Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

"Tangina, par, ang complicated naman pala ng love life mo." agad na komento ni Jerome matapos kong ikuwento yung nangyari kahapon.

"Hindi pala talaga si Patrick ang karibal, si Kenneth talaga." iiling-iling na sambit ni Kobe.

"Dapat bang umamin na ko?" wala sa wisyo kong tanong.

"Par, kahit ano namang sabihin namin, hindi mo naman susundin kasi may sarili ka ng pag-iisip." bulong sa akin ni Kobe. "Kaya mas mabuting 'yang puso mo na lang ang pakinggan mo."

"Tangina, Kobe! Nagiging love guru ka na ba?!" halos pasigaw na sabi ni Jerome sabay hampas kay Kobe.

"Ang sabi ng puso ko . . . magtapat na raw ako." mahina kong bulong.

"Randell!" nanlaki ang mga mata ko nang tawagin ni Jerom si Randell. "May ipagtatapat daw 'tong si Arvin sayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro