Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

End of Part One: Special Chapter

A/N: Yay! First of all, congratulations kasi nakaabot ka rito. Salamat sa pagsubaybay sa kwento nila Arvin at Randell.

Ngayon, papunta na tayo sa Part Two. Pero bago 'yon, gusto ko muna kayong pasalamatan sa pamamagitan nito.

This is a special chapter for OHILY's Part One. This part is no longer a one hundred word count. Mga 1,500 word count ang target ko so we'll see. Dahil, una, kating-kati na kong isulat ang mahabang version ng point-of-view ni Arvin. At pangalawa, gusto kong mabigyan ng justice ang title through this hehe.

Again, thank you! And enjoy reading~

XO,
Endee

x

END OF PART ONE:
SPECIAL CHAPTER

WHEN YOU fall in love with a certain person and you accidentally broke her heart, you will do everything just to get her . . . back. After you made a mistake, wala ka nang ibang hihilingin pa kundi ang maibalik ang tiwala niya sayo. Maibalik ang puso niyang nawasak mo. Kahit na ang kapalit pa nito ay ang paulit-ulit na pagwasak ng sarili mong puso.

It's been three months already since that day happened. The day when she, maybe, decided that she loved the wrong person. And that wrong person was none other than me.

Natapos ang third year college ko nang hindi niya pa rin ako pinapansin. Nang hindi niya pa rin ako kinikibo o kinakausap man lang.

At ito ngang bakasyon na, patuloy pa rin ako sa pagsuyo sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pagpapaliwanag tungkol sa nangyari nung gabing 'yon. Wala na kong pakialam kung pakinggan niya ko o hindi. Basta sinigurado ko na sinabi ko sa kanya lahat-lahat.

Kung paano ako pinuntahan ni Faye sa bahay. Kung paano siya nakiusap na for one last time ay samahan ko siya. Kung paano niya sinabi sa akin na buntis siya. Kung bakit niya kami nakitang magkayakap. At kung bakit ako nagsinungaling sa kanya.

Lahat 'yon ay paulit-ulit kong sinasabi sa kanya. Walang labis, walang kulang. Dahil gagawin ko ang lahat, maibalik lang ang tiwala niya. Maibalik lang yung dating siya. Yung siya na gusto pa ako.

"Randell, mahal kita." mahina kong bulong sa kanya. Magkatabi kami ngayon rito sa auditorium. Bago raw kasi makuha ang report card namin for 3rd year, 2nd sem ay kailangan muna naming um-attend sa isang forum.

Ang totoo niyan, hindi talaga ako ang katabi ni Randell. Si Kenneth dapat. Mabuti na lang at napakiusapan ko si Kenneth. Pagtabi ko sa kanya, wala man lang siyang reaksyon. Naka-focus lang siya sa harap. Ang sakit makita na yung taong gusto mo, wala nang pakialam sayo . . . hindi tulad noon.

"I love you, Randell."

Wala pa ring kibo.

"Saranghaeyo."

Ni hindi man lang gumalaw ang mga labi niya at sumilay ang ngiti na matagal ko nang inaabangan.

"Mo ai ni."

Nanatili ang poker face niyang mukha.

"Je t'aime."

Nag-react siya! Buntonghininga nga lang.

"Te amo."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humarap pagkatapos kong sabihin 'yon.

For the past three months, ngayon na lang ulit nagtama ang mga mata namin. Pero tulad ng dati, ganito pa rin ang epekto sa akin. Ang bilis pa rin ng pagkabog ng dibdib ko. Parang may sampung kabayo na nagkakarerahan sa loob.

"Randell—"

"Arvin, kahit magbanggit ka pa ng isang-daang lenggwahe ng salitang 'mahal kita—"

"Mahal din kita."

"Ganyan ka ba talaga kagago?"

"Randell . . ."

"Pagkatapos mo kong saktan, parang ang dali na lang para sayo ang sabihan ako ng 'mahal kita'. Bakit, sa mga ganyang salita mo ba nakuha si Faye?"

Natahimik ako. Ito ang kagustuhan ko, diba? Ang kausapin niya ko? Pero bakit parang . . . parang mas lalong nadudurog ang puso ko sa bawat salitang sinasambit niya?

"Arvin, I trusted you. Pero anong ginawa mo?" nag-panic ako bigla nang makita ko ang unti-unting pagbagsak ng mga luha niya. "Alam mo bang hindi lang tiwala ko ang winasak mo? Pati ito, Arvin." anya sabay turo sa kanang dibdib niya. "Pati itong puso ko, winasak mo. Hindi pa nga 'to tuluyang buo, eh. Pero wala . . . winasak mo na agad."

Hindi ako makapagsalita. Gusto ko siyang yakapin at paulit-ulit na humingi ng tawad.

Pero naisip ko, ano naman magagawa ng sorry ko? Mabubuo ba nito ang nawasak kong puso niya?

Hindi naman, diba?

"Randell—" Hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin dahil tumayo na siya at dali-daling naglakad palabas ng auditorium.

Wala na kong sinayang pa na oras at agad rin akong sumunod sa kanya.

Nakayuko siya habang naglalakad sa corridor. Patakbo na kong sumunod sa kanya pero sa di malamang dahilan hindi ko siya maabutan.

"Randell, hintayin mo ko!" pagsigaw ko non, bigla na lang siyang tumakbo. Kaya wala na kong nagawa kundi ang mas bilisan pa.

Hanggang sa huminto siya sa likod ng CAS (College of Arts and Sciences) building.

Ang kaninang unti-unting pagbagsak ng mga luha niya ay naging tuloy-tuloy na at nagmistulang waterfalls.

"Randell, naipaliwanag ko naman na sayo ang lahat, diba?" sabi ko habang nagka-krak ang boses. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang sarili. Pakiramdam ko ay maiiyak na lang din ako nang wala sa oras. "Ano pa bang kulang? Ano pang problema?"

"Arvin, walang kulang. I listened to your explanations. Inintindi ko. Naniwala ako."

"Pero?"

"Pero may problema . . ."

"Pwede bang sabihin mo sa akin kung—"

"Nasaktan mo na ako," mabilis niyang sambit. "Kahit pagbalik-baliktarin pa natin ang lahat. Nando'n pa rin yung fact na nasaktan mo na ako."

"Randell naman—"

"Aware ka naman siguro na sobra akong nasaktan nang makipaghiwalay si Patrick sa akin, diba? Aware ka naman siguro na sobra akong nawasak sa dahilan niyang hindi na niya ko mahal at may mahal na siya iba, diba? Aware ka naman siguro na . . . na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay takot na kong magmahal muli, diba?

"Pero, Arvin, sa kabila ng pagkatakot ko na mag-risk ulit, ginawa ko pa rin. Kasi nga . . . gusto kita. Gustong-gusto kita. You're not the perfect ideal boyfriend I've dreamed of pero nang makilala kita ng husto . . . nasabi ko sa sarili na baka ikaw na yung hinihintay ko. Ikaw na yung hinihintay kong bubuo sa nagkapira-piraso kong puso.

"Sa totoo lang, Arvin, hindi na kita gusto. Mahal na kita eh. Pero ayaw tanggapin ng sistema ko. Ayaw paniwalaan ng isipan ko. At ngayon ko lang na-realize kung bakit. Dahil alam ng isip ko na masasaktan na naman ako. Na kapag binigay ko na naman ang puso ko, muli lang itong mawawasak. At mukhang tama nga siya, Arvin. Tama ang isip ko."

"Randell, hindi ba pwedeng maayos pa natin 'to?" tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Sa mga binitiwan niyang salita, parang naging mga bala ito na isa-isang tumatama sa puso ko. "Hindi ba ko pwedeng humingi ng second chance?"

"I don't think so, Arvin. Nasaktan mo na ako. Nasaktan na rin kita. Nagkasakitan na tayo."

"Pero hindi pa nga nagiging tayo—"

"Exactly! Hindi pa nagiging tayo pero may ganito ng nangyayari. Isipin mo, kung tayo na sa mga oras na 'yon, sa tingin mo ba tayo pa rin hanggang ngayon?"

"Then give me a second chance, Randell. And I'll promise that this time, iingatan ko na 'yang puso mo."

"Hindi gano'n kadali ang hinihingi mo."

"Alam ko pero . . . pero hindi mo ba pwedeng subukan man lang?"

Lumuhod na ko sa harapan niya. Desperado na talaga ako. Hindi ako makakapayag na matapos ang araw na 'to na hindi man lang kami nagkakaayos. Na hindi man lang niya ko napapatawad. Na hindi man lang niya ko nabibigyan ng pangalawang pagkakataon.

"Pag-iisipan ko. Pero wag muna ngayon, Arvin. Pagod pa ako. Hindi pa kaya nitong puso ko."

Katahimikan. Panandaliang katahimikan.

"Tumayo ka na diyan, Arvin. Hindi ko deserve 'tong ginagawa mo."

Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha ko pagtayo. Saglit lang kaming nagkatitigan bago niya naisipang tumalikod at magsimula nang maglakad.

"I wish you liked me again . . ." mahina kong sambit pero sinigurado kong maririnig niya. Sandali siyang napahinto. ". . . like before, when you like me the most."

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. At nakita ko pa kung paano niya punasan ang mga luhang muling kumawala sa mata niya.

"Randell Valencia, I'll make sure to win your heart again!" malakas na sigaw ko nang kaunti na lang ay paliko na siya at hindi na siya masisilayan ng mga mata ko. Hindi ko alam kung naririnig niya pa ko pero kailangan kong mailabas ito. "Kung hindi sapat ang isang-daang salita na mahal kita, ipapakita ko na lang sayo. Ipaparamdam ko ang katumbas ng tatlong salitang iyon!"

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Hindi ko pa rin mapigilan ang pagkawala ng mga luha sa mata ko. Kaya hinayaan ko na lang ang mga ito.

"Hindi kita bibitawan, Randell. Hindi ako bibitaw. Duwag lang ang susuko sayo. At hindi ako gano'n. Kung kailangan kong magsimula ulit mula umpisa, gagawin ko."

At sa pagtalikod ko, sa hindi malamang dahilan nabigkas ko na lang ang mga salitang, "I love you, Randell. One hundred times."

A/N: OMG! Hooray for another author's note lol HAHAHA. Congrats ulit dahil nakaabot talaga kayo rito. Tuwang-tuwa ang kyot kong puso hehe.

So yon, announce ko lang ang ilang bagay tungkol dito.

I'll post the teaser for PART TWO tonight! Yes po, tonight (masyado ko kayong love eh). Then, the next update aka Chapter 51 will be posted next week. So OHILY will be back on track next week (maybe, around Feb. 18 - 22) kaya hintay-hintay lang.

For the meantime, magfo-focus muna ako sa Talk to Stranger and Crush, Crash. Kaya this week sila ang priority ko. Especially the CC. I'll update it tomorrow~

Ayon, maraming salamat ulit~ See yah on the next chapter!

XO,
Endee

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro