Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

"Faye, tama na. Pangalawang bucket mo na 'to, oh." pagpigil ko sa kanya dahil halos ginawa niya ng tubig yung beer na in-order niya.

No'ng una tahimik ko pa siyang pinapanood. Hindi rin naman kasi siya nagsasalita eh. Ayoko rin namang mag-initiate kaya pinabayaan ko na muna siya.

Pero ngayong nakikita ko na parang wala talaga siyang balak tumigil, naisipan ko ng pigilan siya.

"Arvin . . . bakit gano'n kayong mga lalaki . . . sa una lang kayo magaling."

Nagsalita na siya! Umayos ako ng upo at pinakinggang mabuti ang mga lumalabas sa bibig niya.

"—pag nakuha niyo na yung gusto niyo, mang-iiwan na lang kayo sa ere."

"Hindi naman lahat."

"Gago! Ang gasgas na ng linyang 'yan."

Katahimikan.

"Sex lang ba talaga ang habol niyo?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro