Chapter 56
"Excuse me, pwede ko bang makausap si Arvin?" seryosong tanong ko kay Rachelle na nakukuha pang humagikhik.
Ako na ang naaawa sa boyfriend niya.
Napatingin ako sa gawi ni Arvin na hindi mawari ang reaksyon. "A-Ako? K-Kausapin m-mo?" utal nitong tanong.
Dahil do'n saka ko lang na-realize ang ginawa ko.
Okay.
Ano namang pumasok sa isip ko at lumapit pa ko sa kanila? Saka anong sabi ko? Gusto ko siyang makausap? Sinabi ko ba talaga 'yon?
"Ayaw mo ba? Okay, sige."
"T-Teka, gusto ko!"
"But Arvin, I thought we're-"
"Sorry, Rachelle. But Randell is my top priority now."
Palihim akong napangisi sa huling sinabi niya. Huh, note what he said, Rachelle! I'm his top priority daw. Ano ka ngayon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro