Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

"Sabi ko kasi sayo tama na eh." pailing-iling na sambit ko habang hinihimas ang likuran niya.

Halos tatlumpong minuto na rin kaming nasa labas at sampung minuto naman na siyang nagsusuka dito sa punong nakita namin.

"Bakit ka ba nagpapakalasing ng ganyan? Gano'n mo ba talaga kamahal ang gagong ex mo na 'yon?" hindi ko na mapigilang sabi.

Nakaupo na kami ngayon sa bench na nakita namin.

"Hindi."

"Eh bakit parang-"

"Ayaw niya kasi panagutan yung magiging anak namin."

"A-Ano?"

"Oo, Arvin. I'm two-month pregnant."

Kulang ang salitang gulat sa narinig ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya ang ginawa ko, niyakap ko na lang siya.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iyak nang mag-ring ang cellphone ko.

Randell is calling . . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro