Chapter 12
"Stephen POV"
"JUST CHOOSE WHAT YOU WANT TO EAT." Ang sabi ni Matteo sakin at binigay niya sakin ang menu. Inirapan ko lang siya dahil nabi-bwesit ako sa pagmumukha niya.
Hulaan nyo kung nasaan kami?
Nasa restaurant lang naman kami. Makulit kasi eh. Hindi naman sana ako papayag sa kanya pero wala talaga akong angal sa kanya. Binuhat nga pa nya ko palabas ng condo ko hanggang sa kotse nya.
Mapilit eh. Sinama niya lang pala ako para kumain sa restaurant nato. Tsk. Hindi parin nawawala ang inis ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Bwesit. Date nayun eh.. date with my crush. Naging bato pa. Nakakainis talaga.
"Hindi ako kakain." Naiinis kung sabi sa kanya. Bahala sya jan. Hindi ko talaga siya kikibuin. Ngumiti lang naman sya sakin at tinawag ang waiter ng restaurant.
Pagkalapit samin ng waiter ay binulungan nya ito. Ngumiti lang namang tumatango ang lalakeng waiter habang nakatingin sa akin.
Napataas naman ang aking kilay. Ano naman kaya ang pinag usapan ng mga dalawang to. Ako ba ang pinag usapan nila. Ang kapal ko namang mag assume.
"Okay sir." Sabi ng waiter kang Matteo at umalis na sa harap namin. Napatingin pa sakin si Matteo na may ngiti sa labi.
"Anong pinag-usapan nyo?" Ang tanong ko sa kanya. Umiling lang naman sya at hindi parin mawala ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Naiimberna ako sa ngiti nayan.
"Wala sa amin lang yun."
"Tsk.." inirapan ko lang naman siya. Kinuha ko ang phone ko sa pocket ng pants ko. Hingilap ko ang number ni Alexander sa contacts ko.
I sent him a message. Nag sorry lang naman ako sa kanya dahil hindi na tuloy ang dinner namin at gumawa rin ako ng alibi. Para hindi na sya madissapoint sakin.
After a hour ay tumunog ang phone ko. Mabilis ko naman iyong kinuha at nakita ko ang pangalan ni matteo at nagreply sya. Napahinga naman ako ng maluwag ng mabasa ko ang text.
Okay. I understand Stephen. Mag pagaling ka. Kumain ka at uminom ka ng gamot para gumaling ka agad.
Text nya sakin. Hindi ko naman mapigilan ang kiligin dahil sa pag alala nya sakin. Nag alibi kasi ako na masakit ang katawan ko at nilalagnat. May side sakin na nakonsensya ako kasi nag sisinungaling ako sa kanya na hindi naman talaga totoo na may sakit ako...
"Ehemn.." napabalik ako sa pagtingin kang Matteo. Nakakunot naman ang noo ko ng nakita ko ang seryoso nyang mukha.
Hindi ko napansin na may marami na palang pagkain na nasa harap ko. Oo andami talaga parang fiesta ah. Napatingin naman ako kang Matteo na nagtataka.
"Kanino to lahat?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko lang naman napansin na may naglagay ng maraming pagkain sa table namin. Siguro dahil busy ako sa kakatext kang Alexander kaya hindi ko napansin iyon.
"Sayo yan lahat. Kainin mo yan, alam kung gutom ka." Seryoso nyang sabi na hindi nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kanyang pagkain na 1 Brazillian Chicken roasted at isang rice yan lang ang sakanya. Samantalang sa akin ang dami nyang inorder.
"Ang dami nito Matteo hindi ko to maubos lahat."
Tumingin mo na sya sakin at nagpunas ng wipes sa kanyang bibig. "Kumain ka nga lang jan. Ang dami pang tanong." Naiinis niyang sabi sakin at pinatuloy na nya ang pagkain.
Inirapan ko lang naman sya dahil ang sunget niya. Walang akong choice eh. Kundi ubusin to lahat. Sana lang hindi ako mag tatae nito dahil sa kabusugan.
Nagsimula na akong kumain at mas inuna ko ay yung sisig. Pagtikim ko palang ay para akong lumulutang sa sarap. Hanggang sa nagpatuloy tuloy na ang subo ko ng pagkain.
Ang sarap pala ng pagkain dito hindi lang naman ako na orient para dito lang ako kakain kung tinatamad akong magluto sa condo.
Sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa ay tumunog ang door chines ng restaurant. Napatingin ako kang Matteo ng mapatigil siya sa pagkain at galit niyang tiningnan ang kakapasok palang nang dalawang tao sa restaurant.
Nagtataka naman akong napatingin sa kanyang tinitingnan.
At sa aking nakita ay biglang kumulo ang dugo ko dahil sa ex ko. Si dwayne may kasama syang babae tsk. Ibang babae namang kasama niya. Hindi nayung babaeng putok ang make up sa mukha na kasama niya sa mall.
Napatingin naman ako sa mukha ng babae at nanlaki ang aking dalawang mata dahil ex yun ni Matteo. Hindi ako nagkakamali siya ngayon.
Yes siya yun. Yang mukha talaga ang nasilayan ko sa mall ng nagmamakaawa si Matteo na makipag balikan sa kanya. Shit. Baket magkasama sila ni Dwayne anong ibig sabihin nito.
Bwesit. Kapag ako talaga makapag move on sayo Dwayne. Who you kanalang talaga sa akin.
"Matteo POV"
TAIMTIM kung tiningnan ang kasamang lalake ni Bhea. Siya ba yung pinagpalit niya sakin. Mas gwapo naman ako sa lalakeng yan. Tsk. Ang baduy.
Napatingin ako sa kasama ko nasi Stephen. Nakatingin din siya sa kasamang lalake ni Bhea. Nakita ko pa ang pag irap niya at narinig ko ang bulong niya.
"Mas masarap naman ako sa babaeng yan eh."
Hindi ko mapigilan ang matawa ng mahina. Kaano ano ba nya ang lalakeng yan at baket parang dragon tong kasama ko ng makita nya ang lalakeng kasama ni Bhea.
"Oh! Baket parang byernes santo yang mukha mo." Tanong ko sa kanya.
"May nakita kasi akong hindi kaaya ayang tingnan." Ang nasabi nya at nakapout ang kanyang labi. Ang cute ang sarap kurutin.
Napatingin naman ako sa kabilang table at doon umupo si bhea at ang kasama niyang lalake. Hindi ko alam kung baket hindi ko magawang magalit sa kanya dahil ang bilis niyang palitan ako sa buhay niya.
'Just move on bro. Hindi ka na nyan mahal.' Ang sabi ng utak ko. Yeah! I know that. Kahit hirap mang mag move on ay pipilitin ko parin. Alam kung walang pag asa na kaming magkabalikang dalawa ni Bhea. Yan ang palagi kung tinatak sa kokote ko.
Napatingin naman ako kang Stephen na wala sa mood at hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa pagkakunot nito.
"Diba ex mo yun baket hindi mo puntahan at sapakin ang kasama niya." Ang sabi niya at diniin ang huling salita. Napatawa naman ako dahil sa sinabi nya.
"Wala na akong pake sa kanya." Ang sabi ko at kinuha ko yung kutsara na may lamang kanin at ulam. Nilapit ko ang kutsara sa bibig ni Stephen.
"Say ahhhh.."
Ngumanga naman sya at kinain iyon. Napangiti naman ako ng walang dahilan. Kumain rin ako na gamit ang kutsara na sinubo ko kay stephen.
"Ex boyfriend ko rin kasi ang kasama ng ex mo." Sabi niya at nabulunan ako dahil sa sinabi niya. What the hell. Ex boyfriend nya pala ang lalakeng yan.
He gave me the one glass of water at mabilis ko namang ininom iyon. Nakahinga ako ng maluwag dahil nawala na ang bara sa lalamunan ko.
I wipe my mouth using my handkerchief. Tumingin ako sa kanya na may paghanga. "Ex mo yan?" Tanong ko ulit at tinuro ko yung lalake.
"Oo nga. Paulit ulit." Naiinis nyang sabi sa akin.
"Okay. Baket hindi mo sugurin yang ex mo." Sabi ko. Nag iisip naman siya sa sinabi ko at kalaunan ay biglang gumuhit ang malaking ngiti sa kanyang labi.
"Tama may naiisip ako." Sabi niya at kutob kung may balak na masama si Stephen dahil sa ngiti nayan.
"Nabayaran muna ba'to lahat?" Tanong nya. Tumango lang naman ako sa kanya.
"Good. Lets go." Sabi niya at tumayo na nasa pagkaupo sa stole. Nagtataka naman akong napatayo narin at pinigilan ko sya.
"Ubusin muna to lahat." Ang sabi ko sa kanya at nginuso ang natitirang pagkain nya. Umiling lang naman sya." Im full.." sabi niya.
Nagtaka pa ako ng tinalikuran nya ko at lumapit sya sa table nila Bhea. Kumunot naman ang noo ko dahil kang Stephen. Ano naman ang gagawin niya. Shit. May kutob akong masama.
Nanlaki ang mata ko ng umupo sya sa tabi nang ex nya at pinulupot nya ang kanyang kamay sa braso ng lalake.
Napatingin ako sa ex ko at nakita ko ang pagtaka ng mukha niya.
"Babe. Akala ko ba sasamahan mo ko sa bahay, wala ang parents ko. Kanina pa kita hinahanap at dito lang pala kita nakikita. Babe." Ang sabi niya sa ex niya at hinihimas nya ang dibdib ng lalake na parang nakakita ng multo dahil siguro kang Stephen.
Nasilayan ko ang pagkinang at saya sa mga mata ng ex nya. Parang kinurot ang puso ko dahil alam kung may pagmamahal pa ang lalakeng yan kang Stephen. Kita ko sa mga mata niya.
"STE-STEPHEN." Ang nauutal na sabi ng ex niya at ngumiti ito sa kanya. Shit. Baket parang pinipiga ang puso ko sa kanilang dalawa.
"Yes babe. Samahan muna ko." Ang sabi ni Stephen at napayakap siya sa braso ng ex niya. Fuck. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit. Napayuko ako dahil hindi ko kaya ang nakikita ko silang dalawa. Napahawak ako sa puso ko dahil biglang sumikip ito.
"So. May iba kapalang tinatago sa akin Dwayne. Ang landi mo talagang lalake."
Mabilis akong napatingin sakanila pabalik at nakita ko si Bhea na galit na galit ang mukha habang sinisigawan nya ang ex ni Stephen.
"Gago ka. Niloloko mo pala akong lalake ka. Bwesit ka." Ang sigaw niya sa ex ni Stephen. Nanlaki naman ang mata ng lalake dahil siguro natauhan ito sa kanyang ginagawa at nakalimutan nyang kasama nya pala ang girlfriend nito.
"Maghiwalay na tayo." Sigaw ni Bhea sa kanya atsaka niya ito sinampal ng ubod ng lakas. Napasinghap ang lahat ng tao dito sa loob.
"Fuck you. Wag kanang lalapit sa akin kahit kaylan.. ARRGGHHH...." Galit na sigaw ni Bhea at nagdadabog ito na umalis at lumabas ng resturant. Napatingin naman ako kang Stephen na lumalapit sa akin na may panalong ngiti sa kanyang labi. Pagkalapit nya sakin ay hinawakan nya ang kamay ko at hinala nya ko papunta sa pinto ng restaurant palabas.
Napatingin pa ako sa ex ni Stephen na ngayon ay nanlilisik ang kanyang mata na nakatingin sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kanya at pinatigil ko sa paglalakad si Stephen.
Nagtataka naman ang mukha ni Stephen na napatingin sakin pero hinalikan ko lang sya ng mabilis sa kanyang labi.
Tumingin ako sa ex niya at napangiti ako ng makita ko ang galit na galit nyang mukha. Sumaludo ako sa kanya na may nakakalokong ngiti.
Lumabas kaming dalawa ni Stephen sa restaurant na parehong may ngiti sa labi..
A/N: Please do votes and comments guys para ganahan naman akong mag update. ;-)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro