Chapter 5
Chapter 5
Kaiden Cervantes
Magkasalubong ang kilay ko nang dumating ako sa Ino's. Paborito namin itong tambayan noong kolehiyo kaya di ko alam na buhay pa pala ang lugar na 'to. Di gaya ng dati, dumami na ang mga customer. Nagkaroon na rin 'to ng second floor at mas lumaki na ang espasyo. Binili yata ng may-ari ang bakanteng lote sa gilid nun. Naging triple na ang lawak.
It used to be so cramped inside. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
I just couldn't help thinking about it. My ex-girlfriend never talked about how there were so many people before, nor how some commoners reeked of sweat. She loved the food here. She never complained.
Kung kami pa siguro...
I shook my head.
There's no point on thinking about that now. It's all in the past. Paniguradong nakamove-on na 'yon. Di na nga siguro nun kailangan magmove-on. She never loved me anyway. She probably dated me out of curiosity. O baka naman ay akala niya perpekto akong tao.
Nakamot ko ang leeg ko sa iritasyon.
Putangina talaga. Ba't ba dito pa napili ng mga lokong pumunta? Alam naman nilang marami akong memories dito. Naalala ko na naman tuloy yung weirdong ex ko. Limang taon na rin. Siguro ay kinasal na yun o baka nga may mga anak na.
For some reason, I don't want to know. Bahala siya sa buhay niya.
Nakasimangot akong pumasok sa malapad na entrance ng restaurant. Di ko pa rin mapigilang isipin yung babaeng yun.
Luminga-linga ako para hanapin yung mga gagong walang alam na kaunting kabutihan. Alam naman nilang may jet lag ako, nagpupumilit pa talagang papuntahin ako rito. Kung 'di lang ako pinagbantaan ni Dox na susugod siya sa mismong condo ko kasama ang napakarami kong ex...
Fuck. What kind of damned heck is the life I'm living?
Natanaw ko ang kumakaway kong katropa na si Dox Kiel Avelo. Madali lang naman itong hanapin dahil sa neon green niyang buhok. Ngiting aso ang loko habang nakasuot ng black v-neck shirt na pinatungan ng cardigan at black scarf. Tinernohan niya rin ito ng itim na pants. Dahil purong itim ang porma niya, mas agaw-pansin ang kanyang buhok. Marami ngang napapalingon doon.
Di ko alam anong trip niya sa buhay.
Si Dreadmore Solomon o Dread naman ay prente lamang na nakaupo habang sumisimsim ng sa tingin ko'y tsaa. Pormal na pormal ito sa get-up nitong 3-piece grey Armani suit na para bang naligaw siya ng restaurant na napasukan. Panigurado ay nakaleather shoes din ito. Nakasuklay pa nang maayos ang itim nitong buhok.
Ngumisi rin ito sa akin at kumaway sandali.
Pero nagkasalubong nang sobra ang kilay ko nang mariyalisa kung saan sila nakapwesto. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila at binatukan si Dox.
"Nananadya ba kayo?!" nagngingitngit sa galit kong angal sa dalawa.
"Akala ko ba nakamove on ka na," Dread murmured with a smile. He raised a brow at me so I groaned in irritation. "Or maybe you haven't moved on yet."
"Tapos na ako jan gago," masungit kong sabi at naupo na sa tabi nito. Pinagtawanan lang ako ng siraulong si Dox at naupo na sa harapan ko.
I shifted uncomfortably on my seat when I remembered my ex-girlfriend's happy face when she was eating grilled meat in front of me.
Muntik ko nang sapakin ang sarili sahil sa naiisip.
"Buti naman at nakalaya ka pareng Den. Akala ko ibabaon na kita sa tiles ng hotel room mo eh," pagbibiro ni Dox habang masayang nilalantakan ang pork barbecue na naka-stick. Den ang palayaw ko sa mga kaibigan ko pero hindi ko pa rin mapigilang mapangiwi dahil doon. Den. Tsk.Para kasing sinasabi nilang kulungan ako. Di na lang ako nagreklamo. Mas pangit ang pangalan ni Dread. Hahahahaha.
"You've been there for 3 days. Don't tell me you're feeling sorry over the women you left in America?" nanunuyang ani Dread.
"Kala ko pinapatay ka na ng mga ex mo pre. Papahanda na sana ako ng lapida. In loving memory of Kaiden Cervantes, ang pinakamasungit na manloloko."
Umiling na lang ako sa kalokohan ng mga siraulong 'to. Kung hindi lang masakit ang ulo ko ay baka nakipagsapakan na ako sa kanila.
Fucking jet lag.
Napahilot na lang ako sa sintido.
"Naka-order na kayo?" pag-iiba ko ng usapan.
"Of course. Yung dati pa rin, di ba?" Tinanguan ko si Dox at ayan na naman ang ngiting aso nito. Alam ko na agad ang sasabihin nito. "Kagaya pa rin ba nung lagi niyong kinakain nung ex mo?"
Sabi na eh. Kahit anong iba ko nang usapan ay doon at doon pa rin ito mapupunta.
"Come to think of it, we never knew her name. Ni hindi mo siya pinakilala sa amin," ani Dread. "Takot kang maagawan?"
Naalala ko tuloy dati na kahit sobrang close naming tatlo nitong mga gagong 'to, ni hindi ko pinakita sa kanila maski anino ng nobya ko. Sa sobrang ganda ng nobya ko, baka may mangyayaring gyera sa pagitan naming magkakaibigan. Pero kahit gano'n, nag-k-kwento naman ako sa kanila ng mga bagay-bagay. They understood how I was overly possessive of her that they never tried investigating about it.
I last saw them 5 years ago in front of their school. Sa pagmamadali na magpaalam sa dalawa, ang tanging nasabi ko habang umiiyak ay break na kami ng gf ko dahil nagloko ako at sa katotohanang doon na ako sa Amerika mag-aaral.
I could still recall their shocked faces that time. Dox even cried so hard. He looked so pitiful that time with his teary eyes.
Now, he looks like a fucking neon-haired grinning jester.
"Gago." Nginisihan ko na lang ang mga ito. "Para saan pa? Break na nga kami."
"Pero two years din kayo, ano?" Dox asked in curiosity. "Kaya ka nga biglang sumama sa parents mo mangibang bansa kasi brokenhearted ka."
Peste.
"Bakit ba ito ang pinag-uusapan natin?" I groaned. "What's done is done."
"Well, you're the one who fucked up and you said your ex was a hell of a weirdo," sabi ni Dread at bahagyang natawa. "It's inevitable. We wanna know the whole story."
"Gago, daig mo pa mga tsismosong barbero," sabi ko rito nang may halong tawa. "Pero nang matahimik ang mga kaluluwa niyo, sasabihin ko ang lahat-lahat."
"Aba'y dapat lang!" Dox shouted. "Nitong isang taon ka lang nga namin nakontak gago ka. Akala ko talaga patay ka nang peste ka pero ang dami mo palang nilokong mga babae sa Amerika." Para na itong nag-rap sa bilis ng pagkakasabi niya niyon.
"Miss mo 'ko?" biro ko sa kanya kaya tatawa-tawa niya akong binato ng stick ng barbecue.
"Alangan hindi. Wala nang mas susungit pa sa'yo." Humalakhak ito na parang baliw. "Tangina. Mas masungit ka pa kay Dread pero dati rati'y ikaw 'tong iyakin sa ating tatlo."
"Siya lang ba ang iyakin? You cried when he left, right?" tukso ni Dread kay Dox kaya namumulang nag-dirty finger ang gago. "Boohoo~ Don't leave us Den~"
Nagtawanan kaming dalawa ni Dread habang nasisiyahang pinanood si Dox na nagmumura nang tuloy-tuloy.
"Excuse me, po," sabi ng waiter na biglaang sumulpot sa gilid namin. May dala-dala itong malaking bilao. "Nandito na po ang order niyo." Pagkatapos ay nilapag na nito sa harapan namin ng dala, pagkatapos ay nagtanong. "Iyan lang po ba mga boss?"
"Ayos 'to, pre. Tinawag akong boss," sabi ni Dox at dumukot sa bulsa. Ngumiti ito nang natamis sa waiter. "Wait ka lang jan. Bigyan kita ng malaking tip." Lumiwanag ang mukha ng waiter pagkarinig nun pero agad ding nagulat nang makita ang binigay ni Dox sa kanya. "Ito oh. Bente. Salamat."
Kahit napipilitan ay nagpasalamat ang waiter at kakamot-kamot sa ulong umalis.
"Ang galante mo eh ano," sarkastiko kong baling kay Dox na mukhang siyang-siya sa nagawa. Aakalain mong isang malaking utang na loob ang ginawa nito. "Bente, seriously?"
"Hindi magiging 1000 ang 1000 kung walang bente. Pasalamat siya hindi piso ang binigay ko." Humagikhik ito na parang bata.
"Bastos mo talaga tangina. Umasa yung tao."
"Well, he was the one who hoped for more," Dread said, supporting the idiot. Tumitig ito sa akin nang makahulugan. "Siya ang umasa."
Inismiran ko na lang ito. Ang gago hugot masyado.
"Nagpaasa rin kasi si Dox. Sabi niya nga "malaking" tip. Sinong hindi aasa?" pangangatwiran ko.
"Iba-iba kasi ang malaki sa mga tao. Pwedeng ang malaki sa'yo, maliit lang para sa'kin," dagdag na naman ni Dread at ngumisi.
"Gaya ng kung malaki ang tingin mo sa burat mo pre tapos maliit lang pala yan kung titingnan ko." Humahalakhak si Dox habang sinasabi yun kaya muntik ko pang di maintindihan ang sinasabi niya. "Musta pala mga babae sa Amerika pre? Satisfied ba ang junjun mo?"
"Gago, anong gusto niyo mamatay akong may STD? I'm not generalizing but I prefer to bed a Filipina."
"Because you love a Filipina." Inis kong tiningnan si Dread dahil sa komento nito. "What?" nanghahamon nitong sabi.
"Nakakailan ka na sa'kin ah. Ba't ang dami mong banat ngayon?" singhal ko rito habang nauubusan na ng pasensya. Mas lalo pang sumakit ang ulo ko dahil sa pinagsasabi nito. "Gusto mo ikaw ang banatan ko?"
Naalala ko na naman bigla yung babaeng yun. Tangina. Kaya ayaw kong umuwi sa Pilipinas ay paniguradong laman na naman siya ng isip ko. Kaya nga nangibang bansa para makalimot. Tapos heto... Tsk.
"Oy, oy, awat na mga boy," dali-daling sabi ni Dox. Nagkibit-balikat lang si Dread kaya napabuntong-hininga ako. Mga gagong 'to. Nakakaubos ng energy. Hirap na hirap na nga akong huwag mapaisip kung nasaan na yung weirdo kong ex. "Nga pala, Den. Anong sabi mo? Di ka ba talaga naka-kama ng mga taga-ibang bansa? Pero di ba, marami kang naging ex? Pinagsasabay-sabay mo pa nga eh."
"Ayoko. Baka habulin pa ako kapag may mabuntis ako."
"Seryoso ka ba?" Dread said with furrowed brows. "May condom naman at pills."
I shrugged my shoulders.
"Kaya nga nagloko rin yung mga walanghiyang babaeng yun dahil ayaw ko pagbigyan." Ngumisi ako sa dalawang gagong halatang hindi kayang paniwalaan ang sinabi ko. Maski ako ay hindi makapaniwalang hindi nabubuhay ang dugo ko sa ganyan. "Manloloko lang ako pero di ako malibog."
"What the fuck?!" bulalas ni Dox habang nanlaki ang mga mata. "So parang virgin ka ngayon pare?! Pre sayang ang kakisigan! Ikaw lang yata ang kakilala kong nangibang bansa pero naging celibate. Grabe, gusto mo palang ikaw ang hinahabol ng babae? Tragis! Nagpapatakam ka ganun? Gandang strategy!"
Gagong 'to. Napailing na lang ako.
"Huwag mo itulad lahat sa'yo, Dox. Ang tanging ulo mong may laman eh yang nasa baba," Dread sarcastically mocked. Pagkatapos ay tinapik ako nito sa balikat at tinanguan. "I respect you, Den. You're not a fucker like Dox."
"Amputa! Balimbing ka talaga kahit kelan!" maktol ni Dox at ginulo ang sariling buhok dahil sa iritasyon. "Pero 'di nga, Den? Hindi ba umabot kahit third base?"
"Sinusubukan ko pero wala eh." Natawa ako nang mapakla. "Hindi ako tinigasan."
"Tangina what?!" Dox exclaimed in surprise then he squinted his eyes at me. Kinilabutan naman ako sa ngisi niya. "Baka lalaki hanap mo pre?"
"Tangina mo!" mura ko rito. "Eh sa may naaalala nga ako kapag may kahalikan ako. Minsan hanggang smack kiss lang kami kasi nasusuka ako."
"Confirmed pre. Bakla ka." I rolled my eyes at the grinning moron.
"O baka naman dahil naaalala mo kung paano mo niloko yung babaeng minahal mo," Dread murmured coolly. "Am I right?"
I exhaled a mouthful of air and didn't reply. Bumaling ako sa bilaong puno ng pagkain. May dalawang inihaw na malalaking isda at dalawang inihaw na malalaking pusit na nakatabi sa gabundok na kaning klarong pandalawahan. May nakalatag na maraming dahon ng lettuce sa ilalim ng mga pagkain at meron pang grilled na mga sausages sa pinakagilid.
Isang imahe ng babaeng masayang sinusubuan ako ng pagkain ang pumasok sa isipan ko.
"Kai, ang sarap 'di ba?"
Fuck.
Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha at nagtanong.
"Pwede bang lumipat tayo ng restaurant?"
Nagkatinginan sina Dox at Dread at kaagad akong tinanguan.
"Sorry, pre," bulong pa ni Dox. "Pinaalala namin—"
"Hindi, kasalanan ko," I said with a frown. "Kahit saang banda tingnan, ako yung mali pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito, sinabihan niya namang pinatawad niya ako. Pinalaya niya na ako. Limang taon na ang lumipas. Hindi na ako nag-usisa sa buhay niya pero bakit..." I trailed off. Nasapo ko ang noo ko dahil naalala ko na naman ang lamig ng tingin niya nung araw na hiniwalayan niya ako. Ni hindi siya umiyak. Ni hindi siya nagmakaawa pero para bang ibang lungkot ang naramdaman ko sa malamig na titig na yun, na para bang ako ang pumatay sa kanya. "Bakit ganito?" Napapikit ako at nasampal ang sarili ko para mawala ang iniisip. "Fuck. Nababaliw na ako. Let's just get outta here."
"S-Sige pre. Magbabayad lang ako."
"Ako na," I murmured. Saan ba ang counter? "Wag ka na mag-abala ng waiter. Baka bigyan mo na ng piso. Ako ang nahihiya para sa'yo."
Dread chuckled behind us as we walked towards the counter. Maayos naman ang pwesto ng mga mesa at upuan kaya mabilis kaming nakarating sa patutunguhan kahit maraming customer.
Ayoko nang igala pa sa paligid ang mga mata ko dahil baka may maalala na naman ako sa disenyo.
Kinuha ko na ang wallet mula sa bulsa ng pantalon ko. Akmang bubuksan ko na sana ang wallet nang biglaan akong tinapik nang paulit-ulit ni Dox sa balikat. Yung tapik na parang hampas.
Kaya ayun tumilapon sa sahig ang wallet ko.
"Tangina."
"Ah! Pre! Nandito yung crush ko!" na-e-excite na bulong ng lokong si Dox kaya napasimangot ako at tinitigan ang nakahandusay kong wallet sa sahig. Bumukas iyon kaya tumambad ang isang litrato sa gilid.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang nandun yung picture ng ex ko. Mabilis pa sa alas kwatro akong umabante at kukunin na sana ang wallet nang maunahan ako ng isang makinis at malinis na kamay ng babae.
I noticed the elegant square shaped well-trimmed painted nails.
Gray.
Kagaya ng mga mata ng ex— I shook my head to shut those useless thoughts away and hurriedly stood.
Napansin kong hindi pa binibigay ng babae ang wallet ko at para bang chinecheck pa niya ang laman. Siguro ay tsismosa ito at gusto lang tingnan kung sino yang nandiyan.
"Ah Miss, wallet ko," sabi ko at tumingin na sa mukha nito. Nabato naman ako sa kinatatayuan ko nang makita ang hitsura ng babae.
Heart-shaped pinkish lips. Pointed nose. Flushed cheeks. Perfect brows. Long wavy dark hair.
Nakatuon ang mga mata nito sa wallet habang magkasalubong ang mga kilay pero nang marinig ang boses ko, bumaling ang magaganda niyang mata sa akin.
Kulay abo.
Walang pagbabago sa maganda niyang mukha maliban na lang sa katotohanang mas lalo siyang gumanda.
Tangina. Totoo ba 'tong nakikita ko?
Dumagundong ang puso ko dahil sa pinaghalong emosyon. Kakauwi ko pa nga lang siya agad ang makikita ko? Ginagago ba ako ng tadhana?
"Kai?" Her smooth calming voice was the same as always. Magandang maganda pa ring pakinggan sa tenga pero walang kasinlamig. Kahit gano'n ang tono, may nabasa akong lungkot sa kanyang mga mata. Ayoko namang mag-expect. Masakit umasa.
Maybe she just missed the memories we had. Memories... That's right.
I missed her. So bad. But that's just it. Nothing else.
"Mave," I blurted out without thinking about anything except her. Hindi ko maalis ang tingin ko sa napakaganda niyang mukha. Nasiyahan ako nang sipatin niya ako ng tingin. Head to toe. Kinilabutan ako sa malamig niyang mga mata pero hindi mapigilang magdiwang na tinitingnan niya ako.
Mavis Estrella is in front of me and called my name. Ibig sabihin, hindi niya pa ako nakakalimutan. Tinawag niya rin akong Kai. Gusto kong humalakhak bigla.
Pero tinago ko ang nararamdaman gamit ang pagkunot ng aking noo. Tangina. Napaka-uncool naman kong aakto akong parang bakla na miss na miss na siya. Tsk.
Pakiramdam ko kami lang dalawa sa oras na yun dahil sa pagkakatitig niya sa akin. Wala naman siguro akong dumi sa mukha, ano? At saka, disente naman ang suot kong shirt at maong na ripped jeans.
"You look good," she murmured after some time so I bit the inside of my cheek to keep myself from grinning. "Mas tumangkad ka at lumaki ang katawan mo. You worked out?"
Kahit medyo nahihiya sa kadiretsuhan niya, tumikhim ako at nagsalita.
"Yeah." Pagkatapos ay ako naman ang sumipat sa suot niya. Grey na corporate attire. Hapit sa katawan. Hapit sa katawan? Flat stomach. Slim waist. Wide hips. Mabilog na legs. Wow. Stockings. Fuck shit. Black stockings. Unti-unting bumalik ang tingin ko sa malaki niyang dibdib at napakunot-noo. Binalewala ko ang init na umusbong sa loob ko dahil sa sobra niyang kaseksihan. Kung wala kami sa publikong lugar ay baka...fuck. Isa pa, ayoko ring ipakita na apektado pa rin ako sa kanya. Then I asked her, "May anak ka na?"
Hindi ko alam pa'no pero lumaki talaga yung boobs niya grabe. Malaki naman yun dati pero ngayon parang ang sarap siguro susuhi—hindi. Baka ay may asawa na nga ito kaya lumaki nang ganyan. They said boobs get bigger after getting pregnant or after being squeezed so much.
Tangina. Ayoko nang isipin. Binalik ko sa mukha ang mga mata ko dahil nagkakasala na ako sa isipan ko matapos titigan ang katawan niya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero tinitigan ko lang siya nang maigi, habang hinihintay ang kanyang sagot.
Tell me, come on. Tell me you're still availa—no. What the hell am I even planning to do after knowing that? Psh.
"Den! Den!" tawag ng tragis na si Dox. I grunted in irritation. Tangina talaga 'to. Panira kahit kelan. Pagkatapos ay tumabi ang gago sa akin habang ngising-ngisi. "Magkakilala kayo ng crush ko?"
Nagkasalubong ang kilay ko at muntik nang bangasahan si Dox.
"Dox Kiel Avelo of the Avelo Chain of Companies," kaagad na sabi ni Mavis sa seryosong tono.
"Magkakilala kayo?" taka kong tanong kay Dox.
"Oo naman pre. Matagal na kaming magkakilala ni Mavis. Crush ko nga siya 'di ba? Crush lang kasi hindi pwede."
I frowned.
Hindi pwede? Bakit hindi pwede? Taken na siya? Pero hindi ko yun pwedeng itanong. Tapos na kami. Ano namang pakialam ko, 'di ba?
Peste. Bakit ba kailangan ko pa siyang makita eh ang laki-laki ng siyudad?!
"Ginugulo ka na naman ba nitong si Dox?" My jaw tightened when a pink-haired guy barged in the conversation and stood beside her. Naningkit ang mga mata ko nang pasadahan niya ng tingin si Mavis na para bang tinitingnan kung ayos lang ba ito.
Anong akala niya sa'min? Pumapatol sa babae? Gagong 'to. Sino ba 'to?
"Hoy Giyo, kapal ng mukha mo ah. Anong ginagawa mo rito? Ang pangit pa rin niyang pink mong buhok. Tsaka, ano naman yang suot mong corporate attire? Tangina. Second hand ba 'yan?" Nagulat ako dahil sa pang-iinsulto ni Dox sa lalaki. Ba't kumukulo ang dugo ng gagong 'to? Di naman 'to madaling inisin o galitin ah.
"Huwag kang bastos." Gulat akong napatingin kay Mavis nang lumamig masyado ang pagkakasabi niya roon. Galit siya. Dahil ano? Dahil binastos ni Dox 'yang lalaking Giyo ang pangalan? Ito ba ang bagong boyfriend niya?
Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki. Pwede na rin. Gwapo at matangkad. Pang-swimmer ang dating at nakasimangot.
Bakit naalala ko sa kanya ang dating ako?
"Don't mind him. He's just jealous that his ex-girlfriend is chasing me." that Giyo guy murmured and shook his head. Narinig ko pa si Dox na nagmura. Siguro ay matalim talaga itong tumingin dahil nang bumaling ang lalaking may pink na buhok sa akin ganun pa rin ang kanyang ekspresyon.
Ba't nga pala pink ang buhok niya kung ganyan siya katalim tumingin?
"And this is?" aniya, klarong tinatanong kung anong role ko sa buhay nila ni Mavis.
"No one," I murmured. My eyes went towards the wallet that's still wide open on Mavis' hand. Then I glanced at her and looked at the wallet again to indicate that she should return it. Dumako rin doon ang tingin niya bago kaagad niya iyong sinara.
Siguro ay ayaw niyang makita iyon ng boyfriend niya. Peste. Di ko yun tinatanggal eh. Kapag makikita kasi yun ng mga humahabol sa aking babae, sumusuko na agad sila. Nakakakinsulto raw kasi ang ganda ni Mavis.
Ah fuck. Bakit ba ang ganda niya? Tapos ang sexy pa? Hayst. Kung hindi ay baka mabilis ko na siyang nakalimutan.
Tinanggap ko na ang wallet at bahagyang ngumiti nang natural.
"Salamat." Pagkatapos ay awkward kong tinuro ang direksyon ni Dread na nakatingin lang pala sa amin mula sa malayo, tila nag-iisip. "We gotta go. See you around."
But it's better if we'll never see each other again.
"Wait, Den," ungot ni Dox pero sinamaan ko na ito ng tingin.
"Yeah, see you around," Mavis murmured and gazed at me. Napatingin siya sa mga labi ko at umiwas ng tingin.
Alam kong naalala na naman niya ang pagtataksil ko noon.
Tumalikod na lang ako at naglakad palayo. Nang maabutan si Dread, nagsimulang magkwento si Dox habang minumura ang pangalan ng kasama ni Mavis.
Hindi ko mapigilang lumingon muli sa direksyon nila at hindi mapigilang magulat nang nandoon pa rin si Mavis habang nakatitig sa akin. Wala na yung lalaki. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya nang magtagpo ang aming mga mata.
She looked confused until I gave her a reassuring smile. She cutely blinked and bit her lips then she nodded at me then stormed off.
Hindi na mahalaga ang nararamdaman naming dalawa. Pareho naming nasaktang ang isa't isa. At mas mabuti pang huwag na naming ulitin 'yon.
Tumitig ako sa bakanteng pwesto na iniwanan niya.
What's done is done.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro