Chapter 17
Friendly date.
Paulit-ulit na nag-echo sa isipan ko ang sinabi niyang 'yon.
Lalo lang ako naguguluhan sa ikinikilos niya. Hindi ko alam kung alam na ba niyang may gusto ako sa kanya o sadyang clueless talaga siya.
Ang hirap na rin kasi sa parte ko. Ayokong mag-assume. Ayokong masaktan. Masyadong risky lalo't na wala namang kasiguraduhan na mutual ang feelings naming dalawa.
"Gusto ko horror movie," sabi mo pagpunta natin sa sinehan.
"Di ka matatakot?" taas-kilay kong tanong.
"Ba't naman ako matatakot eh nandiyan ka naman, diba?" nakangiti niyang sabi sa akin.
Puso, kalma. Kailangang kumalma.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro