Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17: ROSES

Midnight's POV

Sabado na't ngayon na ang pinakahihintay kong araw dahil ngayon kami magkikita ni Lucile. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita dahil sa pagiging busy ko sa school. Maraming plates ang kinailangan kong tapusin at nakatulong sa akin ang pagdistansya kay Astro dahil naipasa ko lahat on time. Nilabas na rin ang grades namin noong nakaraang linggo at nakatutuwa dahil lahat ay puro uno. Hindi naman ako nakarinig ng kahit na anong hinaing mula kina Mom at Dad. Hinihikayat pa nga nila akong umuwi pero sinabi kong hindi muna dahil may mga aayusin pa ako para sa second semester namin. Siguro ay bibisita ako sa Manila bago magsimula ang second semester.

Halos magkakalahating oras na ako sa harap ng closet ko pero wala akong mapiling damit. Habang naghahanap ng masusuot ay natawag ng atensyon ko ang blouse na dark blue ang kulay. I will just pair it with white ripped jeans and white shoes. Nang makapili na ng isusuot ay pumasok na ako sa banyo at naligo. Mabilis lang akong natapos na magbihis at maghanda ng sarili. Naglagay ako ng kaunting pulbo sa aking mukha at liptint. Nilagay ko na sa brown shoulder bag ko ang phone at wallet ko.

Astrophel Lucien Gray:

We're on our way to your dorm. Let's meet at the lobby.

Me:

Okay. Pababa na rin ako.

Napuno naman ng saya at excitement ang puso ko dahil magkakabonding na ulit kami ni Lucile at ni Astro pagkatapos ng matagal naming hindi pagkikita. Dahil sa pag-uusap namin ni Iris noong nakaraan ay nakatulong iyon sa akin upang makapag-isip. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung paano ko na-survive ang isang buong linggo na walang Astrophel na umaaligid. On the first days it was hard, I miss his voice and his presence around my dorm and even at our campus cafeteria. Pero siguro kaya naging madali sa akin ang ilang araw na 'yon ay nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa table namin.

May naging usap-usapan pa nga 'yong mga ka-block ko na nakikita nila si Astro palagi sa lobby ng dormitory. Si Danika raw palagi ang inaabangan niya roon dahil nanliligaw 'ata ulit siya sa kaniya. There's sudden bitterness in my heart because of that thought. I remember his promise to me that when the time comes he's ready to love again it would be me. There's a certain part of me that's still holding on to the promise he made. And based on what I know about him he's not the type of person that will give me or someone false hopes. If ever that day comes that he manages to forgive her I will not be a hindrance to it. Hindi ko siya pipigilan kung doon siya masaya pero hanggat wala pa susulitin ko na lang ang oras na kasama ko siya.

Nang matapos kong ayusin ang mga nakasaksak na appliances ay lumabas na ako dahil baka nasa lobby na sila at naghihintay sa akin. Habang naghihintay ng elevator ay nakita kong lumabas ng dorm niya si Danika at kasunod nito ay si Apollo. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang relasyon ng dalawang ito. Pakiramdam ko rin ay may kinalaman si Apollo sa relasyon dati ni Astrophel at Danika. Huminto na ang elevator na hinihintay ko kaya't pumasok na ako. Dumidistansya rin ako kay Apollo dahil sa nangyari. Nagdududa na rin ako kung totoo ba ang kaniyang pinakikita o lumapit lang siya sa akin dahil malapit ako kay Astro.

Pagdating ko ng lobby ay sinalubong ako ng yakap ni Lucile. Sobrang higpit nito marahil ay na-miss niya ako dahil matagal-tagal din kaming hindi nagkita.

"Huwag masyadong mahigpit ang yakap at baka hindi makahinga ang Ate Midnight mo!" saway ni Astrophel.

"I missed you, Ate Midnight!" saad ni Lucile.

"I missed you too. Kumusta ka?" sagot ko.

"Ayos naman, Ate. Na-miss talaga kita kasi rarely na rin na nagkukwento si Kuya tungkol sa 'yo," sagot niya.

Biglang nagbago ang tibok ng puso ko dahil sa narinig. Hindi maipaliwanag ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil lang sa kaniyang sinabi. Nagkukwento pala sa kanila si Astro ng tungkol sa akin.

"Ang kuya ba hindi mo na-miss?" parinig ni Astro.

"Hindi siguro?" sagot ko.

"Ah ganoon, tara na, Amaris. Iwan na natin 'yang si Midnight! Panget ka-bonding!" sagot niya.

"Arte mo naman, Mr. Astrophel Lucien Gray! Tara na!" sagot ko.

Dumiretso na kami sa parking area para makaalis na. Pagdating namin sa mall ay naghanap na muna kami ng makakainan.

"Saan niyo gusto kumain?" tanong ni Astrophel.

"Kayo na mag-decide. This is my treat for you guys!" sagot ko.

"We can eat at food court na lang, Ate. Para makatipid tayo," sagot ni Amaris.

"Are you sure? Nakakahiya naman sa inyo kung doon ko lang kayo dadalhin," sagot ko.

"Yes, Ate. Hindi naman kami mapili ni Kuya sa kakainan, right, Kuya?" sagot niya.

"Yeah, Night. We're fine anywhere. Hindi rin naman namin kailangan ng mamahaling food," sagot ni Astro.

"Okay then. We're eating at the food court!" sagot ko.

Pumunta na kami sa food court para kumain muna. Sinamahan ko na muna sila na pumili ng mga gusto nila. Laking gulat ko nang si Astrophel ang magbayad ng mga pagkain nila ni Amaris. Buong akala ko ay ako ang magbabayad ng kanilang order, kasi ako ang nag-ayang lumabas. Pero mali pala ako kasi siya ang nagbayad ng mga pagkain nilang magkapatid, Halos lahat ng pinili nila ay street foods.

"Astro, ako dapat ang magbayad niyan kasi treat ko dapat ngayon!" saad ko.

"Sa arcade na lang 'yong treat mo. Share tayo, saka ngayon lang ulit tayo nagkita kaya gusto rin kita ilibre to make it up to you," sagot niya.

"Hindi ah! Ako nga dapat ang mag-treat sa 'yo kasi pinalayo kita without concrete reason," sagot ko.

"Concrete na 'yong dahilan na ginulo ni Danika 'yong tahimik mong university life," sagot niya.

Um-order na ako ng pagkain ko saka sabay na kaming pumunta sa table kung nasaan si Amaris.

"Kuya minsan iniisip ko ginagawa niyo lang akong tulay para magkita kayo," saad ni Amaris.

"Hindi ah! Kaya kita in-invite dahil na-miss kita," sagot ko.

Mahina siyang tumawa na para bang hindi naniniwala sa sagot ko.

"Oh ikaw naman, Kuya? Ano naman palusot mo?" sagot ni Amaris.

"Hindi ka papayagan ni Mom at Dad kung hindi mo ako kasama," sagot naman ni Astro.

"Kayong dalawa! Kahit kaninong tao niyo idahilan 'yan walang bibili! Parehong di kapani-paniwala! Dapat 'yong madadala talaga ako!" sagot niya.

"Bakit? That's the truth!" sagot ni Astro.

"Kuya, halata namang miss na miss mo si Ate eh! Huwag nga ako niloloko mo!" sagot ni Amaris.

Hanggang matapos ang meryenda namin ay puro asaran nila ang bumuhay sa hapag kainan. Pumunta na kami sa arcade para mag-enjoy roon. Naalala kong dito rin kami pumunta noong una kaming nagkita. Nagkantahan pa nga kami sa videoke booth dito. Nag-just dance pa kami ni Amaris habang ang mahiyaing si Astro ay kinunan kami ng video.

"Hoy, Astro! Hindi ka na nga sumali sa amin nakuha mo pa kaming video-han!" saad ko.

Tinawanan niya lang ako na akala mong kabaliwan ang sinabi ko.

"Kuya! Stop laughing!" saad ni Amaris.

"Kapag ako nainis sa 'yo, hindi na talaga ko magpapakita," saad ko.

Bigla namang nawala ang ngisi niya at napalitan ng pangamba ang kislap ng kaniyang mga mata. Natakot talaga ang loko sa sinabi ko. Effective talaga ang panakot kong iyon sa kaniya. Alam niya na natatawa kaming pareho ni Amaris dahil kaunting step lang ang nasundan namin. Parehas kaming kaliwa ang paa kaya ang lokong si Astro ay kinuhanan kami ng video.

"Hindi na! Nagbibiro lang naman ako eh!" saad niya.

Nagkunwari pa akong nagtatampo dahil natatawa talaga ko sa reaksyon niya.

"Uy, si Kuya kinakabahan!" asar ni Amaris.

"Night, sorry na," malambing na saad ni Astro.

Hindi ko na matiis ang pag-arte ko dahil sa tono ng boses niya. "Sige na! Tara na sa cinema, nood tayo movie!" sagot ko.

"Uh... Ate, may bad experience si Kuya sa cinema so I don't think it's a good idea," saad ni Amaris.

"I'm fine with it, Amaris, don't worry," sagot ni Astro.

"Is it really fine with you?" sagot ko.

Ayoko naman na maging uncomfortable siya. Siguro ay may alam na rin ang pamilya niya tungkol sa nangyari sa kanila ni Danika kaya nasabi ng kapatid niya ang tungkol sa sinehan. Hindi naman ako ganoon ka-slow para hindi maintindihan ang pinatutungkulan ni Amaris.

"Yes. Tara na," sagot niya.

Dumiretso na kami sa cinema at pumili ng magandang palabas na panonoorin. Ang pinili namin ay ang showing na Korean action film. Sawa na raw kasi sa english movies si Amaris at Astro kaya ito ang pinili nila. Hati kami ni Astro sa bayad dahil ayaw niya na ako lang ang magbayad dahil 'di raw maganda tingnan.

"Ang ganda ng film, Ate! Nag-enjoy ako!" saad ni Amaris.

"Mabuti naman. Ako rin nag-enjoy ako! Mahilig ka rin ba sa k-dramas?" sagot ko.

"Oo, Ate! Gusto mo one time mag-spend ka ng time sa house namin, manood tayo ng k-drama," sagot niya.

"Sure!" sagot ko.

Habang naglalakad kaming dalawa ay napansin kong nowhere to be found si Astro.

"Nasaan ang kuya mo?" tanong ko.

Saktong pagtatanong ko ay tumunog ang cellphone niya. Binasa naman ni Amaris ang text ng Kuya niya siguro.

"Ate, punta raw tayo sa Sky Garden," saad niya.

"Bakit?" sagot ko.

"Sabi ni Kuya eh. Hindi ko rin alam bakit," sagot niya.

Pumunta kami sa Sky Garden. Ito ang main attraction ng mall na ito. Ang ganda ng view ng city mula rito. May mga tao ring nakatambay rito dahil sunset na. Tanaw na tanaw ang papalubog na araw mula rito pati na rin ang mga building na unti-unting lumiliwanag. Sobrang sarap ng hangin dahil napalilibutan ito ng pine trees at iba't ibang klase ng mga halaman.

Hindi nagtagal ay nakita kong papalapit na sa amin si Astro na may dalang tatlong piraso ng long stem roses. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil mukha siyang model na napadaan lang dito. Nang makalapit siya sa amin ay inabot niya sa akin ang roses. Nakita ko ang pasimpleng pag-picture ni Amaris sa amin. Nahihiya akong tinanggap ang roses, hindi ako makapaniwala na binigyan niya ako ng bulaklak. Akala ko ay hindi ko ito mararanasan sa kaniya dahil alam kong hindi pa siya handa. Sa kabila ng sobrang bilis na tibok ng puso ay nakuha kong tingnan ang kaniyang mga mata. Ito na 'ata ang sinasabi nilang butterflies inside the stomach.

"Is this really for me?" saad ko.

"Yes," sagot niya.

"Weh?" hindi makapaniwalang sagot ko.

"Oo nga," sagot niya.

I don't know why it felt so real. Para bang nakausad na talaga siya kay Danika at hindi na ito sumasagi sa isip niya. There's a foreign emotion in his eyes when he gave me the roses. His eyes are glistening in happiness as he give me those. Para bang ito ang first time niya na magbigay ng bulaklak sa isang babae.

"Pwede ba tayo mag-picture?" he said.

"S-Sige," sagot ko.

Binigay naman niya ang cellphone niya kay Amaris. Kinuhanan kami ni Amaris ng picture para may remembrance kami sa araw na ito. After we took pictures ay binaling na namin ang atensyon sa mga buildings. Habang papalubog ang araw ay unti-unting dumidilim ang langit at kumikislap ang mga bituin.

"Kuya, pwede ba tayo mag-dinner sa dorm ni Ate Midnight?" saad ni Amaris.

Napalingon naman kami ni Astrophel sa kaniya.

"Iyon ay kung ayos lang sa Ate Midnight mo," sagot ni Astro.

"Baka magalit ang parents niyo kasi ginabi kayo sa pag-uwi," sagot ko.

Siguradong kung doon pa sila kakain sa bahay ay gagabihin na sila sa pag-uwi at baka mapagalitan pa sila ng parents nila.

"Kuya, text Mom and Dad, please! Na-mi-miss ko na kasi 'yong luto ni Ate Midnight eh!" saad ni Amaris.

"Bukas, gusto niyo mag-lunch na lang tayo sa dorm ko. Gagabihin kayo ng Kuya mo kapag sa dorm pa kayo kakain ng dinner. Baka rin magalit ang parents niyo kapag hindi nila kayo makasabay kumain," sagot ko.

"Paano ka, Ate?" sagot niya.

"Kakain na lang ako rito sa mall," sagot ko

"Sasabayan ka na namin para hindi ka naman masyado malungkot sa pagkain," sagot ni Astrophel.

Nang lumamig na sa garden ay bumalik na kami sa loob ng mall at naghanap ng makakainan. Habang naglalakad sa loob ng mall ay nakasalubong namin ang isang blockmate ko, si Jessica. Kasama niya ang iba niya pang mga kaibigan.

"Hi, Astro!" bati ni Jessica.

"Hello," magalang na sagot ni Astro.

Ito pa ang isa pang nagustuhan sa kanya, hindi siya snobber. He talks to people casually but at the same time respectful. Like what he does to Danika. The way he handled her ay talagang naroon pa rin ang respeto kahit gaano siya kagalit sa kanya.

"We thought you're courting Danika again," saad ng kaibigan ni Jessica.

"Ah hindi na. We both part our ways already after our graduation. I have nothing to do with her anymore," sagot ni Astro.

"Pero sabi ni Danika kaya ka nasa lobby ng dorm for the past few days ay galing ka sa dorm niya," sagot ni Jessica.

Agad namang kumunot ang noo ko dahil totoo ang usap-usapan na pumupunta siya sa dorm. Hindi, hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko na naman. Baka naman may kaibigan siyang dinalaw sa dorm at hinihintay niya lang bumaba.

"Ah no. I was there because of Midnight. I sent her home," sagot ni Astro.

Ha? When did he send me home? Last week pa kami hindi nag-uusap bago ito ah. Baka palusot niya lang ito para hindi na sila magtanong pa tungkol sa relasyon nila ni Danika ngayon. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Jessica at ng mga kaibigan niya dahil sa sagot ni Astro sa kanila. Siguradong kakalat ito sa school na narinig nila kay Astrophel.

"Oh really? Kayo na ba?" sagot ni Jessica na sa akin ang tingin.

"Hindi pa pero papunta na kami roon," sagot ko.

Kung magpapakalat na lang naman ng chismis gawin na nilang bigatin ang pagpapakalat. Siguradong susugurin ako ni Danika pagkatapos nito pero simula nang tanggapin ko ang rosas na binigay ni Astro ay tinanggap ko na rin ang hirap na mararanasan ko kapag kasama ko siya. I don't care what comes after this. Wala naman mawawala sa ginagawa kong ito kaya hindi naman ako natatakot sa magiging resulta. I know that what ever happens ay nandiyan siya palagi sa tabi ko para ipagtanggol ako at kung wala man siya alam kong makakaya ko ang sarili ko.

"A-Ah. Akala ko friends lang kayo. Sige mauna na kami. Have a great night guys," paalam ni Jessica.

"You too," magalang na sagot ko.

Nagpatuloy kami sa paghahanap ng makakainan. Nang makakita ng The Pancake House ay dito na kami pumasok. Nag-c-crave ako ng chicken nila saka dati ay dito kami palagi kumakain nila Mom tuwing may free time sila. Simula noong naging busy sila ay palagi pa rin akong nagpupunta sa kainan na ito once every two weeks dahil bukod sa iniipon ko ang pangkain ay sinasama ko pa sila Manang o kaya si Mamita rito.

"Ate, is this your favorite restaurant?" tanong ni Amaris.

"Yes. Mahilig ako kumain dito," sagot ko.

"Me too! Favorite ko rito kasi ang sarap ng chicken nila!" sagot niya.

"Night, share tayo ng bill," saad ni Astro.

"Sige," sagot ko.

Binuksan ko na ang menu na iniwan ng waiter sa amin kanina. Pinili ko na lang ang box of 8 pieces para sakto sa amin at hindi masyadong marami. Si Astro naman ay snacks lang dahil sasabay raw siya sa parents nila. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang pagkain namin. Habang nilalagay sa lamesa namin ang mga order ay tinulungan ko nang magbahagi ang waiter ng mga pagkain. Nang maayos na at makumpleto ang order ay kaniya-kaniya kaming kuha ng picture sa pagkain.

"Let's take a picture!" aya ko.

Agad naman silang humarap sa gawi ko. Natatawa ako sa aking isipan dahil para kaming isang pamilya na kumakain sa labas. Mukhang mag-ama si Amaris at Astro dahil sa kanilang malaking pagkakahawig. Pagkatapos namin mag-picture ay nagsimula na rin kaming kumain.

Talagang na-enjoy nila ang pagsasama namin ngayong araw. Napuno ng kasiyahan ang aking puso dahil sa wakas ay nakita ko ang totoong ngiti sa labi ni Astro. Hindi na ito pigil, makikita mo na sa kanyang mga mata na masaya siyang makasama kami at nag-enjoy siya sa araw namin.

"I really enjoyed the day, Ate! Sana before kayo bumalik sa school ni Kuya makalabas ulit tayo ng ganito!" saad ni Amaris na nasa backseat.

"Oo naman. Pagbalik ko galing Manila labas ulit tayo," sagot ko.

Nalukot naman ang mukha niya nang marinig ang pagbalik ko sa Manila.

"Kailan ka babalik, Ate?" sagot niya.

"Wala pa eh. Hindi ko pa kasi alam kung ihahatid ako ulit ng kuya mo or mag-co-commute ako," sagot ko.

"Magpahatid ka na lang kay Kuya para mas safe ka, Ate," sagot niya.

"Kapag hindi siya busy," sagot ko.

Hindi rin ako sigurado kung kailan ako babalik kasi ayoko pang makita sila Mom. Baka salubungin lang ako ng sermon kapag umuwi ako. Ayokong umawit na naman mga pari dahil sa mga sinasabi nila. Baka mag-imbita pa ako ng dadalo sa sermon nila. Kahit wala naman silang hinaing sa grades ko ay siguradp kong meron pa rin silang hinandang sermon sa pag-uwi ko. Nakakahiya na rin kay Astro kung magpapahatid pa ako, masyado ko pa siyang naabala kung mangyayari iyon.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nakarating na kami sa dorm ko. Bumaba pa si Astro para ihatid ako hanggang sa lobby.

"Hanggang dito na lang kita ihahatid, hinihintay kasi ako ni Amaris. Hinahanap na rin kami sa bahay," saad niya.

"Ayos lang. I enjoyed the day. Sana kayo rin ni Amaris," sagot ko.

"Oo naman, lalo na siya. Thank you for spending the day with us. If ever you're not busy tomorrow, ayain din kita sana lumabas. 'Yong tayo lang," he said.

Is he asking me out on a date? Hmm, baka friendly date lang 'to.

"Sure! Anong oras ba?" sagot ko.

"8 am. Samahan mo ako um-attend ng mass doon sa church na pinuntahan natin last time," sagot niya.

"Sige ba!" Inabot niya na sa akin ang roses na binigay niya kanina.

"Good night! Ingat kayo ni Amaris ah!" paalam ko bago tuluyang dumiretso sa elevator.

Kumaway lang siya sa akin bago lumabas ng lobby. Kinawayan ko lang siya pabalik. Nang mawala siya sa paningin ko ay naghintay na ako ng elevator. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay tumunog ang cellphone ko kaya nilabas ko ito sa aking bag.

Mamita calling...

Agad ko naman itong sinagot.

"Mamita!" bati ko.

Bumukas na ang elevator kaya sumakay na ako at pinindot ang floor kung nasaan ang dorm ko.

"Kumusta ka diyan, apo?" sagot niya.

"Okay naman po. Kakauwi ko lang kasi lumabas kami noong isa mong apo, si Astrophel," sagot ko.

Hindi naman ako natatakot dahil open naman si Mamita kung sakaling magkaroon na ako ng boyfriend. Hindi ko lang alam kung ganoon rin sila Mommy at Daddy. Sobrang strict pa naman ng dalawa na 'yon sa akin.

"Ah, kaya naman pala ang saya-saya ng boses mo eh. Oh siya, kailan ka ba uuwi? Malapit na matapos ang semester niyo. Hinahanap ka ng mommy mo rito eh," sagot niya.

"Hindi ko pa sigurado, Mamita kasi may mga inaasikaso pa akong mga requirements sa school," sagot ko.

Tumunog na ang elevator senyales na nasa tamang palapag na ako. Patuloy pa rin kaming nag-uusap ni Mamita hanggang sa makarating ako sa loob ng dorm ko.

"Oh siya sige, magpahinga ka na't sigurado akong napagod ka sa lakad niyong dalawa ni Astro," saad niya.

"Sige na po, Mamita. Magbibihis na rin po ako," sagot ko.

"Ingat ka riyan, apo. Bye-bye!" sagot niya.

Binaba ko na ang tawag. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis na ng pantulog. Tinanggal ko ang make up sa mukha ko at nang matapos ay tiningnan ko kung online si Iris. Nang makitang online ay agad akong nag-chat sa kaniya.

Me:

Ghorl, may chika ako!

Iris Nina Martinez:

Oh sige. Maliligo lang ako saglit.

Me:

Chat ka kapag tapos ka na.

Habang hinihintay ang chat ni Iris ay tumunog ang cellphone ko.

Astrophel Lucien Gray:

Nakauwi na po kami.

Me:

Okay. Good night.


Napagdesisyonan kong lumabas ng kwarto dala ang ipad ko at phone. Dumako ang mata ko sa mga roses na binigay ni Astro sa akin kanina. Kinuha ko ito at nilagay sa isang vase ko na may fake flowers. Inilagay ko siya roon pero tinanggal ko muna ang fake flowers. Itinabi ko ito sa isang drawer upang hindi masyadong makalat sa loob ng dorm. While gazing at the roses Astrophel's smiling face and glistening eyes appear on my mind. He's like saying that he's happy to give me those. Kakaibang saya at hindi maipaliwanag na pakiramdam ang aking nadarama habang inaalala ang kaganapan kanina. Hindi ko ito makakalimutan dahil ito ang unang beses na makatanggap ng bulaklak mula sa ibang tao. Nagkaroon naman ako ng mga manliligaw pero hindi ko talaga sila napusuan at kahit kailan ay hindi nila ako binigyan ng mga ganito. Hanggang salita lang ang intensyon nila.

Napahinto lang ang pag-iisip ko nang tumunog ang ipad ko.

Iris Nina Martinez wants a video call...

Agad ko naman itong sinagot at umupo sa sofa.

"Anong chika mo, Bes? May love life ka na ba?" saad niya.

"Malapit na!" sagot ko.

"Uy, may kakaiba sa ngiti niya... May nangyari 'no?" asar niya.

"Hmmm... meron!" masayang sagot ko.

"Kwento mo na!" udyok niya.

"Nag-uusap na ulit kami kasi inaya ko 'yong kapatid niya na mag-mall. Then ayon pasyal-pasyal tapos binigyan niya ako ng 3 red roses," sagot ko.

Nagtitili naman na parang baliw si Iris ng marinig ang sagot ko.

"Bhie! Mahal ka na niya, bhie!" sigaw niya.

"Baliw! Nasobrahan ka sa pagbabasa ng romance books. Hindi ako noon mamahalin agad. Sa aming dalawa siya ang naka-experience ng love kaya alam niya na ang pinagkaiba ng infatuation at love!" sagot ko.

"Pero malay mo 'di ba? Ano pa ba 'yong signs na pinapakita niya?"

"Ano... Noong time na bumalik 'yong ex niya kahit hindi ko hiningi na layuan, niya 'yong babae, siya mismo nagkusang lumayo. Tapos hindi siya natatakot sa judgement ng iba when it comes to me. He investigated the incident with his ex at siya rin nakapaglinis ng pangalan ko. Palagi niya akong inuuna tapos noong mga panahon na dumidistansya ako sa kaniya hindi na siya nagpumilit pang dapat hindi ko siya layuan. Hindi na siya nakipagtalo pa at hinayaan na lang ako."

"Ano pa?" sagot niya.

"Hinahatid niya ako sa dorm everyday and he's transparent to me. Like I know when he's sad, happy, or when he's upset. Madali ko siyang nababasa. When I'm in my dark times he's always there by my side, hindi man niya inaalam ang mga problema ko pero dama ko 'yong presence niya na nagbibigay ng comfort. Then noong time na hindi kami nag-uusap hindi siya pumalya mag-text three times a day from morning to night, interested siya sa day ko kahit hindi ko siya sinasagot. Tapos lagi niya pinapaalala na kumain ganoon."

"Talaga bang friends lang kayo? Napapaisip tuloy ako kung friend lang ba ang tingin niya sa 'yo," sagot niya.

"Ewan ko." Napabuntonghininga na lang ako.

"I won't be surprised if he confessed to you. Nagpaparamdam na siya through his actions and gifts. Sa tingin mo ba ganiyan ang kaibigan?"

"Oo naman. May friends namang nagbibigayan ng gifts," sagot ko.

"Aber, kailan kita binigyan ng roses?" sagot niya.

Natahimik naman ako sa sinagot niya sa akin. Hindi nga naman niya ako binibigyan ng roses. Pero ayoko pa rin umasang may tsansa na may gusto siya sa akin. Maaaring ako lang ang nakikita niyang babae sa tabi niya dahil lagi akong nandiyan para sa kanya. Baka naibabaling niya lang sa akin ang atensyon na dapat ay kay Danika.

"H-hindi pa..." sagot ko.

"Misha, huwag kang mag-over think. Alam ko 'yong itsura na 'yan. Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano tungkol kay Astro. Alam mo malay mo naman may chance kayo. Bigyan mo lang ng time na mas maintindihan pa ang nararamdaman niya para sa 'yo," saad niya.

Naalala ko naman ang pinag-usapan namin kanina ni Astro. Bakit kaya sa simbahan niya ako dadalhin?

"Alam mo... Inaya niya kong lumabas kami bukas then sabi niya we will attend mass daw," I said out of nowhere.

"Really?" she answered.

"Yeah. He wants to go out with me and go to church," sagot ko.

"My ghad, Misha! Sinasabi ko sa 'yo! Tinamaan na 'yan!" she exclaimed.

"Bakit naman ako ang magugustuhan niya eh wala naman kagusto-gusto sa akin?" sagot ko.

Simple lang naman ako at minsan pa nga'y tinatamad magsuklay. Hindi rin naman ako ganoon ka-talented katulad ng ibang babae. Ang talent ko lang ay ang pagdo-drawing. Hindi rin ako katulad ng iba na madaldal at palaging may banat. In short hindi ako ideal type of girl para magustuhan niya.

"Meron ah! Ay nako, girl! Ang ganda-ganda mo kaya! Matangos ilong, makapal ang kilay, maputi ang kutis na akala mo gatas, maganda pa ugali mo! Girl, nasa 'yo na ang lahat ng good traits! Mapagtiis pa kasi kahit malayo ka tinitiis mo para sa pangarap mo. Girl, maraming kagusto-gusto sa 'yo maybe you just didn't realize it yet!" sagot niya.

"Sige na pagpalagay na natin na gusto ako ni Astro pero 'yon nga magiging rebound lang ako 'pag nagkataon!" sagot ko.

"Itulog mo na 'yan girl! Excited ka lang sa lakad niyo eh! Sabi ko nga give time to understand what he feels for you. Kasi maaaring mali ka sa mga iniisip mo. Okay?" she said.

"Sige. Good night na. Magpapahinga na ako. Bye-bye!" paalam ko.

"Ingat ka palagi riyan ha? I love you, Misha ko!" sagot niya.

"I love you too, Iris ko!" Binaba ko na ang tawag.

Lumipat na ako sa kwarto at nahiga na sa kama. Hindi ko maintindihan ang kakaibang saya na bumabalot sa puso ko tuwing naaalala ko ang lakad namin bukas. Hindi man ako sigurado sa nararamdaman niya ay isa lang ang sigurado ako, may nararamdaman ako para sa kaniya at higit pa iyon sa pagkakaibigan. Patuloy kong panghahawakan ang mga pangako niya sa akin, hanggat wala pa siyang sinasabing itigil ko na ay hindi ako titigil na hintayin siya. Darating din kami sa puntong tapos na ang paghihintay at hindi na kailangan pa dahil meron nang label ang kung ano kami.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro