Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18: MUTUAL


Midnight's POV

Katulad nga ng sinabi niya kahapon ay gumising ako ng maaga para mag-ready sa date 'ata namin ngayon. According to him we will go to church and attend mass. Hindi ko alam bakit sa church niya ako inaya magpunta. I'm still thinking about the real reason why he wants to attend the mass with me but it's a good thing because ngayon lang ulit ako makadadalo sa misa. 'Yong misa ng pari dahil hindi naman kami madalas gumagawi sa simbahan bilang pamilya. Hanggang linggo kasi ay nagtatrabaho sila Mom. Pero growing up, Mamita would take me to church every Sunday and go to the mall just like the typical family.. I know that Sunday is family day so I don't know why Astro wants me to be with him for today. Nevertheless I think he asked permission for this. I will enjoy this day cause tomorrow we'll be back to school and spend the last week of first semester.

I wore a nice white flower printed dress and a white sneakers. Wala naman akong doll shoes dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganoon. Ang hilig ko ay mga rubber shoes. Bumaba na ako sa lobby, doon ko na lang siya hihintayin. Habang naghihintay sa kaniya ay nag-scroll na lang ako sa gallery ko sa phone. Nakita ko ang mga pictures namin na kinuha kahapon at ang isang picture na nakatawag ng atensyon ko sa gallery. It is Astro but his face is covered by the three roses and looking at the scenery. Pasimple ko siyang kinuhanan ng picture kahapon. I think this picture will be a great photo to post on Instagram. So I opened the app and put a caption mentioning him in the story.

'Thank you for the roses @LucienGray'

After posting it I decided to put my phone back inside my bag. After few minutes of waiting ay nakita ko na siyang papasok sa lobby na may dalang kape at isang paper bag mula sa Starbucks. Agad siyang lumapit sa akin nang makita akong naghihintay sa kaniya.

"Good morning! I bought you coffee. Naisip kong baka hindi ka pa kumakain kaya binilan na kita." Inabot niya na sa akin ang kape at ang paper bag.

"Thank you! Kakainin ko na lang ito sa biyahe. Tara na at baka ma-late na tayo sa mass," sagot ko.

Lumabas na kami sa lobby at dumiretso sa parking. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya sumakay na ako. Sinarado ko na ang pinto at siya naman ay umikot na papunta sa driver's seat. Binuksan ko na ang kape at ang cookies. Mahilig din ako sa caffeine dahil natutulungan ako nito sa mga late night study sessions ko.

"By the way, hindi ka ba pinagalitan ng parents mo kasi ako kasama mo today?" tanong ko.

"Hmmm, hindi naman. Kilala ka naman nila eh," sagot niya.

"Talaga?" hindi makapaniwalang sagot ko.

"Oo. Kung hindi ako ang nagkukwento, si Amaris. Siya ang madalas magkwento tungkol sa 'yo," sagot niya

"Mahal na mahal talaga ko ni Amaris! Bigla tuloy ako nahiya kasi kasama ko na kayo kahapon kasama pa kita ngayon."

"Hindi naman sila nagalit. Gusto nga nilang kasama kita eh. Saka kasama nila si Amaris ngayon. Magsisimba rin sila ngayon pero sa ibang church muna dahil nandoon 'yong orphanage na tinutulungan ng company namin."

"Uy, kapag naging free ulit tayo punta tayo roon!" sagot ko.

No wonder that they are both good and well mannered dahil naturuan sila ng maganda ng parents nila. Gusto ko tuloy makilala ang parents niya dahil mukhang mabait naman sila base sa kwento niya. Naubos ko na ang coffee bago kami makarating sa church. Sakto naman na nang makarating kami ay papasok pa lang din ang mga tao. Nag-park muna si Astro saka kami bumaba. Katulad noong una naming pagpunta rito ay sinalubong ulit siya ni Sister Linda.

"Nandito ulit kayo, maligayang pagbabalik, Astrophel!" bati ni Sister Linda.

"Salamat po, Sister. Kumusta po kayo?" sagot ni Astro.

"Maayos naman. Magandang araw sa iyo ija," bati naman ni Sister Linda sa akin.

"Magandang araw po, Sister," sagot ko.

"Pumasok na kayo't baka maubusan kayo ng mauupuan. Magsisimula na rin ang misa," sagot niya.

Tuluyan na kaming pumasok at umupo malapit sa altar. Inayos ko ang damit ko nang makaupo kami. Napansin kong nakatingin sa akin si Astro habang nag-aayos ako ng sarili kaya binaling ko ang atensyon sa kaniya.

"Bakit?" saad ko.

"Ang ganda mo ngayon. Bagay na bagay sa 'yo 'yong dress mo," sagot niya.

Napaawang ang aking labi sa narinig at sa isang iglap ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi niya ba alam na pwede akong himatayin dahil sa mga sinasabi niya? Gusto niya yatang atakihin ako sa puso at mamatay ng maaga. Hindi naman ako ganito dati pero mula nang makilala ko siya talagang nagbago ang takbo ng mundo.

"Napuwing ka lang. Bawal magsinungaling sa harap ni Lord," sagot ko upang mapawi ang bilis ng tibok ng puso.

"I mean it. You look beautiful today. Exceptionally beautiful!" sagot niya.

Napatigil lang ang pag-uusap namin nang may tumabi na sa aking matandang babae. Umusog ako palapit sa kaniya upang mabigyan ng espasyo ang matanda. Pareho na kaming tumingin sa altar at pagkatapos ng ilang sandali ay nagsimula na ang seremonya. Tahimik kaming nakikinig sa mga pangaral ng mga nagsasalitang madre. Nang homily na ng pari ay talagang lahat ay nasa kaniya na ang atensyon.

"Magandang araw po sa inyong lahat! So, sino rito ang mga magkasintahan?" tanong ng pari.

May mga nagtaas ng kamay at may iba namang mahinang tumawa dahil sa tanong ng pari. Kami naman ni Astro ay nanatili na lang na nakikinig.

"Tungkol diyan ang homily ko para ngayong linggo. Ang iba sa inyo ay naparito upang magsimba bilang isang pamilya at ang ilan naman ay magkasintahan. Ngayon ang tanong ko naman ay paano niyo nasabing sila ang tamang tao sa inyo?" saad ng pari.

May isang babae na malapit sa amin ang nagtaas ng kamay.

"Sige nga, Ate. Paano mo nasabi na para sa 'yo ang kasintahan mo?" saad ng pari.

"Kapag po palagi niya ako sinusurpresa at binibigyan ng mga regalo," sagot ng babae.

"Pwede. Pwedeng sa materyal, emosyonal, at pisikal pero narinig niyo na ba ang ispiritwal na paraan? Naisip niyo na ba iyon?" saad ng pari.

Ang iba ay umiling at ang iba naman ay tumango. Kasali ko sa mga umiling samantalang ang katabi ko namang si Astro ay tumango. Siguro ay naranasan niya iyon kay Danika kaya siya napatango.

"Pero masasabi niyong tamang tao ang karelasyon niyo kapag dinala kayo niyan sa simbahan. Hindi sa araw ng kasal niyo, hindi rin sa araw ng anniversary o monthsary niyo. Kapag normal lang na araw at dinala kayo niyan sa simbahan isa 'yan sa sign na ibinigay ng Panginoon sa 'yo. That person is for you when he brings you to church. Ibig-sabihin inilalapit ka niya sa Diyos, gusto niya na ang Diyos ang maging sentro ng pag-iibigan niyo. Kapag ang Diyos ang sentro malabo na magkaroon kayo ng malaking problema o mga problemang hindi niyo kayang solusyonan." wika ng pari.

Natapos na ang misa pero tumatak pa rin sa akin ang sinabi ng pari kanina. Na sign ni Lord ang taong magdadala sa simbahan. Hindi ako naniniwala noong una pero noong lumabas kami ng simbahan bigla kong naisip na totoo ang sinabi ng pari. Sa ginawa ni Astro na ito ay mas lalo niyang napatunayan sa akin na bukal sa loob niya ang intensyon niya sa akin. Na hindi ko kailangan mangamba kasi totoo siya. Totoo ang nararamdaman at pinakikita niya sa akin. Ngayon ay papunta na kami sa mall muna raw dahil gusto niya mag-arcade.

"What do you want to do after we go to the mall?" saad niya.

"I want to go to do star gazing kaso may pasok tayo bukas kaya magpunta na lang tayo ng Mine's View!" sagot ko.

"Sige! Mine's View tayo later then we'll go home na," sagot niya.

"We'll? Hindi ka uuwi sa inyo?" sagot ko.

"Uuwi. Ihahatid lang kita," sagot niya.

Nang makarating kami sa mall ay nagmeryenda muna kami ng waffles. Naghati na kami rito kasi hindi ko na kaya pang magpalibre sa kaniya. I don't want our dates to be the typical one. Gusto ko hindi lalaki ang gumagastos dahil ganoon ang nakasanayan. I may not have an experience being in a relationship but I know that on dates like this men should pay for their girl. Hindi naman din maipagkakaila na limpak-limpak ang kayaman niya pero alam kong pera pa rin iyon ng magulang niya kaya hindi pwedeng palagi na lang siya ang gagastos.

After eating the waffles we strolled around the mall first. Nagpunta kami sa department store para mag-window shopping. Naghahanap-hanap na rin ako ng mapapasalubong kay Mamita at kila Mommy. Para good shot na agad ako pagdating ng Manila at mabawasan ang oras ng pagsesermon nila.

"Kailan mo balak umuwi ng Manila?" tanong niya habang naglilibot kami sa men's section.

Sumusunod lang ako sa kanya dahil wala naman akong mahanap na pang-pasalubong.

"Maybe next week. Aayusin ko muna 'yong enrollment ko para hindi na ako mamoroblema. I badly want to spend our vacation in Manila but I don't want to stay in the same place with them. I might receive bad comments from them or they will ask me to shift courses," sagot ko.

"Sige. Sabihan mo lang ako kung kailan mo gusto para makapagpaalam ako kila Mom at Dad na ihatid ka," sagot niya.

Tumango ako bilang sagot. Nang wala siyang mapili ay lumabas na rin kami ng department store. Kapag nga naman binibiro ka ng tadhana, sasalubungin ka ng mga taong makasisira ng poise at araw mo. Nakita kong pumasok din ng department store si Danika at Apollo.

"Tara na baka mag-eksena pa 'yan kapag nakita tayo," saad ko.

Hinila na ako ni Astro palabas ng department store. Nahagip pa ng tingin ko si Apollo na nakatingin sa amin at may binulong kay Danika. Dumiretso na lang kami sa isang milk tea shop sa loob ng mall. Ako na lang ang um-order ng tea namin. Nang makabalik ako sa table namin ay dala ko na ang milk tea. Ibinigay ko ang isa sa kanya.

"Hindi 'ata nagmukhang si Ursula ngayon si Danika? Bakit kaya?" saad ko.

"I talked to her last time and made it clear na wala na kaming chance na magbalikan pa," sagot niya.

"Okay lang bang magtanong tungkol sa relasyon niyo noon?" alanganing sagot ko.

Alam kong nag-cheat si Danika pero hindi ko alam kung sino 'yong nakasira ng relasyon nila. Hindi niya sinabi kung sino 'yong kabit ni Danika. Naisip ko tuloy kung anong kaugnayan ni Apollo sa kanila dahil palagi kong nakikitang magkadikit ang dalawa.

"Oo naman. Ano bang gusto mong malaman?" sagot niya.

You can see through his eyes that he is already comfortable talking about it. Nakatutuwang makitang nakausad na siya after caging himself for a few years.

"Nasabi mo naman sa akin 'yong nangyari pero hindi mo sinabi kung sino 'yon. Hindi naman sa nagiging chismosa ako pero sino ba 'yong sumira ng relationship niyo? Do I know him?" sagot ko.

Nag-aalangan man pero tumango siya. "I don't want this to affect your friendship with him kaya as much as possible I try to make it casual with him... It's Apollo..."

Tama nga ako ng hinala. Si Apollo nga ang lalaking sumira sa relasyon nila ni Danika. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Apollo ang bagay na 'yon. Siguro masyado pa silang mga bata noon o sadyang gusto niya lang si Danika kaya niya nagawa 'yon.

"Inalam mo ba kung bakit?" sagot ko.

"I tried pero hindi niya sinasagot so huminto na rin ako," sagot niya.

"Eh paano ngayon 'yan na nakikita mong lantaran silang naghahawak kamay sa school?" sagot ko.

"Wala lang. Edi maghawak kamay sila roon kahit maghalikan pa sila wala akong pake," sagot niya.

Kita mo talagang hindi siya interesado dahil nanatili ang seryoso niyang mukha habang sinasagot ang mga tanong ko.

"Grabe, naka-move on ka na nga. Congratulations! Finally after a few years of moving on! Dahil diyan, manlilibre ako ng strawberry sorbetes!" sagot ko.

"Sige. Papgpunta natin ng Mine's View," sagot niya.

Nang maubos na namin ang milk tea ay nagpunta na kami sa arcade dahil napakahilig niya maglaro. Kahapon pa kami naglalaro rito pero para sa akin hindi naman nakakasawa. Magkalaban kami sa isang game na barilan, kailangan mabaril ang mga zombie at kung sino ang mas marami ay siyang panalo.

"If I win this game you will let me pay for our expenses for today," he said, challenging me.

"Sure but if I win this game we will share expenses until the end of the day!" I answered.

He smirked and nodded at me. I kept my focus on the game but still I failed to win. Ilan na lang ang lamang niya para makahabol ako pero naubos na ang time. Pakiramdam ko ay may daya ang laro na ito kaya mahina kong hinampas ang baril na ginamit namin. Bakit sa lahat ng game panalo siya? May lucky charm ba siyang bitbit? O God of arcade lang talaga siya?

"I win! Paano ba 'yan?" he exclaimed.

"Fine-fine! Basta 'yong dirty ice cream sa akin!" sagot ko.

Masaya naman siyang tumango. Lumabas na kami sa booth ng game. It's almost lunchtime kaya naghanap na kami ng makakainan dito sa loob ng mall. We found a restaurant offering unlimited chicken wings.

"Dito na lang tayo?" tanong niya.

"Sige. Ayos lang naman sa akin kahit saan," sagot ko.

May lumabas na isang staff ng restaurant at lumapit sa amin.

"Hi, Ma'am and Sir, meron po kaming couple promo," saad ng staff.

"Ano 'yon?" sagot ni Astro.

"We offer 50% off for our buffet for couples. Unlimited chicken wings and rice na 'yon, Sir with free ice cream pa po to enjoy your date," sagot ng babae.

Nahihiya naman akong ngumiti sa babae nang tingnan ako nito.

"Oh sige we'll avail it," sagot ni Astro.

Sumunod na kami roon sa staff para makakuha ng table. Dinala niya kami sa isang table for two. Magkaharap na kami dahil dalawang upuan lang ang nandito. Pinapili na kami ng tatlong flavors ng chicken wings saka drinks. Ako ang pinag-decide niya sa mga flavors na kakainin namin. Barbeque, honey dipped, at sweet and spicy chicken wings. After few minutes ay dumating na ang order. Nag-include rin sila ng plastic gloves para kapag gusto mo magkamay. Nagsimula na rin kaming kumain, habang kumakain ay napatingin ako sa cellphone kong nasa lamesa at may bagong notification sa gc namin nila Rhea. Tinapos muna namin ang pagkain bago ko binalingan ng atensyon ang cellphone ko. Nakadalawang serving kami ng barbeque wings dahil talagang masarap siya. Isang pint ng vanilla ice cream ang hiningi ni Astro as freebie.

Habang kumakain kami ng ice cream ay tiningnan ko ang chat ni Rhea sa gc namin.

Archi Buddies:

Rhea:

Hindi naman ako na-update na may nagaganap pala sa life ng ating bestie @Midnight Shadow Agnello

Abikyut:

Ano naman ang dala mo Rheates?

Rhea sent a photo

Screenshot iyon ng story ko sa Instagram.

Me:

HAHAHAHAHA

Josh:

Bigatin talaga lahat ng nalalapit sa friend natin!

Me:

Baka kuyugin ako ng supporters ng ka-love team nitong kasama ko ngayon.

Nang makapag-reply na ay binalik ko na sa bag ko 'yong phone ko. Paubos na ang ice cream na kinakain namin.

"What's your favorite ice cream flavor?" he asked.

"Strawberry ice cream and vanilla ice cream," sagot ko.

"Ayaw mo ng coffee crumble?"

"Bihira ako magkakain ng caffeine kasi kape na yata dumadaloy sa katawan ko kasi three cups of coffee a day naiinom ko kapag maraming plates na ginagawa."

Nagpatuloy kami sa pagkain ng ice cream. Napahinto na lang ako sa pagsubo ng ice cream nang punasan niya ang gilid ng labi ko ang residue ng ice cream gamit ang tissue. Tumikhim ako dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"You're so cute!" he said and pinched my cheeks.

Pakiramdam ko ay mukha nang kamatis ang pisngi ko dahil sa sinabi niya na iyon. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya dahil sa hiya. Nahihiya ako dahil nakita niya pa ang kakalatan ko sa pagkain. Tumatawa naman siya nang makita ang reaksyon ko. Nang matapos ay lumabas na kami sa restaurant at dumiretso sa garden ng mall. Dito kami tumambay at nagpababa ng kinain dahil napakadami talaga naming nakain.

"Will you make the same mistake as she did?" I asked to break the long silence.

"No. I know how it will affect someone. It's hard to recover dahil kwinekwetyon mo 'yong sarili mo. There are questions that remain unanswered to you. That no matter how long you seek for answers it will always remain undefined," sagot niya.

"What if ma-experience mo ulit 'yon sa susunod na babaeng mamahalin mo?" sagot ko.

"Bakit? Balak mo rin ba ako ipagpalit?" balik niyang sagot.

Agad ko siyang hinampas sa balikat dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya. Hinding-hindi ko 'yon gagawin sa kaniya at kahit na kanino. Takot nga ako magkodigo sa exam tapos magagawa ko pang magloko sa relasyon? Kahit kailan hindi pumasok sa isip kong gawin 'yon.

"Sira! Hindi ah!" sagot ko.

Ngayon pa nga lang na wala kaming label hindi na ako nagkakagusto sa iba. Paano pa kaya kapag naging kami na talaga? Well hindi naman sa umaasa ako pero hindi ko maiwasan na maisip iyon. Umiwas ako nang tingin sa kaniya dahil nagkaroon ng kakaiba sa tingin niya sa akin.

Inabala ko ang tingin ko sa scenery sa harapan namin. Narinig ko na lang ang click ng camera galing sa cellphone niya.

"Ikaw ah! Napaghahalataang nagkakagusto ka na sa akin!" biro ko.

"Totoo naman," bulong niya.

Umiwas siya ng tingin sa akin matapos na ibulong ang salita na 'yon.

"Saka na ako maniniwala kapag sinabi mo na 'yan ng harapan," sagot ko.

Ngumisi naman siya na parang may kakaibang naisip. Kinahapunan ay pumunta na kami sa Mines View Park. Hindi naman na masyadong mainit dahil alas kwatro na ng hapon at lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Pumunta kami sa viewing deck nila upang masilayan ang sunset.

Sobrang gandang masilayan ang papalubog na araw. Isang senyales na pwede nang magpahinga. Pwede nang kumawala sandali sa nakapapagod na mundo. Para sa akin ang sunset ang isa sa pinakamagandang tanawin na masisilayan ko sa isang araw dahil pagkatapos nito ay magliliwanag na sa kalangitan ang bituin at buwan.

"We're here again where we first met, Night," he said.

"Yes. It's still the same as when we first met," I answered.

Binalik ko ang tingin sa papalubog na araw. Bigla kong naisip kung may magbabago ba sa susunod naming pagpunta rito. Kung magkakaroon ba ng progress 'yong relasyon namin o 'yong friendship namin. Hindi ko mapigilan na mapaisip kung ano ba talaga kami. Kung ano ba talaga 'yong lugar ko sa buhay niya. I don't think this is friendship cause he promised me a relationship. A relationship that is more than friends and I don't think that's how friendship works. That's what I am holding on to for this special feeling I have for him. Habang lumilipas ang mga araw na lumilipas palalim nang palalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kanya at natatakot ako dahil baka malunod ako rito at tuluyang mawala sa sarili ko.

"Midnight," he called.

Humarap naman ako sa kanya at sumandal sa railings ng viewing deck. Ngumiti ako upang sabihin na ituloy niya ang kanyang sasabihin.

"I've been thinking about this for the past few weeks and I am thinking about what you will feel about this. I can't resist it anymore, as the days pass I am falling deeper... Hindi ko na alam paano pigilan ang sarili ko. Idinadaan ko na lang sa jokes pero gusto kita. Totoong gusto kita. I like you, Midnight!" he sincerely said.

I looked straight into his eyes finding deceit or silliness but all I can see is honesty and eagerness. It also shows uneasiness and fear. I smiled at him to ease his fear and uneasiness.

Lahat ng pagdududa na nabuo sa isipan ko nitong mga nakaraang araw tungkol sa nararamdaman niya ay biglang nawala nang aminin niya ito sa akin. Mas nalinawan ako sa dahilan niya kung bakit iba ang turing niya sa akin. Hindi ako makabuo ng tamang salita upang sagutin siya sa narinig. Hindi ko alam kung aamin rin ako sa kaniya o magpapasalamat ako kasi nagustuhan niya ako. I did not experience this before. Lahat ng mga lalaking lalapit sa akin ay kadalasang trip lang nila o kaya naman ay lumalapit sila sa akin upang makakuha ng mataas na grades.

"You don't need to reciprocate my feelings for you. Take your time evaluating what you feel. I don't care if you don't like me. I just want to let you know what I feel to avoid confusion. Alam kong nalilito ka sa mga pinararamdam ko sa 'yo dahil hindi mo pa naman nararanasan ito sa iba. I assure you that when I said the next person I'm going to love is you, it's true. I promised you that remember? Now I am going to make it happen," he said to break the silence.

Unti-unting luminaw sa akin ang kaniyang hangarin. Totoo nga ang pinangako niya. Hindi ako nagkamaling pagkatiwalaan siya. Lahat ng kaniyang sinabi noon ay totoo. Huminga ako ng malalim upang sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya. I also want to tell him what I feel for him so that he knows it's him.

"I am also reflecting about this for the past few months actually dahil nga hindi ko pa maintindihan bakit ganiyan 'yong pakikitungo mo sa akin. Naisip ko na ako 'yong nakita mo habang nag-mo-move on ka, na ako 'yong center of attention dahil broken ka pero pinatunayan mong hindi naman. That until now that you healed from your past you're still here." Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi pa ako umaamin sa isang lalaki ng nararamdaman ko dahil hindi pa naman ako nagkakagusto.

"I like you too, Astro. This sounds corny but I think you bewitched me," I said.

Agad namang pumorma ng isang ngiti ang kaniyang labi na para bang nakarinig ng isang musikang kaaya-aya sa kaniyang tenga. He looked at me with those gentle eyes and placed my hair covering my face on the side. He tucked my hair in between my ears. Hayan na naman ang kakaibang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan kapag hinahawakan niya ako. He kissed my forehead and held my hand.

"No, you wished for me. Siguro you silently wish in that meteor shower that I will be yours. Tinupad na ng meteor shower ang hiling mo, sa 'yong- sa 'yo na ako," he said.

"Hey, paalala ko lang sa 'yo na kahit hindi pa ako nagkaka-boyfriend alam kong may courtship. Hindi ka pa nanliligaw," sagot ko.

"Of course. I will talk to your parents first before I court you," sagot niya.

Agad namang ginapangan ng kaba ang aking puso. Baka isipin nila Mom na pumunta lang ako rito para magpaligaw o kaya naman ay pumunta lang ako rito para sa lovelife. Mahina naman siyang tumawa nang makita ang kaba sa aking mga mata. Mukhang masaya pa siya dahil kinakabahan ako. Hindi niya man lang inisip na sobrang istrikto nila sa akin.

"Malakas ang loob! Tignan ko lang kung makatagal ka sa sobrang lamig nila," sagot ko.

"That's the standard, Night. Kesa naman nagtatago tayo," sagot niya.

"Eh bahala ka sa buhay mo," sagot ko.

Habang dumidilim ang langit ay unti-unti namang lumiliwanag ang mga bituin at buwan. Ang ganda nilang pagmasdan at naalala ko ang unang beses naming nagkita sa lugar na ito. Dahil sa mga bituing nagliliwanag ngayon ay naglapit kaming dalawa. The stars do bring us together not just that night but until the next day and night of our lives. Tama nga siguro na naghintay ako sa kaniya at nagtiwala sa mga pangako niya.

Napagdesisyonan namin na kumain sa dorm ko dahil na-mi-miss niya na raw ang aking luto. Bumili na lang kami ng ingredients para sa carbonara na request niya. Katulad ng dating gawi ay tinulungan niya akong maghiwa at magluto ng pasta.

"Sinobrahan ko 'yong luto ko para makapag-uwi ka kay Amaris. Baka magtampo 'yon sa atin kasi hindi natin siya sinama," saad ko habang naghahain.

"Pwede mo rin ba dagdagan para mapatikim ko kila Mom at Dad?" sagot niya.

"Sige," sagot ko.

Nang matapos maghain ay nagsimula na kami kumain ng pasta. It's been awhile since the last time I had someone to share the table. Siya pa rin ang aking kasabay. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang mga platong ginamit.

"Uuwi na ako. Ingat ka rito and I'll text you when I got home," paalam niya.

"Drive safely and stay safe," sagot ko.

Hindi na siya nagpahatid sa lobby, hanggang elevator na lang. Kumaway pa siya bago sumarado ang elevator. Bumalik na rin ako agad sa dorm ko nang masiguradong nakababa na siya.

Naglinis na ako ng katawan at nagbihis ng pantulog. I opened my phone to scroll on my social media when the messages of Abi and Rhea. Agad kong binasa ang mga chat nila.

Abikyut:

May ikukwento talaga sa atin si Midinight.

Rhea:

Oo nga.

Me:

Anong kwento?

Rhea:

Check mo na lang instagram mo.

Nalaman nila ang instagram ko dahil nagbigayan kami ng mga pangalan ng accounts. Binigay ko naman ang private account ko dahil doon naman ako mas active. Kesa sa isa na puro endorsements ang laman. Nakita kong may tagged photo sa akin si Astro.

LucienGray: Mutually feeling the electricity...

The photo that's posted is our picture at the Mines View. Parehas kaming nakatingin sa kalangitan. Kasunod noon ay ang picture namin sa kainan. Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa text niya sa akin.

Astrophel Lucien Gray:

Just got home. I posted some pictures of us on instagram. I already tagged you.

Me:

Nakita ko nga. Ang ganda ko sa mga shots!

Astrophel Lucien Gray:

Syempre ako photographer eh.

Me:

Napasobra ka na naman sa hangin! It's already late, matulog na tayo. Sigurado napagod ka mag-drive.

Astrophel Lucien Gray:

Sige. See you tomorrow! Good night!

Me:

Good night!

Ibinaba ko na sa bed side table ko ang phone ko at pinatay na ang ilaw.

I uttered a short prayer before I totally drifted off to sleep. Tomorrow may be full of uncertainties but one thing's for sure it will be full of adventure. Hindi na ako mag-iisa sa adventure dahil alam kong nasa tabi ko na siya. I will not be afraid to take the risk because I know there's him who will be with me whatever the outcome will be. In my life full of darkness he came and lit up my world. He became the brightest star present in my universe. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro