Chapter 61
Kung nakamamatay lang ang pagtitig, paniguradong kanina pa pinaglalamayan 'tong si Rachelle.
Hindi niyo ko masisisi. She's obviously flirting with my guy and it's kinda irritating, so she is.
Nang magsabi kasi siyang gusto niyang magpasama kay Arvin, aba syempre hindi ako pumayag. Of all people, bakit kay Arvin pa siya magpapasama? Wala ba siyang kaibigan?
Pero mukhang nag-acting workshop siya dahil halos mapaniwala niya ang lahat ng nahimatay siya. Except sa amin ni Irish na halos sabay na napaikot ang mga mata sa kaartehan niya. At dahil nga mabait 'tong si Arvin, he insisted na samahan na namin si Rachelle.
Kung hindi lang ako masaya ngayon, baka naputol ko na ang kamay ni Rachelle na kung makahawak sa dibdib ni Arvin wagas. Naunahan pa ko ng gaga!
"Wag ka na magselos diyan, Randell. We're just friends."
"Excuse me? Sinong nagsabing nagseselos ako? Ang assuming mo ah."
"Ah, okay. Mauna ka na at babantayan ko na lang si Rachelle."
Napanganga ako sa huli niyang sinabi pero agad ko rin itong nabawi. "Sige, sa kanya ka na rin manghingi ng second chance ah." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Lumawak naman ang ngiti ko nang maramdaman kong sumunod siya at kumapit sa braso ko sabay sabing, "ito naman hindi mabiro."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro