Did I just met him??
*Artemis POV*
Nakatitig ako ngayon sa singsing na isinuot sa akin ni Justin. Hindi ko alam pero the moment na sinuot nya sa akin iyon singsing ay parang may iba talaga. Bagay na hindi mo maipaliwanag. Hay! Ewan! Yung loko naman ding iyon, kinuha ang clip ba paborito kong suotin, panghawi ng bangs ko. Bigay pa naman iyon ni nanay. Pero quits lang kami, dahil mommy nya din ang nagbigay ng singsing. Pero kahit na!
"Hindi ako sanay na hindi suot iyon."
Pag-aalburoto ko. Dahil hindi ako sanay na may suot na singsing, ay naisipan kong ikabit na lang ang singsing sa kwintas ko, nilagay ko ang singsing sa kwintas ko na may heart shape pendant. Hanggang sa makatulog ako ay hawak hawak ko ang singsing na nakalagay sa kwintas ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil naisipan kong magjob hunting habang nagsusulat ako. Habang kumakain ako ng almusal ay naisipan kong buksan ang maliit kong tv. Dahil maaga pa ay puro morning news ang palabas. Papatayin ko na sana ang tv nang bigla kong marinig sa tv news achor ang isang balita.
"Mga kaibigan ngayon araw po ng biyernes ng umaga ang alis ng Prime Minister ng Canada na si Justin Trudeau, si Trudeau ang pinakabatang delegadong dumalo sa APEC Summit bilang kinatawan ng bansang Canada. Si Trudeau din po ang tinagurian APEC hottie ng ilang netizens."
Napatutok ako sa tv at halos iduldol ko ang mukha ko sa screen dahil sa nakikita ko ngayo.
"T-teka? S-si J-justin ba iyon?"
Sabi ko sa sarili ko. Tumitig akong mabuti. Sya nga. Si Justin na nakilala ko sa seaside ng MOA, si Justin na pinakain ko ng balot, si Justin na pinagtatawanan ko, si Justin na nagbigay sa akin ng singsing?
"Si Justin ang Prime Minister ng Canada?"
Gulat na gulat kong sabi sa sarili ko. Napahawak ako sa singsing na binigay nya sa akin. Napatulala ako. Naalala ko ang sinabi nya sa akin noong unang beses kaming nagkita.
"Uhm, I can't tell you what I am, but lets just say that I have this work that is full of responsibility."
Did I just met the Prime Ministerof Canada?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro