Chapter 10
Hindi ko na nakayanan ang kalokohan ng dalawa kong kaibigan kaya iniwan ko na sila. Hindi ko na kasi kaya pang pakinggan na pinagpupustahan nila ako. Baka matuluyan na talaga sila sa akin.
"Arvin, psst."
Napatingin ako sa tumawag sa akin at laking gulat ko nang makita ko si Randell. Biglang nagwala ang mga tissue sa katawan ko.
"Randell? Anong ginagawa mo rito?"
"Napansin ko kasing di ka pa tapos kumain pero umalis ka na agad."
"Ah, 'yon ba. Pinagti-tripan kasi ako nung dalawa."
"Oh, eto." sabi niya sabay abot ng sandwich.
"Para sa akin 'to?"
"Oo. Baka gutom ka pa eh."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro