Chapter 2
Hindi ko pa siya nililigawan pero mukhang basted na ko. Paano, kung pakitaan niya kasi ng matamis na ngiti si Kenneth parang 'yon na ang tinuturing niyang mundo.
"Kenneth, patulong naman sa Algebra. May isang formula lang kasi akong hindi maintindihan, eh." pagsasalita niya.
"Hala, hindi ko rin maintindihan ang isang 'yan eh." sagot ni Kenneth habang kamot-kamot ang ulo.
Palihim akong natawa. Chance ko na 'to. Tatawagin ko na sana siya nang biglang may ma-realize ako...
Hindi nga pala ako magaling sa Algebra. At isa 'yon sa pinaka-ayaw kong subject.
Badtrip naman, oh. Makapag-aral nga mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro