Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine: The Times Square

➴➵➶➴➵➶➴➵➶
SCOUT

I'VE GOT ONE MORE DAY before I have to see Stella and pretend that I just returned from Manila.

I know what I did is... a total jerk move, but I really freaked out at the moment. Wala na akong maisip pa na ibang dahilan noong panahon na 'yun kung hindi ang magsinungaling nalang sakaniya dahil nag-panic ako.

And I swore to myself na babawi ako kay Stella dahil sa pagsisinungaling ko sakaniya. And that's why, I'm going to use this day to buy supplies for my surprise for her tomorrow, which of course with the help of Captain Mendez. Wala naman akong ibang pwedeng hingan ng pabor dito kung hindi si Cap lang.

"Baka kalokohan na naman 'yang hihingin mong pabor ha," sabi ni Captain Mendez sa kabilang linya. Tinawagan ko siya para sabihin sakaniya ang gagawin kong plano para bukas.

Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Hindi, Cap. Promise pambawi ko na 'to kay Stella." sagot ko habang napapakamot ako sa batok ko. Eksato ring bumukas ang elevator kaya sumakay ako doon. "Kailangan ko lang ng tulong mo Cap sa pag-decorate ng kuwarto ko."

"Kailangan mo pa bang magdecorate? Sisirain mo lang naman 'yun dahil sigurado akong maghapon kayong magkukulong ni Stella sa kwarto mo." Sagot ni Cap sabay tawa nang malakas.

"Kung hindi ko lang talaga kayo Captain, namura ko na kayo." Tumatawang sagot ko, "balitaan ko nalang kayo ulit bukas."

"Sige lang. Pagod na rin akong gumala dito sa New York."

"Bakit, sumasakit na ba ang mga kasu-kasuhan niyo, Cap?"

"Gago. Bata pa ako." Agad na sagot niya at sabay kaming tumawa. Nagpaalam na rin ako kay Cap nang bumukas na ang elevator sa ground floor ng hotel at naglakad na ako palabas.

Mabuti nalang talaga at nandiyan palagi si Cap na maaasahan sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong tinulungan ni Cap. Kaya rin siguro single 'tong si Cap dahil mas inuuna niyang tumulong sa love life ng iba kaysa sa sarili niya.

Nakapag-research na ako kanina, bago ako umalis sa hotel kung saan ako pwedeng mamili ng decorations. Balloons, flowers at "surprise" banner lang naman ang bibilhin ko dahil maliit lang 'yung hotel room at ayaw ko ring magulo masyado 'yung kwarto dahil ako rin naman ang maglilinis nun.

Pagpasok ko sa loob ng Stationery Store, naalala ko 'yung nangyari kahapon nung namimili ako ng souvenirs. Hindi ko naman inaasahang magkakaroon ako ng viral video sa gano'ng scene, na parang isa akong knight in shining armour na magliligtas sa isang babae. Akala ko kasi ang unang magiging viral video ko ay sex scandal.

Muntik din akong mahuli ni Stella kahapon dahil sa video na 'yun. Mabuti nalang at hindi masyadong kita 'yung mukha ko dahil nasa side view 'yung kita at nakaharang 'yung lalaki sa gilid ko.

Hindi naman kasi ako 'yung tipo ng lalaki na gano'n. Na papagitna sa mga magjowang nag-aaway in public tapos ipagtatanggol 'yung babae. Mabait ako, pero mas madalas malibog ako. At baka nadala rin siguro ako ng emosyon ko dahil ayaw ko talagang nakakakita ng lalaki na pinagbubuhatan ng kamay ang isang babae. O puwede rin dahil kahawig kasi nung babae kahapon si Mackenna. E saktong iniisip ko kung kailan ko ulit makikita si Mackenna.

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Hindi talaga bagay sa'kin na nag-iisa dahil mas gusto kong may nakakausap ako. Pakiramdam ko kasi mababaliw ako sa dami nang tumatakbo sa isipan ko. Kaya kailangan ko talaga nang may kasama para makipag-kwentuhan. Sa mga ganitong pagkakataon ko naiisip na sana kasama ko si Tyler o si Blaise para may kakuwentuhan man lang ako.

"Mabuti nalang gwapo ako." bulong ko sa sarili ko.

"I'm sorry?"

Napatigil ako nang may marinig akong magsalita sa likuran ko. Hindi pa ako lumilingon agad dahil hindi naman ako siguraado kung ako ba ang kinakausap niya, pero naramdam kong may kumalabit sa'kin kaya positive na ako talaga ang kinakausap niya.

"Sorry I didn't—Mackenna?" My eyes widened. Nananaginip ba ako? Pasimple ko pang kinurot 'yung hita ko para lang siguraduhing hindi ako nananaginip at nakatayo talaga sa harapan ko si Mackenna.

"Scout?"

"Totoo ka?"

Kumunot 'yung noo niya dahil sa tanong ko.

"Totoo ako. Do I look like a mannequin to you?"

I let out a soft chuckle because of what she said. "You're too pretty to become a mannequin."

"Bolero," She said, her eyes averted, and lips pursed in a faint smile. "Anyway, what are you doing here?"

"May bibilhin lang. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ka. What are the chances, right?"

Tumango siya. "I know. I didn't expect to see you again after that... you know that night."

We're just standing in the middle of the shop, starring at each other, unsure of what to say. We were engulfed in an awkward silence. This is the first time in my life that I have been unable to come up with a response. Madalas pa sa madalas na may palagi akong isasagot lalo pa't kapag babae ang kausap ko. Hindi ko alam, pero pagdating kay Mackenna, parang palagi kong iniisip muna 'yung sasabihin ko.

I want to make sure that whatever comes out of my mouth does not disappoint her. I have this nagging feeling that I don't want to see her with a solemn expression on her face. It's as if I always want her to be happy.

I cleared my throat after a few more seconds and scratched the back of my head, like I always do when I'm nervous. "Ako rin. Akala ko 'yun na ang una't huling beses na pagkikita natin." I smiled at her bashfully. "Sa'n pala lakad mo ngayon? Kumain ka na ba?"

"Umm, naghahanap lang ako ng journal. Hindi ko kasi mahanap 'yung journal ko dati, tapos baka pumunta ako sa New York Times Square mamaya. Gusto ko kasing masubukang kumain sa mga hotdog stands sa New York." She giggled like a child who's excited about eating her candies. So cute.

I want to come and accompany her, but I don't want to impose. Nakakahiya. Kahit wala talaga sa vocabulary ko 'yung salitang hiya. At isa pa, kailangan ko rin talagang bumalik sa New York para kausapin si Cap para sa pag-aayos ng hotel room ko.

"Do you want to come?"

"Sure!" Mabilis na sagot ko kaya natawa siya. Napakamot na naman ako sa batok ko. Parang ang atat lang nang pagkakasagot ko.

She nodded her head. "Okay, I'll just pay for this for a second, then alin na tayo." She said, before making her way to the cashier.

Napabuntong-hininga ako nang makaalis si Mackenna. Ewan ko ba, bakit parang may sumusundot sa pwet ko at hindi ako mapakali kapag kaharap siya. Hindi naman ako ganito sa ibang babae.

"Scout!"

"Bakit? May kailangan ka?" Tanong ko nang bigla akong tawagin ni Mackenna habang nakapila siya sa tapat ng cashier.

"Aren't you gonna pay for those?" She said while pointing at the balloons and banner that I was holding. Napatingin ako sa mga hawak kong decorations na gagamitin ko para bukas at saka ko 'yon ibinalik sa mga shelves.

I shook my head at Mackenna and smiled at her. "Nope. Hindi ko na pala 'to kailangan."

I will just arrange a different surprise for Stella. For now, I just want to enjoy this day with Mackenna because this might really be the last time that I see her.

➴➵➶➴➵➶➴➵➶

"So how many countries have you been to?"

"Umm, hindi ko na mabilang sa dami e."

"Ang yabang!" sabi ni Mackenna sabay tawa. Nakasakay kami ngayon sa taxicab papunta sa Times Square. Nakita ko rin sa Instagram story ni Stella kanina na nasa Statue of Liberty sila ngayon. Malayo-layo 'yun dito kaya hindi ako nangangamba na makikita niya ako dito sa Times Square.

"Peksman! Hindi ko talaga alam! Hindi ko naman kasi nililista."

"What's peksman?" kunot-noong tanong niya. Mukhang kailangan ko ring ipakilala si Blaise kay Mackenna. I chuckled and slightly pinched the tip of her nose. Ang cute kainis.

"Another word for promise," mas lalo lang kumunot 'yung noo niya. She scrunches her nose adorably. "Basta may mga jejemon words kasi sa Pilipinas na nauso. Mayroon ding salitang binabaliktad namin ng basa, tapos minsan sa text din may dinadagdag kaming letters o 'di kaya minsan ginagamit namin numbers as letter. Madami e, tinuruan lang din ako ng kaibigan ko kaya natutuo ako."

"That's cool! I want to learn. Teach me some words, please," she excitedly said.

"Anong word ang gusto mong matutunan?"

"Anything," she shifted from her seat and faced me. She's dangerously close to me. Napalunok ako dahil sa pwesto namin. Ang sikip pa naman dito sa loob ng taxicab. "What's your favorite jejemon word nalang?"

"Umm, favourite ko sigurong sinasabi ay 'awit'" sagot ko.

"What's the meaning of awit?" curious na tanong niya. Her full attention is on me, which makes my heart race abnormally. Bakit ba ako kinakabahan e master ako sa pagka-jejemon?

"Awit is the short word for "aww sakit". Ginagamit ko 'yun kapag kunyari may kaibigan akong nag-surprise o nanliligaw tapos na-basted siya. Ang sasabihin ko sa kaibigan ko awit erp."

"What's erp? And what's basted?" sunod-sunod na tanong niya. "Oh my gosh, I'm so sorry. I have too many questions."

"Hindi, okay lang naman. Kaya lang aabutin tayo ng ilang araw para ituro at i-explain sa'yo lahat ng salita." natatawang sagot ko.

"Just teach me words that you can teach me for this whole day."

"So, balak mong magkasama tayo buong araw?" I winked at her, causing her cheeks to blush. She smacked my arm and turned her back on me, her flushed face hidden. I chuckled at her reaction. Sobrang cute talaga.

"Gago." pabulong at malutong na mura niya kaya mas lalo akong natawa. Paboritong mura ata niya 'yan. Bakit kapag siya ang nagsasabi ng gago sa'kin ang cute lang, pero kapag ibang tao parang ang sarap jombagin agad.

Mackenna is like a drug that I need to avoid. Because the more I get to know her, the more I am hooked to her.

Nang makarating kami sa Times Square, dumiretso agad kami sa may hotdog stand na nakita namin. Mackenna bought five hotdogs. Akala ko hati na kami doon sa binili niya, pero nagulat ako nang tanungin niya ako kung hindi ba raw ako oorder ng sa'kin. Napailing at palihim nalang akong natawa at saka ako bumili ng sa'kin.

We found a perfect spot to sit on and ate the hotdogs that we bought. We didn't eat in silence because Makenna is really pursuing learning more jejemon words. Kaya habang kumakain kami ay tinuturuan ko siya ng iba pang salita.

"Sana oil!" sabi ni Mackenna sabay turo doon sa magjowang magka-kiss sa tapat namin habang pini-picturan noong kasama nila.

"Sana oil nga." sagot ko.

"I know it's kind of late to ask this, but do you have syota ba?" Mackenna suddenly asked. Muntik pa akong mabulunan dahil sa biglang tanong niya. Sandali akong napatigil. Alam ko naman ang sagot sa tanong niya, pero nag-alinlangan pa rin akong sumagot agad. Wala naman talaga akong syota dahil hindi naman kami ni Stella. We're simply people that like to hang out together, but it seems like I'm cheating on Stella with Mackenna. Maybe because I lied to Stella and now my guilt is eating me alive.

"W-wala. Ikaw may syota ka ba?" tanong ko pabalik. Kanina kasi may biglang tumawag sakaniya tapos ang lawak nang ngiti niya habang kausap kung sino man ang kausap niya sa kabilang linya. Hindi ko naman magawang itanong kung sino 'yung tumawag, dahil sino ba naman ako para itanong kung sino ang kausap niya.

Sasagot na sana si Mackenna nang biglang may tumawag sakaniya. Sabay kaming napalingon sa lalaking naglalakad palapit sa pwesto namin habang nakangiti. His gaze was drawn to Mackenna, who had dropped the hotdog she was holding back on the paper bag and practically dashed towards him.

My stomach suddenly flips upside down, and I feel sick in my stomach.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro