Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 95

"I'm sorry, Arvin . . . but I don't think I can really handle a long distance relationship."

"Are you breaking up with me, Randell?"

"No!" mabilis kong sagot. "Sinasabi ko lang na baka . . . baka hindi ko talaga makaya ang LDR. I really hate the idea of talking to you over the phone and not seeing you personally."

Muli kaming natahimik dalawa hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"I promise you . . ." pagsasalita niya. "I will do everything para maging matatag ang relasyon natin. Ang pag-aaral at ikaw ang priority ko. And don't worry, mag-iipon ako para kahit isang beses sa isang taon ay makauwi ako rito at—"

"No, Arvin. Don't do that. Ayaw naman kitang i-pressure ng gano'n."

"Hindi mo naman ako pini-pressure eh."

"Ayoko pa rin. You will go there para mag-aral at maabot ang mga pangarap mo. Ayokong maging sagabal sayo."

"Randell, kahit kailan hindi ka naging sagabal sa akin." anya. "Mahal kita, Randell. Mahal na mahal kita."

Kanina ko pa pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko. Pero nang bitawan niya ang mga salitang 'yon, hinayaan ko na silang dumaloy sa magkabila kong pisngi.

"Mahal din kita, Arvin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro