Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6th Drop: Panyo💧


6th Drop: Panyo 💧



“YUNIQUE!!!”

Nakagat ko ang ibabang labi at naipikit ang isang mata nang muli kong marinig ang galit at malakas na pagtawag ni sir Jaime sa pangalan ko. Kanina niya pa ini- special mention ang pangalan ko dahil hindi ko masundan ang steps na itinuturo niya para sa production number. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa pananakit ng paa kong hanggang ngayon ay naiipitan pa rin ng ugat. Gustong- gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko habang tinatalakan ako ng dragon kong teacher.

“Bagay nga naman talaga sa’yo ‘yang pangalan mo dahil kakaiba ka talaga, Yunique! Kanina pa tayo dito pero ni isa sa mga steps na itinuro ko ay hindi mo magawa ng maayos! Seryoso ka bang sasali ka o tinitrip mo lang kami?!” Pagpapatuloy pa ng pikon na pikon ng si sir Jaime sa akin habang nakapaymeywang akong pinanlalakihan ng mga mata. Kulang na nga lang ay masilaw ako sa nangingislap nitong airport sa noo na tagaktak na ng pawis. Puwes tagaktak na din ako ng pawis dahil sa iniindang sprain sa paa pero hindi ko naman pwedeng gawing dahilan iyon kay Sir dahil tiyak kong aalisin ako nito sa pageant.

“Sir, relax ka lang. Sayang naman ang ganda kapag kumukunot lang ang noo.” Nakangising pang-uuto ng katabi kong si Asul na kabaligtaran ko ay kanina pa napupuri ni sir.

“Ay!” Bulalas nito ulit na halos ikatalon ko sa gulat, “Talaga namang nakakahulas ng ganda itong representative ng STEM! Nakakaloka!” Yamot pang sabi ulit ni sir Jaime na kung tingnan ako ay para na akong binibitay sa isip, “Ano ba, Yunique? Seryoso ka bang sasali ka o hindi para hindi ako nagsasayang ng effort sa’yo!”

Gusto ko ng maiyak habang nakikita ang mga napapadaan na estudyanteng napapailing na lang habang nakatingin sa amin. At nang makita kong paparating si Sage ay parang lalo pa akong kinabahan. Natatakot akong magkamali. Baka mainis na naman siya sa akin at lalong maturn off. Pero paano nga ako magsasayaw at maglalakad ng maayos kung hindi maayos itong paa ko?

“S- Sorry po, sir.” Nanginginig ang mga labing sagot ko.

“Ginigigil mo ako, Yunique! Isang beses pa!” Pasigaw na utos niya saka bumaba sa stage at muling nag- umpisa ang background music. pinilit kong gumalaw ng maayos at pinigilang mapangiwi sa tuwing napwewpwersa ang sprained kong paa.

So far ay hindi pa ako sinisigawan ni Sir kaya nakakalusot pa ang tipid na paggalaw ko pero nanginginig talaga ang mga kamay at tuhod ko lalo na at nasa harapan na ng stage si Sage na bagaman hindi naman nanonood dahil kinakausap siya ng isa pang PE teacher na si Ma’am Tricia ay napakadominante pa rin ng presensya niya sa buong gym.

“Yuni! Mag- relax ka lang kasi.” Bulong ni Asul sa akin, “para kang robot na sumasayaw.”

Inirapan ko lang ito mula sa gilid ng aking mga mata. Siya kaya ang mapagalitan mula umpisa ng practice hanggang ngayon idagdag pa ang pasakit na sprain sa paa? Tingnan ko lang kung makapag- relax pa siya.

Sa wakas ay natapos ang sayaw at nagtungo kami sa mga itinokang pwesto sa amin para sa pagpapakilala.  Nanlamig ako at pinagpawisan ang mga palad habang hinihintay ang turn namin ni Asul. Oo, madaldal ako pero tinatamaan talaga ako ng matinding hiya kapag nagsasalita sa harapan ng maraming tao at may mikropono pa! Bakit ba ako nasali dito? Gusto ko ng mag- back- out. Mama, ayoko na!

Kung hindi pa ako pasimpleng siniko ni Asul ay hindi ko pa malalayang kami na pala ang sunod na magpapakilala. Tila robot na naglakad ako patungo sa gitna kung nasaan ang mikropono at dinig na dinig ko ang tawanan ng mga nanonood sa akin lalo na ng matapilok ako. Buti na lang ay mabilis akong naalalayan ni Asul. Kinabahan pa ako lalo nang makita ang desperadong pagiling- iling ni Sir Jaime sa ibaba.

“Yunique! Ano ba!” Inis na inis ng tawag sa akin ni sir Jaime pero higit pang nanigas ang katawan ko. At hindi nakatulong nang makita kong dumating din si Pauleen na ngayon ay tila nanguuri kung makatingin sa akin. Higit pa akong hindi makapagconcentrate ng kausapin siya ni Sage at itong si Pauleen naman ay ngiting- ngiting sumagot. Parang nanalo ng lotto.

“Yuni! Ikaw na magpapakilala!” Pabulong na anas ni Asul sa akin. Kinakabahang tumingin ako sa kanya. Nangeencourage naman niya akong tinanguan.

“Yuni! Magpakilala ka na!” Galit na untag ni sir Jaime na halos magpatalon sa akin. Namalayan ko ang marahang paghagod ni Asul sa likuran ko. Takot na napatingin akong muli sa rito, pasimpleng humihingi ng tulong. Pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko.Hindi ako makapagsalita.

“Ililibre kita ng isang buong pack ng yakult pagkatapos nito.” Nakangiting sabi sa akin ni Asul na bahagyang ikinangiti ko. Naiisip ko pa lang ang yakult ay nagtutubig na ang bagang ko. Inalis niya ang kamay sa likuran ko at nakangiting humarap sa mikropono. Ngunit nabitin ang sasabihin ko sa ere at nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang nakakunot- noong si Sage na nakatingin sa akin. Parang nadidismaya siya na naiinis. ‘Yong kaunting lakas ng loob tuloy sa dibdib ko ay nag- evaporate.

“YUNIQUE!!!” Galit na galit na sita ulit sa akin ni sir Jaime na nagdadabog na umakyat ng stage papunta sa harapan ko. “Ginigigil mo talaga akong babae ka noh? Magsasalita na nga lang sa harap ‘di mo pa magawa! Mag- quit ka na lang kaysa naman nagiging panggulo ka lang sa practice! Five years na akong nagoorganize ng pageant na ‘to at lahat ‘yon successful. Hindi ako makakapayag na ikaw lang ang sisira ng good record kong iyon!”

“Sir, hindi naman po kailangang sumigaw.” Pagtatanggol ni Asul sa akin at sa narinig ay bumalong ang luha sa gilid ng aking mga mata. Buti pa si Asul ay ipinagtatanggol ako. Pero si Sage… parang naiinis na naman siya sa mga kapalpakang nagawa ko. Iniyuko ko na lang ang ulo para itago ang pagkapahiya.

“Sumisigaw ako dahil hindi ako natutuwa sa performance ng partner mong ganda lang ang inirampa sa stage na ‘to!” Ayaw paawat na sabi ni sir at tahimik akong napahikbi.

“Sir Jaime, tama na po ‘yan. Baka kinakabahan lang ang bata kaya hindi nakakapagconcentrate.” Narinig ko ang pagpapagitna ni Ma’am  Tricia.

“Matagal ko ng ginagawa ito Ma’am Tricia kaya alam ko kung hindi talaga marunong o nagiinarte lang ang tinuturuan ko.” Malakas ang boses na sagot ni sir kay ma’am Tricia, “at itong batang ito ay kanina pa nagiinarte at nakakasira lang siya sa overall performance ng mga kasama niya!”

Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang malakas na paghikbi. Hindi na nagsalita pa si Ma’am Tricia. Marahil ay natakot na din kay sir Jaime.  Magi- isang taon pa lang si Ma’am si school at bata ng ilang taon kay Sir.

“Sir, mukhang na- reached na naman natin ang boiling point a?” Boses iyon ni sir Travis. Pasimple kong tinuyo ang mga mata at bahagyang sinilip si ang Physics teacher namin. Nakangiti ito kay sir Jaime na tila pinagagaan ang sitwasyon.

“Ginigigil na naman kasi nila ako, sir Travis, e!” Sinadyang paartehin pa ni Sir Jaime ang boses.

Nilapitan ni sir Travis ang dragong teacher namin at makapaglag pangang nginitian ito. Halata naman ang pagbabago ng facial expression ni Sir Jaime ng akbayan ito ng gwapong teacher, “Ang mabuti pa sir magpalamig muna tayo ng ulo sa canteen. Ililibre kita ng malamig na softdrinks.” Aya pa nito sa masungit na co- teacher.

“Mabuti pa nga kashe medyo nagiinit na talaga ang katawan ko e. I need refreshments.” Mabilis pang ipinikit- pikit ni Sir Jaime ang mga mata para magpacute kay Sir Travis saka bumaling sa amin, “Magwater break muna kayo! Mamaya ay ayoko na ng palpak!”Matalim pa ako nitong inirapan. Napayuko na lamang ako.

“Okay lang ‘yan. Galingan mo na lang mamaya.” Bulong sa akin ni Sir Travis at gulat akong napatingin dito. Hindi ko namalayang nakalapit na pa ito sa akin. Naiiyak na lang akong napatango. Banayad nito akong nginitian saka naaaliw na ginulo ang aking buhok. Narinig ko pang niyaya niya rin si Ma’am Tricia bago sila umalis.

“Halika na, ililbre kita ng kahit na anong gusto mo.” Tila pangungunswelo sa akin ng nagpapakabait na si Asul. Malungkot ko itong tiningnan.

“Hindi ako nagugutom.” Nakayuko at walang sigla kong sagot saka ito lulugo- lugong nilampasan. Hinabol ako nito saka umakbay sa akin. Wala akong lakas na alisin ang kamay nito sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang. Sobrang hiyang- hiya talaga ako sa nangyari.

“Bibilhan kita ng Yakult. Dadagdagan ko na rin ng banana cue para solved ka!” Masiglang sabi sa akin ni Asul ng makababa kami ng stage. Ingat na ingat akong hindi mapunta ang buong bigat ng katawan ko sa na- sprain kong paa.

“Bahala ka.” Nanghihina pa ring sagot ko nang may humarang sa amin. Nang iangat ko ang tingin ay sinalubong ako ng nanghuhusgang tingin ni Pauleen.

“Ayusin mo naman ang performance mo. Napapahiya ang buong STEM ng dahil sa’yo.” Tila boss na pagdedemand nito saka nakatikawas ang kilay na nakatingin sa kamay ni Asul sa balikat ko, “saka ka na din makipaglandian kapag sigurado ng hindi mo hihilain pababa ang section natin.”

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Sasagot n asana ako ng biglang magsalita si Sage na ‘di ko namalayang nakalapit nap ala sa amin.

“Tayo na, Pauleen.” Yaya niya sa mahaderang babae na nagmamayabang na ngumisi sa akin. Dismayado pa niya akong tiningnan bago tumalikod paalis. Itinikom ko ang labi at napalunok. Kagabi ay tinulungan niya pa ako sa Q and A tapos ngayon ay ang cold na naman niya sa akin. Ganoon na lang ba palagi tuwing nakakagawa ako ng mali? Ginagawa ko ‘to para sa kanya pero sa halip na ma- appreciate niya ang effort ko ay mas minamaliit pa niya ako lalo.

“Bagay na bagay talaga ang dalawang ‘yon. Parehong walang lamang- loob.” Pabulong na ismid naman ni Asul pero hindi ko nagustuhan ang narinig. Inis na tinapik ko paalis ang kamay nito sa balikat ko at yamot itong hinarap.

“Hindi sila bagay!” Sigaw ko sa mukha ni Asul na napatigalgal sa reaksyon ko. Itinulak ko pa ito bago humabol kay Sage. Halos palabas na sila ni Pauleen ng gym nang maabutan ko. Paano ay hindi ko naman maitakbo ng maayos ‘tong paa ko.

“Sage!” Tawag ko sa kanya. Hindi ko na kailangan pang tawagin siya ulit dahil huminto na agad ito sa paglalakad. Sabay pa nga sila ni Pauleen na lumingon sa akin.

Napalunok ako habang nakatingin sa pigura nilang dalawa. Kapwa sila gwapo at maganda, parehong maputi, matangkad, matalino at may kaya. Siguro nga ay bagay sila pero hinding- hindi ko tatanggapin iyon. Lakas na lang ng loob na lang siguro ang lamang ko kay Pauleen kaya’t hindi ko na ipapatalo ang katangi- tanging bagay na inilamang ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim at naglakad palapit sa kanila. Matapang kong tinitigan si Pauleen.

“Si Sage lang ang gusto kong makausap.” Sabi ko rito na ikinatikwas agad ng kilay nito.

“Sa tingin ko ay wala ka namang sasabihin na hindi niya dapat marinig.” Sabi ni Sage at tila nanalong tinaasan pa ako lalo ng kilay ng mahaderang babae. Dismayadong napatingin ako kay Sage.

“Sage naman.” Tila batang ungot ko sa kanya. “Ayokong marinig niya ‘yong sasabihin ko.”

“For sure nonsense din naman ang sasabihin mo e.” Umikot ang mga mata ni Pauleen. Inis kong tinapunan ito ng nakamamatay na tingin.

“Asalis na ‘ko.” Walang interes na sabi ni Sage saka ako tinalikuran. Proud pang itinikawas ni Pauleen ang rebonded na buhok saka maarteng tumalikod at hinabol si Sage. Nakuyom ko ang mga palad ko. Ang yabang- yabang! Akala ba nito magpapatalo ako?

Hila- hila ang na- sprain na paa ay nagawa kong mahabol si Sage at harangan ang daraanan niya. Nakakunot ang noong bumaba ang tingin niya sa paa ko. Mabilis naman akong umayos ng tayo. Tiningnan ko si Pauleen saka inirapan bago binalingan si Sage.

Tumikhim ako saka ngumiti pero agad din iyong nabura nang magsalita si Pauleen.

“Huwag mong sabihing ipagmamalaki mo ‘yong palpak na performance mo kanina?” Nanguuyam na tanong ni Pauleen.

“Mag- back out ka na lang habang maaga pa.” Biglang sabi ni Sage na sanhi ng paninigas ng buong katawan ko. Awang ang labing napatingin ako sa kanya, “Kaysa magiiyak ka na naman kapag naipahiya mo ulit ang sarili mo mamaya.” Sabi pa nito at muli akong tinalikuran at humakbang paalis. Narinig ko ang pag- ismid ni Pauleen pero hindi ko ito pinansin. Ang pinakamasakit yatang nangyari sa akin ngayon, higit pa sa pamamahiya ni sir Jaime sa akin kanina, ay ang kawalan ng tiwala sa akin ni Sage.

“Bakit baa ng harsh mo magsalita?” Nanginginig ang tinig na sumbat ko sa kanya. Huminto siya ngunit hindi na humarap sa akin, “Ginagawa ko lang naman ‘to para sa’yo! Para patunayan sa’yong hindi lang si Pauleen ang magaling. Para ipakita sa’yong hindi lang si Pauleen ang maganda! Ginagawa ko ‘to, Sage, para magustuhan mo din ako!” Sobrang bilis ng pagtahip ng dibdib ko. Nasasaktan ako at labis na naghihinanakit sa pambabalewala ni Sage sa mga efforts ko.

Inis na humarap sa akin si Sage at labis ang pagkayamot na lumapit sa akin, “Hindi k aba nahihiya sa mga pinaggagawa mo? Kung wala kang respeto sa privacy ko at least man lang sana ay irespeto mo ang privacy mo.” Galit na anas sa akin ni Sage at nang ilibot ko ang paningin ay marami na palang estudyante ang nanonood sa amin. Agad na kumalat ang init sa buong mukha ko. Gusto ko nang matunaw sa kinatatayuan habang pinagbubulungan at pinagtitinginan ng mga usyoserang estudyante.

“T- Totoo n- naman kasi, S- Sage.” Gumagarlgal ang tinig ko dahil sa pinipigilang paghikbi, “G- Ginagawa ko ‘to para s- sayo.”

“Nagsasayang ka lang ng oras. Hindi kita magugustuhan dahil lang sa mababaw na bagay na ‘yan.” Malamig na aniya saka ako tinalikuran upang umalis.

“Tsk! Ang kapal kasi ng mukha.” Pagpaparinig sa akin ni Pauleen na gad ding sinundan si Sage. Mangiyak- ngiyak akong naiwan doon. At kung hindi pa dumating si Asul para alalayan ako ay malamang na hindi ako nagkalakas pa para umalis sa kinatatayuan.

Hindi niya daw ako magugustuhan. Parang tinuldukan na ni Sage ang natitirang pag- asa ko. May kung anong masakit sa dibdib ko. Parang nadudurog. Sa sampung taong paghahabol ko, narinig ko na mismo mula kay Sage na hindi niya ako gusto. Nalaglag na ng sabay- sabay ang mga natitirang dahon ng puno ng pag- asang itinanim ko sa puso ko. Ayoko ng makita si Sage. Ayoko na ding magkagusto pa sa kanya.

……………..

“Uwaa! Mira! Ang sama- sama ni Sage! Ayoko na sa kanya!” Malakas kong pagatungal at parang batang kinusot- kusot ang mga mata gamit ang likuran ng mga palad sa desperasyong mapatigil ang pagluha. Nasa tagong bahagi kami ng likuran ng building namin kung saan maraming mga puno ng mangga at matatandang akasya. Sabi nila marami daw multo dito pero wala na akong pakialam. Mas gusto ko na lang makihalubilo sa mga multo kaysa sa mga taong pinagpyepyestahan na ang pagkapahiya ko kanina.Tiyak kong ako na ang pinagtsitsismisan ng buong school.

“Pigilan mo naman kasi minsan ‘yang bibig mo.” Komento ng dumating na si Asul na hindi ko alam kung paano kami nahanap. Inabutan kami nito ni Mira ng tig- isang yakult saka naupo sa nakatumbang sanga sa harapan ko. Mabilis kong binalatan ang takip saka inisang lagukan iyon.

“Kulang pa!” Muli kong pag- atungal. Napapapalatak na iniabot ni Asul ang Yakult niya sa akin na gaya ng nauna ay minsanan ko ding nilagok. Nang tumingin ako kay Mira ay agad naman nitong naintindihan ang sentimyento ko. Ito na mismo ang nagbalat ng takip bago iyon iniabot sa akin.

“Hayaan mo na kasi ‘yong Sage na ‘yon. Lagi ka na ngan sinusungitan ay habol ka pa rin kasi ng habol.” Ismid sa akin ni Mira.

“Gusto ko kasi talaga siya.” Umiiyak na sagot ko.

Pumalatak at nagpailing- iling si Asul, “Sa tingin mo be seseryosohin ka ng lalaki kapag nakikita niyang deads na deads ka sa kanya? Malamang hindi! Iisipin niyang nad’yan ka lang naman lagi kaya iti- take for granted ka lang niya.”

“E sa gusto ko talaga siya e!” Inis na sagot ko rito.

“Harapan ka nan gang binasted gusto mo pa rin? Pinaglihi ka ba sa pagong?” ‘Di makapaniwalang ani Asul.

“Bakit? Dahil ang slow niya?” Mapaklang tanong ni Mira dito. Halatang naiinis sa presensya ni Asul.

“Hindi! Ang tigas kasi ng tuktok mo!” Bulalas nito sabay pitik sa noo ko.

“Aray naman!” Yamot na hinampas koi to na mabilis naman nitong naiwasan. Sisinghot- singhot kong ininom ang pangatlo kong Yakult. “Ang sama- sama niya. Akala niya ba siya lang ang magugustuhan ko. Magkaka- crush ako ng iba at ipapamukha ko sa kanya ‘yon.” Naghihinanakit na sabi ko.

“Sino namang ika- crush mo? ‘Yang si Asul?” Napapantastikuhang tanong ni Mira.

“Magkakacrush na nga ako ulit si Asul pa?” Lukot ang mukhang tanong ko.

“Hoy! Pinapaalala ko lang na nandito din ako. Kung pagusapan niyo ako parang ‘di niyo ako nakikita a?” Pagrereklamo nito.

“Madilim ka naman kasi talaga.” Ismid ko dito.

Pagak itong natawa, “’Wag ka namang masyadong hard d’yan, Yuni. May isa pang madilim dito.” pasimple itong sumulyap kay Mira na agad itong pinaliparan ng sipa. “Ang pikon mo talaga lagi!”

“Akala mo naman ang gwapo mo!” Pikon na bulalas ni Mira dito.

“Gwapo naman talaga ako! Parang ‘di ko naman alam na may lihim kang pagnanasa sa akin!”

“Ambisyosong unggoy! Bastos!”

Tumayo ako at iniwan ang dalawang nagbabangayan. Gusto ko ng umuwi. Ayoko na munang pumasok at lalo na ang makipractice.

Matapos tiisin ang pagbubulungan at mapanghusgang tingin ng mga nadadaana ko papunta sa harapan ng building namin ay sinalubong ako ng alipores ni Pauleen na si Erika. Mapanuri pa ako nitong tiningnan mula paa hanggang ulo bago nakahalukipkip na nagsalita.

“Pinapatawag ka ni Ma’am Gina sa faculty room.”

Patay na.

………………

Napapikit ako at halos mapatalon sa gulat nang padabog na ilapag ni Ma’am Gina ang mga hawak na papel sa mesa niya. Itinaon yata nitong wala ang mga kasama nito sa faculty room para masermonan ako ng bonggang- bongga.

“Anong ginawa mo kanina sa rehearsal niyo?” Baka sang pagtitimpi sa boses ni Ma’am. Napalunok ako. Hindi iyon ang unang beses na napalunok ako mula kaninang pagdating ko. Sa sobrang kaba ko ay wala na din akong laway na malunok.

“S- Sorry po, Ma’am—”

“Lagi ko na lang naririnig ‘yan sa’yo, Yunique!” Malakas na bulalas nito na sinabayan pa ng hampas ng mesa. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilang mapaiyak. “Nakakahiya kay Sir Jaime. Anon a lang ang masasabi niya sa section natin? Ikaw ang isa sa mga ate doon kaya dapat naman sana’y ikaw ang isa sa madaling turuan!” Aburidong dagdag pa nito. Magkasama ang junior at senior high sa pageant pero may kanya- kanyang mananalo sa dalawang department.

Kung sasabihin ko ang pilay ko, tiyak na sasabihin lang ni Ma’am na nagpapalusot ako para hindi na makasali. Kung sasabihin ko namang ayoko ng sumali tiyak din naman akong tatanungin ni Ma’am ang dahilan at mapapagalitan lang din ako. Mahina akong napahikbi. Ayoko naman talagang sumali. Nilakasan ko lang ang loob ko para may mapatunayan kay Sage. Pero siya pa talaga ang walang tiwala sa akin. At sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko dahil ni isa sa klase ko ay walang nagtitiwala sa kakayahan ko.

“At ano itong narinig  kong pinagsigawan mo pa daw sa buong gym na may gusto ka kay Sage? Diyos ko naman, Yuni! Ano na lang ang sasabihin ng Mama mo kapag nalaman niyang inuuna mo pa ‘yang pagkakaroon ng crush kaysa sa mahahalagang bagay na dapat ginagawa mo dito sa school?” Puno ng pagkadismayang bulalas ni Ma’am na ikinahikbi ko na.

Malalim na napabuntong- hininga si Ma’am at patuloy ang tahimik kong paghikbi.

“’Yang mga ganyang bagay, Yuni, may tamang panahon ‘yan. Hindi porke’t gusto mong sabihin ay ipagsisigawan mo na lang. Ano, may napala ka naman bang maganda?” Tanong pa nito.

Humihikbing umiling ako habang nakatingin sa sahig. Muli itong napabuntong- hininga.

“Ikaw ang representative ng buong klase ng STEM. At hindi ka lang naman sumali doon para makipagpaligsahan sa ganda, Yuni. Dapat ay sinasalamin mo rin ang pagiging magandang halimbawa sa mga kaeskwela mo. At ‘yong ginawa mo kani- kanina lang, magandang halimbawa ba iyon?”

Muli akong umiling, pinigilang mapalakas ang hikbi.

“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Ma’am na tila may nais ipahiwatig. Malamang ay naghihintay na kusa akong mag- quit.

“M- Magki- quit na l-lang po ako, Ma’am.” Sagot ko sa mahina at nanginginig na tinig.

Bumuntong- hininga si Ma’am, “Mainam pa nga siguro. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo, Yuni, pero marahil ay napressure ka lang talaga ng mga kantyaw ng kaklase mo na sumali maski ayaw mo naman. Sa UN Celebration ka na lang sumali huh?” Tila pakonswelo pa nito.

Umiling- iling ako, “H- Hindi po ako bagay sumali sa mga pageant, Ma’am. Tutulong na lang po ako sa i- ibang activities natin kung saan ko pwede ‘tong kaunting makakaya ko.”

Hindi nagsalita si Ma’am, wari’y pinagiisipang mabuti ang sinabi ko.

“Thank you po, Ma’am. Aalis na po ako.” Yumuko ako para maitago ang pamamaga ng mga mata ko. Pagpihit ko paharap ay sumalubong sa akin ang pamilyar na pares ng mga sapatos ni Sage.

“Sage, nandito ka na pala.” Tinig iyon ni Ma’am, “Natawag mo na ba sina Erika at Pauleen?”

“Opo.” Matipid na sagot niya.

“Sige na, Yuni. Magpahinga ka muna sa classroom natin.” Pagtataboy sa akin ni Ma’am Gina. Nakayuko kong nilampasan si Sage at nagmamadaling lumabas ng faculty room.

“Yuni!” Napahinto ako ng marinig ang boses ni Sage. Mabilis kong pinahid ang mga mata. Hindi ako nagsalita pero naramdaman ko ang paglapit niya. Nagulat ako ng hilain niya ang isang kamay ko at naramdaman ko ang malambot na tela doon. Sa kuryosidad ay tiningan ko ang nasa kamay. Isang panyo.

“Pamunas mo ng uhog mo.” Aniya saka din mabilis na umalis. Naiwan akong nakatunganga sa panyo sa aking palad.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa ginawa nito. Gayunpaman ay mapait akong napangiti.

Napakacold mo talaga, Sage. Nakakapagod ka din palang gustuhin.

💔

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro