Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6

Kaiden Cervantes

"It's that woman, right?" Iyon agad ang sinabi ni Dread pagkapasok namin sa kotse niya. Ipapakuha ko na lang ang kotse ko mula roon sa harapan ng Ino's. Wala ako sa mood na magdrive. Baka ibangga ko pa ang kotse sa pagkabanas. "That was your ex-girlfriend," he said in finality as if he was 100% certain about his hunch.

Tsk. Ganun na ba kami kaklaro kanina? I wasn't showing my true emotions while Mavis was wearing that icy mask again. Ni hindi nga kami nagreact masyado sa isa't isa pero napansin nitong si Dread? May pagkalahi yata 'tong aso.

"Who?" pagmamaang-maangan ko sa kanya para mang-asar. Nginisihan ako nito at bumaling kay Dox na nasa backseat. Busy sa kakagamit ang phone ang loko at mukhang naiinis pa rin sa lalaking Giyo ang pangalan.

"Dox," ani Dread kaya tumaas ang kilay ni Dox at tumingin sa amin.

"What?"

"Guess who's Den's ex-girlfriend."

Naibaba ni Dox nang tuluyan ang phone at nagsimulang maglitanya.

"Adella, Bridgette, Crystal, Danielle, Esther—"

"Heck, stop, stop!" iritableng sabi ni Dread at akmang susugod na sa backseat para takpan ang bibig ni Dox. "Why the fuck are you chanting your girlfriends' names?"

"What? Eh sa baka tsumamba ako ng kapangalan ng ex ni Den." Dox grinned and wriggled his brows. "Maybe I already got your ex," malisyoso niyang sabi sa nanunuksong tono. "You know I'm irresistible."

"Yeah right." Inismiran ko ito at pinagkrus ang braso ko bago inihilig sa bintana ng kotse ang aking ulo. Hindi na jet lag ang dahilan nito kundi ang magandang mukha ni Mavis.

Tanginang tadhana. Nananadya talaga eh.

Tumingin na lang ako sa labas habang naririnig ang usapan ng dalawa.

"It's your crush." There was playfulness on Dread's voice as he told the revelation. "Mavis Estrella."

"Tangina what?!" bulalas ni Dox, kuntodo sigaw ang loko. Parang ginulat ng demonyo sa horror train. "Seryoso ka ba, Dread?! Den? Binibiro niyo ako, right?"

"Yeah, she's not my ex," I nonchalantly said and just let Dread receive Dox's noisiness.

"Ah, joke lang pala. Buti naman." Pagkatapos ay nakipagbangayan na ito kay Dread. "Putragis ka Dread! Ba't mo 'ko niloko gago ka."

"Makatawag ka naman ng manloloko," Dread murmured and started driving the car. Sobrang nakakabingi ang katahimikan na naalala ko na naman ang hitsura ni Mavis kanina.

Takteng boobs 'yan. Nakakalibog...shit.

Just thinking about her having a husband and a child is killing me.

"Dox, kasal na ba si Mavis?" Iyan na ang lumabas sa bibig ko bago pa ako makapag-isip nang matino.

"Seryoso ka ba?" Dox asked in wonder. "Si Mavis Estrella? Siraulo ka ba Den?!" At ayan na naman ang exaggerated nitong reaksyon. "Ba't mo natanong ha?! Crush mo rin siya ano?! Ganda ng boobs—"

"Just answer the fucking question."

"Come on, Dox. The curiousity is killing the ex-boyfriend," sabi pa ni Dread at bumungisngis.

"Hoy Dread, ba't ba ginigiit mong ex ni Den si Mavis?" naiirita nang sabi ng isa.

"Cause that woman is his ex?" Dread said with so much sarcasm. "Seriously, didn't you notice how the woman looked at Den in Ino's?"

I furrowed my brows at that and looked at him. His eyes were on the road but there was a knowing smile on his lips.

Pesteng 'to. Ano 'tong kabaliwan ang sinasabi niya? Pasuspense pa talaga.

"Huh?" ani Dox na halatang naging sobrang curious na sa naring. "How did Mavis look at him?"

Dread chuckled and said, "I'll tell you if you buy a few things for me."

"Sige, ano?" mabilis na sagot ni Dox. "Bilis!"

"The 1969 Eros bottled wine from the Red Market worth 69, 000 dollars."

Hindi ko maintindihan ang sinabi nito pero mukhang naintindihan naman ng isa. Dox began tapping on his phone seriously and muttered, "Done."

"The 2000 Agape bottled wine from the Red Market worth 69, 000 dollars."

"What do you need these weird things for when you're not even interested with people?" reklamo Ni Dox pero nagpatuloy din naman. "Done."

"The 2020 Philia bottled wine from the Red Market."

"Tapos na. Takte. Sinabi mo na lang sanang yung Red package ng Red Market!"

"What's the Red Market?" tanong ko sa kanilang dalawa at kaagad naman na tumawa si Dox.

"Secret~" I got goosebumps when he wore a creepy grin on his face. "Kailangan mo 'to pre pero delikado kung virgin ka pa."

Sinimangutan ko na lang ito at 'di na nag-usisa.

What's the big deal if I don't have any sexual experience when I can't even feel romantic stuff anymore? Tsk.

"Okay, let me tell you how that woman looked at Den."

Nagpanggap akong hindi interesado at tumingin lang sa labas ng kotse pero ang totoo'y pinakikinggan ko nang maigi si Dread.

"Takte ka Dread. Wag kang pasuspense loko!"

"Ssh," ani ng gago at dahan-dahang nagsalita. "She looked at him as if she wants to kiss him." My neck almost snapped when I hurriedly looked at Dread. Nakangisi na itong nakatingin sa akin. "Kidding."

Peste.

"Wow pre, marunong ka palang magbiro?"

"Hindi siya marunong magbiro," naiirita kong usal. "Marunong siyang mang-asar."

Kung hindi lang nagmamaneho 'yang si Dread ay baka nasapak ko na siya. Gagong 'to. Wala talaga sa seryoso niyang mukha na gustong-gusto niyang mambanas ng mga tao.

"Don't be mad, Den," he seriously said with feigned concern on his face. "Baka hindi ka na balikan ni Mavis kapag malaman niya kung gaano ka nagbago. Hindi ka madaling nagagalit dati, 'di ba?"

Kumibot lang ang labi ko sa pagkaasar pero wala nang masabi. Sinamaan ko lang ng tingin si Dread at naisip na mabuti na lang na hindi ko pinakilala si Mavis sa dalawang mokong na'to dati. Baka maging kriminal siya nang wala sa oras dahil sa sobrang iritasyon sa kabaliwan nina Dox at Dread.

"But seriously man, why do you keep on dragging Mavis in the conversation?"

Bumaling ako kay Dox at sinabing, "She's my ex-girlfriend."

Bumunghalit naman siya nang tawa.

"Puahahahaha! Ang galing mong magjoke pre pfft! Ex mo si Mavis? Seryoso ka? Hahahahaha! Mas maniniwala pa akong ex mo si Giyo kaysa kay Mavis! Hahahaha!"

Halos kapusin na siya nang hininga kakatawa kaya napangiwi ako. Is that really impossible for someone like Mavis to get together with a man like me?

Tsk.

"And why can't you believe that?" May pagtataka sa boses ni Dread at tiningnan si Dox gamit ang salamin. "We're talking about Den's first ex-girlfriend."

"W-What?" Mabilis na napatigil si Dox at ngayon ay humihingal na dahil sa nasobrahan ito sa pagtawa. "Seryoso ba talaga kayo? Yung baliw na ex ni Den na hindi marunong magpatawad?"

"Bingo," Dread muttered with a smile.

"B-But—" Tinitigan ko nang maigi ang pagbabago ng ekspresyon ni Dox, mula sa pagkagulat, papunta sa pagkalito, at saka ay pagkamangha. "Tangina." Tumingin siya sa akin. "Paano nangyari 'yon, pre?!"

Bago pa ako makasagot, nauna na naman si Dread.

"Yeah, who could've thought, right? The icy and hot businesswoman used to date our hot-blooded virgin friend, our friend who cheated on her for some random chick." Fuck. "The fantasy of so many men was deceived and hurt by this man who has taken his title as the "cheater" seriously that he dated multiple girls at the same time to make himself feel better."

Naghari ang katahimikan sa kotse bago ako napahinga nang malalim. Pati tropa ko, hindi pa makaget-over doon. Paano pa kaya ako?

Once a cheater, always a cheater.

Gusto kong i-untog ang sarili ko sa pader nang makalimutan ko ang sakit na nararamdaman. Alam kong totoo pero tangina.

"It just seems so out of this world," ani Dox na ngayo'y seryoso na. Tila nag-isip pa ito bago nagpatuloy. "Ang layo-layo talaga ng babaeng kinukwento mo sa amin dati Den at saka ang Mavis na kilala namin ngayon." Alam ko. May kakaibang lamig na ngayon na bumabalot sa bawat tingin niya. "Number one, Mavis doesn't even smile. Yung ex mo, laging ngumingiti sa'yo 'di ba? Tas ang sweet pa sa'yo."

"You're right," Dread muttered. "Their images in our heads don't overlap at all."

"People change," I mumbled. "Nagbago siya. Nagbago ako. Tapos ang usapan."

"Pero nagbago ba ang feelings?"

Fuck.

"No worries, Den. Crush ko lang man siya. Tutulungan ka namin pre kung gusto mo siyang balikan."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Dox at natawa.

"Nah... Hindi na. Wala nang kailangang balikan." Pero napatigil ako nang may mariyalisa. "Hey, you didn't answer me if Mavis is still single," sabi ko kay Dox at bumaling naman kay Dread. "And you, suspenseful lunatic, didn't even tell me how Mavis really looked at me at Ino's!"

"Wala nang kailangang balikan, 'di ba?" nakangising sabi nang dalawa.

Putangina. Sana 'di na lang ako nagtanong.

Wala akong mahahanap na matinong sagot sa isipan ng mga 'to kahit buksan ko pa 'yang utak nila.

Tulala ako habang binabasa ang mga article at usap-usapan tungkol kay Mavis.

"No boyfriend, really? Allegedly NBSB?" I dumbly repeated the reports about her. "She might be a lesbian? And also possibly asexual? The fuck?"

Nagbibiro ba 'tong mga 'to? Sinong tao ba 'tong tinutukoy nila? Parang hindi ko naman kilala—ah right. Nagbago nga pala siya.

Pero dapat ay hindi sila nagsusulat ng ganito. Pwedeng-pwede 'to silang makasuhan ng libel pero natural namang walang pakialam si Mavis tungkol sa mga ganito.

She would've just thought of these people as cockroaches.

Sinundan kong binuksan ang iilang gossip sites at nagbasa sa mga comments.

[ anoynmouslady11: i saw her one time and she was like the ice queen!!! my ghadd so cool and hotttt ]

[ missflawless: Nabasa ang panty ko nang makita ang ganda niya shit! gusto kong maanakan niyaaa ahhhh fuckk ]

Kinilabutan ako sa mga comments ng mga fans. Klarong mga babae ang nagsasalita pero iba na ang gusto nilang maramdaman mula kay Mavis. Tangina. Pati mga babae ay pinagpapantasyahan pa siya.

[ choochootruck: I heart u Mavis babee anakan kita plss]

Pwe. Sino 'tong tragis na 'to?

Tinigil ko na lang ang pagbabasa bago 'di ko na mapigilan ang sariling magkomento roon. Doon ako dumiretso sa mga blogs at paparazzi sites tungkol kay Mavis. Ang mahal pa ng binayad kong membership fee para maka-access sa mga premium shots.

Unti-unti akong napanganga sa harapan ng laptop.

"Tangina. Paanong ang ganda niya pa rin kahit stolen?" She always wore formal outfits like corporate attires, long-sleeved shirts, slacks, and closed shoes and yet she looked like a hot goddess covered with those frustrating pieces of garment.

But I wouldn't want anyone fantasizing about her body. Ngayon at nalaman kong single ito, hindi ko alam kung may babagay pang lalaki sa kanya. Ang ganda niya at napaka-mature. Hindi niya na kailangan ng lalaking makakasama habambuhay.

She's damn cooler that way.

Pagkatapos ay tinitigan ko ang iilang mga latest shots. Those photos started a month ago. May mga taong kasa-kasama si Mavis na palaging kasama sa mga paparazzi shots.

Mayroon doong kasama niya raw ang sekretarya na tinakpan ng emoji ang mukha. Meron namang matangkad na lalaking platinum blonde ang buhok. Natatakpan din ang mukha nito.

Unti-unti akong napakunot-noo sa caption.

[ Our Queen's possible suitor, The King ]

Pagkatapos ay may shot din kasama ang lalaking may pink ng buhok. Yung lalaking si Giyo. His face wasn't shown but I knew it was him.

Nanlaki ang mga mata ko sa latest picture na na-post ilang oras lang ang nakalilipas. Nasa harapan ng isang Bridal shop sina Mavis at Giyo.

Nahugot ko ang hininga ko sa napakagandang ngiti na nasa kanyang mukha. Wala sa sarili kong binasa ang caption.

[ OMG! A rival of our King? Thanks to him, we got to see our Ice Queen's heart-melting smile!!! I love you bothh~ ]

Nangati ang kamay kong itapon ang laptop ko pero mabilis kong dinampot ang aking phone at tinawagan ang kaibigan kong hacker. Nakailang ring pa bago ito sinagot ng tamad na loko.

"Cube R. Rignios speaking," anito at humikab. "Ah, ikaw pala 'to Den?"

"Yeah, may ipapagawa sana ako sa'yo."

Nakarinig ako ng mabilis na pagtipa nito sa keyboard ng computer at ang kanyang mahinang pagtawa.

"Oh? You're looking at a paparazzi site about Mavis Estrella." Hindi na ako nagulat na agad nitong na-access ang wifi ng hotel na tinutuluyan ko at na-hack pa ang aking laptop. Kaya 'di ko ginagalit ang isang 'to dahil napakadelikado nitong tao.

"Yeah, can you hack this site and delete all traces of these photos, including the source files and possible backups. Kung saan nashare, kung saan nascreenshot, kung saan nadownload, pakibura lahat."

There was silence before he asked.

"Lahat-lahat?"

"Oo, lahat-lahat."

"Sigurado ka?"

Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong.

"Bakit?"

"May bago akong nakitang ini-upload eh. Teka, i-se-send ko sa'yo." My phone beeped and I immediately opened the attachment he sent me. Napatanga ako sa nakita. "So... You want me to delete everything?"

"N-No," I mumbled. "Send some selected photos to me."

"Gotcha." And the line went off.

Para akong timang na titig na titig sa mga litratong pinadala ng mokong sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang makitang umiiyak si Mavis nang tumalikod siya sa direksyon ko.

Her eyes shimmered with tears but her face was stone cold.

But she can't hide the pain in her gray eyes. It was the kind of look she gave me 5 years ago.

Did she cry when she walked away from me?

Nasapo ko ang noo at napahiga sa malawak na kama.

I really hurt her so much.

Mapait na lamang akong napangiti habang tinititigan ang kanyang umiiyak na mukha. Nadulas ang kamay ko kaya na-swipe ko pagilid ang screen at tumambad sa akin ang isa pang photo.

It was Mavis and I. We were both staring at each other as if we longed to kiss each other after being separated for so long. Whoever got this shot did it so that it'll convey that kind of message.

O baka ay na-capture lang ng photographer ang raw na emosyon na pilit naming kinukubli. Nasapok ko ang sariling ulo dahil sa naiisip.

"Hindi. Imposible." I shook my head. "Mavis Estrella never loved me."

Those tears weren't for me.

Para lang iyon sa sarili niya.

Kagaya ng dati.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro