Chapter 3
"Ang aga mong umuwi kahapon! Manlilibre sana ng fishball si Armin!" natatawang sabi ni Aya.
"Mamaya! Ilibre niyo ako!" nakangiti kong tugon.
"Pumunta kang mall kahapon?" Nagulat naman ako sa biglaang tanong ni Nicole.
"Ha? Hindi!" agad kong sagot at umiwas ng tingin, paano kasi naalala ko nanaman 'yong nangyari eh pilit ko ng hindi iniisip 'yon eh. Nakakahiya.
"Ha? Sayang! Edi hindi mo nakita 'yong bagong release na products ng Vice Cosmetics?"
"Hindi, mamaya nalang. Titingnan ko!"
Pareho kami ni Nicole na mahilig sa make-up at kung ano pang mga kakikayan sa buhay. Kpop fan din kami kung kaya't kahit anong bagay na related sa Kpop ang maencounter namin ay tuwang-tuwa agad kami.
Bukod sa nagsisimula na kaming magreview para sa exam ay wala namang ibang ganap buong araw.
"Tumawag si mama sa akin, may dadaluhan daw kaming dinner kaya mauuna akong umuwi. 'Yong fishball bukas Armin ha?" nagmamadaling bilin ni Nicole no'ng palabas na kami ng school.
"Awit, sige uuwi nalang din ako, manunuod pa ako sa netflix." dagdag ni Aya.
Sumimangot si Armin at bumaling sa akin. "Ano beks? Pati ba naman ikaw?"
Ngumisi ako at tumango.
"Sige na! Magsialisan na kayo, maghahanap nalang ako ng boylet!"
Tumawa ako. "Oo na! Tuwang-tuwa ka naman alam ko! Bye beks!" Bumeso ako sa kanya bago kami naghiwalay sa may overpass.
Sa Morayta ako sumasakay kaya binilisan ko na ang lakad ko papunta doon bago pa ako maabutan ng rush hour, ang hirap kasing makasakay kapag alas singko na.
Naglalakad ako sa R.Papa Street no'ng may nahagip ang paningin ko.
Omg! Siya ata 'yon! O baka naman namamalikta lang ako?
Agad kong sinundan ng tingin ang nakita kong nakaitim na hoodie jacket. Pareho rin ang bag niya sa nakita ko kahapon.
Susundan ko na sana pero napatigil ako.
Baka kasi magalit ang girlfriend niya.
Pero...
Pinaglaruan ko ang kamay ko habang nag-iisip. Bahala na nga! Magpapasalamat lang naman.
Tumakbo ako para masundan ko siya.
"Last na 'to, Ekay." bulong ko sa sarili ko habang sinusundan ko siya.
Wala naman akong gagawing masama, hindi ko naman siya aagawin sa jowa niya, hindi ko siya gusto...magpapasalamat lang talaga ako!
Kaya wala naman siguro akong dapat ikatakot kung lalapit ako, diba? I have a clean intention after all!
Mabilis siyang maglakad kaya hinihingal ako habang sinusundan siya. Napansin ko naman na kulay dark green ang pang-ibabang suot niya.
At base sa kung saan ko siya nakita kanina ay may napagtanto ako.
Sa FEU Tech yata siya nag-aaral!
Ano kaya ang course niya? Engineering?
No'ng makarating na kami sa street kung saan ang apartment niya ay ginapangan uli ako ng kaba. Ano kayang approach ang gagawin ko? Ang hirap niyang kausapin eh.
Bigla siyang tumigil no'ng nasa may hagdan na kami ng apartment niya.
Eh? Hala! Baka alam niyang sinusundan ko siya. Hindi naman siya lumingon, pero may pakiramdam ako na kailangan ko ng ipaalam na ako ang nakasunod.
"K-Kuya..." kinakabahan kong sabi.
"Sorry kung sinundan kita. . . Ano. . . Aalis na rin naman agad ako, gusto ko lang magpasalamat at magsor—," naglakad ulit siya kaya halos patakbo akong sumunod sa takot na baka mapagsarhan nanaman ulit ako nang hindi pa tapos ang sasabihin.
"Wait lang po! Sandali lang!" Pero parang wala siyang narinig.
"Please talk to me." agad kong sabi no'ng sa wakas ay naabutan ko na siya. Nasa harap na kami ng unit niya ngayon.
Nakapamulsa naman siyang lumingon sa akin. Nakatakip ang hood ng kanyang hoodie sa kalahati ng mukha niya kaya hindi ko pa rin siya mamukhaan.
Napansin ko naman ang panginginig ng braso niya.
Galit ba siya o natatakot?
"Sorry...but don't be scared, hindi po ako nangangagat, promise!" I even chuckled to somehow ease the tension pero mas lumala pa yata.
Kaloka.
"Sorry...uhm, gaya ng sabi ko no'ng nakaraan, gusto kong magpasalamat sa pagtulong mo sa akin no'ng madaling araw na 'yon, tatanawin ko na malaking utang na loob sayo 'yon. Salamat din sa pagkain. And sorry...kung naoffend kita no'ng nakaraan, hindi ko sinasadya, gano'n lang talaga ako. Sorry ulit and thank you so much!" mabilis kong sabi dahil mukhang nagmamadali na talaga siyang pumasok.
Tumango lang siya at pagkatapos no'n ay pumasok na at isinara ang pinto.
Gosh!
Wala mang response, feeling ko okay na 'yon. At least tumango, diba?
Pero hindi ko mapigilang macurious...bakit kaya siya gano'n? I mean he's so aloof and cold. Introvert siguro siya, pero over naman yata ang pagkaintrovert niya. He doesn't even show his face on public, gano'n din kaya siya sa classroom nila? And he didn't even say something kahit isang letra lang kanina pero sure naman ako na hindi siya mute kasi narinig ko rin siyang nagsalita no'ng nakaraan.
Siguro mahiyain siya? Sobrang mahiyain. O baka takot sa tao? Ano na nga tawag do'n? Tsk. I'm not knowledgeable when it comes to psychology stuffs kaya hindi ko na talaga maalala.
Napasampal ako sa sarili no'ng marealize kung anong oras na.
"Lagot! Alas sais na!" Nagmamadali akong tumakbo at kagaya ng inaasahan ko ay nahirapan akong sumakay.
Buong weekend ay pagrereview lang halos ang ginawa ko dahil ayaw ko namang bumagsak sa exam. Mahirap na, baka mawalan pa ako ng scholarship.
"Kinakabahan ako sa exam, hindi ako nakapagreview no'ng weekend kasi ang ingay ng ginagawa sa bahay. Sana pala nanatili nalang ako sa dorm!" reklamo ni Aya.
"Huwag na kayong magreview, para sabay-sabay tayong bumagsak." natatawang sabi ni Nicole na agad namang binatukan ni Armin.
"Gaga! Huwag mo akong idamay!"
"Ako din!" dagdag ko saka ngumisi.
"Whooo! Sana all nagreview," komento ni Nicole bago magsimula ang exam.
Mahirap ang unang exam namin, halos mamatay na nga yata 'yong brain cells ko, partida major pa. Sana talaga pasado ako.
"Ang hirap hirap, sarap sakalin ni Ma'am." inis na sabi ni Armin na agad namang binatukan ni Aya.
"Marinig ka gago! Madamay pa ako!"
"Oy, Erika!" Lumingon ako no'ng may tumapik sa balikat ko at ang nakangising mukha ng kaklase kong si Julia ang bumungad sa akin.
"Hi!" nakangiti kong bati.
"Nakita kita no'ng Biyernes na dumaan sa apartment ng ate ko. May binisita ka roon?" inosente niyang tanong, naramdaman ko naman ang pagpalo ni Nicole sa pwet ko.
"Akala ko ba umuwi ka na no'ng Biyernes?"naniningkit na tanong ni Armin. Patay!
"Ah! May dinaanan lang na kaibigan no'ng highschool!" I am not sure if they'll buy that excuse pero bahala na!
"Talaga ba? Pakilala mo naman kami sa friend mo, ano pangalan?" pang-uusisa pa niya.
"Ah! Harl ang pangalan niya, pero babae 'yon!" Parang gusto kong sampalin ang sarili ko. Sorry Harl, I saw you last week kaya ikaw ang unang pumasok sa isip ko.
"Ah, gano'n? Tambay kami sa inyo minsan, Julia. Para hangout gano'n, imbitahan mo kaibigan mo." Nakangisi niyang sinabi sa akin 'yong dulo at tila alam ko na ang pakay niya.
Argh! He's trying to see if I'm lying.
"Hindi 'yon sumasama sa mga gano'n." naiiling kong dagdag. "Pero susubukan ko...tatanungin ko kung free siya."
"Exciting!" dagdag pa ni Nicole samantalang si Aya ay nakangisi na tumingin sa akin.
"Akala ko binibisita mo na ang jowa mo o 'di kaya ay iniistalk ang crush mo." natatawa niyang sabi kalaunan, iba talaga pag-iisip nito.
"Ang creepy naman! Wala nga akong crush! Kaloka!" agad kong tanggi. "Uuwi na nga ako! Ingat!"
Sa kakapalusot ko ay nakalusot nga ako sa mga tanong nila, pakiramdam ko ay naging eksperto na ako sa pagsisinungaling. Kailangan ko ng mangumpisal. Sorry, Papa God.
Kung pwede ko lang sabihin sa kanila...pero kasi kung sasabihin ko ang tungkol kay hoodie guy ay mapipilitan din akong sabihin sa kanila ang nanyari no'ng madaling araw na 'yon.
At ayaw kong sabihin sa kanila 'yon.
Speaking of the hoodie guy. Nasaan kaya 'yon ngayon? School pa rin? FEU Tech nga yata siya nag-aaral dahil sa uniform.
And uh., shoot! I didn't ask his name, pero siguro kung tatanungin ko ay hindi naman sasagot 'yon.
"Whoa! Taho!" Nasa harap ako ng FEU no'ng nakita ko si manong na nagtitinda ng taho.
"Pabili po, manong." Inabot ko na ang pera ko at eksayted na hinintay ang taho ko.
"Salamat po." nakangiti kong sabi.
Pagkalingon ko naman ay nanlaki ang mata ko.
"Hoodie!" Kumurap-kurap ako. I'm sure I saw him.
Nakita ko naman siyang tumatakbo patungong overpass sa Morayta.
Bakit 'yon biglang tumakbo? Kanina lang ay parang nakatayo lang siya ah?
Tumakbo na rin ako kahit na hindi ko alam kung bakit ba, alam ko namang hindi ako kakausapin non pero gusto kong subukan ngayon bigla.
Tatanungin ko lang ang pangalan niya.
Napangisi ako no'ng makita siyang nakatayo at nakatingin sa mga bumibili ng streetfoods sa P.Campa. Medyo malayo rin siya pero halata kung saan nakatingin kahit hindi kita ang mata.
Gusto ba niyang bumili kaso nahihiya siya? Aigoo!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Uy, hoodie!"
Nakangiti kong bati at gulat naman siyang lumingon, at no'ng makita ako ay binaba agad ang hoodie niya.
Ay, gagi! Ni wala nga akong nakita.
Lumayo rin siya at tila hindi mapakali ang kamay.
"Nandito ka pala, tara tusok-tusok?" Anyaya ko, trying my best to make him say a word.
Tumalikod naman siya pagkatapos kong sabihin 'yon. Hula ko, aalis nanaman 'to.
Bigla naman akong may naalala.
"Hoodie!" tawag ko sa kanya at napatigil naman siya ng sandali pero ipinagpatuloy pa rin ang lakad niya.
"Anong pangalan mo?"
Gaya ng inaasahan ko ay hindi nga siya sumagot.
"ANONG PANGALAN MO?" Pag-uulit ko pa, pinagtitinginan na ako ng iilan pero okay lang 'yon, hindi naman masamang words ang sinasabi ko ah.
Ngumiti ako sa kanila at nag peace sign nalang.
"Sorry." I mouthed.
Napangisi nalang ako habang tinitingnan siyang nagmamadaling maglakad habang nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay. Hindi naman ako umaasang magsasalita siya at natawa nalang ako no'ng makitang tumakbo pa siya.
'Yong seryoso, nakakatakot ba talaga ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro