Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 76

Finals exam is fast approaching. Review week na namin ngayon at three days from now ay simula na ng buong linggong exam.

"Irish, ano nga—" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil hindi na si Irish ang katabi ko rito sa library.

"Anong ginagagawa mo rito?" nakataas na kilay kong tanong sa ngiting-ngiti na si Arvin. "Diba may usapan tayo?"

Dahil nga graduating na kami, napag-usapan namin na hindi muna kami magkikita hanggang sa matapos ang finals examination. Hanggang text, call, chat, at video call na muna. Para na rin makapag-focus kami sa lahat ng subjects. Nitong mga nakaraang araw, nasunod naman namin yon. Kaya nagtataka ako kung anong ginagawa niya ngayon.

"Miss na kita eh," mahinang bulong niya.

"Ako rin naman. Pero alam mo namang kailangan nating mag-focus—"

"Mag-date tayo after exam ah."

"A-Ano?"

"Let's date. Yung totoong date. Pinaghahandaan ko na yon."

"Seryoso ka ba?"

"Oo nga . . . please?"

"Oo na," natatawa kong tugon. "Pero nasaan si Irish?"

Pagkasabi ko non saktong nakita ko siyang naglalakad papalapit sa gawi namin. At bago pa siya tuluyang makalapit, kumaripas na ng takbo si Arvin.

"Malilintikan ko na 'yang boyfriend mo eh. Ginawa pa kong isahan para lang makausap ka." bungad ni Irish sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako kikiligin. Sa sinabi niyang "boyfriend" o sa paggawa ni Arvin ng paraan para raw makausap ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro