Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"Matteo POV"

"PRE! AYOKO NGA... BAKET BA ANG KULIT NYO." Galit kung sigaw sakanila. Pinilit kasi nila akong mag inuman kami mamaya sa club na pag mamay-ari ni Mike. Ayokong malasing sa kasal ko bukas at mas lalong ayaw kung hindi matuloy ang aming kasal ng fiance ko dahil lang sa kanila.

"Sige na pre." Si mike. Umiling lang naman ako sa kanya. Baka makagawa pa ako ng kasalanan sa fiance ko kapag malasing ako. Umaandar kasi ang aking pag-init ng aking katawan kapag ako ay malasing at yun ang hindi ko macontrol.

Last time na nalasing ako kasama ng mga ugok kung tropa ay nakagawa ako ng hindi maganda sa babae sa bar na ininoman namin.

Nagising nalang ako ng walang saplot pagkaumagahan kasama ang hindi ko kilalang babae na nakatulog sa tabi ko.

Tatayo na sana ako sa kama para maligo ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko silang tatlo na may ngisi sa labi. Kami na non' ng fiance ko nasi Bhea.

Nakiusap ako sa mga tropa ko na wag nilang sabihin kang Bhea ang nagawa ko. Ayaw ko na talagang mag inom ng alak kahit kaylan kasi madali akong matukso kapag malasing ako at ayoko nang mangyari ulit yung nagawa ko. Pinagsisihan ko nayun.

"Sige ka pre. Kapag hindi ka pumayag saamin mag inuman sasabihin namin sa fiance mo ang sekreto mo." Ani ni Jude na kinatango nila Mike at Basti. Yan ang ayaw kung mangyari.

Sinapak ko naman sila dahil sa inis ko. Pinagkaisan nila talaga ako. Natatawa naman silang inilagan ang mga kamao ko.

"Subukan nyo lang. Mapapatay ko talaga kayo." Galit kung banta sa kanila. Natatawa silang umalis sa condo ko.

"Pre! Tandaan mo ang sinabi namin. Kapag hindi ka sumipot lagot ka talaga sa fiance mo." Saad ni Jude at lumabas na silang tatlo sa condo ko. Natatawa pa silang lumabas tatlo na kinaigtingan ng mga panga ko dahil sa galit sa kanila.

Naiinis naman akong napasabunot sa buhok ko. "Subukan nyo lang..." Sigaw ko paglabas nila. Bwesit. 

"Stephen POV"

NAGISING ako dahil sa katok ng pinto. Mabilis ko namang tinapos ang paglilinis ko sa bagong unit ko na kakabili ko lang kahapon.

Nakasout lang ako ng sando at maikli na boxer short. Pinagpag ko ang aking kamay sa aking hita ko bago tumayo at binuksan ng pinto ang kumatok.

"Sino ya------" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pagbukas ng pinto ay mabilis akong hinalikan ni Dwayne ang boyfriend ko. Mabilis ko namang tinugon iyon.
Kumalas ako sa aming halikan at tiningnan ko ang mukha ng boyfriend ko. Hindi talaga akong magsasawang titigan ng matagal ang mukha ng mahal ko.

May matangos na ilong pababa sa kanyang mapupulang makakapal na labi at sa gilid nito ay malalim syang dimples doon na lalong kinapogi nya. May paturok narin syang bigote sa kanyang panga.

Tumaas ang tingin ko sa kanyang mapungay na mga mata at sa kanyang makakapal na kilay. Ang swerte ko talaga sa kanya dahil ang gwapo nya at idadag na yung kabaitan nya.

"Oh! Mahal napadalaw ka?" May ngiting tanong ko sa kanya. Sinara ko ang pinto at pinatuloy ko sya sa sala. Umupo sya sa sofa at umupo narin ako sa tabi nya.

"Na miss ko kasi ang mahal ko." Malambing nyang sabi sa akin. Kinilig naman ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko mapigilang dampian ng halik ang labi nya.

"Ako din naman mahal. Sobrang sobrang namiss kita." Nakangiti kong ani sa kanya. Yumakap sya sa bewang ko at sinubsob nya ang kanyag mukha sa aking leeg.

Nakiliti ako dahil sa patubong balbas nya na tumama sa aking leeg. Natatawa naman nya iyong kiniskis sa aking leeg na halos na ikinamatay ko sa kakatawa dahil sa kiliti ng dinulot nito.

"Hahahaha... ta--ma na... hahaha...." Natatawang pautal na pigil ko sa kanya. Napabitaw naman sya sa pagkiskis ang bigote nya sa akin at tumingin sya sa akin.

"Mahal kaylan ba tayo gagawa ng baby..." Parang batang sabi nya na ikinatawa ko. Bwesit tong lokong to. Gagawa ng baby? Wala naman akong matres.

"Manahimik ka jan Dwayne. Wala akong matres para mabigyan kita ng anak." Aniko at pinandilatan sya ng mata. Na ikinanguso nya.

"Okay lang naman sakin kahit na walang tayong anak eh! Basta mahal pagbigyan mo naman ako sa pangangaylangan ko." Seryosong wika nya sakin. Hindi pa kasi ako handa na makipag sex sa kanya. 5 years na kaming mag jowa pero hindi pa nya ko nagalaw kasi hindi pa ako handa ganoong bagay.

Ngumiti naman ako sa kanya dahil sa kanyang kakyutan ng mahal ko kapag nagtatampo. Hinawakan ko ang kanyang chin at pinharap sa akin.

"Hindi pa kasi ako handa mahal eh! Pero pag isipan ko pa. Baka sa aniversary natin mahal baka ibigay ko na sayo iyong hinihiling mo." Nakangiting sabi ko sa kanya na kinaliwanag ng mukha nya.

"Talaga mahal sa aniversary natin?." Masayang ani nya. Tumango naman ako bilang pag sang ayon. Dahil sa kanyang kasiyahan ay mabilis nya akong hinalikan sa labi.

"Talagang talaga." Nakangiting tugon sa kanya bago namin pinagsaluhan ang bawat halik namin sa isat isa.

"Matteo POV"

PUMASOK ako sa banyo para maligo. Mapapatay ko talaga ang mga iyon kapag malasing ako at may magawa naman akong maging kasalanan ko sa aking fiance.

Pagkatapos kung maligo ay lumabas ako sa banyo na walang saplot at kinuha ko ang twalya sa kama. Mabilis kung pinatuyo ang aking katawan gamit ang tuwalya na pinahid ko sa aking basang katawan.

Kinuha ko ang aking black calvin klein na boxer ko at sinout iyon. Sunod ko naman ay pantalon at ang white t-shirt na may malaking check ng logo ng nike sa harap nito.

Napatingin ako sa aking cellphone na tumunog ito nasa kama. Dinampot ko naman iyon at sinagot.

"Hello. Hon..." Aniya sa kabilang linya. Si Bhea ang fiance ko.

"Hi hon. Baket napatawag ka?" Aniko sa kabilang linya. Narinig ko ang kanyang pag buntong hininga.

"Wala lang. Na sobrang excite lang ako para bukas." Aniya na ikinangiti ko. Ako rin naman eh. Sobrang na excite na ako para bukas sa kasal namin pero ang hadlang lang talaga sa kasiyahan ko ay ang mga asungot kung tropa.

"Yes hon. Im excited to.." Aniko sa kanya at kinuha ko ang aking sapatos sa ilalim ng kama.

"Okay hon. Ibaba ko nato kaylangan ko nang mag beauty rest para maganda ako bukas." Aniya na ikinatawa ko. Sinuot ko ang aking sapatos sa aking paa bago sinagot ang fiance ko sa labilang linya.

"Kahit na kulang kanang tulog hon. Maganda kaparin sa paningin ko." Sabi ko sa kanya. Narinig ko pa ang pag impit ng tili nya sa kabilang linya na kinikilig.

"I love you hon." Aniya.

"I love you too." Sagot ko na may ngiti sa labi. Pinutol na nya ang tawag namin. Mabilis naman akong tumayo sa pagka upo ko sa kama at lumabas na sa condo ko...

Pagkalabas ko palang sa pinto ay napatingin ako sa katabi kung unit. May nakita akong dalawang lalaking naghahalikan sa labas ng unit nya.

Nagyakapan pa sila bago umalis yung matangkad na lalaki. Napatingin sa akin yung maliit na parang tibo. Kaya napatitig rin ako sa kanya.

Natauhan lang ako ng irapan nya ko at pumasok na sa loob ng condo nya. Napailing nalang ako dahil sa kasungitan ng tibo nayun..

Lumakad ako patungong parking area. Pinindot ko yung remote ng kotse ko kaya tumunog iyon. Binukasan ko ang pinto nito at sumakay.

Sinukbit ko ang seatbelt sa katawan ko at binuhay ang makina ng aking kotse. Pinatakbo ko iyon at palabas ng parking lot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro