Chapter 14
"Matteo POV"
HALOS KUMULO ang dugo ko dahil sa galit. Halos sipain ko ang basura na nasagilid ng dinadaanan ko.
Sya ba yung sinasabi na ka date nya. Bwesìt. Ang panget naman ng pagmumukha ng lalakeng yun. Mas gwapo pa ako dun.
Sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita ko si Stephen na may kasamang lalake. Hindi ko alam kung baket nagkaganito ako.
Oo i mean it mahal ko na sya. Kahit bakla sya, wala akong pake. Basta sa akin lang sya. His mine.
Ang sarap sapakin ng kasama nya kanina sa restau. Ang sarap patayin at balatan ng buhay. Bwesít naiirita ako sa pagmumukha ng lalakeng yun.
I open the door of my car bago ako sumakay at sinara iyon. Pinaharorot ko iyon ng takbo patungo sa bar. Mawawala siguro nito ang sakit kapag magpapakalasing ako ngayon.
Pagkarating ko sa bar na palagi naming pinupuntahan ng tropa ko. Ay mabilis akong lumabas sa aking kotse at nilock iyon. Pumasok ako sa loob ng bar.
"Just give me a hard drink." Sabi ko sa bartender pagkaupo ko sa mahabang stole ng bar.
"Here sir."
"Thank you."
Mabilis ko iyong tinungga ng inom sa aking lalamunan. Nalasahan ko ang pait nito at ang anghang ng aking lalamunan.
Padabog ko namang inilagay ang martini glass ng maubos ko ang laman nun. "One more." Aniko sa bartender. Binigyan naman nya ko ng isa pa at mabilis ko iyong tinungga.
--
Sa aking pagkakalunod ng alak ay hindi ko na namamalayan ang oras. Gumabi na at Nararamdaman ko narin ang pagkahilo at ang pagkalam ng aking sikmura.
"I-isha paa.. hek* plsss.." Sabi ko sa bartender. Umiikot na talaga ang paningin ko at ang lahat ng taong nakikita ko ay hindi na malinaw sa paningin ko.
"Wag na po sir. Umuwi na po kayo. Sobrang lasing nyo na po."
Umiling naman ako na parang bata at napahawak ako sa aking sintido ng sumakit iyon.
"Hi-hindi pa hek* ako la-lashing. Bi-bigyan mo hek* pa-pa ko ng isha pa. Hek*"
"Wag na po sir. Umuwi na po kayo." Pakiusap nya sa akin.
"A-ayaw. Hek* bi-bigyan mo pa ko. Hek*."
"Oh! Ikaw pala yan matteo. Baket mag isa kalang. Hindi mo lang kami tinawagan para masamahan ka." Si mike na kakadating lang at inakbayan nya ko.
"Pr-pre hek* hi-hindi nya ko bi-bigyan ng isha pa. Hek*"
"Eh! Kasi boss sobrang lasing na po yan at kanina pa yan dito." Sabi ng bartender kang mike. Napakamot naman ng ulo si mike at natatawa nya kung sinuri ang itsura ko.
"May problema kano.. Baket, anong problema Matteo at baket ka naglasing?" Tanong nya sakin. Nag flashback naman sa aking utak ang nakita ko si Stephen at ang kasama nya sa restau. Ang sweet nilang tingnan at sobrang saya ni Stephen sa lalaking yun. Kita ko sa bawat ngiti nya at sa paskislap ng mga mata nya.
Bigla namang nanumbalik ang sakit sa aking dibdib. Bwesít ang sakit eh. Parang pinipiga ang puso ko.
Hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang luha ko sa aking mga mata.
"Oy! Pre wag kanang umiyak. Para kanamang bata nyan eh! Akala ko ba hindi iyakin ang Matteo na kaibigan ko." Alo sakin ni Mike at hinihimas nya ang likod ko sabay tapik sa balikat ko.
"Baket ba bro. Ano bang nangyari at baket nagkaganyan ka?"
"Na-nagmahal kasi hek* pre. Sobrang sakit dito." Sabi ko at tinuro ko yung dibdib ko. Napailing naman sya at natatawa nyang ginulo ang buhok ko.
"Hindi ka paba nakamove on kang Bhea pre." Sabi nya na ikinailing ko. Hindi ko na mahal si Bhea at nakamove on na ako sa kanya.
"Eh. Baket ka umiiyak at naglalasing kung naka move on kana pala kang Bhea."
Yumuko muna ko sandali at naglakas ng loob ng sabihin ko sa kanya ang lahat. Makapagtiwalaan naman ang kaibigan kong to. Atsaka sya ang pinaka close ko sa lahat ng tropa ko at para na kaming magkapatid ni Mike.
Ayun nga pagkwento ko sa kanya lahat ay nagulat sya at nanlaki ang kanyang mata. Napayuko nalang ako dahil sa sobrang down ko na.
"Ayus lang yan pre. Kaibigan kaparin namin kahit nainlove ka sa isang bakla. Love wins nga diba at ang pag-ibig wala iyan sa kasarian kundi nasa puso iyan pre. Bilang isang kaibigan mo ay mag a-advice ako sayo Matteo makinig ka.
Ang dapat mong gawin pre ay sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mong pagmamahal sa kanya para malaman din niya.
Hindi naman sya manghuhula para malaman nyang mahal mo sya na hindi ka nagsasabi sa kanya diba. Kaya dapat ako sayo ay sabihin mo na yan para hindi kana masasaktan kapag may kasama syang iba at nasahuli ang pagsisi pre baka maunahan kapa.
Malay mo nga baka mahal karin nya. Kaya sabihin mo na pre. Wala namang mawawala sayo eh." Ang mahabang nyang pahayag sa akin. Para naman akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib dahil sa sinabi nya. Napangiti ako at nagpasalamat kang mike. Laking tulong talaga ang advice nya sakin.
"Sa-salamat hek* pre." Nakangiti kung pasalamat sa kanya. Ngumiti lang din naman sya sakin at tinapik ang balikat ko.
"Walang ano man yun. Sige na puntahan mo na sya at sabihin mo na ang nararamdaman mo para sa kanya. Kaya mo yan pre."
Tumango nalang ako sa sinabi nya at nag bro hug kami bago ako umalis sa bar at tinungo ang kotse ko.
"Stephen POV"
"THANK YOU FOR THE TREAT." Sabi ko kang Alexander pagkalabas ko sa kotse nya. Hinatid nya ko dito sa condo ko at sobrang saya namin ngayong araw.
Pumunta pa kasi kami sa mall at nag arcade kami doon atsaka nanood rin kami ng sine. Lahat iyon ay treat nya kaya wala akong ginastos kahit pisong duling.
Nahihiya nga ako sa kanya eh. Kasi ang laki ng gastos nya.
"Your always welcome Stephen. Sa susunod naman." Sabi nya na ang laki ng ngiti sa kanyang labi. Namumula naman ang pisnge ko dahil sa kanyang sinabi. May susunod pa pala akala ko last nato. Thanks lord for more blessings hehehe..
"Sige bye. Mag ingat ka sa pagmaneho."
Ngumiti lang naman sya sakin at kinindatan ako. Shít sobrang gwapo nya talaga.
"Opo mahal na prinsesa." Ang biro nya sakin. Natatawa naman ako sa kanya. Si Alexander talaga ang hilig mag biro.
"Bye and goodnight. See you tommorrow."
"Bye then see you." Ang nakangiti kong tugon. Sumalodo pa sya sakin bago nya pinatakbo paalis ang kotse nya.
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang naglalakad ako papasok sa aking condo. I unlocked the door of my unit before i open it.
Tiningnan ko ang aking relo pangbisig kong anong oras na. Its already 8:10 pm. Hindi ko mapigilang kiligin ng makita ko ang relo na binili sa akin ni Alexander kanina.
Oo siya ang bumili nito kanina. Sobra nga akong tanggi sa kanya kasi ang mahal kaya ng relo nato. Pero sya hindi talaga sya nag papigil eh. Sya pa nga ang nag sout nito sa akin. Nakakilig lang talaga. Wahhhh!!!.. Thanks lord for this wonderful and memorable day with my crush.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga ako sa kama. Niyakap ko ang aking unan at doon ko sinubsob ang aking mukha. Ohmygosh! I cant get over it. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na nag date kayo ni crush. Nasubukan nyo na bayun? Wala no... kasi wala kang jowa. Hahahah... Im joking sis.
Napagitla ako sa pagkahiga ko sa kama ng may kumatok sa pinto ng condo ko. Ang lakas kumatok eh. Parang gigibain nya talaga ang pintoan.
Nagsalubong naman ang aking kilay dahil dis oras na nang gabi. At wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.
Patuloy parin sya sa pagkatok sa pinto. Kaya wala akong choice kundi tumayo sa higaan. Lumabas sa kwarto ko at tinungo ang pintoan ng sala bago ko pinihit ang pintoan.
"St-stephen..."
Para akong natood sa aking kinatayuan ng marinig ko ang boses nya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ng walang dahilan.
Tumingin ako sa kanyang mga mata. Napakunot pa ang aking noo dahil mugto ang kanyang mga mata na para bang galing lang sa kakaiyak.
Amoy alak pa ang damoho. Anong nangyari kang Matteo? Baket nagkaganito ito?.
"Matteo baket. Dis oras na nang gabi oh. Ano bang nangyari sayo. Naglasing kana naman. Tsk. Amoy alak ka oh." Ang sunod sunod kung sabi sa kanya at pinapasok ko sya sa loob ng unit ko.
Pinaupo ko sya sa sofa. Pupunta sana ako sa kusina para kuhanan sya ng tubig pero hinawakan nya ang kamay ko.
"Stephen..."
"Bitiwan mo na ako. Kukuha lang ako ng maiinom mo." Sabi ko sa kanya. Tumango lang naman sya at binitawan na nya ang pagkahawak sa akin.
Dali dali akong pumunta sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Pumunta ako sa sala bitbit ang isang baso ng tubig.
"Oh! Ubusin mo yan." Sabi ko sa kanya at binigay ko sa kanya ang one glass of water. Ngumiti naman sya sakin.
"Thank you."
Ngumiti lang naman ako at ininom na nya ang tubig at naubos iyon. Kinuha ko sa kanya ang walang laman na baso sa kanya at nilagay ko iyon sa maliit na mesa gilid ng sofa.
"Oh! Baket. Anong nangyari sayo ba't nagpakalasing ka. Baket mugto yang mata mo? Umiiyak kaba Matteo? Tingnan mo nga yang sarili mo oh. Amoy alak ka sobra." Ang sunod sunod kong tanong sa kanya. Napangiti naman sya sakin at kuminang ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Ang sarap pakinggan na nag-alala ka sakin Stephen." Sabi niya. Nagsalubong naman ang aking kilay dahil sa pinag sasabi niya.
"Oo naman. Mahalaga ka sakin eh. Kaya nag alala talaga ako sayo." Ang nasabi ko nalang. Oo totoo yung sinabi ko. Mahalaga sya sakin at mahal ko sya. Pero hindi pwedi eh. Alam kung straight sya at para lang sya sa babae hindi sa binabae na katulad ko...
"Mahal kita Stephen. Sobrang mahal na mahal kita. Akin kalang.-----"
"Can i be your Boyfriend Stephen."
Seryoso nyang sabi sakin na ikinalaki ng mata ko dahil sa gulat. Sing bilis ng pagtakbo ng kabayo ang pagtambol ng puso ko ngayon. Shít totoo ba'to?. Hindi ba ako nanaginip.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro