Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Mavis Estrella

It wasn't easy for me when we broke up. Pakiramdam ko hindi ko na kayang mabuhay nang wala siya. Kung bakit pa kasi na magkasabay pa silang nawala sa buhay ko ng pamilya ko.

The timing was bad. The weather was bad. Everything feels like shit.

Noong una, hindi ko maintindihan bakit mayroon akong ganito, itong obsession ko para lumayo sa mga taong may posibilidad na magkamali ulit. Nagsimulang maging klaro iyon nang pagsabihan ako ni Mom noong 12 years old na ako kung bakit daw wala akong kaibigan. Maganda naman daw ako, matalino, at magalang pero bakit walang kaibigang nagtatagal sa akin?

It took her so many years to realize that.

"Because I gave them a chance and they didn't cherish it," I told them. I saw how the flash of both surprise and fear filled my mother's eyes.

"Then i-if we make mistakes, w-will you throw us away?"

"Yes."

"B-But we're family," she mumbled. "We share the same blood." She was crying so hard as I stared at her without saying anything. "You won't throw us away, right?"

Napaisip ako noong oras na iyon kung bakit ba kailangan pa ni Mom na manigurado. Akala ko ba pamilya kami? Nagbibiro lang naman ako.

"Okay," I said, instead of explaining that it's nothing but a joke since she was already making a big deal out of it. "I won't throw away blood relatives, unless they're really just cockroaches."

Unti-unting natawa si Mom pero klaro pa rin sa kanyang mga mata ang takot. Hindi ko alam kung bakit gano'n niya na lang ako tingnan noon.

"Vis," Dad called out one time while looking quite stern. Magkasalubong ang kanyang kilay kaya naghanda na ako sa kanyang panenermon "Why did you fire so many maids?" Mahinahon lamang ang kanyang boses pero may lamig doon. "Napaka-unreasonable na halos iilan na lang ang natirang nagtatrabaho sa mansyon. Tell me why you did that."

I realized Mom didn't tell Dad that time, of how I'm obsessed with getting rid of people who made mistakes. I thought married couples tell everything to each other. Hindi ba nila ako napag-uusapan? Ang sabi sa internet ay mahalaga raw ang communication sa pamilya.

Pero hindi naman nila ako laging kinakausap, maliban na lang kung tungkol sa grades ko o kung may hindi sila naintindihan sa mga desisyon ko.

"Because I gave them a chance and they didn't cherish it." I also told him that. Kumunot ang kanyang noo habang naguguluhang tumingin sa akin. Pilit niyang inaalisa kung anong tumatakbo sa isipan ko. "Bago pa sila magkamali ulit, pinapaalis ko na sila sa buhay ko."

May pagkagulat sa kanyang mata nang marinig iyon pero nanatili lang akong kalmado.

"That's not how it works, Vis. Hindi mo basta-bastang pinapaalis ang mga tao sa buhay mo dahil lang sa isang pagkakamali."

I cocked my head to the side, wondering where he got that peculiar idea. Why should people just be forgiven because it's a small mistake? What if after some time, it keeps getting worse? Hindi ko alam kung bakit pinapakomplikado pa ng mga tao ang tahimik nilang buhay.

"That's exactly it, Dad. It's my life so I got to say who stays and who leaves. And if people make mistakes, shouldn't they be punished? Cutting ties with them is already me being merciful."

Pinakatitigan ako ni Dad, seryosong-seryoso pa rin. Nahilot niya ang kanyang sintido nang hindi man lang ako kumurap sa pananantiya niya sa sinasabi ko.

"Vis, minsan iniisip ko kung dose anyos ka palang. Saan mo nakukuha 'tong mga ideyang 'to?"

"Nariyalisa ko lang siya Dad," I said. "After seeing Mom commit mistakes over and over again, I thought why should I keep on forgiving her? But she's my Mom. We share the same blood so I can't cut ties with her. Ginagawa ko lang naman 'to sa lahat para hindi sila maging kagaya ni Mom. It's tiring."

Mariin siyang napapikit at napailing.

"People make mistakes, Vis, remember that but that's just because we have to learn."

"Hindi ba pupwedeng matuto nang hindi nagkakamali, Dad?" I asked in confusion. "I can't understand why it should be like that. I can learn without committing mistakes."

Mapakla siyang natawa at inihilig ang ulo sa habang tila may naaalala. May kakaibang saya sa kanyang mata na agad niyang tinago gamit ang seryosong mukha.

He never looked at us like that.

"Maiintindihan mo rin, Vis. Maiintindihan mo lamang ito kung magkakamali ka."

Hindi ko gusto ang sinabi niya kaya tumango na lang ako at nagpaalam. Umalis akong iniisip kung dapat ba ay lahat ng maids ang pinaalis ko. They might have picked up some bad habits of those who left.

"I'll fire them all, then."

"Mom," tawag ko noon nang maabutan itong may hawak na kutsilyo. "Para saan 'yan?" Pero parang hindi niya ako narinig. Nakatitig lamang siya sa kutsilyo nang iilang mga segundo bago tumingin sa akin. Her blank eyes bored into my head as if I was looking at something soulless. Kinilabutan ako nang hindi kumurap si Mom.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin at itinutok sa akin ang kutsilyo.

"Vis, stab me with this knife. Sa tingin ko ay mamahalin ako ng Dad mo kapag malapit na akong mamatay." I was taken aback by her words and her low creepy voice. Idagdag pa ang kanyang mga matang nanatiling nakatitig sa akin. Dilat na dilat iyon na aakalain mong wala na siyang talukap. "Go on, Vis. Help me."

She looked like a mad woman with that big grin on her face. The contrast in her face was absolute horror to a kid. Nanginginig ako noong oras na iyon sa takot. Kahit sumigaw ako ay walang makakarinig sa akin dahil pinaalis ko ang mga katulong.

"Monica! Bitawan mo 'yan!" Nanatili akong tulala sa kutsilyo nang marinig ang boses ni Dad. "Are you crazy?! Bakit mo tinututukan ng kutsilyo si Vis?!"

"Van, Van!" tili ni Mom at nabitawan ang kutsilyo. Tumawa siya at niyakap nang mahigpit si Dad. "Sa wakas, nakauwi ka na Van! Kung 'di ka pa dumating, baka nasa ospital na ako. I was telling Vis to stab me. You'll leave the other woman, right, if I'm already on my death bed?"

Nahahapong napabuntong-hininga si Dad at niyakap pabalik si Mom. He glanced at me and mouthed that I should go to my room. I nodded stiffly and slowly walked out.

Narinig ko pa ang sinabi ni Dad kay Mom bago makaalis.

"I love you, Monica. I won't ever leave you."

Lumingon ako at tumingin sa hitsura ni Dad nang maging emosyonal ang kanyang boses pero nakita ko lamang siyang walang emosyong nakatitig sa pader habang yakap-yakap si Mom.

He lied to her.

At nang matitigan sila nang maayos, may napagtanto ako.

They looked awkward together.

"Bakit ka ba laging nambababae, Van?!"

"Monica, stop screaming! Baka marinig ka ni Vis."

"At may gana ka pang mahiya ha?! Ikaw 'tong kumakama ng kung sino-sino!"

"Damn it, Monica. Alam mo namang hindi ako masaya sa relasyong 'to. Pinakisasamahan lang naman kita dahil sa anak natin at wala nang iba. I don't have feelings for you."

"Gago ka Van! Ikaw ang bumuntis sa akin pagkatapos ay sasabihan mo ako nang ganyan?!"

"Pero totoo iyon. Fifteen years old na si Vis, Monica pero ibang babae pa rin ang hanap ko."

"Haha! Yung Russian model ba na ex mo?! Ha?! Eh bakit ako ang pinili mo?! Kung sana ay hindi mo ako pinaasa, sana ay napalaglag ko na ang anak natin para maging modelo ako!"

"Monica, lower it down. Kung maririnig ka ni Vis—"

"I don't care! Tatahimik lang ako kung titigil ka na sa pambabae mo!"

"Fine, fine! Titigil na ako!"

"Talaga?"

"Oo, kahit ipatrack mo ako lagi."

"I love you Van."

"I-I love you too, Monica."

Nang gabing 'yon ko naintindihan kung bakit galit ako sa mga kamalian.

I was a mistake too.

Nakilala ko ang unang lalaking kumuha ng atensyon ko noong mismong gabing umalis ako nang mansyon saglit. Hindi naman napansin ng mga magulang ko na umalis ako dahil masyado silang busy.

Alas onse na 'yon ng gabi. Maliwanag ang buwan pero walang kahit na anong bituing makikita dahil sa mga ulap o baka hindi ko lang natitigan nang maigi. Nakahilera ang napakaraming puno na nagbigay ng lilim mula sa maliwanag na buwan.

Naglalakad-lakad lang ako palibot sa subdivision habang nakasuot ng malaking hoodie at maluwag na pants. Malamig ang paligid at tahimik pero paminsan-minsan ay may nadadaanan akong kakarating lang sa mga bahay nila. Meron ding mga tumatambay sa labas habang nag-uusap. May mga naninigarilyo o di kaya'y nag-aaway na mga mag-asawa. Merong mga mukhang tatakas sa bahay nila. Meron namang ibang nag-p-party.

What a weird night.

Noong una ay wala akong balak mag-usisa pero natigilan ako nang may makita akong lalaki sa labas ng party scene habang ang ingay-ingay sa bahay na 'yon. May mga disco lights pa at may mga nagkakantahan, sumasabay sa malakas na musika. I thought there was a mini earthquake because of the loud booming from the speakers.

Yet there he was outside. Looking quite lonely for a guy with that kind of face. He had such a perfect face that I thought I saw him on a Men's Fashion magazine. Simple lamang ang suot niyang maroon jeans at itim na button-down shirt na bumagay sa kanyang magandang katawan at katangkaran. Mahinahon ang pagkakasalubong ng kanyang makakapal na kilay. Matangos ang ilong at maganda ang porma ng panga. Marahan niyang sinusuklay pataas ang magulong itim na buhok na tumabing sa kanyang mga mata. Kumibot ang kanyang pulang mga labi nang 'di sinasadyang magkatinginan kami.

Hindi ko alam kung paano pero narinig ko pa ang kanyang eksaheradong pagsinghap kahit maingay ang paligid.

"Shit! I thought you were a serial killer or something."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko pa naisip na may tatawag sa akin nang ganoon.

"Pwede rin," I seriously muttered so the guy's eyes widened in shock. Itim na itim ang mga ito, kagaya ng buhok ko. Kapag matagal tinititigan ay para kang hinihila nito pasisid sa kung saan.

It was a weird feeling but it wasn't unpleasant at all.

"I-Ibig sabihin, papatayin mo ako?" nangangatal sa takot nitong tanong pero mukhang hindi makapaniwala sa naririnig. Hindi ko na tuloy malaman kung nagbibiro ba ito o ano. "Wait lang, wala pa akong girlfriend! Hindi pa ako pwedeng mamatay!"

"Bakit? Kapag mamamatay ka na, mabubuhay ka ba ng girlfriend mo?" tanong ko.

"Ang weirdo mong serial killer, alam mo ba 'yon?" he asked with a raised brow. So, he was just pretending he was afraid. "Well, masyado kang maganda para maging serial killer."

Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago umiwas ng tingin. May kakaiba talaga sa kanyang mga mata. Ang ganda ng kislap nito, para bang buhay na buhay ang may-ari niyon.

Hindi ako sanay...

"Okay." Iyon lamang ang nasabi ko sa kanya at naglakad na palayo. Hindi na ako nagulat nang maramdamang sumunod ito sa akin hanggang sa mapantayan niya ang aking paglakad.

I glance at him and saw him walking lackadaisically with his hands on his pockets. Nakausli ang kanyang mga hinlalaki at bahagyang nakakuba pero para itong timang na tumitingin sa akin.

"Alam mo, ang ganda mo talaga," muling sabi niya. "Gusto kitang gawing girlfriend ko."

I shook my head and turned my eyes to the road. Isinilid ko ang aking mga kamay sa sweater nang maramdaman ang lamig ng hangin.

"Hindi ako marunong maging girlfriend."

"Huh? NBSB ka?" taka nitong tanong pagkatapos ay bahagyang tumawa. "Tayo talagang mga magaganda at gwapo ang hindi nabibiyayaan ng "the one". It's unfair."

"Hindi ko naman kailangan ng boyfriend para mabuhay," sabi ko at nagkibit-balikat. "I don't get why some people need those."

"Seryoso ka ba?"

"Yeah." Katahimikan ang naghari matapos noon  kaya hindi ko mapigilang magtanong. "Bakit mo ako sinasamahan?" Lumingon ako sa kanya at bahagyang nagulat nang makita siyang matamang tumititig sa akin. "Bakit?"

Hindi ko alam kung bakit nailang ako sa titig na iyon. May kakaiba akong naramdaman sa aking pisngi. Mainit.

Am I blushing?

Mabilis akong umiwas ulit ng tingin.

"Ihahatid kita sa inyo," he murmured. "Gabi na. Baka mapa'no ka pa."

"Kaya ko," seryoso kong sabi. "Hindi ko kailangan ng tulong mo. Kayang-kaya ko—"

"Yeah, but you're still a girl."

A girl...

Ibig sabihin, kung sinumang babaeng dadaan sa harapan niyo dis oras ng gabi ay sasamahan dib niya pauwi.

"You're a kind person."

Narinig ko siyang tumawa pero hindi ako lumingon. Baka uminit na naman ang pisngi ko. Nakakahiya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako umakto. Baka ay dahil sa nalaman ko kanina mula kina Mom at Dad, na isa lang akong pagkakamali.

"Alam mo," aniya bigla kaya nahinto ako sa pag-iisip tungkol kanina. "Gusto kong malaman kung bakit ka naglalakad-lakad nang ganitong oras. May problema ka ba?"

Ngayon lang ako nakasalamuha ng taong mausisa pero hindi nakakairita.

"Malungkot ako," tipid kong sagot sa kanya. Ni hindi ko man maintindihan kung bakit ko pa iyon sinabi sa isang estranghero.

"Kadalasan sa malulungkot na tao, nagpapanggap na okay sila. Bakit ikaw, diretsahan mong sinabing malungkot ka?" May pagkamangha sa kanyang tono pero nanaig din ang kyuryosidad.

"There's no point on saying you're okay when you're not." Totoo naman. "Hindi ko talaga alam kung para saan pa ang pagsisinungaling. Walang saysay. Nakakasakit ka lang sa huli. Nakakapagod."

"That's...deep," he murmured.

The silence was already with us again for quite some time so I asked as a common courtesy to someone who asked what I was doing.

"How about you? Why are you outside when it looked quite fun in that house?"

"Did you find the noise fun?" There was amusement in his voice so I couldn't keep myself from looking at him again. Naestatwa ako at natigilan sa kanyang gwapong mukha. Mahinahon lamang ito pero para bang nangungusap ang mga mata.

"No," sinsero kong sabi. "I don't like parties."

"Ako rin," he said and stared at me. Nagitla pa ako nang biglaan siyang ngumisi. "Ayoko pero siraulo yung mga tropa ko. Parang sila ang may birthday kasi sila ang nangimbita ng kung sino-sino."

"Birthday mo?" tanong ko sa kanya at marahan lamang siyang tumango. Pagkatapos ay biglaan niyang sinilid ang kamay sa loob ng bulsa ng sweater ko at hinawakan ang aking kamay.

He intertwined his hand with mine and urged me to walk again. I blinked a few times as I felt his large warm hand against my skin. There was something weird with my stomach when we were just holding each other's hands.

"Kapag titigil tayo sa paglalakad, baka bukas ka na umabot sa bahay niyo," aniya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "And I wanna hold your hand."

Tila nasilaw ako sa ganda nang pagkakangiti niya at napakurap-kurap. Ang gwapo...

"O-Okay."

Yumuko na lang ako at itinuon ang buong atensyon sa paglalakad. Pakiramdam ko matitisod ako bigla dahil sa nararamdaman.

"Bakit ka nagpahawak? Kadalasan sa mga babae ay ayaw hinahawakan ng kung sino. I'm doing something wrong. Pwede mo rin akong kasuhan ng harassment." Tumingin ako sa kanya dahil sa pagkabigla. He smiled again. "I won't mind."

Siya palang ang lalaking nakakahawak nang ganito sa kamay ko...

For the nth time, I avoided his gaze and simply muttered, "I'm just curious how it feels."

"Hmm." Ramdam ko ang pagtitig niya pero pinigilan kong huwag mapatingin ulit. Kung ano-ano na ang nararamdaman ko sa isang estranghero. "I'm Kaiden Cervantes."

"Mavis Estrella," I absentmindedly muttered and gaped. Did I just tell my name to a guy I just met?

"Mave," he mumbled so I froze.

"Y-Yeah?"

"Saan pala tayo pupunta? Pader na 'tong nasa harapan natin eh." Natulala ako at tiningnan ang paligid. Hindi pala ito ang daan papunta sa bahay.

Nahihiya akong napakagatlabi.

Ni hindi ko pala nariyalisa na hindi ko tinatahak ang daan papunta sa bahay. He was such a weird distraction that I even forgot the familiar way home.

Pero wala akong pinagsisihan nang makita at marinig ang magaang paghalakhak ni Kaiden Cervantes. Napakagaan nito na pati kalooban ko unti-unting nawalan ng bigat.

"Happy birthday," sabi ko bigla sa kanya dahil pakiramdam ko dapat ko 'yong sabihin kung sakali ito na ang una at huli naming pagkikita.

It was a weird encounter.

Unti-unting napatigil si Kaiden sa paghalakhak at napatitig na naman sa akin.

"Mave." Nanlaki ang mga mata ko nang nilabas niya ang magkahawak naming kamay mula sa pagkakasuksok sa bulsa ng aking sweater. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay at unti-unting nilapit sa kanyang labi.

I stood there stupidly while watching him.

What is he—

His warm lips pressed at the back of my hand and I could only mutter a small o as his dark eyes gaze at me with so much emotion. A guy I just met looked at me as if I was the most important thing alive at that moment.

"W-What—"

"You made my day," aniya bigla para patigilin ako sa kung anuman ang aking sasabihin."Thank you, Miss Mavis Estrella."

At doon ko sinimulang mapansin ang isang lalaking laging mag-isang nakatambay sa library ng eskwelahan namin. Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya nang mamataan ako.

Then I found myself falling in love with that same guy who walked with me for no specific reason one cold starless night.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro