Chapter 68
"Kailan mo dadalhin dito, 'nak?" pagsingit ni papa matapos kong ipaliwanag ang kung anumang meron sa amin ni Arvin ngayon.
"Bakit po dadalhin eh hindi pa naman po kami?" frustrated na na tanong ko.
"Kaya nga, 'nak, pero syempre ayaw naming matulad na naman sa dati. Na kung kailan maghihiwalay na kayo saka mo pa pinakilala sa amin." ani mama kaya natahimik ako.
Dahil nga kasi ayaw nila akong mag-boyfriend, nilihim ko muna sa kanila ang tungkol sa amin ni Patrick noon. Tapos nung nagkaroon na ko ng lakas ng loob para ipakilala siya saka naman kami naghiwalay. Kaya galit na galit sila lalo na si mama.
"At saka mabuti nga na makilala na namin agad para makilatis. Kaya dalhin mo na agad dito sa lalong madaling panahon," ma-awtoridad na pahayag ni papa.
Tsk. Ginagamitan na naman niya ko ng pagiging sundalo niya. Kainis!
"Sa Linggo mo ipakilala sa amin para lahat tayo nandito pati na ang ate at kuya mo." sambit ni mama na parang nakapagdesisyon na siya.
Sa Linggo?! Agad-agad?
Shocks! Bakit parang mas kinakabahan ako kaysa dati?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro