CHAPTER 15: DISTANCE
Astrophel's POV
We already finished dinner at nandito kami sa isang park malapit sa restaurant na kinainan naming. We're just chilling and watching the stars shine. Kanina pa siya nakatingin sa langit. Kapansin-pansin ang lungkot sa kaniyang mga mata sa tuwing nakatingin doon. Walang ibang maririnig kundi ang mga huni ng ibon at ang hanging pang-gabi. After a phone call from her father she became silent and deep in thoughts.
"Hey, what's the matter?" I said to break the silence.
"None..." sagot niya.
Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi-sabi. Siguro ay hindi pa siya handang sabihin ito sa akin. I don't want to force her to say something when she's not yet ready. I badly want to ask her about why she's gloomy but I don't want to interfere with her life. Hindi pa naman kami ganoon katagal magkakilala at ayokong maging uncomfortable siya sa akin.
"Astro, sa tingin mo ba iniisip pa rin nila ako?" she said.
Natahimik ako at nangangapa ng sagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat bang sabihin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya nang diretso.
"I will never know the right answer for that but I know they're always wishing that you're fine, and eating well. I know that every day they wish for your safety and for your success," sagot ko.
Alam kong walang magulang ang gugustuhing mapahamak ang anak nila. Hindi nila kailanman hihilingin ang kapahamakan nito kahit na gaano pa kalamig ang kanilang pakikitungo sa kaniya. There would be days that they silently want to call her but they don't know how to approach her.
She just gave me a small smile that never reached her eyes and glanced back at the sky. She might be thinking about what I said. Alam ko namang malayo ang sinabi ko sa sitwasyon niya ngayon. I want to help her ease that negative thinking but I think it only adds up on her plate.
"Really? You think so?" she answered.
"Yes. Ang layo mo kaya sa kanila. Syempre walang araw na hindi ka nila inisip," sagot ko.
"But why can't they be happy about my choice? Why can't they let me be? I'm afraid that one day when I wake up wala na sa akin 'yong course na pangarap ko. I'm afraid to fail, Astro..." she said as tears fall down her eyes.
Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Mahina kong tinapik ang kaniyang balikat upang mapakalma siya. She's under pressure right now and she's anxious about her grades this sem. Papalapit na kasi ang labasan ng grades at sigurado akong makakarating agad iyon sa parents niya with just one call.
"Don't be afraid. You can always stand up for your dream and for your goal. You cannot always be in their shadows and you can't force yourself to do the thing you don't want to. Sa tingin mo ba you will do good if everything is forced? If everything is demanded," Kumawala siya sa aking bisig.
"No... It is easy for you to say that because you grew up in a loving family and they always support you with everything you do. While me... While me, everything needs to have a high grade in order to be deserving of their attention. I always need to do my best to have their time. I need to be someone who is worthy of our name. Worth to be Agnello..." she answered.
Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Sobrang sakit na siguro para sa kaniya tinatanggihan na niya na ang mga taong gusto siyang suportahan. Sa huli ay napagdesisyonan kong ihatid na lang siya sa dorm niya upang makapagpahinga na. Sigurado akong gusto niya na rin ipahinga ang isipan niya.
"Good night... Just call me when you want to talk to someone, okay?" bilin ko.
"Thank you. Ingat ka," sagot niya.
Umalis na ako ng dorm niya pagkatapos ko siyang ibaba sa entrance. Hindi na siya nagpahatid pa sa taas. Nang makarating ako sa bahay ay inabutan ko si Dad na umiinom sa sala. Siguro ay stressed siya ngayon kaya shuma-shot.
"Dad, do you have a problem?" I asked.
Umupo ako sa pang-isahang sofa at tumingin sa kaniya.
"Wala naman, son. Nag-chi-chill lang ako because this past few days I am so stressed about the business and this time lang ako nagka-time na makasama kayo at makapagpahinga," sagot niya.
"Oh okay. I'm sorry if I can't help you out right now," sagot ko.
"How's my son? May bago ka na bang napupusuan na babae? It's been years since the last times you introduced someone to us. Danika talking to us lately eh and she said she's trying to win you back," saad niya.
Tila nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Dad. How dare she talk to them? Hindi kaya sia nahihiya na kausapin sila? It won't work on me because I already have someone right now. I didn't hear any apologies from her, she just left and come back like nothing happened.
"Dad, if you don't mind please not talk to her again. I don't want to hear anything about her," sagot ko.
"Why 'nak?" he curiosly asked.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi niya nga pala alam ang dahilan ng paghihiwalay namin. They weren't aware that our break up is not just a simple one It's always hard for me to talk about it but I think it's their right to know how we ended. Afterall they were the people who supported and guided us in our journey.
"Dad, I have something to say..." I answered.
"What is it?"
"Me and Danika didn't just broke up because we don't have time for our relationship. We broke up because she cheated. Nakita ko siya sa mall na may kasamang ibang lalaki and I saw how they hold hands and kiss. Sobrang sakit, Dad. I tried to work things out again after that pero pinagpatuloy niya pa rin kaya hindi na ako nakatiis at nakipaghiwalay na lang sa kaniya. I'm not the type of person na basta na lang mang-iiwan alam mo 'yan, Dad."
Natahimik si Daddy at iniwas ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ito. Siguro frustrated siya kasi ngayon niya lang nalaman iyon. They never taught me to cheat on someone especially Mom. She never let us live in the thought that cheating is normal for a relationship. That cheating is cool. Sa tuwing naalala ko 'yon I always ask myself "what's wrong?" or "where did it go wrong?" Sobrang sakit at sobrang hirap na kinailangan kong magpakalango sa alak para lang makalimutan 'yong sakit.
"Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya, anak. You don't deserve it but promise me, that don't ever cheat just because you were cheated on, anak. You know how it feels to be cheated on," he said.
"Opo, Dad. I will never let anyone suffer the same pain I had. Sobrang tagal kong binuo ang sarili ko, Dad. Sobrang hirap," sagot ko.
"Matanong kita, anak... After what happened is there someone you're seeing right now?"
"Yes, Dad. The school's ball queen and she's a future architect. Actually siya 'yong girl na hinatid ko sa mga magulang niya six years ago," sagot ko.
"Really? You found her again?" sagot niya.
"Yes, Dad but right now I don't know how to bring her back to her happy and alive self. Slowly she's losing it and I don't know what I can do to help her," sagot ko.
"Just be with her. Your presence will be enough. Maybe she's going through something na hindi niya pa masabi kasi hindi pa siya ready. Kasi siguro nasanay na siya lang mag-isa lagi or she's new to the feeling that someone is beside her while going through something," he said.
Tumango ako bilang pag-sangayon. "Please, Dad, don't tell Mom and Amaris what I said. I don't want them to be stressed about it and I just want them to look at her as what it was," saad ko.
"Hindi mo ako mapipigilan sa bagay na 'yan, anak. They also have rights to know about it," sagot niya.
"I just don't want that to spread in the university like wildfire. Please rin po don't entertain her. Baka mamaya binugaw niyo pa ako sa kaniya. Sigurado akong in an instant mawawala sa akin si Midnight at ayoko po mangyari 'yon."
That's the least thing I plan to do. Hindi ko kayang dumagdag pa sa sakit na nararamdaman niya.
"Yes 'nak. Makakaasa ka," sagot niya.
"Akyat na po ako, Dad. It's getting late na rin po eh. Good night!" paalam ko.
"Good night! Aakyat na rin ako pagkatapos nito," sagot niya.
Umakyat na rin ako pagkatapos naming mag-usap. Naligo na ako at nagpalit ng pambahay. I picked up my phone and lay down my bed. I tried to call her phone pero hindi siya sumasagot. Maybe she's doing things na makakapagpakalma sa sarili niya so I decided to text her.
Me:
I'm always here, Midnight! Good night and take care of yourself for me:)
Nilagay ko na sa side table ko ang cellphone ko at nahiga na. I promise that I will be with her all the way. She deserves to have someone right by her side and never leave her alone. Sasamahan ko siya kahit tanggihan niya pa ang presence ko at kahit ayaw niya pa na may makasama siya. Hindi niya na kailangan lumaban mag-isa at parati akong narito para sa kaniya and that's a promise. I will try my best to not break it.
Midnight's POV
All the emotions I've been keeping for the past few days burst out last night. Sobrang sakit lang na marinig ang mga sinabi ni Dad na kapag bumagsak ako sa isang subject ng course ko mawawala lahat. Natatakot akong baka mamaya ay magising na lang akong wala na sa akin ang lahat. I need to have a courage to pass everything. Ga-graduate ako ng architecture kahit wala sila. Magiging architect ako after five years. Walang gana akong naghanda para pumasok dahil balik na kami sa school. Tapos na ang break na binigay sa amin para sa ball.
Mag-isa akong naglalakad papunta sa campus dahil hindi naman na ako nagpasundo pa kay Astro. Ayoko muna siyang makasama hanggat hindi pa maayos ang takbo ng isip ko. I need to fix myself first so that I can be how he knew me. I don't want to be a disturbance to him. He have his own life and he should focus on that not mine. Nang makarating ako sa room ay tahimik akong umupo sa bandang likuran ng room. Nilabas ko na ang mga kailangan ko para sa first subject namin.
"What are you thinking right now?" Apollo said.
"Nothing and it's none of your business," sagot ko.
Wala akong kaamor-amor makipag-usap kay Apollo dahil sa nangyari noong ball. Pakiramdam ko ay magkasabwat sila ng tipaklong na ex ni Astro kaya magkamukha ang mga damit namin. Inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng notes ko noong nakaraang klase.
"Is it about the ball?" he said.
"No. It wasn't big deal at all," maikling sagot ko.
"Eh, what's the matter ba? Bakit parang mainit ulo mo sa akin?" sagot niya.
"Wala lang ako sa mood makipag-usap," sagot ko.
Dumating na rin ang professor namin at nagklase na. Nakita ko ang pagsulyap-sulyap nila Rhea sa amin ni Apollo. Sigurado ako na narinig niya ang sagutan namin ni Danika. Sobrang init kasi ng atmosphere sa table namin noong ball. Nang matapos ang klase ay agad akong hinatak nila Abi at Rhea palabras ng room.
"Kumusta ka?" saad ni Abi.
"I'm fine," sagot ko.
"I heard what happened in the ball," sagot niya.
"Don't talk about it. Halika na kumain na tayo sa cafeteria." Hinila ko na sila pababa ng building namin.
Pagdating naming sa canteen ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Papalit-palit ang tingin nila sa cellphone at ang tingin nila sa akin. Naririnig sa speakers ng canteen ang naging bangayan namin ni Danika. I inhaled calmly and exhale. I opened my phone and immediately call Astro.
"Hello, Night? Where are you?" he said.
Lumabas ako ng canteen dahil ayoko na may marinig na pangungutya mula sa mga ibang estudyante. Bumuntonghininga ako at pinakalma ang sarili. I am fuming mad because this might spread misinformation to people. Baka makasuhan pa ako ng bullying dahil dito.
"Astrophel, I told you I am going through something and right now it is too much. Have you heard about it?" sagot ko.
"Y-yes... I'm sorry. Where are you right now?" sagot niya.
"I'm outside the cafeteria. I can't show my face to them. Kulang na lang batuhin nila ako ng itlog o kaya naman kamatis," sagot ko.
Binaba niya na ang tawag. Napabuntonghininga ako dahil sobrang dami na ng problema ko dumagdag pa itong si Danika. Ako ang kaniyang binabalikan dahil hindi niya makuha si Astro. Palibhasa kasi laki sa layaw ang babae na 'yon at nakukuha lahat ng gusto. I'm tired dealing with the pressure my parents gave me and then here she is adding up on my mountain of problems. She didn't think about the life she was about to ruin. This will be a disgrace to my family and when Mamita knew about this for sure sasabihin niyang bumalik na ako sa Manila.
After a few minutes I saw him running towards my direction. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin. Kakatapos lang naming mag-usap tungkol dito kahapon pero heto ang nangyari. Sa tuwing nakadikit ako sa kaniya lagi na lang ako napapahamak. Mas mabuti pa noon na hindi alam ng mga estudyante na magkakilala kami. Noon na nagkikita lang kami sa labas ng school. He stirred my life. Kung madilim na noon ang buhay ko ay nasinagan ito ng kaunting liwanag pero may balakid na pumipigil sa liwanag na 'yon.
"Hey, I'm sorry. I'll fix this right away," saad niya.
"I think I need to distant myself from you," sagot ko.
Tila gumuho ang mundo niya at dali-dali akong hinila paalis sa tapat ng cafeteria. Dinala niya ako sa malapit na garden ng university. Padabog kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"What do you want me to do now? I defended you already to Danika! Look at what happened!" I nagged.
"Nothing! Ako nang bahala rito! J-Just don't be distant to me..." he pleaded.
"Tahimik akong pumasok sa university na 'to. All I want is to peacefully finish my degree but look, look at what's happening. First year ko pa lang ganito na ang nangyari! Kapag nalaman 'to ng parents ko I might end up going back to the darkness I once escaped," sagot ko.
Hindi niya kailanman maiintindihan ang pinanggagalingan ko. He will never understand how it feels to be caged. Nobody will understand my situation no matter how close we are and how long we know each other. Ako lang ang tanging makaiintindi at makapagsosulosyon sa problema ko. Ang hinihingi ko lang sa kaniya ay tulong. Siya lang ang makapaglulutas nito dahil sa kaniya nagsimula ang lahat.
"I know that," sagot niya.
"Alam mo naman pala. Why don't you just let me be? I'm so full of all this. Sobrang immature ng ex-girlfriend mo. Saka kahit na anong gawin nating explanation sa mga tao si Danika pa rin naman ang paniniwalaan eh. Hindi naman ako na naging biktima nito. No one will be by my side cause for sure they will believe the rumors," sagot ko.
Pinawi niya ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Agad kong tinabig ang kamay niya upang hindi niya na ako mahawakan. Baka may makakita pa sa amin at lalong lumala ang lahat. Gusto ko nang bumalik sa normal ang lahat. Ang sakit na nga sa ulo na mag-keep up sa expectations sa akin at dinagdagan pa ng tipaklong na 'yon.
"Okay... If being distant to me will give you peace of mind then fine..." he answered.
Biguan ang kaniyang itsura nang iwan ko siya sa garden. Nang dumaan ako sa hallway ay pinagbubulungan na ako ng mga estudyante. Tahimik akong bumalik ng classroom. Walang ibang tao kaya nakahinga ako ng maluwag. Walang ibang nakakikita ng kahinaan ko. Yumuko na lang ako sa armchair at hinayaan tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. What did I do to deserve this kind of treatment? Palagi na lang nangyayari ang ganito sa akin. Siguradong pati mga kaibigan na binuo ko ay mawawala na rin sa akin.
Naramdaman ko na lang na may mga presensya nang nakapalibot sa akin at may kamay na humahaplos sa likod ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita sina Abi, Rhea, at Josh.
"Huwag ka na umiyak. Hayaan mo na ang butanding na 'yon. Hindi niya deserve 'yang luha mo," saad ni Abi.
"She always like that when someone became better than her and when someone comes close to Astro. Marami na siyang nabiktima at lahat sila ay naakusahan ng bullying dahil sinagot nila si Danika. They were all kicked out," saad ni Rhea.
"But! We will make sure it won't happen to you, Midnight. Kung kinakailangan namin ni Rhea na mag-testify we will do it. Saka hindi ka naman hahayaan ni Astro kaya huwag ka mag-alala," saad naman ni Josh.
Lalo akong naluha dahil sa supporting pinakikita nila sa akin. Akala ko dahil sa nangyari ay mawawala na sila sa akin. Akala ko ay matatangay din sila ng mga chismosang estudyante.
"Thank you... Akala ko mawawala na kayo dahil dito," sagot ko.
"Hindi ah! Totoo kaming kaibigan at kahit na anong gawing paninira sa 'yo ni Danika o ng kung sinoman hindi namin 'yon paniniwalaan agad pwera na lang kung ikaw mismo ang nagsabi na totoo iyon," sagot ni Abi.
"Tama. Hindi kami maniniwala sa kahit na anong rumors tungkol sa 'yo lalo na kung wala naman silang sapat na basehan," sagot ni Abi.
Tumango ako sa kanila bilang sagot. Inayos ko na ang sarili ko at naghanda na sa susunod na klase namin. Hindi naman na nagpakita si Apollo pagkatapos ng break namin na 'yon. Siguro ay may training siya. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko talaga alam paano siya kakausapin. May kutob ako na may kinalaman siya rito. Sila lang naman kasi ni Danika ang magkasama noong gabi na 'yon.
Dumiretso ako sa dorm pagkatapos ng klase. Tunog nang tunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito.
Mamita calling...
"Hello?" bati ko.
"Hello, apo? Kumusta ka riyan?" she answered on the other line.
"Maayos naman po, Mamita."
"Are you eating well?" s
"Yes naman po!" pagsisinungaling ko.
Lately kasi hindi ako nakakain ng maayos dahil sa pag-o-overthink. Madalas ay cup noodles o kaya naman instant noodles lang ang kinakain ko. Wala talaga kong gana magluto at kumain. Wala rin naman akong makakasabay kumain kaya wala rin namang sense na magluto pa ng mga putahe.
"Oh siya sige. Magpahinga ka na at baka napagod ka sa klase. Lagi kang mag-iingat diyan, apo," paalam niya.
"Sige po, Mamita. Bye!" Binaba ko na ang tawag.
Pagkatapos ng aming tawag ay naligo na ako at nagbihis ng pambahay. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Astro sa garden ay hindi ko na siya nakausap ulit. He tried calling me earlier pero hindi ko ito sinagot. Pinag-iisipan kong mabuti ang susunod kong gagawin. Tinawagan ko ang taong alam kong makatutulong sa akin.
"Misha ko! I miss you!" Iris said.
"I miss you too, Mata ko!" sagot ko.
"Bakit napatawag ka? May nangyari ba?" nag-aalalang saad niya.
"May problema kasi kami ni Manner Hands eh..." marahan kong saad.
"I see kaya naman pala malata ka ngayon. Oh what happened?"
"Eh may lumabas kasi na voice recording ng naging misunderstanding namin ng ex niya... Please don't tell this to Mom and Dad. Baka mamaya ay bigla na lang akong pauwiin."
"Of course!" she assured me.
Tumango ako at bumuntonghininga. "And then 'yong recording ay lumabas sa buong school. Everyone heard about it. The ex made me the villain in front of everyone. Baka mamaya kasuhan ako ng bullying kaya I decided to lay low muna and distant myself to him," pagpapatuloy ko.
"Well rights mo naman na maging distant sa kaniya kasi nasaktan ka. Justifiable naman ang move mo 'yon nga lang tama ba na iwan mo na lang siya sa ere?" tanong niya.
Napaisip tuloy ako kung tama ba ang desisyon kong paglayo sa kaniya. Naghahati ang utak at puso ko. Sinasabi ng utak kong tama ngunit sinasabi ng puso kong mali dahil naiparanas ko na naman sa kaniya ang pakiramdam ng maiwan.
"Come to think of it, Misha ko. He had been with you on your lows kahit naman hindi mo sinasabi sa kaniya 'yong problema mo palagi siyang nariyan para sa 'yo," saad niya.
"Pero kasi ang dami ko nang hinaharap ngayon lalo na't under pressure ako sa parents ko. Tapos dinagdagan pa ng tipaklong niyang ex-girlfriend," sagot ko.
"Tignan mo kasi 'yong nangyayari in the brighter side, Misha. Hindi ka niya iniwan at tutulungan ka pa niya na malinis ang name mo at protektahan ang scholarship mo."
"Oo nga. Ayoko naman magsinungaling sa sarili ko na masaya ako sa naging desisyon ko dahil hindi naman talaga. It makes me feel like I'm not considerate enough to be with him in this battle."
"Pag-isipan mong mabuti ang mga galaw mo. Pag-usapan niyo ni Astro kung ano man 'yang hindi niyo pagkakaintindihan. Huwag mo siya sayangin, Misha. He's one of a kind." She sighed.
"Thank you, Iris. I got to go matutulog na ako. Good night!" paalam ko.
"Good night!" sagot niya at binaba na ang tawag.
Hindi pa rin talaga ako makatulog dahil sa nangyari. Hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nadarama ko. Parang may kulang pero kahit ganoon pa man ay pinilit ko ang sarili kong makapagpahinga dahil may pasok pa bukas. The next morning ay wala akong ganang naghanda papasok sa school. Tinapay at energen lang ang kinain kong agahan.
Nang makarating ako sa campus ay ganoon pa rin ang tingin sa akin ng mga tao.
"Midnight, pinatatawag ka sa Dean's Office," saad ng isa kong classmate. Hindi ko matandaan ang pangalan niya.
"Sige. Thanks," sagot ko.
Pumunta na ako sa Dean's Office. Nakita ko roon si Astro at si Danika pati na rin si Apollo. Hindi ako nagkamali ng akala na kasali siya sa insidenteng ito.
"Good morning, Dean," magalang kong bati.
"Good morning, Miss Agnello. Take a seat," sagot ni Dean.
Sa bakanteng upuan sa tabi ni Astro ako umupo dahil 'yon na lang ang natitirang upuan.
"We're gathered here today to talk about the incident that happened yesterday. Hindi ko na ito pinarating sa inyong mga magulang dahil college na kayo. College na kayo pero itong ginawa niyo pang-high school!" saad ni Dean.
"What is your side, Miss Davis and Mister Laurier?" Dean asked.
Napuno ng katahimikan ang loob ng office. Hinihintay ko ang sasabihin ni Danika at Apollo.
"Here's the thing Lola, she's seducing Astrophel and she threatened me na she will use judo raw to hurt me," saad ni Danika.
Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi ni Danika. Hindi ko kailanman sinabi na sasaktan ko siya gamit ang judo. Kahit na kailan hindi itinuro sa akin ang gamitin ang kaalaman ko para manakit ng kapwa. Use it for self-defence and not to harm or hurt someone.
"I have nothing to do with this. Kaibigan ko si Miss Agnello at kahit kailan hindi ko magagawang ipahiya siya sa ibang tao," saad naman ni Apollo.
"Liar." mariing saad ni Astro. Nag-aalab ang kaniyang tingin kay Apollo na parang handa siyang saktan ito.
"Why are you accusing me of lying Mister Gray? Do you have proof?" sagot ni Apollo.
"Sa tingin mo ba madadawit ka rito kung wala?" sagot ni Astro.
Patuloy na nagsusukatan ng tingin si Apollo at Astro. Bumaling naman ang tingin sa akin ni Dean.
"Is it true that you threatened her that you would hurt her using judo?" saad ni Dean.
"No. I defended myself because she was about to slap me," sagot ko.
"Then is it true that you are seducing Astro?" sagot niya.
"Hindi po. Nagkataon lang na nagkapareha kami sa college ball. I am not that low to seduce someone," tanggi ko.
"Mister Laurier, ikaw ang nakitang sumabotahe sa sound system." Hinarap ni Dean sa amin ang kaniyang laptop at pinakita ang CCTV footage.
Si Apollo ang nagsaksak ng cellphone niya sa sound system at tumunog na ang boses namin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon gusto ko na lang lumayo dahil pakiramdam ko ay naloko ako. He was the first one who befriended me. Siya ang unang naging kaibigan ko sa university pero niloko niya ako. I inhaled a huge amount of air and calmly exhaled. My palms turn into fists because of anger, betrayal, and sadness.
"So how come I am a liar ha?" sabi ni Astro.
"Is that what you call friendship?" nanggagalaiti kong saad.
Napailing na lang ako dahil sa frustration na nararamdaman ko.
"Can you tell what happened in the video, Miss Agnello?" saad ni Dean.
Isinalaysay ko kay Dean ang mga ginawa niya sa 'kin noong gabi na 'yon.
"Hindi ko po alam bakit sa akin nabaling ang inis niya," saad ko.
"Of course! Nilalandi mo si Astro eh!" buwelta ni Danika.
"Miss Davis, sa pagkakaalam ko wala na kayo ng apo ko. Three years na actually so bakit mo ginugulo ang personal life niya?" saad ni Dean.
Natahimik si Danika sa sinabi ni Dean. Tama naman si Dean dahil hindi na dapat pang nakikialam si Danika sa personal na buhay ni Astro.
"After hearing both sides I decided that Mister Laurier and Miss Davis will have community service as punishment for the bullying. They will do it for a month, no objections and effective today. One of the utility people will teach you all you are tasked to do. I hope this incident taught all of you a lesson. You are now dismissed," sabi ni Dean
Lumabas na kami ng opisina ni Dean. Masama ang tingin sa akin ni Danika dahil sa natanggap niyang parusa.
"Hindi pa tayo tapos." saad ni Danika at naglakad na palayo sa amin ni Astro.
Nanahimik na lang ako at hindi na sumagot sa kaniya. Lalo lang lala kung sasagot pa ako. Babalik na ako sa klase nang hawakan ni Astro ang braso ko at hinarap sa kaniya.
"Are we okay now?" he said.
"Let me think about it. Ayoko nang magsimula ng panibago pang gulo laban sa ex mo, Astro. I hope you can settle everything with her first before you entertain someone. Masakit na rin kasi, Astro. Thank you for settling this issue, it's a big help to me. Mauna na ako," paalam ko.
Tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo sa kaniya. Dumiretso na ako sa unang klase namin. Mabuti na lang at wala pang prof kaya hindi ako nahuli sa discussion. Umupo na lang ako sa tabi ni Josh at hinanda ang mga gamit ko. Dumating na rin ang professor namin para sa subject na ito at matiim na nakinig sa kaniyang discussion. I need to listen carefully to everything he is saying kasi baka mamaya ilagay niya sa quiz 'yon. At least things got a little easier because the issue with Danika has been settled but still I can't process what Apollo did to me. I just hope this thoughts will be out of my mind soon and focused on the lecture of my professor.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro