Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 91

Sunday.

I decided that today is the last day I will lock myself in my room. Bukas, papasok na ko. Simula na rin kasi ng practice para sa graduation. And I can't miss that!

Hindi ko rin naman pwedeng takbuhan at pagtaguan si Arvin nang matagal na panahon. That's a pathetic move. I should face him. I should face our problem.

Tahimik akong nagliligpit ng higaan nang buksan ni mama ang pinto ng kwarto.

"'Nak, can I talk to you?"

Sa nakalipas na araw, ilang beses akong gustong kausapin ni mama pero ako 'tong umaayaw. Pero sa tingin ko ngayon na ang tamang oras. I need her so-called words of wisdom.

"Sige po, 'ma. Pasok na lang po kayo." sabi ko at bahagyang umurong ng kaunti sa kama.

"Okay ka na ba ngayon?" bungad niya pag-upo sa tabi ko. "Kumusta na ang puso mo?"

"Medyo okay naman na po. Nabawasan na ng kaunti ang sakit."

Sa pag-uusap namin ni mama, nararamdaman kong unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Hinayaan niya rin akong umiyak . . . one last time.

"—pero, 'ma. Hindi ko po talaga alam kung kakayanin ko ang LDR."

"'Nak, mahal mo ba?"

"Opo . . ."

"Ayon naman pala, eh."

"Pero 'ma, hindi naman po sa lahat ng oras sapat na mahal ko siya at mahal niya ko, diba? Ang dami ko po kasing possibilities na naiisip sa apat na taong paghihiwalay namin. Paano kung makahanap siya ng iba? Paano kung magustuhan niya ro'n? Paano kung hindi na siya bumalik? The possibilities are endless, 'ma. Nakakatakot . . ."

"Randell, kung kayo talaga ang para sa isa't isa, kayo talaga. Gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para sa inyo."

"Hindi ko po alam, 'ma . . ."

"Basta tatandaan mo, kung sakaling may mangyari nga sa mga posibilidad na naiisip mo, sana hindi 'yon maging dahilan para mabawasan ang pagmamahal mo sa kanya."

After our talk, agad kong kinuha ang cellphone at nag-type ng text message para kay Arvin.

To Arvin:
Let's talk tomorrow after the practice

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro