Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Dahil sa pagsagot ko kanina sa board, walang humpay sa pang-aasar ang dalawa kong loko-lokong kaibigan. Minsan lang kasi na nakakasagot ako sa Math subject namin kaya gano'n na lang sila kung mag-react.

"Pre, ano ngang nakain mo at nasagot mo yung problem sa board?" pang-aasar na tanong ni Kobe.

"Kapag di pa talaga kayo tumigil, masusuntok ko na—"

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang makita ko siyang naglalakad palapit sa amin.

"Oh, ba't natulala ka na diyan?" kalabit sa akin ni Jerome.

"Wag kayong magulo, ah." pagbabanta ko sa kanila nang titigan nila ako ng nakakaloko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro