Chapter 23
"Nagkabalikan na kayo?" buong lakas kong tanong. Nandito kami ngayon sa coffee shop kasama sina Patrick at Sam.
Nag-CR si Sam habang yung Patrick naman ang nag-order.
"Hindi... pa." mahina niyang sabi na siyang nagpadurog ng puso ko.
"Pa?" tanong ko sa basag na boses.
Hindi na siya sumagot pa. Hanggang sa...
"Arvin, okay ba tayo?"
"H-Huh?"
"Tinatanong ko kung okay ba tayo?"
"Okay naman," sagot ko sabay pakita ng isang pekeng ngiti. Pero siguro ang puso ko ngayon, hindi okay.
"Mahal mo pa?" tanong ko at bago pa niya masagot 'yon, sabay nang bumalik sa table yung dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro