7th Drop: Tricycle 🌧
7th Drop: Tricycle 🌧
"Si Erika na pala ang representative ng klase natin sa Buwan ng Wika Celebration."
"Mabuti naman. Wala tayong pag- asang manalo kung si Yuni ang pambato natin."
Eksaheradong tumikhim si Mira dahilan para mapatingin sa gawi namin ang dalawang tsimosa sa harapan. Nawalan ng kulay ang mukha ng mga ito pagkakita sa amin. Nanghihinang umupo ako sa upuan ko sa likuran ng klase at padabog na tumabi sa akin si Mira.
"'Yang iba talaga nating mga kaklase mga tsismosa. Palibhasa 'yong dalawang 'yon dakilang taga- sunod ni Kamahalang Pauleen." Maanghang na anito at sarkastiko ang pagkakasabi sa huling dalawang salita.
"Ayos lang 'yan, ate girl! May mga pagkakataon talagang hindi tayo gusto ng taong gusto natin."Madamdaming pahayag ng kapapasok lamang na si Claro. Maarte pa itong rumampa palapit at hinila ang isang upuan paharap sa amin ni Mira para maupo doon.
"Chismosa ka na naman d'yan, bakla! Anong hindi gusto- hindi gusto 'yang pinagsasabi mo!" Pangaaway ng spokesperson kong si Mira dito.
"Nagdedeny pa e!" Inihampas pa ang kamay sa hangin na anito, "e kalat na kalat na nga 'yong pambabasted daw ni Sage kay Yuni sa gym sa harapan pa mismo ng rumored girlfriend na si Pauleen. Ang juicy nga ng details e. Trending ka na sa facebook 'te!" Eksaherada pang sabi sa akin ng bakla kong kaklase.
Kinagat ko ang ibabang labi upang mapigilang mapaiyak.
"Oy, gusto mo bang manghiram ng nguso sa native na baboy? 'Pag 'di ka pa nagtigil sisipain ko na 'yang ayaw paawat mong bibig." Pagbabanta ni Mira dito. Todo simangot naman ang bakla. Padabog itong tumayo saka hinila pabalik sa dating pwesto ang kinauupuan.
"Nakakahiya." Naiiyak kong bulong habang pinaglalaruan ang nanginginig kong mga daliri.
"Bakit ka naman mahihiya? Dapat nga ay proud ka dahil matapang ka sa pagamin ng nararamdaman mo." Pagpapalakas ng loob sa akin ni Mira.
Suminghot ako, nanakit ang lalamunan ko sa pagpipigil ng iyak. "P- Pero a-ayaw niya sa akin."Napasigok ako.
"Kaya nga dapat magmove on ka na!" Pabulong na anas nito sa akin. "Bakit kailangan mo pang sayangin 'yang panahon mong magkagusto sa taong hindi naman maapreciate ang effort mo?"
Nakasimangot na tiningnan ko ito, "E bakit ikaw? Crush mo pa rin naman si Mayel kahit bihira ka pansinin." Panunumbat ko. Gusto kong tigilan ng gustuhin si Sage pero bakit parang nahihirapan naman ako?
"Si Mayel kahit bihira mamansin hindi naman namamahiya tsaka hindi kasing cold ng Sage na 'yan." Pagtatanggol nito sa crush, "tsaka minsan kasi magpakipot ka din, Yuni. Ginigigil mo ako e. Sa tingin mo, paano magkakainteres sayo 'tong si Sage kung para ka namang tuta kung makasunod sa kanya? Syempre nawawala 'yong thrill doon. Gusto pa rin naman ng lalaki ng challenge. 'Yong mga tipong hard to get." Sermon pa nito sa akin sa mababang tinig para ako lang ang makarinig.
Napasigok akong muli, "E- Easy to get ba ako masyado?" Nagaalala kong tanong.
"Kay Sage oo." Walang kagatol- gatol na sagot nito. Napasigok- sigok ako dahil sa tahimik nap ag- iyak. Wala sa sariling dumukot ako sa bulsa ng palda ay nakuha ko doon ang panyong iniabot ni Sage sa akin kanina. Ipampupunas ko n asana iyon ng luha pero natigilan ako. Kagat ang ibabang labing ibinalik koi yon sa bulsa. Ibabalik ko sa kanya iyon ng hindi nadudumihan. Hindi dahil gusto kong magpaimpress dito pero para patunayang may tama din naman akong nagagawa. Maski sa pagbabalik man lang ng panyo niyang walang bahid ng anumang dumi o mantsa ay magawa ko ng tama.
Pagsapit ng uwian ay sinadya ko talagang magpahuling lumabas. Ayokong makasabay sa paglalakad sa corridor ang mga usyoserong estudyante na natutuwa sa pagchichismis sa nangyari sa akin sa gym kanina. Hanggang sa campus yata ng junior high ay umabot na ang balita kaya naman hiyang- hiya talaga ako. Kulang na lang ay ibaon ko ang sarili sa lupa sa labis na kahihiyan. Itong mga loko- loko kong kaklaseng lalaki ay pinagtutukso pa ako at sinabihang dadalhan daw ako ng lagundi bukas para mailaga at maipampaligo ko. Pakunswelo daw sa pambabasted sa akin ni Sage.
Inaayos ko ang gamit ko ng pumasok sa classroom ang humahangos na si Asul.
"Yuni!" Tawag nito sa akin. Saglit ko lang itong nilingon ngunit hindi ko na din pinansin. Wala ako sa mood na makipagtalo dito.
"Nagback out na din ako sa pageant." Anito na kumuha sa atensyon ko.
"Bobo ka ba? Bakit mo naman ginawa 'yon?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko rito. Lumapit ito sa upuan namin at naupo sa upuan nito.
"Hindi ko matagalan 'yong kaartehan ni Erika. Tsaka mas bagay naman sila ni Jolo." Sagot nito habang kinakalikot ang loob ng bag.
"Si Jolo ang pumalit sa'yo?" Gulat na tanong ko. Tumigil ito sa ginagawa at sarkastikong tumingin sa akin.
"Sinong gusto mong pumalit, si Claro?"
Sa inis ay hinampas ko ng hawak na notebook ang balikat nito.
"Oy! Namimihasa ka ng manakit a!" Reklamo nito.
"Pilosopo ka kasi lagi!" Inis kong sagot.
"E kesa naman matakot ka kung seryosohin kita?" Bubulong-bulong na anito.
"Ano?" Kunot noo kong tanong.
Seryoso itong tumingin sa akin, "Ayaw mong binibiro kita lagi so gusto mong seryosohin kita?" Seryosong anito na ikinatigalgal ko. Ilang sandali din kaming tahimik na nagtititigan nang putulin iyon ng isang kalabog. Pagtingin namin sa may pintuan ay naroon sina Pauleen at Sage. Nakakunot ang noong nakatingin sa amin si Pauleen samantalang si Sage ay pinupulot ang nahulog na galon ng water dispenser namin.
Napalunok ako. Narinig ba nila ang sinabi ni Asul? Baka kung anong isipin ni Sage! Pero ng pukulin niya ako ng matalim na tingin ay agad na naalis ang pagaalala ko at napalitan iyon ng inis. Tumayo ako at isinukbit ang strap ng bag sa mga balikat.
"Uuwi na ako."Sabi ko pero hindi ko alam kung kanino ko sinasabi iyon.
"Sabay na ako sa'yo." Mabilis ding tumayo si Asul mula sa kinauupuan at isinukbit ang strap ng bag sa isang balikat. "Ilibre mo akong fishball sa labas." Anito na ikinasimangot ko pa lalo.
"Ba't naman kita lilibre?" Masungit kong tanong.
"Kasi binigyan kitang Yakult kanina." Nakangising anito, "Tayo na." Anito saka ako hinila palabas ng pintuan. Bago tuluyang makalabas ay pasimple kong nilingon si Sage na agad ko ding pinagsisihan. Sobrang lapit nila ni Pauleen sa isa't- isa at mukhang may seryosong pinaguusapan. Mabigat ang loob na inalis ko ang tingin sa kanila at malungkot na lang na nagpatianod kay Asul.
.......................
Dahil ipinang- fishball namin ni Asul ang pamasahe ko sana ay wala akong nagawa kung hindi ang maglakad. Pinilit akong ihatid ni Asul gamit ang bisikleta nitong wala namang upuan sa likod. Alangan namang sumabit ako sa gulong 'di ba?
Halos kinse minuto din ang lakaran mula sa school hanggang sa bahay namin. Kung normal na araw lang sana ay walang kaso pero parusa talaga 'tong paglalakad ko lalo na't pinahihirapan ako ng na- sprain kong paa na namamaga na yata lalo pa't nakasapatos ako buong maghapon.
Medyo malakas ang hangin at nagsisimula ng magdilim ang ulap kahit wala pang alas sais. Mukha yatang uulan pa at kung mamalasin ay mababasa talaga ako lalo pa't wala pa rin 'yong payong ko hanggang ngayon.
Iika- ikang lumapit ako sa natumbang puno ng niyog sa gilid ng daan at inupuan iyon ng maramdaman ang tumutusok na sakit sa paa ko. Hinubad ko ang kaliwang sapatos saka maingat na hinilot- hilot ang paa. Napangiwi ako ng matamaan ang namamagang bahagi. Pero gayon na lamang ang gulat ko ng may humintong pamilyar na bisikleta sa harapan ko. Nang iangat ko ang tingin ay sinalubong ako ng matitiim na mga mata ni Sage.
"Sage!" Mabilis kong isinuot ang sapatos.
"Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong niya bagaman mukhang wala namang pakialam ang ekspresyon sa mukha.
Umismid ako. Galit nga pala ako sa kanya, "Nagaabang ng tricycle." Pagsisinungaling ko.
Nilingon niya ang direksyon ng school na malayo- layo na rin mula rito, "Naglakad ka ng kalahating kilometro mula sa school para mag- abang ng tricycle?" Napapantastikuhang tanong niya.
"Ano bang pakialam mo?" Pagalit kong tanong sa kanya. Pinilit kong tumayo ng hindi ngumingiwi. Gusto ko ng maglakad para iwan siya pero ayoko namang makita niya ang paika- ika kong paglalakad.
"Uulan na. Sumabay ka na sa akin." Yaya niya na ikinatahimik ko. Napansin kong 'yong lumang bisikleta niya ang gamit ngayon, 'yong may upuan sa likuran. Pero sa ingat niya sa gamit ay makintab at mukhang bago pa rin ito hanggang ngayon.
"Sira pa rin kadena no'ng bagong bike mo?" Pagalit kong tanong.
"Huh?" Tanong niyakapagkuwa'y kumurap, "A, oo."
"Maglalakad na lang ako." Malamig kong tugon at napilitan akong magpatiuna maglakad. Ang sakit na talaga. Magpapahilot na talaga ako mamayang pagdating ko sa bahay.
Naramdaman ko ang pagandar ng bisikleta ni Sage. Napahinto ako ng humarang iyon sa mismong daraanan ko.
"Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari kanina?" Tanong niya sa tonong nagiimpose at hindi nakikiusap.
"Kung sasabihin kong oo sasabihan mo na naman akong mababaw." Inis na sagot ko sa kanya.
"So galit ka sa akin dahil hindi kita gusto." Konklusyon niya. Natahimik ako. Sinubukan kong makipagsukatan ng tingin sa kanya kahit alam kong ako din ang matatalo sa huli kaya ikinagulat ko ng siya ang unang magbawi ng tingin saka marahas na bumuntong- hininga, "Hanggang kailan ka ba magiging immature, Yuni?"
"Sinasabi mo bang immature lang ako kaya kita gusto?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Bakit, hindi ba?" Challenged niya sa akin. Ako naman ngayon ang exasperated na napabuntong- hininga.
"Ganoon talaga kababaw ang tingin mo sa akin?" Nasasaktang tanong ko sa kanya.
"Hindi mo kailangang ipagsigawan sa buong school na gusto mo ako, Yuni." Yamot na aniya.
"Pero kung si Pauleen ang gumawa no'n sa'yo siguro hindi ka magagalit ng ganito at magiging proud ka pa!" Naghihinanakit na bulalas ko at pinukol niya ako ng hindi makapaniwalang tingin.
"Hindi ko sinabing gustuhin mo 'ko para magalit ka sa akin ngayong nalaman mong hindi kita gusto." Madiin at seryosong aniya sa akin.
"Hindi mo kailangang ulit- ulitin 'yon sa mukha ko!" Naiiyak ko ng sagot, "Alam ko na! Alam ko na na hindi mo ako gusto kaya ayoko na rin sa'yo!" Nanginginig ang kamay na dinukot ko mulsa sa bulsa ng palda ang panyong bigay niya sa akin kanina saka padabog iyong ibinigay sa kanya. Nang ayaw niyang kunin iyon ay ako na mismo ang nagbukas ng palad niya upang ilagay iyon doon. Tahimik lang na nakatingin siya rito. Malamang ay iniisip na nagamit ko iyon at nakararamdam ng pandididri.
Patuya akong natawa, "Huwag kang magalala, hindi ko ginamit 'yan. Nalagyan lang ng kaunting fingerprints ko pero 'di ko namantsahan."
"Napaka- childish mo." Puno ng pagkadismayang sabi niya sa akin.
"Ano naman!" Inis na sagt ko, "Huwag kang magaalala kasi hindi ka na guguluhin ng childish na 'to. Maghahanap ako ng bagong crush at makikita mong hindi lang ikaw ang magugustuhan ko!" Sigaw ko pa sa pinatapang bagaman gumagaralgal na tinig.
Galit na napabuga ng hangin si Sage saka isinuksok sa bulsa ang ibinalik kong panyo. Inayos niya ang pagkakasakay sa bisikleta at mabilis na ipinidal iyon palayo sa akin.
Tila estatwang napako ako sa kinatatayuan habang nakatingin sa papalayo niyang pigura. At nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay doon na ako napaiyak ng malakas. Wala na. Matapos ng mga sinabi ko sa kanya ay hindi ko na siya pwedeng lapitan. Hindi ko na siya pwedeng magustuhan.
May bahagi ng utak kong nagsisisi. Paano kung hindi na niya ako kausapin habangbuhay? Lalo pang napalakas ang pag- iyak ko. Masakit na nga ang paa ko ay masakit pa ang puso ko. At hindi pa doon natatapos ang kamalasan ko dahil biglang humangin ng malakas na may kasamang kaunting pag- ambon. Kapag umuwi ako sa bahay ng basa ay mapapagalitan pa ako ni Mama at mauusisa na naman kung nasaan ang payong ko.
Pero bago pa man lumakas ang pag- ambon ay namataan ko ang paparating na tricycle na saktong huminto pa sa tabi ko.
"Yuni! Sakay ka na!" Yaya ng tricycle driver na si Uncle Ramon. Ka- purok lang namin ito ni Sage at kakilala ni Mama. Isa din ito sa mga tanod sa barangay.
"W- Wala p-po akong p- pampamasahe." Sumisigok- sigok kong sabi rito.
"Halika na. Pauwi na rin naman ako." Pilit pa nito. Nagtatakang napatingin ako sa direksyon kung saan nakaharap ang tricycle. Obviously ay papunta ito sa eskwelahan.
"Pero... mukhang sa school po kayo papunta." Itinuro ko pa ang direksyon ng eskwelahan.
"Iikot lang sana ako at nagbabaka sakaling may pasahero pa. Sakto nakita kita. Libre na lang 'to. Halika na at lalakas na ang ulan." Sabi pa ni Mang Ramon at dahil kakilala ko naman ito ay sumakay na rin ako bago pa ako tuluyang mabasa ng tuluyan ng papalakas na ulan.
Nang tumatakbo na ang tricycle ay hindi ko mapigilang maisip si Sage. Sana naman ay nakarating na siya sa bahay nila para hindi siya mabasa ng ulan.
🍃
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro