Chapter 6
"Randell, may assignment ka na sa Algebra?" tanong ko nang tumabi siya sa akin.
Kapag first class kasi namin, hindi kami naka-alphabetically arrange. At dahil malabo ang mata niya, sa tabi ko ikaw umuupo.
"Meron na. Bakit?"
"Meron na?" pag-uulit ko. "Napag-aralan mo na agad? Grabe, ang talino mo talaga."
Ano ba 'yan! Wala naman palang kwenta ang pag-aaral ko. Hays.
"Hindi naman. Magaling lang din kasing magturo si Kenneth." nakangiti niyang sagot.
"Si Kenneth?"
Bakit nasama naman sa usapan ang lalaking 'yon? Ang epal naman.
"Oo. Sabay kasi kaming nag-aral kahapon. Tapos tinuruan niya ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro