3
After that night, Vito wasn't able to focus on his business. Kinukumbinsi niya ang sarili na baka dahil lang ito sa hiwalayan na naganap noong nakaraan sa kanila ni Delilah pero sino ang niloloko niya? Sarili niya lang din dahil alam niya na iba na.
'Hindi na nakakatuwa 'to' aniya sa kaniyang isip at hinampas ang lamesa. Napahilamos siya at mabilis na hinablot ang coat niya at isinuot iyon para lumabas.
Napatingin siya sa orasan, malapit na ring gumabi.
'Bukas na kaya ang bar na 'yun?' tanong niya sa isip.
Saktong paglabas niya ay nakasalubong niya ang nakangiting si Delilah, lumipat ang tingin niya sa kasunod nito.
Tumango si Lharkhon kay Vito kaya bahagyang itinaas niya rin ang kaniyang mukha.
"Vito! Are free?" tanong ni Delilah.
Tipid siyang ngumiti, "yeah, going somewhere?"
"Let's have a dinner!" masiglang pag-aya ni Delilah.
"Sure, let's go" ani Vito at nagsimula nang maglakad.
Sa isang malapit na restaurant lang sila kumain. Kaya naman pala inaya siya ng dating kasintahan dahil imbetado pala siya sa nakatakdang kasal nito at ni Lharkhon.
"Masaya ako para sa inyo," usal ni Vito.
"Salamat," halos si Delilah lang ang nagsasalita.
Hindi nag-tagal ay nagpaalam na rin ang dalawa kay Vito. Sumakay siya sa sasakyan niya at tinahak ang daan papunta sa lugar na pakay niya.
Gabi na, kaya maraming tao nang makarating siya.
Rinig na rinig sa labas ang ingay na nagmumula sa loob na sinabayan ng mga tinig.
'That deep voice... he's here!'
Ayan na naman ang nararamdaman niyang hindi maipaliwanag.
Pumasok na siya sa loob at nakipagsiksikan sa mga tao para maghanap ng maluwag-luwag na pwesto.
Katatapos lang ng isang kanta nito nang maka-upo siya sa isang sulok kung saan maluwag ay malaya niyang makikita ang estranghero.
Mahigpit ang kapit nito mikropono at nakapikit pa ang mga mata.
Napalunok siya, tinutuyuan nanaman siya ng lalamunan.
'Sa akin lang ba o ganito rin ang nararamdaman ng iba?' tanong niya na ang tinutukoy ay ang kakaibang nararamdaman niya sa tuwing makikita niya ang lalaki.
Tila naramdaman nito ang titig niya dahil dumilat ito at sa mata niya mismo ito tumingin.
Hindi magkanda mayaw ang bilis ng pagtibok ng puso niya nang tumaas ang sulok ng labi nito.
Bakit iba ang epekto nito sa kan'ya? Ano ba talaga ang nangyayari?
"No matter how far you are, i'll run to you, tesoro mio" he said while looking into Vito's eyes.
Hindi niya alam pero bakit parang para 'yun sa kan'ya?
'Tesoro... isn't it means treasure?' He asked himself.
"The city sky's feeling dark tonight
we're back to back with our heads down
Just look at me, give me more tonight
Just give me more of your love now..."
Vito never heard this song before but its beautiful. It made him calm a little.
"Cause you'll be safe in this arms of mine,
just call my name on the edge of the night
and i'll run to you..."
"I would run to you, if you want me to
just give me some kind of reason
I'll take the pain, take it all away
Give it some kind of meaning..."
Ipinikit ni Vito ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay hinihile siya ng boses nito. Ngayon niya lang narinig ang ganito ka lambot na boses ng lalaki.
"Let's let go,
let it be the start...
let's let go of our broken hearts"
Nagmulat si Vito at nakatingin pa rin ang lalaki sa kaniya. Tipid itong ngumiti sa kan'ya at pumikit.
"Even if it's gonna break me, love
gonna make my way to you
anyway it's gonna take me love,
I'll run to you"
saka pa lang ito nagmulat nang matapos ang kanta.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumaba na sa entablado ang lalaki kasama ang mga ka-banda nito.
Bigla'ng hindi mapakali sa kina-uupuan si Vito.
'What should I do? Papunta siya sa direksyon ko?' Naghuhumirando ang puso niya. Nagdadalawang isip pa siya kung tatayo ba o mananatiling naka-upo.
Kumunot ang noo ni Vito dahil nakatingin ang lalaki sa kan'ya at parang hindi man lang ito kumukurap.
Sa ibang direksyon dumiretso ang mga kabanda niya ngunit ano naman ang meron sa isang 'to na diretso lang ang hakbang palapit sa kan'ya?
Nahigit niya ang sariling hininga nang makalapit na ito sa kan'ya. And you know what's worse?
umupo ito sa tabi niya, sa tabi talaga. Dikit na dikit sa kan'ya kahit malaki pa ang espasyo ng inuupuan niya. Pakiramdam niya mas uminit ang paligid.
"Dude..." usal ng katabi.
Hindi niya alam kung siya ba ang kausap nito pero si Vito ang sumagot, "hm?"
"huminga ka," pigil ang ngiti na usal nito.
"Oh," was the only word that came out from his mouth before he gaped for some air. Vito groaned when he heard him chuckled.
"I'm Hugo Beckham," pagpapakilala nito habang nakasandal sa sofa at ipinikit ang mata.
"Vito, Vito Piero..." muli itong magmulat ng mata at pinagtama ang paningin nila.
"Hmm, nice name" papuri nito at ngumiti sa kanya.
"Yeah? Thanks" he replied at nag-iwas ng tingin.
"So, what brought you here?" Hugo asked casually.
"Hm, I don't know" Vito struggled.
"Oh, akala ko nandito ka dahil broken hearted ka?"
Hindi na lang niya sinagot ang katabi at hinayaan ang mga mata niya'ng gumala sa loob ng bar.
Vito felt the warmth in his hand, nang tignan niya iyon ay mabilis niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Hugo.
"What the hell?" He exclaimed and stood straight.
Maloko itong ngumiti at tumayo rin, mas mataas siya keysa sa binata kaya siya ang yumuko para magtama ang paningin nila.
"You're funny," he chuckled again before turning his back and began to walk away.
Nakatingin lang si Vito sa papalayong lalaki. Tahimik niyang pinapakalma ang nagwawala niya'ng puso.
Akala niya ay magtutuloy-tuloy na ito sa pag-alis ngunit hindi niya inaasahang lumingon pa ito sa kanya at malapad na ngumiti.
"Nice to meet you, Tesoro mio!" Hugo screamed and went out of the bar.
Parang naubos bigla ang lakas niya dahil napa-upo siya pa balik sa kung saan siya nakaupo kanina.
Napatingin siya sa dinaanan ni Hugo, "umalis na siya pero bakit parang ramdam ko pa rin ang presensya niya?" wala sa sariling tanong niya.
Umiling na lang siya at nanatili muna sa lugar na iyon bago napag pasyahang umuwi na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro