Chapter 70
Pakiramdam ko, isang kilo ang eyebags na naipon ko sa pagpupuyat kagabi.
Hindi kasi ako makatulog!
Dumating na kasi yung araw na ipapakilala ko na si Arvin kila mama. At sobra akong kinakabahan . . . as in.
"Parang mas kinakabahan ka pa sa akin," bulong ni Arvin nang makarating na kami sa gate ng bahay.
"Syempre! Alam mo bang maho-hotseat ka talaga mamaya? Lalo na kay mama or ate! Ewan ko na lang kay papa at kuya. Pero 'yon nga, kinakabahan talaga ako."
"Tara na, wag ka ng kabahan. I mentally take down notes lahat ng sinabi mo sa akin about your family kaya you don't need to worry."
Muli akong napabuntonghininga nang buksan ko na ang pinto at agad na tumambad sa akin ang pamilya kong mukhang kanina pa nakaabang sa sala.
"Oh, nandito na si Randell . . ." pagsasalita ni ate. ". . . at yung boyfriend niya." nakangising pagpapatuloy nito.
Okay, self. You need to remind me na may kailangan akong sakalin mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro