Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One Hell of a Stranger (one shot lang 'to! >_<)

para kay Mei. Sumaya talaga ako sa comment mo <3

--

"Who fucking needs men?! Magsama-sama sila. Mga pangit!" Maica said loudly, drawing the attention of people at the bar. May mga lalaking nagtaas ng kilay, some of them are even good-looking. Too good-looking in fact, that she wanna puke right then and there.

"Maica tama na. Let's go..." Alice—her friend, tried to snatch the glass of beer from her but she backed away. Napasuray sya ng marahan.

"No! Hindi ako lasing!"

"Maica..."

"Umuwi ka na nga! KJ!" She shooed Alice.

"Maica, tama na kase! Hindi mo na kaya! Stop drowning yourself with alcohol!" Sabi ni Alice na unti-unti ng nawawalan ng pasensya sa kaibigan. Nakailang baso na kasi ito ng inom, bagay na hindi dapat nangyayari.

They were invited at a party earlier that night pero tinopak si Maica. Inaway ang celebrant. Ayun, pinalayas sila. Akala ni Alice ay mag-aaya na ito pauwi. Nagulat na lamang sya ng dalhin sya nito sa isang bar.

She hates bars. Ayaw niya ng usok, tugtog at atmosphere ng lugar. Mabaho. Maraming lasing. Maraming bastos. But she has no choice dahil kaibigan niya si Maica and she would not want anything to happen to her.

Bakit nga ba nagkakaganito si Maica? Wala—may topak lang. Sa kadahilanang naiintindihan naman nya. Pero kase—sobra naman yata yung topak nya ngayong gabi?

"Fuck off Alice!" Sagot nito sa kanya sabay tungga. Her patience snapping, Alice grabbed Maica's arm and yanked her away from the crowd. Nagreklamo ito ng walang humpay at pinaulanan sya ng mura pero ininda na lamang niya iyon hanggang sa madala sa labas ang kaibigan.

"Get your filthy kill-joy hand off me!" Reklamo nito. Nagpumilit itong magpumiglas at ng bitawan niya ay napasalampak sa sementadong daan. Maica's dress hiked up, exposing her long, smooth legs that earned some whistle from the men outside.

Instead of getting up, pinanlisikan sya nito ng tingin.

"Bakit mo 'ko binitawan?!"

Nagpakawala si Alice ng bahaw na tawa at pinagulong ang mata. "Sabi mo get off?" Sabi niya sabay namay-awang.

"Fuck you!" Inis nitong sabi. Rinding-rindi na ang tenga ni Alice sa kamumura ng kaibigan. Dati naman ay hindi ito ganoon. Mas birhen-birhenan pa nga itong kumilos kesa sa kanya dati. Anyare? Wala—tinopak.

Nilapitan niya ito para itayo but Maica shooed her. Nagpumilit itong tumayong mag-isa—which she managed with a lot of almost falling moments.

Saka ito nagsimulang maglakad. Mabuti na nga lamang at sanay na itong mag-heels. Kung hindi ay baka nabungian na ito matagal na.

Sinundan niya ito.

"Maica! Where are you going?"

"None of your fucking business!" She yelled back, not even turning at her.

"Hey! Delekado! Baka kung mapano ka!" Maica responded by raising her middle finger. "Fine! Bahala ka sa buhay mo! Just don't go crying on my shoulder kapag na-rape ka!" inis na inis nyang sabi. Maica just waved. Sa inis niya, hinayaan na lamang niya ang kaibigan.

Ilang beses ng natapilok si Maica kaya naman napag-isipan niyang tanggalin na lamang ang sapatos. She sat on an empty sidewalk saka inalis ang mga sapin sa paa. Saka ito ibinato.

"Fuck you shoes! Wala kayong kwenta!" She huffed and glanced at the sky. Her blurry vision met the glimmer of the blue moon above. "Oh anong tinitingin-tingin mo dyan? Hilahin kita dyan eh!" Sabay taas ng kamay para bigyan ng pakyu sign ang nananahimik na buwan.

"Hindi bagay sa 'yo ang nagmumura." Narinig nyang sabi ng isang lalaki. She looked across the street and saw someone leaning against the wall. Nakapamulsa ito.

"And who the fuck are you?" She stood up ang crossed her arms. Then she tapped her foot, as if waiting for the guy's answer.

Instead of answering, he walked towards her. Ng malapit na ito, she raised her chin to meet his intimidating gaze.

"I'm just a nobody who happens to be concerned about your welfare. Don't you think it's too dangerous for you to be alone at this hour? Tapos lasing ka pa."

"At ano namang pakialam mo? Fuck off, will you?"

"Yang bibig mo, umaalingasaw na kamumura." Naiiling nitong sabi.

She raised an eyebrow. "And so? My mouth is my property so I can talk shit whenever I want!"

"It really doesn't suit you." Matiim nitong sabi.

"Who fucking cares?"

To her surprise, he grabbed her arm and pulled her closer to him. Napaimpit na lamang si Maica ng maramdaman ang mga labi nito sa labi niya—claiming her lips in a crushing manner. The alcohol seemed to be making her head a bit more lighter than the usual. And his kiss seemed to intensify the intoxication.

But she quickly got to her senses and pushed him. Bumitaw naman ito na parang hindi man lang nagulat.

"How dare you!" Panduduro niya dito.

"I only did that to shut you up."

"Oh fuck off!"

Nagulat na naman si Maica ng hilahin na naman sya nito at halikang muli. This time, his kiss was deeper, as if sucking the air out of her would make her come to her senses.

When he ended the kiss, pareho silang naghahabol ng hininga.

"Gah! You're impossible!" Reklamo ni Maica sabay suntok sa dibdib ng lalaki. Ngumiti lang ito sa kanya.

"Want some more?" he teased.

"Shut up!" Sagot niya saka pasuray-suray na naglakad palayo. Pero dahil sa lasing siya, hindi nya namalayang nasa tabi na pala nya ang lalaki at inaalalayan sya sa paglalakad.

"Get your hand off me!"

"Ihahatid na kita." Sagot lang nito sa kanya.

"I can manage!"

He chuckled. "Yeah, I can see that."

She glared at him, inis na hindi pa rin nito tinatanggal ang kamay sa braso nya.

"Why are you doing this?"

"Because I'm a gentleman." Sagot agad nito.

"Yeah right!" Sarkastiko niyang sabi. "You dare call yourself a gentleman after you kissed me out of the blue—twice?!"

"Like I said, I only did that to shut you up."

"What-ever!"

"Gusto mo bang buhatin kita?"

"No. At pakitanggal nga ng kamay mo!" She tried shaking him off pero mahigpit ang kapit nito sa braso nya.

"You might fall if I do."

"And why would you care?"

He shrugged—which made her even more irritated.

"Arrrgh! Get off me sabi you asshole!"

Tumiim ang bagang ng lalaki and much to her surprise, she was shoved against a tree on the sidewalk.

"Stop. Hating. On. Me." Mariin nitong sabi sa kanya. She met his angered gaze, her own anger rising up.

"Bakit? Wala ba akong karapatan? Sino ba ang nang-iwan? Sino ba ang umayaw?"

"Bakit? Sino nga ba? Sino bang tumapos ng lahat?"

"Sino nga ha?" Pagbabalik-tanong niya. "Ako ba ang nakipag-cool off? Ako ba ang nanghingi ng space?"

"Space lang yun! Bakit ka nakipag-break?"

"Eh dun na din naman ang punta nun di ba? Ayaw mo na sa 'kin! Idadahilan mo pa yang space mo! Fine! I gave you your fucking space! Leave me alone!"

"You know that's not true!"

She pushed him, her tears started falling. "Pinagbigyan na nga kita eh! Malaya ka na! Ano pa bang gusto mo? Natutuwa ka bang makita akong miserable ha? My god Lawrence! Wala ka bang puso?!"

Napalunok si Lawrence. Tiim pa rin ang bagang na nakatingin sa kanya.

"I went back to you didn't I? Ikaw itong hindi na ako tinanggap!"

"Ha! So ganun na lang yun? Babalik ka kung kelan mo gusto?"

"For God's sake Maica! Isang beses lang akong humingi ng space sa 'yo! Hindi mo pa ba 'ko mapatawad?"

Hindi nakasagot si Maica. Nakatingin lang sya kay Lawrence, unable to answer him. Aaminin nyang nag-freak out sya dati ng humingi ito ng space sa kanya. Mahal na mahal nya kase ito kaya hindi nya matanggap.

She started thinking bad things about herself. Things that he might have disliked. Nawalan sya ng tiwala sa sarili at sa kakayahang makipag-relasyon. Kaya ang simpleng space... nauwi sa hindi imikan ng isang buwan na hindi tumagal ay humantong sa break up.

Lawrence tried apologizing. He tried courting her again—pero umayaw na sya. She thought that he might leave her whenever he pleases and come back whenever it suits him—all because he can.

Mas pinili nyang makipaghiwalay kaysa maging kaawa-awa sa paningin ng sariling mata niya.

"Ano hindi ka makasagot? Tama ako di ba?"

Nagpahid ng luha si Maica. "Palagi ka namang tama. Sige ikaw na! ikaw na ang mabait! Ikaw na ang palaging tama!" She retorted bitterly.

"Kahit naman palagi akong tama, ako pa rin ang nag-so-sorry sa 'yo. Alam mo kung bakit? Kase mahal kita. Lahat ng mali mo, pinapalampas ko. When I said I needed space, I meant that I just need a breather, a time to think! Pero hindi ibig sabihin na sinusukuan na kita! Kase kahit ganyan ka, hinding-hindi kita susukuan."

"Oo ako na naman punyeta lang!"

"Stop cussing or—"

She chuckled. "Or what? Kiss me again?"

Hindi niya inasahan ang sunod nitong ginawa. Lumuhod ito sa harap nya. One knee—

"Or I'll ask you to marry me."

Natameme ng saglit si Maica tapos—tumawa.

"Havey Lawrence! Wapak!"

"I'm serious." Seryosong sabi nito na nagpatigil sa kanya sa pagtawa.

"Ows?" Taas-kilay nyang tanong. Pero nanlaki ang mata niya ng makitang kinuha nito ang isang tarheta sa bulsa. "L-Lawrence! Baliw ka ba?!"

"Siguro nga. Buut you know what? Nung ayaw mo ng magkabalikan tayo, saka ko naisipang bumili ng singsing. Naisip ko, kapag hindi ka pumayag na maging girlfriend ko ulit, I'll just marry you. Naisip ko din na parang isang malaking katangahan ang gagawin ko... kaso no return, no exchange yung binilhan ko ng singsing kaya hindi ko na maisauli. So I just carried this every day, wherever I go, hoping that someday, it will do its purpose. Well, might as well be now."

Nasapo ni Maica ang noo, hulas na hulas na.

"Oh my God! Are you fucking serious?"

"Yeah. And stopped cussing because one more cuss from you—mamamanhikan ako sa inyo bukas na bukas din!"

"Lawrence!"

"I'm dead serious Maica. So please say yes. Nananakit na ang tuhod ko."

"Agad-agad?!"

"Oo nga!"

"B-Bakit agad-agad? Di ba pwedeng manligaw ka na lang muna ulit?"

Lawrence sighed. "Saka na kita liligawan kapag kasal na tayo. Partida pa yun, habang-buhay kitang liligawan."

"Eeee naman eh! Lawrence!"

Unti-unting ngumiti si Lawrence. "Am I making you anxious Mai?" Tumayo ito at unti-unting lumapit sa kanya. Unti-unti ring lumalapad ang ngiti nito ng makitang nababahala sya.

"Stop toying with me!"

"For the last time Maica, I am dead serious."

"Why are you doing this?"

"Because I love you—must you state the obvious?" He said with a slight smirk. Maica blushed. Hinawakan ni Lawrence ang pisngi niya at dinampian iyon ng halik... saka siya niyakap.

"Gusto kitang alagaan. Gusto kong iparamdam sa 'yo na hindi ka nag-iisa. Gusto kong maranasan mo yung mga bagay na sanay naiparanas ko sa 'yo noon sa 'yo kung binigyan mo lang ako ng chance. Please let me do all that Mai."

Tuluyan ng napaiyak si Mai at niyakap si Lawrence ng mahigpit. Tapos biglang umulan...

"Shit!" Maica blurted saka ipinandong ang kamay sa ulo.

"I'll talk to my parents. Bukas, expect us at your house."

"Wait—what?!"

"I told you."

"Fuck!"

"That's it then. We're getting married next week."

"What?! Are you fucking insane?! I didn't even say yes!"

"You just did." He said with a smile.

"Ugh! You're impossible!"

"Kaya nga papakasalan kita." Sabi nito sa kanya.

"Huh? Ano'ng konek?"

"Wala lang." Sagot nito saka tumingala. "Tsk. Ang cliché ng ending—umuulan."

Tumingala din si Maica. "Oo nga eh. Hahalikan mo na ba 'ko?"

Lawrence chuckled. "I want to but no—next week na!"

Napamulagat si Maica. "So seryoso yun?"

"Oo nga. Sinabi ng seryoso ako eh. Kanina pa!"

 --

Alice watched as the couple went on their way. Nakaakbay si Lawrence kay Maica habang si Maica naman ay nakayakap sa bewang ni Lawrence. Laking pasalamat nya sa sarili at naisipan niyang tawagan ang topak ni Maica—si Lawrence.

They broke up a year ago or rather—she broke up with him.

Since then, naging bugnutin, palamura, walang-galang at palainom na si Maica. Walang dereksyon ang buhay. Si Lawrence kase ang navigator ng buhay nito. Ito ang palaging nagtatama ng daan nito. Without him—she was just so lost.

She sighed as she look at the happy couple. Paniguradong bukas—tatawagan na siya ni Maica para mag-sorry—at ayain na rin syang maging bridesmaid nito.

She giggled at the thought.

 

(inspired by the song We Are Never Ever Getting Back Together by Taylor Swift)

 oh yan ha... masaya na yan. ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro