Chapter 60
"Kayo na ulit?" 'yan ang bungad ni Irish sa amin pagkabalik namin sa waiting shed ng CAS building.
"Ayos naman, pareng Arvin! Nagkaayos na kayo ni mareng Randell?" pagsingit naman ni Jerome sa kung saan.
"Mare? Kailan pa kita naging kumpare?" natatawang tanong ko kay Jerome at in-ignore ang tanong ni Irish.
"Simula nang minahal mo ang pareng Arvin ko, naging mare na kita."
Awtomatikong namula ang magkabilang pisngi ko nang marinig ang sinabi ni Jerome.
"Lumayo ka nga rito, Jerome, kung anu-ano na naman 'yang kalokohan mo eh." inis na sambit ni Arvin.
Nagtalo pa silang dalawa na ikinailing na lang namin ni Irish. Parang mga bata. Nasa kalagitnaan sila ng pagtatalo nang sumingit bigla si Rachelle.
Oh, nandito pa pala ang babaeng 'to?
"Arvin, pwede mo ba kong samahan sa clinic? Bigla kasi akong nahilo eh."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro