Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10

Kaiden Cervantes

"Oy pre, musta?!" bungad ni Dox habang kumakaway pa pagkapasok niya sa private room nitong Matryoshka Bar. Nakaestilo na parang dinilaan ng baka ang neon green niyang buhok habang suot-suot niya ang isang magenta na suit.

Kumunot ang noo ko dahil kulang na lang pintahan ang mukha niya at pwede na siyang maging si Joker sa kasilaw-silaw na mga kulay. Tanginang 'to. Laging agaw-pansin kahit saan. Buti at may available pang private room kundi ay pinagtitinginan na kami sa loob ng bar.

"Aling masamang hangin na naman ang nasinghot mo gago ka?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang bote para tumungga ng beer. "Kung hindi neon, magenta. Pakibaba naman ang contrast mo baliw."

"Aw," nakangusong sabi nito at naupo sa isang couch bago nagbukas ng beer at mabilisang napainom. "Iba lang taste mo, Den. Itong mga ganitong kulay ang gusto ng girls."

"Weirdo ng mga babae mo gago." Nagkibit-balikat lang ito at sumandal sa couch bago nagpatuloy sa pag-inom. "Oy baka malasing ka na bago dumating si Dread."

"Ayy caring ka talaga forever pre," nakangising sabi ni Dox kaya sinimangutan ko lang siya. Di ko alam kung paanong naging tropa ko 'tong isang 'to. "Pero pre, ba't ka napatawag? Meh poblema ba?"

Tahimik lang akong uminom ulit at sinagot na ang tanong niya.

"Si Mavis, pumunta ako sa dating bahay niya tapos may nakita akong lalaki." Nabuga ni Dox ang iniinom at marahas na napapunas sa beer na tumulo mula sa bibig nito. "Kung ako ang nabugahan mo baka hindi lang sapak ang inabot mo, Dox."

"Sensya na pre, gulat lang eh. But are you really fucking serious?! May kalaguyo si Mavis Estrella?!" Walanghiyang 'to kalaguyo pa talaga ang ginamit na termino.

"She has a lover apparently. Doon pa natulog ang lalaki. Ano pa bang dapat kong isipin?" mapait kong kwento at naalalang suot pa ni Mavis ang shirt ni Amon. "Fucking hell. I dreamed of seeing her in my shirt for so long and I just saw her wearing the Russian model's large shirt on her beautiful body," sumbong ko na para bang bata na inagawan ng kendi.

Peste. Nababaliw talaga ako kapag si Mavis na ang pinag-uusapan.

"S-Suot ang shirt?!" Nanlaki ang mga mata ni Dox at tila ba nakikita na nito ang sinasabi ko. Kuminang bigla ang kanyang mata at halos tumulo na ang laway kaya naiinis ko itong binato ng bote ng tubig. Umiwas lang ang gago at halos magtatalon na sa tuwa. "Saan? May picture ka? Patingin!"

"Anong picture? Ano ako, paparazzi?" nayayamot kong sabi.

Pero sana pala ay nakuhanan ko 'yon ng litrato. Shit. Kahit nakasuot siya ng malaking panlalaking shirt ay klaro pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan at yung dibdib... Tangina. Naalala ko na naman kung anong nagawa ko kahapon sa banyo malapit sa kusina nila. Ang dami ko yatang nalabas.

The way she sucks that hotdog turned me on big time.

Tumungga na lang ako ng beer ulit dahil naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi.

At least, I now know I can also get hard...just with my ex-girlfriend. It's weird in a lot of ways, especially when her current boyfriend didn't seem to mind how I openly showed how I desired Mavis.

That dude's a creepy one. Baka mas gusto niyang may karibal para mas ramdam niya ang pagkapanalo. Tsk. Pero yun lang yun. Libog lang ako. Tapos ang usapan.

"Wait, speaking of paparazzi, nawala yung site na laging nag-p-post ng mga photos ni Mavis!" ngawa ni Dox at kita sa pagkabusangot ang pagkalugi. Natigilan ako sa pag-inom at napalunok. "Hindi ko pa naman nakita yung mga latest posts. Psh. Sino kayang gago ang gumawa nun? Wala na akong masyadong mahanap na photos ni Mavis sa internet! Pati yung mga nasa cloud ko at pati sa phone nabura lahat!"

"Site?" I asked shile feigning confusion. "May paparazzi na nag-u-upload ng mga photos ni Mavis nang hindi nagpapaalam? Pwede siyang makasuhan."

Dox grimaced.

"Wala namang pakialam si Mavis eh. Tsk. Sino kaya ang nang-hack ng napakaraming phones para lang burahin ang mga photos ni Mavis? Bored kaya yun?"

Naawa ako bigla kay Cube. Hindi ko alam na ganoon pala kakomplikado ang pinagawa ko. Hindi naman siguro yun mahuhuli.

Then the door opened again and Dread walked in. His loose red buttoned shirt, maong pants, and rectangular glasses made him look like a nerd. Pero, gulo-gulo ang buhok nito at may bahid pang lipstick sa leeg.

"Anong trip mo?" sabay naming tanong ni Dox sa bagong dating.

"The girls in the other room are so wild," tila lutang na sabi ni Dread dahil parang hindi makapokus nang maayos ang kanyang mga mata. "Nagtruth or dare sila at pinagdidiskitahan ang mga lalaking nasa bar."

"Girls?!" Napatalon sa excitement ang isang loko. "Damn, sana pala nagpahuli rin ako!" Hindi na namin napigilan si Dox nang tumakbo siya palabas habang humihiyaw sa tuwa.

Gagong 'yon.

"Ah yeah, your ex was there too," Dread said and slumped on the couch. Agad akong napatayo sa sinabi niya. "Don't worry. She's not drunk. Parang siya pa ang bantay ng mga babae roon."

Naupo ako pabalik sa couch at nagpatuloy sa pagtungga. Kailangan kong pigilan ang sarili ko bago ko pa makalimutan na limang taon na kaming hiwalay.

That woman is really there wherever I go. Fucking fate is messing us up again. Nakakagago.

Ilang minuto ang lumipas bago bumalik si Dox na nakangisi nang malaki.

"Sinamaan ako ng tingin ni Mavis. Hahahaha!"

Takte. Tiningnan lang nang masama parang nabaliw na 'tong fanboy na 'to.

"Ang saya-saya mo eh ano?" I said in irritation. Humalakhak naman ang loko at nagkwento pa.

"Akala ko pre magsusuot si Mavis ng sexy na damit kasi bar 'to pero ayun at nakacorporate attire! Hahahaha! Pero ang ganda niya pa rin."

Syempre.

I secretly laughed. She's the most beautiful woman I've met and the hottest, even when she's wearing a large sweater.

Matapos ang mahabang pag-k-kwento ni Dox sa kung gaano kaganda si Mavis, napunta na kami sa pag-uusap tungkol sa nararamdaman ko para sa babae.

"Tinigasan ako sa kanya." Iyon na ang nasabi ko at nagkasabay sa pagtawa ang mga animal. "Seriously, it's making me crazy. Even when her boyfriend was there, I can't stop looking at her lips."

"Sus pre. Asa ka pang hahalikan ka nun. Niloko mo na nga eh tapos Reyna ng Yelo yun kaya alam mo, di pa rin ako makapaniwalang may boyfriend siya." Dox pouted. "Kahit sino pa yun, di ako approve dun. Swerte niya masyado sa crush ko no!"

"Me too," pagsang-ayon ni Dread. "Baka nagkamali ka lang, Den. Hindi mo ba siya tinanong?"

"Hindi." Hah. "Pero hindi niya rin naman kinlaro kung sila ba."

"Baka fling? One night stand?" dagdag ni Dread at ngayo'y nakangiti na.

Sumama ang timpla ng mukha ko dahil dun.

"Hindi siya ganoong klaseng babae." Tumango-tango naman si Dox habang masamang tinititigan 'tong isa.

"Well, whatever you say. Ikaw naman ang nakakakilala sa kanya," balewalang ani Dread at tumungga mula sa bote. "Or do you really still know her?"

Wala akong nasabi roon dahil alam naming lahat na napakatagal nang panahon ang lumipas. Marami na sigurong lalaki ang dumaan sa buhay ni Mavis matapos kaming magkahiwalay.

"Ano plano mo ngayon, pre?" tanong ni Dox nang may kyuryosidad. "You admitted that you're attracted to her body but what will you do now? Kung may nobyo nga siya, ano man? Magiging kabit ka? Pfft! Hahahaha!"

"The irony," Dread said with a chuckle. "Karma's really a bitch, huh?"

"Anong kabit?" pasinghal kong sabi sa mga siraulong 'to. "Kabit, kabit baka kayo ang ikabit ko sa kable ng kuryente." Naghalakhakan na naman sila kaya nagkasalubong ang kilay ko. "Break na kami kaya wala na. Libog lang naman 'to."

"Sigurado ka ba?" Dread's tone implied that he knew what's really in my mind right now. Mavis. Shit. Hindi pa rin ba ako nakaget-over sa kanya? "Yep, you're fucking confused," he said with finality. "Then just let it all go. Klarong pinaglalapit kayo ngayon ng tadhana. Nagkataon pa ngang nasa kabilang private room di ba?"

Yes. It's too much of a coincidence. Ikatlong beses na 'tong aksidenteng pagkikita namin. Well, that is if I'll choose to see her tonight.

But I won't. The way her sweet lips parted while eating and sucking that hotdog is still fresh in my mind. Baka kung ano pang magawa ko.

"Ah, bahala na." Iyon na lang ang nasabi ko.

Pagkatapos ay nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa ibang bagay habang umiinom pero dahil mataas ang tolerance namin ni Dread, si Dox lang ang sumalampak sa sahig dahil sa sobrang kalasingan.

"Mauuna kami," Dread muttered while dragging Dox by the feet. Natawa ako sa hitsura nito na parang timang na tumatawa habang nakahiga ang katawan sa sahig.

Tinanguan ko lang siya habang si Dox ay kumaway muna sa akin at nagsabing, "Salamat sa tsismis! Hahahaha!"

Then they both left.

I decided to waste some time inside the room. Mahirap na. Baka makasalubong ko pa si Mavis. Hindi magandang ideya...

Napatingin ako sa relos at nakitang alas onse pa pala. Maghihintay muna ako ng dalawang oras bago aalis para makasigurong hindi kami magkikita. Panigurado namang maaga yun sila uuwi. Kung bridal shower itong pagpunta nila sa bar, malamang yung groom susugod dito para siguraduhing walang mangyayaring masama.

Ah... Weddings. Tsk. Ni ayoko nang makasal.

After having relationships with numerous girls, I realized that I can't be happy playing around with them. May ibang sinasampal ako kapag malalaman nilang pinagsasabay sila. May mga na-e-excite sa challenge ng competition. Meron namang iba na kagaya ko ring pinagsasabay ang mga karelasyon.

Pinilit kong alamin kung bakit ko talaga nagawang magloko kay Mavis gayong wala naman siyang ginawang masama sa akin. Ang problema lang talaga namin dati ay ayaw nitong makipagmake-out. Isang beses ko lang siyang nahalikan at first kiss namin yun pareho.

I remembered feeling slightly frustrated because of it but because I loved her, I didn't make a big deal out of it.

Pero nung araw na nagawa kong halikan ang ibang babae, siya ang iniisip kong kahalikan ko nun. Galit din ako nung araw na yun dahil may mga lalaking umaaligid kay Mavis pero hindi niya lang pinansin ang paghawak ng mga ito sa balikat niya o 'di kaya'y sa braso niya.

Selos na selos ako pero hindi man lang iyon napansin. Isama pa na pagod na pagod na ako sa pagpapanggap na perpekto sa mga mata niya. She didn't even know how it's hard to keep up with her obsession of getting rid of people who make mistakes.

Sa galit ay pinatulan ko yung kaibigan niyang matagal nang nagpapapansin sa akin. Pero sabi nung babae na-attract lang siya sa mukha ko. Kasal na nga yun ngayon at nag-migrate na kasama ang pamilya nito. Tangina lang. Buti pa siya masaya na.

Pero si Mavis at ako...

This is all on me.

Nahilamos ko sa mukha ang aking kamay nang maalalang sa mismong kama pani Mavis kami naghalikan nung babae.

It's so fucked up. I'm so fucked up.

Halik lang yun. Ni hindi ko hinawakan ang katawan ng babae dahil nandidiri ako. Nang magawa ko yun, sising sisi ako sa sarili. Plano ko namang sabihin kay Mavis pero naunahan ako ng takot.

At ayun nga, may camera pala sa room si Mavis. Kuhang-kuha ang ginawa kong pagtataksil.

Shit.

Kinuha ko ang phone at nag-abala na lang sa paglalaro ng mobile games pampalipas oras pero sumasagi pa rin paminsan-minsan ang malamig na tingin ni Mavis sa aking isipan.

Napatingin ulit ako sa relos at nakitang lampas ala una na ng umaga. Panigurado ay nakauwi na sina Mavis.

Napahikab ako ng ilang beses bago tumayo. Tangina. Sumakit na ang puwet ko dahil sa dalawang oras lang akong nakaupo habang naglalaro.

Pagkalabas ko ay naabutan ko ang private room sa gilid namin na bukas. Sabi ni Dread at Dox, ito raw ang room nina Mavis. Wala nang tao nang madaanan ko iyon.

May kaunting panghihinayang sa isipan ko dahil doon.

Umiling-iling na lang ako at tinahak ang pasilyo papunta sa elevator. Nang makita itong pasara na, wala sa sarili akong napasigaw kahit hindi naman ako nagmamadali.

"Teka!" Patakbo akong pumunta sa harapan ng elevator at napangisi nang bumukas ulit iyon. Peste. Ngingiti na lang ako dahil kahiya-hiya yung pagsigaw ko. "Sala—" Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita si Mavis na nakataas ang kilay sa akin.

Hindi ko mapigilang mapansin ang purong itim nitong suot na blazer, blouse, at fit slacks. Sumunod ang masikip na tela sa bawat kurba ng kanyang katawan at pakiramdam ko'y halos maubusan ako nang hininga sa ganda ng kanyang mukha. She was wearing a ponytail so I could stare at her slender neck while fighting the urge to slam her on the wall and ravage her.

Her gray eyes scanned me for a while before she nodded.

"Bababa ka?"

"Y-Yeah," nauutal kong sabi at pumasok na.

Tanginang pagkakataon. Nananadya talaga. Gumitgit ako sa isang tabi, palayo kay Mavis pero pakiramdam ko'y mas lumiit pa rin ang elevator.

Sumisigaw na ako ng mga mura sa utak ko dahil naaamoy ko 'yang pabango niyang kasimbango ng mga bagong pitas na bulaklak. Baka siya ang pitasin ko—tragis. Baliw na nga ako.

Nakiskis ko ang mga palad ko nang mangati iyon at iritableng tumingin sa pababang simbolo na nasa taas ng mga button sa elevator. Tangina. Dalawang floor lang man ang ibababa namin pero bakit ang tagal?!

"Kai."

Shit.Shit. Ayan na. Baka tanungin na ako nito kung sinusundan ko siya. Putakte. Alam kong alam niyang libog ako sa kanya. Peste. Nakakahiya yung ginawa ko sa bahay nila kahapon. Umiyak at ngumawa pagkatapos ay nalibugan kay Mavis.

Hindi na ako magugulat kung tatawagin ako nitong manyak dahil totoo namang iyang katawan at mukha niya ang nagpapainit sa akin. Putangina. Paano ako naging ganito kamanyak?

Tumikhim ako at sinagot na muna siya.

"Oh?" Lumingon ako sa kanya habang pinipigilan kong lumabas ang nag-aapoy na sensasyong dulot ng pagtitig niya sa akin.

"Why did you go back?" kaswal lamang iyong tanong pero pakiramdam ko ay may iba siyang sinasabi. Her gray eyes glinted with something I couldn't even describe.

"Dito na raw mag-b-base yung business ni Dad," sabi ko na lang. "Ba't mo naman natanong?"

"I just thought I couldn't see you again." Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa kaprangkahan niya. "Akala ko nga'y patay ka na."

Kaagad na nawala ang ngiti ko.

Peste.

Pinatay ba naman ako? Tsk.

"Ano naman ang naramdaman mo nang makita akong buhay?" I asked with sarcasm.

"Nothing," she murmured. "Alam ko namang masamang damo ka." Alam kong biro niya lang yun pero 'di ko mapigilang mainsulto. Mapakla na lang akong natawa. "How about you? Anong naramdaman mo nang makita ako ulit?"

Sabi na eh. Kapag may itatanong ka talaga sa babaeng 'to, madalas niyang ibabalik ang tanong sa'yo. Para makaganti, sinabi ko na ang katotohanan.

"I realized I'm still attracted to you," nakangisi kong sabi. Ni hindi man lang nagbago ang emosyon sa kanyang mukha kaya alam kong alam niya na iyon. "I felt regretful. Pero wala na naman akong magagawa. Tapos na tayo." I shrugged my shoulders exaggeratedly. "At saka may boyfriend ka na."

"Yeah, we're done," anito sa maliit na boses. "But I don't have a boyfriend." Wait what? "Ikaw ang huling boyfriend ko."

"What?!" bulalas ko sa pagkagulat. "Sa ganda mong 'yan?!"

Umiwas ito nang tingin at bahagyang napangiwi.

"I can't trust men to be loyal again."

Pakiramdam ko ay sinapak niya ako sa sakit ng sinabi niya pero totoo naman iyon. Isa pa, hindi naman ang tiwala ko ang nagiba kundi ang sa kanya.

Katahimikan na ang naghari sa pagitan namin hanggang sa bumukas ang elevator pero kahit anong mura ko sa sarili, hindi ko pa rin mapigilang isipin na single pa siya.

Putakte. Ba't ko pa iniisip kung may tsansa ba ako eh ako ang naging dahilan kung bakit siya naging kasinlamig ng yelo?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro