CHAPTER 27: CHANGES
Midnight’s POV
It’s been almost five years when that thing happened. I got to finish my degree at the same university where he studies. Hindi na ulit kami nagkita pagkatapos ng break up namin. Hindi rin ako makaalis ng Baguio that time kasi may scholarship ako na nakuha sa school. Sa awa ng Diyos ay pina-graduate niya ako on time kahit palagi ako nagkakaroon ng mental breakdown.
“Miss Midnight, someone is looking for you,” one of my juniors called me.
“Yes! I’ll follow. Serve them coffee first,” sagot ko.
“Noted, Ma’am!” sagot niya.
I am now practising my architecture degree here in Switzerland. After passing the board exams I decided to go here. Tutol pa sila Mama noong una pero pumayag pa rin. Pagkatapos kong makipag-usap sa kliyente ay tinawagan ko na ang engineer na in-charge sa project nila.
“Hello? Good day Engr. Johnsons,” bati ko.
“Good day, Architect! Why did you call?” sagot niya.
“One of our clients asked for revisions in the blue print. I already sent you the revised blueprint in your email,” sagot ko.
“Okay, thanks! I’ll fetch you after work?” sagot niya.
“Nope. I bought my car with me,” sagot ko.
“Then I will just eat dinner at your place,” sagot niya.
“Bahala ka kung anong gusto mo,” sagot ko.
“Okay then. Wait for me,” sagot niya.
Binaba ko na ang tawag pagkatapos naming mag-usap. Tinuloy ko na ang mga naiwan kong trabaho. Nang matapos ay nagsimula na akong iligpit ang mga gamit ko para makauwi na.
“Architect, good evening!” tawag ng secretary ng boss ko.
“Good evening! Yes?” sagot ko,
“Are you going home now?” she asked.
Tumango naman ako bilang sagot.
“Sir told me to go to his office before you go home,” sagot niya.
“Okay. Thank you,” sagot ko.
Umalis na rin siya pagkatapos naming mag-usap. Nang mailigpit ko na ang mga gamit ko ay dumiretso ako sa opisina ng boss namin. Pagkarating ko sa opisina ay natagpuan ko si Ajax na nandoon sa couch. Nginitian ko lang siya bilang pagbati na sinagot niya ng kindat.
“Good evening, Sir,” bati ko.
“Good evening Architect Agnello. I decided to let you and Engr. Johnsons take part in the conference that will happen on Wednesday,” he said.
“Sure, Sir. Just send me the details of the conference that we’ll be attending,” sagot ko.
“That’s all. You both can go now,” sagot niya.
Sabay na kaming lumabas ni Ajax. Kinuha niya ang bag na nasa balikat ko pati na ang mga bitbit kong blueprints. Ganito na talaga siya noong nagkakilala kami. Minsan pa nga’y hinahatid niya ako sa opisina. Kapag naman hindi ko type mag-drive ay sabay kaming pumapasok sa trabaho.
“Ang dami mo namang dala. Bakit may mga blueprints ka pang dala?” saad niya.
“Marami akong remaining projects. Hindi ko matapos-tapos lahat sa sobrang dami. Sobrang benta kasi noong huli kong project kaya marami akong pending,” sagot ko.
“Don’t overwork yourself. Hindi ka naman robot para tanggapin lahat ng offers nila,” sagot niya.
“I know it’s just that I need funds for something,” sagot ko.
Balak ko kasi magbukas ng art gallery sa Pilipinas at ng sarili kong architecture firm. I’m planning to build it in Baguio since it is where everything started. I want to display my paintings there. Hindi na kasi kinaya ng space ko rito sa Switzerland at napakarami na rin. Sabi nga ni Mom kung gusto ko raw mag-start ng gallery rito pwede naman daw sila mag-fund. Hindi ako pumayag dahil mas gusto ko na sa Pilipinas ‘yong art gallery ko. Nag-convoy na lang kami papunta sa condominium namin. Nasa iisang condominium building lang kami kaya kami nagkakilala. Noong bago-bago pa lang ako rito sa Switzerland siya ‘yong nagdala ng maraming chocolate pa-welcome sa akin.
“Ibaba mo na lang sa couch ‘yong mga gamit ko. Nakakahiya naman sa ‘yo hanggang dito dinala mo,” saad ko.
“It’s nothing. Wala rin naman magbibitbit nito para sa ‘yo kundi ako lang kaya no choice ka,” sagot niya.
“Kapal mo ah! Kaya tayo ginawa ng Diyos na may kamay para buhatin ang sarili nating mga gamit!” sagot ko.
“Pasensya na ah, ako kasi ginawa ng Diyos para sa ‘yo…” Kinindatan niya pa ako pagkatapos sabihin iyon.
Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto ko para magpalit ng pambahay. Pagkatapos kong magpalit ay dumiretso na ako sa kusina. Walang alam sa kusina si Ajax kaya madalas siyang dito nakatambay. Napansin ko kasi noong una kaming magkita na palaging fast food ang pagkain niya kaya iniimbita ko na lang siya sa unit ko para kumain.
Napahinto ako sa paghiwa nang tumunog ang cellphone ko.
Architect Josh calling…
Agad kong sinagot ang tawag niya. “Hello?”
“Midnight! Punta raw kami nila Iris diyan sa unit mo! Nandiyan ba si Engineer?” sagot niya.
“Sige, nandito ang pinakamamahal mong engineer. Punta na kayo rito. Dala kayo pagkain kasi konti lang ‘tong maluluto ko,” sagot ko.
“Sige!” Binaba niya na ang tawag.
Nang malaman ng mga archi friends ko na dito ko magpupunta ay sumunod na rin sila pati si Iris. Magkakaiba kami ng firm na napasukan nila Josh at si Iris naman ay doctor sa isang public hospital rito. Nakilala nila si Ajax dahil sa minsan ay nagpunta sila rito na kumakain kaming dalawa.
“Pupunta raw sila Josh. For sure inuman na naman!” saad ko.
“Kapag talaga sila ang pumunta rito laging may bitbit na mga inumin eh,” sagot niya.
Saktong natapos ko ang niluluto nang dumating sila.
“Kayo ah… Napapadalas ang pagsasama,” saad ni Rhea.
“Ano naman?” sagot ko.
“Baka mamaya hindi na kayo friends ah,” sagot naman ni Abi.
Nagkatinginan kami ni Ajax at sabay na tumawa.
“Architects are the engineer’s worst nightmare,” sabay naming sagot ni Ajax.
“Sana talaga mahulog kayo sa isa’t isa,” sagot ni Iris.
Napailing na lang ako. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi pa rin napapalitan si Astrophel sa puso ko. Kahit matagal na kaming magkakilala ni Ajax ay wala pa rin akong nararamdaman para sa kaniya. Alam naman ‘yon nila Iris pero hindi nila maiwasan na magbiruan tungkol sa status namin. Ajax is also a standard but Astrophel is my standard. No one can surpass the sacrifices and love he gave to me. I tried contacting him years ago but I think he’s too busy in his personal life so I understand that he can’t reply to it.
Dumiretso na sila Josh sa dining area. Kumain muna kami ng dinner bago mag-inuman. Napag-desisyonan namin na mag-get together at least every two weeks para naman makapag-unwind sa trabaho namin.
“Engineer! Ano na ba talaga real score niyo ni Midnight namin?” saad ni Josh.
“Friends,” simpleng sagot ni Ajax at uminom sa in-canned beer niya.
“Ikaw, Misha? Hindi mo ba talaga gusto si Engineer?” sagot ni Iris.
“I’m not yet ready to entertain someone kasi right now… I still think about him,” sagot ko.
“Then if you are ready, is there a chance for the engineer?” sagot ni Abi.
“You know what guys, don’t force or pressure Midnight to enter a relationship if she’s not yet ready. Kasi ang relasyon hindi naman ‘yan one sided eh. Laging dalawa so kung hindi ready ‘yong isa, syempre masasaktan ‘yong isa. Mauuwi lang ‘yon sa trauma at hiwalayan kaya mas better na maging single na lang siya hanggang sa maging ready na siya ulit magmahal,” sagot ni Ajax.
“If ever nga may chance ba kayong dalawa?” sagot ni Josh.
“To be honest, yes. Lagi naman akong ready for Midnight eh. Hindi pa nga lang siya ready kaya hihintayin ko ‘yon,” sagot niya.
“Hoy! Huwag kang bolero!” saad ko naman.
Nagpatuloy ang inuman at kwentuhan. Habang patagal nang patagal ay isa-isa na kaming tinatamaan ng amats.
“Matanong ko nga kayo, anong gayuma ba meron ang ex ni Midnight at hanggang ngayon eh hindi pa rin makausad ‘tong kaibigan natin? Gwapo ba?” saad ni Ajax. Mukhang lasing na rin siya dahil ‘yong mga mata niya ay mapungay na at mukhang inaantok na rin.
Hindi naman ako masyado uminom kasi may gagawin pa ako bukas kahit weekend. Marami akong reports na kailangan ipasa kaya hindi ko sinagad ng inom ngayong gabi.
“Ah si Mister Manner Hands?” sagot ni Iris.
“Oo. Ano ba ginawa niya kay Midnight?” sagot ni Ajax.
“He’s the standard every girl has. He always makes sure that Midnight eats well, he never left in the critical times of their relationship. He even had a separate instagram account for their photos together. They had a happy relationship but hindi lahat happy for them kaya they needed to separate…” sagot ni Iris.
“That’s sad. Nakakapanghinayang, ‘yong akala mo kayo na talaga pero hindi pala…” sagot ni Ajax.
“Ang dami niyo talagang kwento tungkol sa kaniya!” Uminom ako ng beer na nasa harapan ko.
Tuwing napapagusapan ang nakaraan namin ay laging sumasakit ang puso ko. I was still mourning for that broken relationship of ours. Parang kahit gaano pa katagal hindi maghihilom ang sugat. Memories of that night are still vivid. I had a dilemma of choosing to leave Baguio or stay for my studies. Mas pinili kong manatili dahil alam ko kung lilipat pa ako ay mahihirapan na ako. Saka iyon din ang isa sa mga paraan ko para manatiling malapit pa rin sa kaniya kahit na hindi kami nagkikita. Standing on the same ground and breathing the same air he is breathing is enough for me. Ibinubulong ko na lang sa hangin ang nais kong sabihin sa kaniya.
“Mahal mo pa ba? Kasi kung hindi na hahanapan kita ng mas better sa kaniya,” sagot ni Ajax.
“Mahal ko pa eh… Mahirap siya kalimutan,” sagot ko.
“Ang sakit mo na, Midnight. Last na ‘yan,” sagot niya.
“Sabi ko naman sa ‘yo huwag ka sa akin eh,” sagot ko.
Nang maubos na ang mga inumin ay napagdesisyonan na namin na magpahinga na. Malaki ang condo ko kaya may tutulugan sila, si Ajax naman ay umuwi na. Ako na ang nagligpit ng mga pinag-inuman namin dahil wasted talaga sila Iris. Nang matapos kong magligpit ay naligo lang ako at natulog na.
Kinaumagahan ay nagising ako sa mabangong amoy sa loob ng kwarto ko. May breakfast in bed na nakahanda sa bedside table ko. Meron na ring hot chocolate na umuusok pa. Siguro bago umalis sila Iris ay pinaghanda muna ako ng breakfast. Kumain muna ako ng nakahandang breakfast dito sa kwarto at naghanda na sa pag-alis. May meeting ako sa isang kliyente ko para sa bahay niya.
After preparing I drove to the cafe we are meeting at. While waiting for the client I setted the things I needed on the table. After a few minutes dumating na rin ang client ko.
“Good morning, Miss Agnello!” bati niya.
“Good day Mister Richards,” sagot ko.
“By the way, you were chosen by the owner of our hotel. He specifically chose you to be the architect of the new branch of his hotel here,” sagot niya.
“Oh… That’s nice for him. Who is he?” sagot ko.
Bagong kliyente ko lang si Mister Richards kaya hindi ko kilala ang boss na tinutukoy niya.
“Do you know Astrophel Lucien Gray?” sagot niya.
Parang umurong ang dila ko sa pangalang narinig. Astrophel is opening another branch of their hotel here? And he chose me as one of the architects. That’s another level of revelation. Parang ang patay kong puso ay muling nabuhay dahil lang sa simpleng pangalan.
“Y-Yes. He was an acquaintance of mine back in college,” sagot ko na lang.
Nagsimula na kaming mag-brainstorming para sa gusto nilang mangyari sa hotel. Nang matapos ang meeting ay nagkape muna ako, since wala naman na rin akong ibang pupuntahan. Habang nagb-browse ako sa cellphone ko ay nagulat ako sa bagong post ng instagram account ni Astro. ‘Yong Midnigh’s Gallery.
The picture has the same ambiance as the cafe I am in.The caption says “I wasn’t an acquaintance of yours, Architect. We both know it’s more than that…”
He’s here… Agad kong inilibot ang aking paningin sa cafe ngunit wala akong nakita na kahawig man lang niya. Napabuntong hininga na lang ako at iniligpit na ang mga gamit ko. Nang matapos ay lumabas na ako ng cafe at dumiretso sa condo ko. Binabagabag pa rin ako ng nakita kong picture kanina kaya agad kong binalikan ang instagram account na ‘yon. Our photos together weren't deleted, instead the feed was changed into sceneries. Sceneries where those photos were taken. Ibig-sabihin sa limang taon na nawala kami ay patuloy pa rin siyang bumabalik sa mga lugar na pinuntahan namin noon.
Ajax:
Midnight open your email and review the files I sent you. Also be ready for the upcoming conference we are attending.
Me:
Ok.
Isinantabi ko muna ang iniisip ko tungkol kay Astro at sinimulan ang pag-review ng mga files na sinabi ni Ajax. Those were our former projects together, isa kami sa naatasan na magsalita sa conference. After taking notes of the projects we had, nagsimula na akong gumawa ng powerpoint. Sigurado akong masyadong maraming ginagawa si Ajax para makagawa pa nito. Hindi naman masyadong mahaba ‘yong powerpoint na ginawa ko. Puro lang naman iyon samples ng mga blueprints namin at ilang mga explanation. Nang lumabas ako ng kwarto ko ay saktong lunch time na. Nagluto na lang ako ng hotdog at itlog dahil tinatamad na ako magluto ng ibang putahe.
Nang maluto ang mga pagkain ay napagdesisyonan ko na manood ng movie sa sala nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at tiningnan kung bakit iyon tumunog.
Midnight’s Gallery sent you a message.
Agad kong binuksan ang message na ‘yon.
Midnight’s Gallery:
How are you?
Kumakabog ang dibdib ko habang binabasa ang mensahe. Tatlong salita lang iyon ngunit hindi ko mahanap ang tamang sagot. Pinatay ko na lang ang phone ko at itinuon ang atensyon sa movie. Kinagabihan ay binisita ako ni Ajax dito sa condo.
“Makikikain ka na naman,” saad ko.
“Syempre! May bago pa ba doon?” sagot niya.
“Wala pero nag-rehearse ka na ba ng mga sasabihin mo sa conference?” sagot ko.
“Hindi ko na kailangan ‘yan,” sagot niya.
“Edi ikaw na!” sagot ko.
Ihinain ko na ang mga niluto ko. Isang ulam lang ang niluto ko dahil dalawa lang naman kaming kakain. Kinabukasan ay naging abala ako sa pagtuloy ng mga naiwan kong trabaho at paghahanda para sa conference. Kailangan kong masigurado na plantsado na ang lahat dahil nakakahiya naman kung may mga pagkukulang kami.
“Architect Midnight, you have a call from Mr. Richards,” saad ng secretary ko.
“Okay. Transfer him on my line,” sagot ko.
Agad kong inangat ang telepono ko at hinanda ang papel at ballpen.
“Good day, Mr. Richards! What can I do for you?” I greeted.
“Good day, Architect. I just want to inform you that we will be having changes in the location of the project. The hotel here in Switzerland that we’re about to open will be transferred to New Zealand. You will be tasked to go to New Zealand one of these days,” he answered.
“Okay, Sir. I’ll inform my boss about that trip. Is it coming soon?” sagot ko.
“Maybe right after the conference you’ll be attending this week. We’ll finalise your trip to New Zealand,” sagot niya.
“Okay, Sir. Noted! Thank you!” sagot ko at binaba ang tawag.
Sakto, malapit na mag-show ang Northern Lights sa New Zealand. Balak ko nga rin magpunta roon this year kaso wala akong oras. Mukhang dininig ni Lord ang panalangin ko na makapunta ng New Zealand this year. Noong unang taon ko pa lang dito sa Switzerland sinubukan ko nang magbakasyon sa New Zealand pero hindi ako pinayagan dahil unang taon ko pa lang. Last year naman hindi ko inabutan ang paglabas noon. Kaya ngayon na lang ako babawi, kung kailangan kong i-extend ang mga araw ko roon ay gagawin ko kasi once in a life time ko lang makikita ang Northern Lights.
Astrophel’s POV
Five years had passed and nothing changed. I still remember the day she just nodded her head at me and let me go. By that time I wanted to stay but I knew if I stayed it would hurt her even more. I wanted to be by her side during the days she needed me but I wasn’t there. Hindi ko man lang siya naihatid sa itaas ng stage noong grumaduate kami. I thought we could conquer college together but I was wrong. All those days that I wasn’t by her side, pinanonood ko lang siya sa malayuan. She had a lot of changes when we decided to part our ways. She struggled at first, I badly wanted to hug her so tight and keep her warm inside my arms but I can’t because I know it will hurt her even more. Kapag mas tumagal pa ako sa tabi niya lalo ko lang siyang masasaktan.
I took photos of the places we used to go and still uploaded it on the instagram account I made for her to silently tell her that I’m always watching her. I did leave physically but my heart, mind, and soul is only for her. Siya lang ang humahawak nito noon pa man. I am here in Switzerland to have a business summit and I didn’t expect to see her and become the architect of the new branch of our hotel. Pero nang malala kong malapit na nga pala ang pagdating ng Northern Lights ay agad kong pinalipat ang project niya. Sana iyon pa rin ang gusto niyang makita.
“You know what, Mako? I want to go to a place where I can see the Northern Lights. Since I was young it's been my dream to see that and since we met during the Quadrantid Meteor Shower, it reminded me of you!” kuwento niya.
“Then let’s see the meteor shower together…” I kissed her forehead.
I want to fulfil that promise I made to her. Hindi ako sigurado kung sila noong engineer na lagi kong nakikita sa IG story niya but I’m keeping my hopes high.
I’m so preoccupied with my thoughts that I already got to the hotel where the summit will be held. While walking my way to the conference room I bump into the most unexpected person…
“I’m sorry, Sir!” she said while picking the papers scattered on the floor.
My heart beats so fast after hearing her voice after five years. I can’t move or breathe because this feels like a dream. When I recovered from shock I helped her pick up the scattered papers.
“It’s okay, Miss…” sagot ko.
Bago pa siya makapag-angat ng tingin ay mabilis kong ibinigay sa kaniya ang mga papel at pumasok na sa conference room. Dumiretso ako sa table na naka-assign para sa akin. It’s hard to keep my heads up on the program, laging bumabalik sa pangyayari kanina ang isip ko. I heard some architects and engineers will also have a portion to talk about the safety and efficiency of buildings.
“Please welcome, Engr. Ajax Johnsons and Architect Midnight Shadow Agnello!” saad ng host.
Nag-angat ako ng tingin para masigurado kung tama ba ang narinig kong pangalan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang bahagyang pumunta sa akin ang gawi ng tingin niya. Fate is really a good player huh? I did not expect any of this. Unang nagsalita ang engineer na kasama niya, I can’t lie he knows a lot about the field and I heard he is the most efficient engineer in their firm. Pero hindi ko siya kinuha para sa project ko dahil baka mapurnada pa ang mga plano ko pagdating namin sa New Zealand ni Midnight.
After the summit I decided to go to continue the workloads left. Paplanuhin na rin namin ang trip to New Zealand ko. I also have a lunch meeting with Mr. Richards about it. Habang abala sa trabaho ay tumunog naman ang cellphone ko. It’s already 9 pm in the Philippines but still Amaris is calling me. Agad ko itong sinagot.
“Hello, Amaris!” I waved my hand on the camera.
“Kuya! Nagkabalikan na ba kayo ni Ate Midnight?” sagot niya.
Isa siya sa naging dahilan ko bakit hindi ko kinaya bitawan si Midnight hanggang ngayon kasi simula nang magkahiwalay kami hindi siya tumigil katatanong kung kumusta na ang ate niya.
“Amaris, that’s too early for that,” sagot ko.
“Kuya naman! Gumalaw ka na! Kapag naunahan ka ng engineer na ‘yon eh baka hindi mo matantsa’t bigla mong hilingin kila Tito Hades na i-arrange marriage kayo,” sagot niya.
“If that thing happens I won’t think twice to kneel and ask them to arrange a marriage for us,” sagot ko.
“Gumaganiyan ka pa eh hindi mo naman kaya mag-first move!” sagot niya.
“Hay, Amaris. Diyan ka na nga may gagawin pa ako!” Binaba ko na ang tawag.
I think I need to make a move kasi kung hindi baka maunahan pa ako ng engineer na ‘yon.
Midnight’s POV
After ng conference ay pinaghanda na agad ako ni Sir Richards papunta ng New Zealand. They wanted to start the project right away because of Astro’s order. Napaka-demanding, hindi man lang ako pinag-pahinga ng ilang araw. Deretso project agad, hindi man lang ako hinayaan huminga pero sige lang dahil alipin ako ng salapi. Nagsisimula na ako mag-impake kasi next week ay aalis na kami pa-New Zealand. Isasabay na raw ako ni Astro sa private plane niya kaya kailangan ko mag-ready ng mas maaga pa.
“Saan na naman ang gala mo’t nag-eempake ka na naman?” tanong ni Ajax.
Nandito siya sa condo kasi nag-set sila Iris ng inuman para sa despidida ko. Hindi pa alam ni Ajax na aalis ako next week para sa isang project under sa kompanya ni Astro.
“May project ako sa New Zealand. Baka magtagal ako roon kasi di ba alam mo naman na balak ko rin pumunta roon this year?” sagot ko.
“Oh? Talaga? Anong project gagawin mo roon?” sagot niya.
“Hotel. New branch ng hotel nila,” sagot ko.
“But I thought you have tons of projects to finish? Why did you accept it? Saka may isa pa tayong project na hindi pa natatapos,” sagot niya.
“It’s because the owner of the hotel is special to me,” sagot ko.
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya. Hindi naman lingid sa aking kaalaman ‘yong nararamdaman niya. Ilang ulit ko na siyang ni-reject pero hindi pa rin siya tumitigil.
“Siya ba ‘yon?” he said.
Tumango ako. He smiled but I knew he was hurt by what I replied. He knew it the very first time he tried to court me but still he continued.
“Hanggang ngayon, siya pa rin ba talaga?” saad niya.
“Yes…” Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
“Naiintindihan ko.” He nodded his head.
“Thank you… Can we stay as friends naman ‘di ba?” sagot ko.
“Yeah! Our friendship will never change,” sagot niya.
Tinuloy ko na ang pag-eempake ko at nang matapos ay hinintay na namin sila Iris na dumating. Pagkarating nila ay naglapag agad ng mga maiinom ang mga loko.
“Ito na rin ‘yong padespidida namin sa inyo ni Iris kasi magbabakasyon ang loka sa Pinas!” saad ni Abi.
“Talaga?” sagot ko at bumaling ng tingin kay Iris.
“Yes! Finally makapagbabakasyon na rin ako!” sagot niya.
“That’s good. Magkaibang bansa ang bakasyon natin!” sagot ni Iris.
“Oh baka pagbalik niyo rito Ninong at Ninang na kami ah!” saad ni Abi.
“Ha? Bakit naman?” sagot ko.
“Balita ko kasama mo raw si Mr. Manner Past,” sagot ni Josh.
Manner Past ang tawag nila kay Astro kasi naikwento na rin sa kanila ni Iris ‘yong code name namin sa kaniya noon. Manner Past na kasi sa past raw ‘yon nagawa.
“Sa tagal ng panahon lalong gumanda ang katawan ni Astro at gumwapo. Mas nagmukhang mature,” kuwento ni Rhea.
“Balita ko nga nandoon siya sa conference niyo kanina eh,” sumimsim ng alak si Iris pagkatapos sabihin ‘yon.
“Ah okay. Hindi ko siya nakita kasi mas nag-focus ako sa presentation namin,” sagot ko.
“Tapos after your conference maraming media ‘yong dumating para makuha ‘yong interview niya,” sagot ni Rhea.
“Bakit siya lang? Eh maraming business man doon,” sagot ko.
“It’s because he is the only bachelor in that summit. Saka maraming curios na magazines and media sa relationship status niya,” sagot ni Rhea.
“Curious? Bakit naman sila ma-cu-curios?” sagot ko.
“Mhie! Hindi ka ba nagbubukas ng twitter? Parang artista ‘yang si Astro roon! Ilang taon niya nang sinasabi na single siya!” sagot ni Iris.
“Hindi ko na nakukuhang magbukas ng twitter sa sobrang daming gawain,” sagot ko.
“Check mo ngayon, bilis!” Inabot sa akin ni Abi ang phone ko.
Agad ko namang binuksan ang phone ko at nilagay sa twitter app. Nagtipon-tipon na sila sa likod ko. Kada-scroll ko ay puro mukha ni Astro ang nakikita ko. Mukhang clips ‘to ng interviews niya kaya pumindot ako ng isa. He was smiling at the camera and he was wearing a three piece blue suit. His hair is shorter than before. He didn’t kept his long hair with gray highlights, he looks more formal than before.
“The question that everyone is dying to know if you still have the same answer to the question, is Astrophel Lucien Gray still single?” saad ng reporter.
“Yeah, nothing changes,” sagot ni Astro.
“Okay… So let’s change the question, what is your ideal type of girl?” sagot ng reporter.
The camera focused on his facial expression, his eyes sparkled for a little bit and smile.
“Someone who is a graduate of architecture and is in Switzerland…” he said.
After that natapos na ang video at nabasa ko ang caption ng nag-post. “Swiss pala ang nais!” tapos may comment na “Sana sinabi niya agad para makainom ako ng maraming swiss miss.”
“Midnight! Baka ito na ang chance mo!” saad ni Abi.
"Ewan ko sa 'yo, Abi!" sagot ko.
Nagtuloy na ang kasiyahan namin. After watching his interview I can't help but be proud. He is now one of the richest hoteliers in Asia. He achieved the dreams he once had with me.
"I'm so proud of you, Mako… I love you!" I whispered inside my mind.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro