Chapter 9
"May gusto ka nga kay Randell?" panunukso sa akin ni Jerome matapos niya kong mahuling natameme sa kanya.
"Wag nga kayong maingay baka marinig niya kayo." suway ko sa kanila habang nakatingin sa kabilang table kung nasaan nakaupo si Randell kasama ng kaibigan niya.
"Kailan pa?"
"Bakit hindi mo pa ligawan? Mamaya maunahan ka pa ni Kenneth diyan."
Kung wala lang talaga kami sa cafeteria ngayon, baka nasuntok ko na talaga ang dalawang 'to. Ang kukulit, eh.
"Jerome, gusto mo pustahan tayo."
"Tungkol saan?"
"Kung may gusto rin ba si Randell dito sa parekoy natin o wala."
"Sige, anong pusta mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro