lumalabas jan sa bibig mo."
"No. Ngayo---" pinutol ko na sya sa sasabihin nya at pilit ko syang pinatayo para makauwi na sya sa kabilang condo nya.
"Umuwi kana. Bukas na natin to pag usapan okay." Ang sabi ko at hinawakan ko ang kanyang braso at pilit na pinatayo sa pagkaupo nya sa sofa.
Ang bigat ng mokong nato. Magkakamuscle pa ako nito eh. Hindi parin sya tumayo sa kakaupo sa sofa at pilit parin nyang pinabigat ang kanyang katawan para hindi ko sya mapapatayo sa kakahila ko sa kanyang braso.
"Hindi ako uuwi. Dito ako matutulog ngayong gabi, tabi tayo." Seryoso nyang sabi sa akin. Umiling ako at pilit ko syang pinatayo pero parang walang effect eh. Ang bigat ng mokong.
"No. Hindi ka pwedi matulog dito Matteo. Umuwi kana." Ang naiinis kong sabi sa kanya.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng tumayo na sya at ngumiti sa akin. Binitawan ko ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso.
"Good. Umuwi ka----MATTEOOOOO......" Napasigaw ako sa pangalan nya ng bigla syang tumakbo papasok sa pinto ng kwarto ko. Natatawa pa syang binuksan ang pinto ng kwarto ko at napatingin sya sakin na may pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
"Good night, Stephen. I love you." Sabi nya sabay kumindat pa ang loko sakin bago pumasok sa loob ng aking kwarto.
Naiinis naman akong napasabunot sa aking buhok at nagpapadjak na parang bata dahil sa naiinis ako ng sobra sa lalakeng yun.
"Baby.. come here matulog na tayo..." Sigaw pa nya sa loob na lalong kinakulo ng dugo ko. Bwesít ka talaga Matteo kahit kaylan. Ang sarap mong ilibing ng buhay.
"Manahimik ka anímal ka. Matulog ka mag isa mo." Naiinis kung sigaw sa kanya pabalik. Arghhhh... bahala sya jan. Dito nalang ako matutulog sa sofa. Ayokong katabi syang matulog. Naiinis ako sa pagmumukha nya.
"Ang bango ng unan mo baby, ang sarap amoyin. Halikana dito sa loob, gagawa tayo ng baby..."
"Bahala ka jan. Manigas ka jan hinayopak ka..." Sigaw ko pabalik sa kanya. Naiinis akong napaupo sa sofa at kinuha ko ang unan na nasa gilid at yun ang inunan ko matulog. Humiga ako sa sofa habang kunot parin ang aking noo.
Totoo kaya yung sinabi nya kanina. Na mahal nya ko?
Nakapagtataka lang kasi eh. Straight kasi sya at bihirang na inlove sya sakin.
Tsk. Matulog na nga lang.
Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip eh.
"Matteo POV"
BAKET HINDI parin pumapasok si Stephen. Kanina pa ako kahihintay na pumasok sya. Nakahiga ako sa kama at nakatutok sa kisame.
Wala na bang urungan to. No. Mahal ko sya at hindi ako uurung na mapasagot ko sya ng matamis na oo nya sakin.
Susuyuin ko sya at kahit araw araw pa'ko syang ligawan para sagotin nya ko ay gagawin ko.
Damn. Patay na patay talaga ako sa kanya eh.
Nasaan na ba'yun. Kanina pa ako nag hihintay sa kanya pero hindi parin sya pumasok dito sa kwarto. Tsk. Naiinis siguro yun sakin. Ang baby ko talaga sobrang matampuhin. Hahaha...
Tumayo naman ako sa pagkahiga sa kama at tinungo ang pinto. Pinihit ko iyon at lumabas ng kwarto. "Asan na ba'yon?" Bulong ko.
Hinagilap sya ng mata ko at napatigil ako ng nakita ko sya na nakahiga sa sofa. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko ang kanyang maamong mukha.
Mahimbing syang natutulog at nakaawang ang kanyang labi na naghihilik.
Ang cute talaga ng mahal ko. Parang baby natulog. Tinitigan ko ang kanyang mahabang pilikmata patungo sa kanyang cute na ilong pababa sa kanyang manipis at mapulang labi niya.
Napatitig ako sa kanyang labi ng matagal. Nahalikan ko na tong labi nato. Pero parang naakit parin akong halikan sya kapag napatitig ako sa labi nya.
"Matteo." Sabi niya habang nakapikit parin ang mga mata nya. Damn. Pinapanaginipan ba nya ko.
Napangiti nalang ako ng wala sa oras at bumilis ang tibok ng aking puso.
"I love you." Bulong ko sa kanya at hinalikan ko sya sa kanyang noo.
Binuhat ko sya patungo sa kwarto. Pinahiga ko sya sa kama.
Pagkatapos kong maihiga sya sa kama ay aalis na sana ako para kumuha ng kumot pero nagulat nalang ako ng bigla nyang kong higitan pahiga at niyakap nya ko ng mahigpit habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib.
Napatingin ako sa kanyang mukha na mahimbing paring nakatulog. "Matteo, Dont leave me." Sabi niya habang nakapikit parin ang kanyang mga mata at mahigpit ang kanyang pagyakap sa akin.
Napangiti ako at hinalikan ko sya sa noo ng malumay. "Yes baby, Hindi kita iiwan, Matulog kana.." sabi ko at hinihimas ko ang kanyang malambot na buhok gamit ang aking kaliwang kamay.
Ilang oras ang lumipas ay tinigil ko ang paghaplos ko sa kanyang buhok at bumaba ang aking kamay sa kanyang bewang at mahigpit ko iyong niyakap.
"I love you baby. Goodnight..." ang bulong ko sa kanyang noo at hinalikan ko iyon bago ako kinain ng kadiliman.
****
Nararamdaman ko ang may malambot na kamay ang humahaplos sa aking mukha patungo sa aking labi.
"Ang gwapo mo talaga Matteo kaya nga nahuhulog na ako sayo eh." Bulong nya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Totoo ba'yung narinig ko na nahuhulog sya sakin. So may gusto sya sakin at alam kong mahal nya ko kasi nararamdaman ko yun.
"Mahal kita Matteo. Sobrang mahal na mahal."
Kahit ang sarap ng idilat ang mata ko para halikan sya at yakapin sya ng mahigpit dahil sa nalaman ko pero gusto ko pang marinig kung ano paman ang sasabihin nya.
Nagkunwari talaga akong tulog pero ang totoo nyan gising na gising ang diwa ko. Gusto ko pang marinig ang kanyang matatamis na mga salita na sasabihin nya.
"Sana totoo yung sinabi mo kagabi na mahal mo ako. Kasi ako. Sobrang mahal na mahal kita at gusto kong maging tayo."
Shít nakakakilig. Ngayon ko lang to naranasan ang kiligin. Hindi ko alam kong baket hindi ko to naranasan ang ganito noong naging kami ni Bhea. Hindi ko alam kung baket.
Tsk. Past is past. Hindi ko na sya mahal. Ngayon ang mahal ko ay itong katabi ko at nag confess ng feelings nya para sakin.
Lagot ka talaga sakin Stephen. Pinahirapan mo pako kagabi. Akala ko hindi mo ako mahal pero akala ko lang pala yun at nagkakamali lang pala ako.
"I love you Matteo." Mahina nyang bulong pero dinig na dinig ko parin ang masarap pakinggan na salita nayun galing sa kanya.
"I love you too. Baby." Ang nakangiti kong tugon at dinilat ko narin ang aking nakapikit na mata.
Nasilayan ko ang gulat sa mukha nya at ang pamumula ng pisnge nya. Natatawa naman akong nakatingin sa kanya.
Nahihiya pa nyang tinago ang kanyang mukha ng unan. Napangiti nalang ako dahil sa kakyutan ng baby ko.
"Tumingin ka nga sakin." Sabi ko at pilit kong kinuha ang unan na nakatakip sa kanyang magandang mukha.
"Ayaw ko. Nahihiya ako eh." Sabi pa nya at tumalikod sa akin. Hinawakan ko naman ang kanyang bewang at yinakap ko yun ng malambing.
"Narinig mo ba lahat ang sinasabi ko." Sabi nya na hindi nakatingin sa akin. Nilapit ko naman ang mukha ko sa kanyang batok at hinalikan ko yun. Ang kinis talaga ng baby ko.
"Oo lahat.. nagpanggap lang akong tulog baby baket?"
"Ohmygosh! Nakakahiya.."
"Baket ka naman mahihiya sakin baby. Alam mo namang mahal na mahal din kita eh. Kagabi ko pa sinabi sayo pero hindi ka naniwala." Sabi ko at dinampian ko ng halik ang kanyang makinis na balikat. Napaigtad naman sya sa ginawa ko.
"Lasing ka kasi kagabi eh."
"Baket ang mga lasing ba hindi nag sasabi ng totoo.
"Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang kasi yung malinaw at hindi ka lasing na nagsabi ng mah--- Uhmmm.. yu-yung...... ahhhhm..basta yung sinabi mo kagabi."
Natatawa naman akong pinaharap sya sakin at dinampian ko ng halik ang tungki ng cute na ilong nya.
"Nagsasabi ng???? Ano yun?" Kunyari kong hindi ko alam pero hindi ko parin mapigilan ang mapangiti dahil sa kasiyahan.
"Ahhh... basta yung sinabi mo kagabi Matteo."
"Ano nga yun??"
"Nakakahiya kasi eh."
"Wag kanang mahiya baby. Sabihin mo na."
Nahihiya pa syang napakamot sa kanyang ulo at napayuko.
"Yung Mahal kita." Mahina nyang sabi na ikinagiti ko.
"Ano yun? Hindi ko narinig, pakiulit nga." Ang sabi ko kahit narinig ko nayong sinabi nya pero gusto ko kasing marinig ulit kasi ang sarap sa tenga pakinggan.
"SABI KO MAHAL KITA." ulit nya at sobrang ang sarap sa tenga pakinggan. Napangiti naman akong nakatitig sa kanya.
"Mahal din kita." Sabi ko at hinalikan ko ang kanyang nakaawang na labi. Napapikit sya habang ninamnam namin ang tamis ng halik namin sa isat isa.
Pagkatapos ng halikan namin ay dinampian ko ng halik ang kanyang noo.
"Mahal na mahal kita Stephen. Sobrang mahal na mahal." Seryoso kong sabi habang nakatitig ako sa kanyang magandang mga mata. Nangingislap iyon habang nakatitig din siya sa akin.
"Mahal na mahal din kita Matteo. Sobrang mahal na mahal." Nakangiti nyang sabi at hindi ko mapigilan ang halikan sya ulit sa kanyang labi. Naadik na siguro ako nito.
Pero hindi sa droga o bisyo kundi sa kanyang mapulang labi na ang sarap halikan. Hindi talaga ako mag sasawang halikan ang labing yan araw araw.
Kumalas ako sa aming halikan at hinawakan ko ang kanyang makinis na mukha at nagkatitigan kami sa isat isa.
"So tayo na." Nakangiti kong sabi sa kanya. Masaya naman syang tumango at ngumiti sakin ng pagkatamis tamis.
"Oo. Tayo na Matteo."
"Walang bawian yan hah. Girlfriend na kita at Boyfriend mo nako."
Natatawa naman syang hinampas ang balikat ko.
"Hindi naman ako babae ah. Kung makagirlfriend ka jan. Tandaan mo wala akong puke." Natatawang sabi nya.
"Wala akong pakealam kung hindi ka babae basta girlfriend na kita. Ituturing kitang prinsesa at dapat ituturing mo rin akong prinsepe mo."
"Ikaw talaga Matteo puro ka talaga kalokohan."
Yumakap naman ako sa kanyang katawan at ganun din sya sakin.
"I love you baby." Sabi ko sa kanya.
"I love you too den Gwapong Unggoy." Tugon nya.
"Unggoy pala haa.." at kiniliti ko sya sa kanyang tagiliran. Natatawa naman sya pinigilan ako pero hindi ko pinigilan sa pagkiliti sa kanya. Ang sarap talaga sa feelings na kasama mo ang mahal mo. Diba? Diba bro...
"Hahahahaha... ta-tama na. Hahaha.. ma-matteo. Hahahah..." tawa nya na ang sarap pakinggan araw araw.
Ang sarap talagang mag mahal.
Magmahal sa taong mahal ka din.
#Officiallycouple
A/N: Anong kaya ang magandang combination ng name ni Stephen at Matteo?
Just comment kung anong gusto nyo. Hehehe...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro