Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16

"Paano mo nagawang magsinungaling sa 'kin , Tesoro mio?  Wala akong ginawa kundi ang magpakatotoo sa 'yo?" puno ng hinanakit na bulong ni Hugo sa hangin habang nakatanaw sa binata mula sa malayo.

Pinahid niya ang mga luhang kumawala sa kaniya'ng mata habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kasintahang lumuluha rin habang nakatingin sa iba.

"Mahal mo pa rin pala siya... akala ko kasi ako na." dagdag ni Hugo at pilit ang tawang inilipat ang paningin sa taong iniiyakan ng kasintahan.

"Masayang-masaya ka sa piling ng iba habang 'yung taong mahal na mahal ka, nagdurusa at patuloy na lumuluha. Nagawa pa'ng magsinungaling sa akin para mapuntahan ka..." hindi siya galit, nasasaktan lang.

Paano nga ba umabot rito ang kwento?



Maagang gumising si Hugo at natuwa siya dahil naabutan niya'ng nag aayos ang kasintahan para pumunta sa trabaho. Pinanood niya ang bawat pagmamadaling galaw nito.

"Gusto mo ba'ng kumain muna?" tanong niya sa binata.

"Nah, magpapabili na lang ako sa sekretarya ko mamaya" tugon nito habang inaayos ang suot na necktie.

Sumimangot si Hugo, "Gagastos ka na naman, magluluto na lang kaya ako--"

"pwede ba?" asik nito at marahas siya'ng nilingon.

"'Wag mo muna akong guluhin ngayon. I really have to go. Mamaya na tayo mag-usap" nagmamadaling usal ng binata at hinablot ang coat nito at lumabas ng sariling silid.

Nagtataka man sa inaasta ng binata ay tumayo siya at inayos ang higaan. Nagpalit rin siya ng damit bago bumaba.

Sinundan niya ng tingin ang kasintahan na palabas na ng bahay. Huminto siya sa pang huling baitang ng hagdan at hinintay na tumunog ang sasakyan nito paalis.

Nang marinig ang papalayong tunog na nagmumula sa sasakyan ng kasintahan ay lumabas si Hugo at tinanaw ang sasakyang nakalayo na.

Huminto sa harap ng gate ang isang taxi kaya mabilis siya'ng sumakay at sinabi sa driver na sundan ang sasakyang na unang umalis.

Hindi niya inalis ang paningin sa sasakyan ni Vito. Iba ang daang tinatahak nila kaya alam niya'ng hindi sa kompanya ng kasintahan ang punta nila.

Hindi alam ni Hugo kung gaano katagal ang byahe basta na lang huminto ang taxi medyo malayo sa pwesto kung saan inihinto ng kasintahan ang sariling kotse.

Nanatili siya sa loob ng taxi habang hinihintay na lumabas ang binata. Lumabas ito pagkalipas ng ilang minuto at napansin niya ang pag iba ng damit na suot nito.

Naglakad ito papasok ng simbahan kaya mabilis siya'ng lumabas pagkatapos magbayad.

Puno ng pagtataka ang sistema ni Hugo dahil sa lugar.

"Magsisimba ba siya kaya siya nagmamadali?" takang tanong ni Hugo at naglakad palapit sa simbahan.

Papasok na rin sana si Hugo sa loob nang harangin siya ng dalawang naglalakihang lalaki na parang bantay.

"Where's your invitation card, Sir?" tanong ng isa sa kanila.

Kumunot ang noo ng binata, "kailangan pa ba ng invitation card para makapagsimba? Kailan pa ipinatupad 'yun?" nagtatakang tanong ng binata sa dalawa.

Nanatiling seryoso ang mukha ng mga kaharap, "kasalan ang nagaganap sa loob ngayon at hindi kami nagpapasok ng walang imbetasyon galing sa dalawang ikakasal"

"Sino ba ang ikakasal? Nakita ko kasing pumasok rito ang kasintahan ko" wika ni Hugo.

"Si Mrs. Delilah at Mr. Lharkhon Ferrus..."

Natigilan si Hugo dahil sa sagot ng lalaki. Kasal ni Delilah at ng asawa nito, iyon ang ipinunta ng kasintahan niya rito.

"Gano'n ba?" na lang ang na sambit niya.

"Kung magsisimba ka, hintayin mo'ng matapos ang kasalan. Malapit na rin namang lumabas ang bagong kasal kaya  hindi ka rin matatagalan sa paghintay" rinig niya'ng dagdag pa ng isa sa mga bantay.

Pilit siyang tumango, "pwede ba akong manood ng kasalan rito sa labas habang naghihintay?" ngumiti siya ng pilit sa dalawa.

Hindi nagsalita ang mga ito pero bumalik sila sa kani-kanilang pwesto kanina bago siya hinarangan ng mga ito.

Nasa gitna mismo ng dalawang pinto siya nakapwesto, kitang-kita pa rin niya ang masayang kaganapan sa loob. Nakikita niya rin ang kasintahan na nakatayo sa kanang bahagi ng simbahan.

Itinaas niya ang kamay na may hawak ng cellphone at tinawagan ang numero ng kasintahan bago inilapit sa sariling tenga ang gadget.

Nakita niya ang pagyuko ng kasintahan at ang pagkapa nito sa suot na itim na pantalon bago inilabas ang sariling cellphone. Ilang segundo rin nitong tinignan ang screen bago bumulong sa katabi at lumayo sa kung saan ito naka pwesto kanina. Ilang saglit pa ay sinagot nito ang tawag niya.

"Need anything?"  bungad ng binata nang sagutin nito ang tawag niya.

"Auh, itatanong ko lang sana kung gusto mo'ng dalhan kita ng paborito mo'ng adobo at sisig mamayang tanghalian. Magluluto ako e" sinikap niya'ng pasiglahin ang boses. Nagawa kaya niya?

Matagal bago makatugon ang binata, "hindi na, may luncheon meeting ako mamaya kasama ang mga business partner ko."

"Auh, gano'n ba? Sayang naman kung gano'n. Hayaan mo na baka may matira pa naman mamaya, pwede mo pa'ng makain mamayang gabi. Teka, nasa trabaho ka na ba? Safe ka ba'ng nakarating?" pag-iiba niya ng usapan.

Sa ikalawang pagkakataon, natagalan bago makasagot ang kasintahan.

"Yeah, ilang minuto na nga lang magsisimula na ang board meeting  ko with some of my panels"  the man replied from the other line.

Kumuyom ang kamao niya at bahagyang dumiin ang pagkakahawak sa cellphone.

"Gano'n ba? Goodluck, sige na. Ibaba mo na, paghandaan mo na lang ang meeting mo" usal ni Hugo.

"okay, bye..."  then the line died.

Nanghihinang ibinagsak ni Hugo ang braso at nanatiling nakatingin sa kasintahan na pinakatitigan pa ang cellphone nito ng ilang segundo at muling bumalik sa kaniyang pwesto kanina.

"Paano mo nagawang magsinungaling sa akin, Tesoro mioWala akong ginawa kundi ang magpakatotoo sa 'yo" puno ng hinanakit na bulong ni Hugo sa hangin habang nakatanaw sa binata mula sa malayo.

"Mr. Ferrus, Ms. Delilah, I know pronounce you husband and wife. Groom, you may kiss your bride"  the priest announced.

Nakita niya ang pagngiti ng kasintahan kasabay ng pagpahid ng sarili nitong luha. Hindi niya namalayang lumuluha na rin pala siya.

Pinahid niya ang mga luhang kumawala sa kaniya'ng mata habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kasintahang lumuluha rin habang nakatingin sa iba.

"Mahal mo pa rin pala siya... akala ko kasi ako na." dagdag ni Hugo at pilit ang tawang inilipat ang paningin sa taong iniiyakan ng kasintahan.

Nakangiti itong humarap sa mga tao pagkatapos nilang maghalikan ng asawa nito sa gitna ng altar.

"Masayang-masaya ka sa piling ng iba habang 'yung taong mahal na mahal ka, nagdurusa at patuloy na lumuluha. Nagawa pa'ng magsinungaling sa akin para mapuntahan ka..." hindi siya galit, nasasaktan lang.

"Ayos ka lang pre?" tanong ng isang bantay.

Pilit siya'ng ngumiti, "oo naman, salamat" tugon niya at tumalikod bago maglakad palayo.

'Hihintayin kong ikaw mismo ang aamin sa mga kasinungalingang sinabi mo, Vito'



Kasalukuyang nasa loob ng bar ngayon si Hugo wala silang gig pero ang bar ay isa sa lugar kung saan niya nahahanap ang kapayapaan. Wierd right? Masyadong maingay ang bar pero nahanap niya ang kapayapaan niya rito.

Gabi na at wala pa siya'ng balak umuwi, not until he received a text message from his lover.

Vito said he's at Hugo's place, mabilis na nilisan ni Hugo ang lugar para puntahan ang kasintahan.

Ilang minuto lang ang hinintay niya bago niya ihinto ang sasakyan sa garahe at nagmadaling pumasok sa loob ng condo niya.

Hinubad niya ang sapin ng kaniyang paa at isinuot ang tsinelas bago pumasok para hanapin kung saan ang kaniyang nobyo.

Dinala siya ng kaniyang mga paa sa sariling silid at doon niya nakita ang binata, nakahiga sa kaniyang kama.

Pero hindi ito nag-iisa, bahagyang nakapatong ang isang babae sa ibabaw ng nobyo niya at magkalapat ang mga labi ng mga ito.

"what the f*ck are you doing, Havina?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro