Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10: PAST

TW: Cheating Issues

Midnight's POV

It's already 9:30 pm and I can't sleep. Wala naman akong deadline na plates dahil malapit na 'yong foundation day. All classes are cancelled to give way for the big event. Natapos na sa decorations ang department namin kaya halos lahat ay nakatambay na lang sa school. Required pa rin naman pumasok dahil sa attendance. Hindi pa rin ako kino-contact ni Astro hanggang ngayon. Kanina ay hinatid niya ako rito sa dorm at umalis na rin dahil susunduin niya raw si Amaris. Hindi na siya nag-text sa akin na nakauwi na siya. Hindi ko naman tinatawagan dahil baka busy sa assignments niya. Napailing na lang ako, masyado na akong nag-iisip sa lalaki na 'yon. Tinuloy ko na lang ang painting ko habang nakikinig ng music. Dito ko sa balcony ng dorm napiling mag-paint dahil talagang maganda ang ambiance at malamig ang hangin. I am painting a scenery of city lights. The cold breeze and coffee compliments the vibes. Ang tagal ko ring hindi nakadama ng sariwang hangin kasi ang daming plates na kinailangan kong tapusin.

Unti-unti ay nahahanap ko na ang purpose ko. Mas nakikilala ko ang sarili ko sa bawat araw na nagdaan. After this semester I will find a job so that I can start saving from my own money. Para hindi ko na kailangan maghintay ng isang buwan sa padala nilang allowance. Alam kong palaging busy si Mom and Dad kaya I need to do some efforts para magkaroon ng sarili kong pera. I can also do art commissions after this sem for extra income. Nahinto ako sa paglalagay ng kulay nang tumunog ang ipad ko.

Iris Niña Martinez calling...

Sinagot ko ang tawag. Siya talaga ang Marites ng buhay ko. Siguradong kukumustahin na naman nito si Astro katulad ni Mamita. Kada tawag eh si Astro ang bukang-bibig. Minsan nga ay nagtataka na ako kung ako pa ba ang apo ni Lola at kaibigan ni Iris eh.

"Hello, Misha ko!" bati niya.

"Naku, ayan na naman tayo sa endearment na 'yan. Alam ko na 'yan. Kukumustahin mo lang naman si Mr. Manner Hands!" sagot ko.

"Ikaw naman. Todo bakod ka! I called you kasi na-mi-miss na kita. Gusto kitang makasamang mag-study date tutal wala ka namang date riyan. Or you want me to go there para may kayakap ka naman?"

"Hindi ko siya binabakuran 'no! I also miss you. Kumusta ba riyan sa Manila?"

"Ayon, traffic pa rin."

"S-sila Mom and Dad? How are they?" I suddenly ask.

Kahit wala kaming proper communication sa bahay noon ay hindi ko pa rin maiwasang isipin sila. Sila ang hindi ko madalas makausap dahil sa schedule. Hindi naman ako masyado nag-aalala kay Mamita kasi halos araw-araw ay kinukumusta niya naman ako.

"Ever since you left they never failed to ask how are you when I visit them. 'Yon ang bilin mo 'di ba? Bisitahin ko sila paminsan-minsan."

Tumango ako. "Eh ikaw kumusta ka naman? May manliligaw ka na ba?"

"Wala! Kulang na lang ay jowain ko ang microscope at iba't ibang bacteria eh!" natatawang sagot niya.

"Baka bacteria talaga ang para sa 'yo!" biro ko.

"Ang sama nito! Porque nag-date kayo ni Mr. Manner Hands last time ganiyan ka na ah!"

Namula ako sa kaniyang sinabi. Agad kong tinakpan ang mukha ko sa kahihiyan. Alam niya talaga paano ako dadalihin.

"Ano na bang progress niyo ng lalaki na 'yon?" sagot niya.

"We're friends. Umamin na ako sa kaniya tungkol sa feelings ko but I think hindi pa siya ready to open his heart for another girl."

"Really?" hindi makapaniwalang sagot niya.

"Yeah. We're getting to know each other better," sagot ko.

"Bakit naman ganoon? Ang ganda-ganda mo para i-reject ka! And F.Y.I lang ah, he was the first one who reached the golden standard of yours."

"I know that I am beautiful but I can't force him to love me back. Hindi ganoon ang pagmamahal. I'll wait until he's ready to love again. Kahit matagal..."

If that's what it takes to be loved by a guy like Astrophel then I would gladly wait. He's worth waiting for naman at hindi iyon masasayang.

"Tinamaan ka na nga ng lintek!" sagot niya.

Napahinto ang pag-uusap namin dahil may kumatok sa pintuan ko.

"Besh, may ka-late night talks ka ba? Gabi na oh? Bakit may bisita ka pa?" she said.

"Hindi ko alam. I'll check it first." Dinala ko ang ipad ko at sumilip sa maliit na butas ng pinto.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Anong ginagawa niya rito sa disoras ng gabi? Napatingin ako sa ipad ko, nakita kong nakaabang si Iris kung bubuksan ko ang pinto.

"Iris, bukas na lang tayo mag-usap. Bye!" Binaba ko ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot niya. Inilapag ko ang ipad sa dining table at bumalik sa tapat ng pinto dahil patuloy pa rin ang pagkatok.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. I was shocked and at the same time nervous because of his presence. Umaamoy ang sigarilyo at alak sa kaniya na nahaluan ng panlalaki niyang pabango. Lalo akong napako sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang mukha ko at hinalikan ang noo ko. Napapikit ang mata ko nang dumampi ang labi niya sa noo ko.

"A-Astro..." bulong ko.

Instead of answering he pulled me for a hug. Katulad noon, he has this warmth that made my senses calm down. Lalo kong naamoy ang alak at sigarilyo sa kaniya. I never thought that this guy smokes and drinks. Wala sa itsura niya ang mga bisyong iyon. Unti-unti ay binitawan niya na ako.

"Anong ginagawa mo rito? Lasing ka ba?" tanong ko kahit alam kong hindi niya ako kayang sagutin ng maayos dahil sa kalasingan.

"No! I'm not drunk. L-let me s-stay here for the night. I can't let Amaris see me like this... Hindi ito 'yong kuya niya... Tapos na siyang makitang ganito ako," sagot niya.

Inalalayan ko siyang pumasok sa dorm. Pinaupo ko muna siya sa sofa. Bumalik ako sa kusina at nag-init ng tubig para gisawan siya kahit paano. Ako ang nag-aalaga kay Iris kapag naiinom siya sa mga family gatherings noon kaya alam ko ang gagawin sa mga taong nalalasing. Mahilig uminom ang pamilya ni Iris at ang mga pinsan niya kaya kapag nagkikita-kita ay madalas inuman.

Pagkatapos kong magpakulo ng tubig ay gumawa ako ng warm water. Iniabot ko ito sa kaniya. Tahimik lang akong nanonood sa bawat galaw niya. Tulala lang siya at mukhang maraming tumatakbo sa isipan niya. Hindi na lang ako nagsasalita. Baka hindi pa siya handang magkwento ng nararamdaman niya and that's fine. Ayoko naman magtanong bakit siya lasing o bakit siya uminom kasi gawain 'yon ng girlfriend.

"Night... What will I do?" Pagbasag niya sa katahimika. He looked into my eyes like he was seeking for answers.

"What?" sagot ko.

"She's back..." he answered with a shaking voice. Worries, fear, and pain are all the emotions present in his eyes.

"Let's talk about it when you're no longer drunk. Okay? Hindi tayo magkakaintindihan kung lasing ka," sagot ko.

Baka makalimutan niya rin itong pag-uusap namin. Nang maubos niya ang tubig ay hinatid ko na siya sa kwarto ko. Sa sala na lang ako matutulog. Saktong paghiga niya sa kama ko ay nakatulog na agad siya. Hinubad ko na lang ang sapatos niya at inayos ang position niya para mas komportable siyang makatulog.

"What happened to you, Baby?" bulong ko.

This is the first time I managed to call him his endearment to me. Hindi niya naman ito maalala bukas eh. Sulitin ko na ang pagpaparamdam sa kaniya. I never thought that his outlet is drinking and smoking. Masyadong malalim ang sugat ng nakaraan sa kaniya para magkaroon ng ganitong bisyo. Kahit sa pagtulog niya ay para siyang Greek God na ibinaba sa lupa. Hinawakan ko ang mukha niya at marahang hinaplos.

"Anong nangyari sa nakaraan mo at nagkaganiyan ka? You don't deserve the pain... You deserve the world, Astrophel..." bulong ko.

Inayos ko ang kumot niya at kinuha ang unan na nasa tabi niya. May isang kumot pa ako sa cabinet ko kaya kinuha ko muna ito at lumabas na ng kwarto.

Niligpit ko ang mga painting materials ko na nasa balcony at itinabi ang mga ito. Inilagay ko na lang ang phone at ipad ko sa coffee table rito sa sala. Inayos ko na ang sofa na hihigaan ko. Pagkatapos kong ayusin ang tutulugan ko ay sinilip ko muna si Astro bago mahiga. Sinigurado ko munang natutulog siya ng komportable at mahimbing. Pinatay ko na ang ilaw sa kusina at ang ilaw sa sala. Nag-check din ako kung naisara ko na ang lahat ng pinto. After that I went to the sofa and lay down. Siguradong bukas ay marami siyang magiging tanong. Sa ngayon, matutulog na ako ng mahimbing. Nagdasal muna ako bago matulog.

Astrophel's POV

Narinig ko ang lahat ng sinabi niya kagabi. Kahit na marami akong nainom kagabi ay narinig kong malinaw ang mga sinabi niya.

"What happened to you, Baby?" she asked.

My heart beats fast when I hear that gentle voice. Everytime she speaks I always feel uneasy. All the worries I have in mind swept away.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marahan niyang hinaplos ang mukha ko. Siya lang ang nakapagparamdam nito sa akin.

"You don't deserve the pain... You deserve the world, Astrophel..." that was her words before I completely drifted in sleep.

Nagising ako na medyo masakit ang ulo. Linibot ko ang tingin ko sa kwartong tinutulugan ko ngayon. The bedding is white. Hindi mo aakalaing babae ang nakatira. Kung dito ako nakatulog, saan siya natulog? Agad akong tumayo sa kama kahit umiikot pa ang paningin ko.

Nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa sofa. Naghanda na lang ako ng breakfast naming dalawa. Habang naghahain ay biglang pumasok sa isipan ko ang pagbabalik niya. Kumuyom ang kamay ko sa isiping magkikita na naman kami ulit. Narinig kong sa university namin siya nag-enroll.

Pagkatapos kong maluto lahat ay ginising ko na siya. Bahagya kong tinapik ang balikat niya.

"Night, wake up..." I said.

"Mamaya na. Maaga pa..." she pouted and turn her back from me..

"Lalamig 'yong pagkain," sagot ko.

Unti-unti niyang dinilat ang mata niya. Tila nagulat siya sa presensya ko at naitulak niya ako saka tumakbo papunta sa banyo. Mahina akong natawa sa reaksyon niyang parang nakakita ng multo. Inayos ko muna ang pinaghigaan niya at bumalik na sa hapag kainan.

Hinintay ko na lang siyang makalabas ng banyo.

"Good morning!" she greeted.

"Good morning! Pasensya ka na naabala pa kita kagabi..." I scratched the back of my neck. I feel embarrassed because she saw me at my drunk state.

"Okay lang... Hindi ka naman abala sa akin. Let's eat na!" Kumuha na siya ng pagkain niya. Kaya kumuha na rin ako.

Kapansin-pansin ang katahimikan niya. Mukhang may gusto siya sabihin sa akin pero tinitimbang niya pa ang sitwasyon.

"What do you want to say?" I said.

Masyadong tahimik ang paligid namin at tanging kalansing lang ng kutsara't tinidor ang maririnig.

"You know... Last night... You did something," she answered.

"Hmmm... What is it?" Siguro 'yon ay ang bigla kong paghila sa kaniya para yumakap. Hindi ko alam bakit ko ginawa 'yon. I'm at the edge of breaking down when she opened the door. Kaya siguro bigla ko na lang siya niyakap.

"You hugged me so tight and then you said something..." she answered.

"Ano?" sagot ko.

Kinakabahan ako dahil kilala ko ang sarili ko. Kung ano-ano ang mga nasasabi ko. Hindi ko kontrolado ang lumalabas sa bibig ko kapag lasing ako.

"You told me that someone is back... You don't know what to do..." she answered.

Concern and honesty are the emotions evident in her eyes. Nakikita kong seryoso talaga ang intention niya sa akin. Habang tinititigan ko siya ng matagal ay unti-unti kong napapansin ang kakaibang kinang ng mata niya sa tuwing titingnan niya ako. She's determined to help me.

"Okay lang kung 'di ka magkwento ngayon. Alam ko namang hindi ka pa handa. Sa susunod na lang..." bigo niyang saad.

Nagpatuloy na lang siyang kumain. Sa kabila ng maikli naming pagkakakilala  sa isa't isa ay unti-unti kong natutunan na magtiwala sa ibang babae. I learned to trust again because of this girl. I already gave her my assurance that it's only her. If the day comes that I'm ready to court someone again it would be her.  Sana lang kapag dumating ang araw na 'yon ay kasama ko pa siya. Sana ay hindi siya magsawa sa paghihintay sa akin.

The first step to move forward is to let go of the past. Kung patuloy kong ikukulong ang sarili ko sa nakaraan ay maaaring hindi ko na kayaning magmahal ulit. I already survived three years of my life without her. Oras na para ako naman ang lumaya sa sakit na ginawa niya. I think the only way to be free is to tell my story to someone. Walang nakaalam nito kundi ako lang at ang mga kaibigan ko. Hindi alam ng pamilya ko ang nangyari sa akin noon dahil gusto ko kung paano nila siya nakilala noong naging kami ay ganoon pa rin ang pagtingin nila noong natapos kami.

"I'll tell you later..." I said.

Umangat ang kaniyang ulo at tiningnan niya ako sa aking mata. Sinusuri niya kung totoo ba ang sinasabi ko.

"Are you really ready for this? Maaaring magbukas ang mga sugat mong matagal mong pinagaling..." she said.

"I'm ready. Matagal na akong nakakulong sa masakit na nakaraan ko. You're the first person I will tell my past. Don't let Amaris know about my past, please..." I answerd.

Tumango naman siya at binigyan ako ng maliit na ngiti. Napanatag naman ang puso ko sa kaniyang reaksyon. Sana ay tama ang desisyon kong ito.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko lang siya sa school at ako naman ay dumiretso na sa bahay. Siguradong nakapasok na si Amaris dahil tanghali na. Wala na rin sila Mom para sa trabaho. Nagtataka ako nang makitang nakaparada pa ang kotse nila Mom and Dad sa garahe namin. Baka ibang kotse lang ang ginamit nila kaya sila nandito. Pumasok na ako sa bahay namin. Kumunot agad ang noo ko nang makita sina Mom at Dad na parang hinihintay ako.

"Astrophel Lucien Gray," mariing saad ni Mom.

Mukhang bubuga ng apoy ang dragon. Siguro nalaman nilang hindi ako umuwi.

"Where have you been?" Dad strictly asked.

There's no point of lying here. I need to tell them the truth. Kailangan kong makalabas ng buhay rito. Baka mawalan ng gwapong kapatid si Amaris at future suitor si Midnight.

"N-Nainom po kami ng mga friends ko..." sagot ko.

"Uminom ka na namang bata ka?! Saan ka natulog at bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag namin?!" saad ni Mom.

"Nakatulog po kasi ako agad eh. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog..." sagot ko.

"We called Paul last night, nag-drive ka raw pauwi!" sagot ni Mom.

"Nagpunta po ako sa dorm ng kaibigan ko," sagot ko.

"Sinong kaibigan?" sagot ni Dad.

"I'm with Midnight. Sige na po, akyat na po ako. Baka magalit si Lola kapag hindi pa ako nakarating sa school ngayon." Nagmamadali akong umakyatsa taas.

Naligo lang ako at nagbihis upang makaalis na at makapasok sa eskwela. I will just handle the booths for our club. Saka may meeting si Lola kasama ang lahat ng department leaders. I suggested some programs for the foundation day. Nagmamadali akong bumaba at dumiretso sa kotse ko para hindi na ako masermonan ni Mom.

Wala namang kwestyon sa akin ang guard at pinatuloy lang ang kotse ko. Mabuti na lang at nakaabot ako sa meeting namin. This day will be busy cause the inspection of decorations and booths are mine.

"Astro, bumalik na raw si Danika!" Kinikilig na sabi ni Sai. Siya ang department leader ng business administration.

Umiinit lang ang ulo ko kapag naririnig ang pangalan niya. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala akong pakialam kung bumalik na siya. I hope na masaya na siya sa pinili niyang pamumuhay.

Midnight's POV

Matunog na matunog ang pangalang Danika sa campus. Sino kaya siya at sobrang pinag-uusapan ng mga tao.

"Rhea, nabalitaan mo na bang nakabalik na si Danika?" saad ni Abi.

Nakatambay kami sa canteen para magpalamig kasi sobrang init sa labas.

"Oo, bhie! Mas gumanda siya kesa noong highschool tayo," sagot ni Rhea.

"G-Guys... Sino si Danika?" tanong ko.

"Ah siya 'yong ex-girlfriend ni Astrophel. 'Yong panganay na apo ni Dean Gray," sagot ni Abi.

Oh? So she's the ex... Siguro ay sobrang sikat nilang couple kaya napapag-usapan sila ng mga tao. Astro and her must be popular back in the days.

"Maganda siya pero ayoko ng ugali niya. Masyado siyang disrespectful," saad ni Abi.

"I agree. Alam mo ba, Midnight. Back when we're high school may tinapunan siya na teacher ng orange juice kasi hindi siya pumasa sa isang exam," saad ni Rhea.

"Kayo talaga. Baka nagawa niya lang 'yon kasi may pinagdadaanan," sagot ko.

Tumahimik ang buong cafeteria nang may pumasok na mukhang mayaman at eleganteng babae. Halos lahat 'ata ng palamuti sa katawan eh mamahalin. She's wearing a crop top and mini skirt with a designer bag on the right hand. Ito siguro si Danika na pinag-uusapan nila. Ang ex-girlfriend ni Astro. Maganda ang taste niya sa girls ah! Like his hair color before she's also blonde. Mukha ring may Western blood ang itsura niya dahil kapansin-pansin ang asul niyang mata. Nakita kong kasunod niya sina Nissa at ang mga alalay nito.

"Nissa is the queen bee here pero alila lang din siya ni Danika," bulong ni Abi.

"Labas na tayo," bulong ko.

"Hindi pwede. Kapag tumayo tayo rito magiging center of attention tayo. Hindi talaga tumatayo ang lahat kapag nakikita nila 'yang si Danika. Ganito ang respeto sa kaniya. Parang lahat ay nakaluhod sa kaniya kapag ganito katahimik ang cafeteria," sagot ni Abi.

Napangiwi na lang ako sa narinig. Binuksan ko na lang ang phone ko at nag-message kay Astro.

Me:

I heard the rumors... Is her name Danika?

Kung hindi ko susubukan magtanong sa kaniya ay wala akong malalaman tungkol sa nakaraan niya. Kailangan kong malaman ang nangyari sa kaniya noon para matulungan ko siya.

Astrophel Lucien Gray:

Yes. Don't believe those rumors, I'll tell you everything later. Nasaan ka ba?

Me:

Nandito sa cafeteria. Parang may lamay sa sobrang tahimik kasi nandito 'yong bullies at siya. Mukhang kinatatakutan din siya ng university niyo.

Astrophel Lucien Gray:

Labas ka diyan. Alis tayo. Don't worry nanghingi ako ng passes kay Lola. Saka free naman na umuwi ang mga estudyante anytime.

Me:

How? Baka mamaya eh bigla na lang magka-judo match dito.

Astrophel Lucien Gray:

Sige lang. I got you! Bilisan mo.

Me:

Okay.

Inayos ko na ang mga gamit ko at tatayo na sana nang hilahin ni Rhea ang kamay ko.

"Gusto mo na ba talaga mamatay?" she said.

"Hindi pa. Freedom kong lumabas dito 'no!" Nilakas ko pa ang boses ko para marinig ng iba.

Tumayo na ako ng upuan ko at pupunta na sana sa exit ng cafeteria. Agad naman akong hinarang ng isa sa mga alipores ni Nissa.

"What? Gagawin niyo rin ba ulit 'yong ginawa niyo sa akin sa gym?" saad ko.

"Hindi mo ba nakikita? Lahat sila walang imik oh? Show some respect on our queen," sagot niya.

Napailing na lang ako at iniwan siyang nakatanga roon. Lumabas na ako ng cafeteria nang walang sali-salita. Respect is earned and not demanded. Binubulag at natatakot lang sa kanila ang mga estudyante. Nakita kong hinihintay ako ni Astro sa tapat ng cafeteria.

"Ano, tara na?" he said.

"Tara," sagot ko.

Sabay na kaming naglakad palabas ng school.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa park malapit dito. Masyadong malayo ang Mine's view rito eh," sagot niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya sumakay na ako at siya naman ay nagmaneho na. Hindi naman kalayuan ang park sa school. Sobrang ganda ng park na ito at may mga swing sa ilalim ng mga pine trees. Umupo kami sa isang pares ng swing.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Yeah. Nakausad na ako sa kaniya," sagot niya.

"Can I ask about her?" Nagiging maingat ako sa mga salitang ginagamit ko cause it might trigger his past trauma with her.

"Yeah... I'll start opening my world to you..." he answered.

Agad akong napalingon sa kaniya. Hindi siya nagbibiro dahil sobrang seryoso ng itsura niya. Hindi makapaniwalang unti-unti ay pinagkakatiwalaan niya na ako. Nagkakaroon na ng progress ang relationship namin as friends.

"Why?" namamanghang tanong ko.

"I felt like you're a good listener. You will not call me names if you knew about my past... Matagal ko nang gustong i-kwento sa 'yo 'to pero tinitimbang ko ang sarili ko at ngayon ay handa na ako para roon. Kasi kapag dumating ang araw na handa na ulit akong manligaw, ikaw ang liligawan ko..." he answered.

Parang hinaplos ang puso ko sa aking narinig. He's willing to court me when he's ready. Pinatunayan niyang hindi joke time 'yong assurance niya. Hindi niya ako niloloko noong araw na 'yon.

"Pwede ko na bang malaman kung ano talaga ang totoo? Ang narinig ko sa mga estudyante ay mukhang maayos naman ang relationship niyo..." saad ko.

"It was. We were the typical high school love birds. Legal nga 'yong relationship namin. Nilegal ko siya, kilala siya ng family ko at kilala rin ako ng family niya. Even our high school teachers knew about our relationship. Kinikilig nga sila kasi kahit may relasyon kami noon ay nagagawa pa rin namin mag-excel sa pag-aaral. Everything changed when we enter senior high..."

"Naging malamig siya sa akin. Naging busy kami dahil magkaiba kami ng strand na kinuha. She got STEM while I got ABM. Nag-STEM siya kasi 'yon ang gusto ng Mom niya. Then she'll take business administration in college. So inintindi ko naman 'yong pagkawa ng time namin sa isa't isa. Until one day tuluyan na ngang nawala 'yong spark sa relationship namin. She changed a lot simula noong pumasok kami sa senior high school."

Mataman akong nakikinig sa kwento niya at tumango upang sabihing ituloy niya.

"One time when I finished my classes my friends called me. He said na nakita niya raw si Danika sa mall na may kasamang ibang lalaki. They thought it was me. Hinanap pa nga nila sa akin si Danika eh. Then I said na kakatapos lang ng klase namin. They sent me a picture of them. I rushed into the mall to see it. Hindi ako naniniwala sa mga kaibigan ko noong oras na 'yon. Malaki ang tiwala ko kay Danika na hindi niya ako lolokohin. Pero nagkamali ako. They were in that fancy restaurant. I tried calling her but she's ignoring my calls. God knows how much I tried to fixed it!"

"Sinubukan kong ayusin 'yong relasyon namin, Night. After that day we talked about it. Pero nauwi rin sa hiwalayan dahil alam kong may on-going affair pa rin siya roon sa lalaki. At 17 I learned how to drink and smoke. Kapag umiinom at naninigarilyo ako nakakalimutan ko siya. Hindi ko naalala na niloko niya ako..."

Sumasakit ang puso ko sa naririnig ko. Sobrang loyal niyang boyfriend tapos masasayang lang. Bakit kasi hindi na lang nakuntento para walang nagbitbit ng ganito kabigat sa matagal na panahon?

"When my parents knew about it, at first they were mad. Hindi nila alam na nag-cheat sa akin si Danika. Sabi ko na lang hindi na kaya ng schedule namin kaya kinailangan namin maghiwalay. They loved her like their own daughter. Ayokong masira 'yong image niya sa kanila. Gusto kong manatili sa kanila 'yong magandang image na 'yon. Walang ibang nakaalam na nagloko siya kundi ang mga kaibigan ko na nakakita sa kaniya."

"The whole school never knew that she cheated on me. You know what hurts me the most? It happened the day before our graduation ceremony. Nag-aral ako noon mabuti kasi gusto kong maka-graduate ng with high honors tapos ganoon pala ginagawa ng girlfriend ko sa likod ko. Hindi ako nagkulang ng pagmamahal at halos iginugol ko na sa kaniya ang lahat ng oras ko kahit hirap na hirap na ako pero nagawa niya pa ring magloko. And all she said was, it is her mistake to cheat on!" Nanginginig ang balikat niya at tumutulo ang mga luha niya.

Matagal niya sigurong binitbit ito. Hinayaan ko na lang siyang isandal ang ulo niya sa balikat ko. Marahan kong tinapik ang likod niya upang mapakalma.

"Remember this, Astro. Cheating will never be a mistake. It's always their choice. Kung mahal mo talaga ang isang tao kahit mawalan kayo ng oras sa isa't isa walang magloloko. Kung nirerespeto niyo ang isa't isa, walang mangangaliwa. Ginawa mo naman ang best mo. Enough na 'yon para subukin kung mananatili ba siya o hindi. You already did your part as her boyfriend. You stayed loyal, faithful, and kept your trust in her. Hindi siya nakuntento na ibinigay mo na ang lahat..."

"Siguro hindi pa siya ang tamang babae para sa 'yo. Don't ever doubt yourself because that. You don't deserve the pain you're feeling right now. Palayain mo na ang sarili mo sa sakit. Don't let your past ruin the present. Unahin mo naman ang ikasasaya mo." Tinapik ko ang balikat niya upang tuluyan nang kumalma.

Despite what she did to him ginusto niya pa rin na manatili ang respeto at maayos na pagkakakilanlan sa babaeng minsan niyang minahal. I am so proud of this man. Kung siguro ibang lalaki 'yon ay sinaktan na nila 'yong partner nila but he is different. He tried to fix it but the trust isn't there. Hindi makukumpleto ang relasyon kung walang trust. Kahit anong relasyon naman kung nawasak ang tiwala, mawawasak rin ang pinagsamahan niyo.

"For the first time in my life... Gumaan ang pakiramdam ko. Someone heard my problems without blaming me for what happened. Hindi ako nagkamali sa pag-open up ko sa 'yo." I felt relieved when I heard him say that.

"Hindi mo naman talaga kasalanan. You just know your priorities. Don't get me wrong, priority mo rin siya. Ibinigay mo naman lahat ng efforts pero hindi niya pa rin napansin eh siya na may problema noon. Ganda-ganda niya blue eyes pa nga tapos bulag lang. Ang sarap balibagin ng bulalakaw para matauhan. Sinayang niya ang isa sa pinakagwapong nilalang na humihinga rito sa planet Earth!" sagot ko.

Nakita kong tumawa siya sa joke ko. Napangiti na lang din ako dahil ngumiti na siya. Dumaan muna kami ng convinient store para bumili ng ice cream bago bumalik sa school. As usual iisang pangalan pa rin ang naririnig ko. Hindi ko lubos maisip na kinaya niyang lokohin si Astro. He is a walking green flag for pete's sake! Napailing na lang ako at ibinalik ang atensyon sa kinakain kong ice cream.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro