Chapter 81
Kulang ang salitang gulat para sa reaksyon ko nang bumungad sa akin ang ginawang set-up ni Arvin sa rooftop ng hotel na pinuntahan namin.
It was . . . unbelievable and unreal.
Sa mga libro at palabas ko lang nakikita ang mga ganito. Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ito.
"Arvin . . ." maluha-luhang pagtawag ko sa pangalan niya.
"I love you, Randell." anya. "At isa 'to sa paraan ng pagpapakita ko kung gaano kita kamahal. I want you to know that I'm capable to do everything just to make you happy . . . even it's impossible as you thought."
Hindi ko na napigilan ang sarili at mahigpit ko na agad siyang yinakap. "Thank you, Arvin. Thank you . . ."
Pagkatapos kong kumalas binigyan niya ko ng isang mabilis na halik sa noo.
Niyaya niya na rin ako sa lamesang naka-set-up para sa aming dalawa. 5:30 PM pa lang pero ang ganda na ng view ng city lights na nasisilayan namin.
Hindi ko alam na may romantic side na gan'to pala si Arvin. Nag-uumapaw na naman tuloy ang kilig na nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro