Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Abot tainga na ang ngiti ko nang sambitin niya yon sa akin. Pero agad din itong naglaho nang dugtungan niya ito ng...

"Hindi kasi kami magkasundo kung kaninong topic ang gagamitin namin. Gusto niya kasi yung kanya eh syempre gusto ko rin yung akin." mabilis niyang pagsasalita. "Eh kung ikaw naman kasi yung magiging partner ko, for sure magkakasundo tayo."

"Ah..."

"Kayo? May topic na ba kayo ni Sam?"

"Wala pa, eh. Bukas pa kami magsisimula."

"Bukas? Sabado bukas, ah."

"Oo nga."

"Saan kayo gagawa?"

"Sa bahay."

"Mo?!"

"Oo, bakit?"

"Ah, okay..."

Naguluhan ako sa reaksyon niya. Itatanong ko sana kung may problema pero bigla naman siyang nagpaalam na mauuna na siyang unuwi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro