Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11th Drop: Paracetamol 💊

11th Drop: Paracetamol 💊


Maingay na kumakain ang lahat habang nagkakantahan naman sa videoke ang iba. Ibinida naman ni Caloy ang pang-contest piece niya ‘daw’ na Sayang na Sayang ng Aegis.

“O, ‘di kinikilig ka na kasi suot mo ‘yang branded na t- shirt ni Sage?” Nanunuksong sabi sa akin ni Mira na sinabayan pa ng pagsiko.

Napatingin ako sa suot na t-shirt. Komportable iyon bukod pa sa makapal kaya kahit mabasa ay hindi mahahalata ang panloob ko.

“Alam mo na nga kasing swimming pool ang pupuntahan mo, ‘yong puting PE t- shirt pa natin noong junior high ang sinuot mo.” Sabi pa ni Mira habang kumakain ng pansit.

Bigla kong nayakap ang sarili ko at nanlalaki ang mga matang napatingin ako rito. Tila naintindihan naman nito ang reaksyon ko dahil tumango lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain ng pansit bihon. Lumugo ako sa kinauupuan at gusto ko na lang mawala ng parang bula. Nakakahiya! Wala naman sa intensyon kong iparada ang panloob ko noh!

“’Wag kang OA d’yan. As if naman may makikita sa’yo.” Wika ni Asul na bigla na lang sumulpot sa harapan namin. Marahil ay kanina pa nakikinig.

“Bastos!” Inis kong ibinato rito ang hawak na plastic spoon na walang hirap nitong sinalo. Humila ito ng isang upuan na patalikod na inilagay sa harapan namin saka paharap na naupo roon.

“Anong problem among unggoy ka?” Irap ni Mira dito, “Kung ‘di mo hinila ‘yong paa ni Yuni ‘di sana siya mababasa.”

“Selos ka na naman e. Yaan mo, mamaya paa mo naman hihilain ko.” Mapang- asar ang ngiting sagot ni Asul dito.

Kung nakamamatay lang ang tingin ni Mira ay malamang na nangisay na doon ang sutil na lalaki. Tila aliw na aliw na napahalakhak si Asul nang imbes na sumagot ay inirapan na lang ito ni Mira bago nag- walk out.

“Kunyare pang magwo- walk out e magti- take two lang naman ng pansit.” Nakatawang anito habang sinusundan ng tingin si Mira. Nagdududa ko itong tiningnan at nang salubungingin niya ang tingin ko’y nawala ang ngiti nito kasabay ng pagkunot ng noo.

“Kung makatingin ka parang may mortal sin ako sa’yo a?”

“Meron. Hinila mo ako sa pool.” Diretso kong sagot na ikinangiti lang nito. Iinihawak nito ang mga kamay sa sandalan ng upuan na nakaharap dito saka ipinatong ang baba doon. Nakasampay sa leeg nito ang tuwalya at tuyo na ang buhok.

“Kaya ka nga may pool para mag- swimming. Alangan namang magbilyar ka d’on?” Sarkastikong tanong nito bagaman nakangisi.

“Ha-ha.” Sarkastiko kong pagtawa na ikinahalakhak naman nito. Umayos ito ng upo saka dumukwang upang guluhin ang buhok ko. Inis na tinapik ko ang kamay nito.

“Sungit!” Nakangiting sabi nito ngunit umirap lang ako. Nang ibaling ko ang tingin sa kaliwa ko’y nakita kong nakaupo si Sage sa isang open cottage na katapat namin at nakakunot ang noo habang nakatingin sa iphone niya. Bihira ko siyang makitang hawak ang cellphone niya. Bihira din siyang mag- open ng facebook at sini- seen din lagi niya ako sa messenger. Noong junior high kami ay nagkukunwari akong makikigamit ng wifi para lang makita siya tuwing Sabado at Linggo kasi hindi siya naglalalabas ng bahay nila. Kahit hindi niya naman ako pinapansin at kung pansinin man ay sinusungitan lang ako ay masaya na ako noon dahil at least ay nakita ko siya.

“Asul! Kanta mo na sunod, boy! Tena dito!” Malakas na tawag ni Jolo sa kaibigan.

“Nandyan na!” Pasigaw ding sagot ni Asul para marinig. Sa lakas kasi ng videoke idagdag pa ang ingay ng mga kaklase namin ay hindi talaga magkakarinigan kapag hindi pasigaw ang paguusap. “Yuni babes, pakinggan mo kanta ko huh? Pero ‘wag kang masyadong maii- inlove sa akin. Dapat ako ang….” Napakunot noo na lang ako dahil hindi ko naintindihan ang huli nitong sinabi.

“Ang yabang mo, ba’t naman ako main- love sa’yo?” Ismid ko sa kanya pero kinindatan lang ako ng hudyo bago umalis.

Inilapag ko sa upuan ang kinakain upang pumunta sa CR at dahil hindi naman malayo ‘yong kinaroroonan ng cottages doon ay malinaw kong naririnig ang kanta ni Asul. Napangiwi ako. ‘Yon na ang ipinagyayabang nitong boses? Kumanta daw ba ng Pusong Bato! Dinig na dinig ko din ang malakas na halakhakan at kantyawan ng mga lalaki.

Naghintay ako sa harapan ng CR dahil may tao pa sa loob pero tila tinubuan ako ng tenga ng kuneho ng mapag- sino ang naguusap sa loob. Sina Mira at Erika!

Siguruhin mong nandito lahat ng classmates natin para kami lang ni Sage doon sa may pool, huh? Lalo na si Yuni. Bigyan mo ng bigyan ng pagkain nang matigil sa pag- epal kay Sage.” Boses iyon ni Pauleen.

Nagtagis ang mga bagang ko sa narinig. Akala niya ba hahayaan koi tong masolo si Sage? Na- solo na nga niya kanina tapos gusto na naman nitong solohin ulit? Huh! Siniswerte siya but not on my watch! Napapaenglish talaga ako kapag ganitong critical moments.

Nakalimutan ko ang intensyon sa pagpunta sa CR at nagmamadaling umalis bago pa lumabas ang dalawang may masamang balak kay Sage. Oo, galit ako kay Sage pero kung itutuloy ko ang paggagalit- galitan kong ‘to, baka pagkatapos nito ay maging sila na talaga!

Tahimik akong nagmasid at nagkukuwaring abala sa pagkain. Nakipagtawanan din ako sa mga kaklase kong babae na hindi ko naman talaga maintindihan ang mga pinaguusapan para lang effective ang acting dahil napansin kong sa akin nakatuon ang pansin ni Erika. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Sage na open cottage. Okay, safe pa dahil naroon pa rin siya pero si Pauleen ay nakita kong tahimik na tumungo na sa pool kanina. Kanina kasi’y nakita kong kinausap siya ni Erika, marahil ay sinabing pumunta siya sa pool dahil naroon si Pauleen.

Pasimple kong nilapitan si Mira at bumulong, “Mira, gumawa ka ng paraan para mawala sa akin ang atensyon ni Erika.”

“Bakit naman?” Nakakunot ang noong tanong ni Mira sa akin.

“May masama silang plano ni Pauleen kay Sage!” Pasigaw na anas ko.

“Ang sabihin mo may masama silang plano sa buhay pag- ibig mo.” Inikot ni Mira ang mga mata sa akin. “Ako ng bahala dito. Bilisan mo na dahil baka mamaya iyakan mo na naman ako maghapon dahil kay Sage.” Taboy pa nito sa akin. Napangiti ako. Maswerte ako dahil may supportive akong bestfriend kahit madalas ay nega.

Niyaya ni Mira sa may videoke ang mga classmates naming babae at syempre pa’y tinangay nila pai si Erika na wala ng nagawa. Nagmamadaling pumunta ako sa pool area para maunahan si Sage na kasalukuyang itinatago sa bag ang cellphone. Nakasuot na siya ngayon ng maroon na t- shirt dahil nga ‘yong itim na t- shirt niya kanina ay suot ko na.

Natanaw ko si Pauleen na nasa adult’s pool at nakatalikod sa kinaroroonan ko. Dahan- dahan akong lumapit. Ano kayang masamang balak ng babaeng ‘to? Totoo nga ang sabi nila. Kadalasan daw ay maganda ang mga predator para maakit ang mga prey nila. Gano’ng – gano’n si Pauleen e. Maganda sa labas pero ‘di ko lang alam sa loob. Balak pang gawing prey si Sage! Hindi pwede!

Nang marahil ay maramdaman ang presenya ko ay bigla siyang lumubog sa tubig at maya- maya pa’y nagtatalon sa tubig na para bang nalulunod. Pero bakit? E ang galing kaya nitong lumangoy!

“Sage! Tulong! Tulungan mo ‘ko! Pinulikat ako, Sage!” Pagtawag nito sa gitna ng paglubog at paglitaw. Parte ba iyon ng pagdadrama nito dahil akala ay si Sage ang dumating?

“P- Pauleen? B- Bakit ikaw ang nandito?” Nanlalaki ang mga matang anito at tumigil na sa pagkukunwaring nalulunod bagaman naroon na ito sa pinakamalalim na bahagi ng tubig dahil  ilong at mata na lang nito ang nakikita at tumatalon- talon para sumagap ng hangin.

Napabuga ako ng hangin. “Anong ginagawa mo?” Puno ng kumbiksyong tanong ko. “Magpapanggap kang nalulunod para sagipin ka ni Sage?” ‘Di makapaniwala kong tanong. Nababaliw na ba ang babaeng ‘to?

“Bakit ikaw ang nandito!” Kababakasan ng inis ang boses nito.

“Kaysa naman si Sage ang makakita niyang pagpapanggap mo!” Inis kong tugon.

“Wala kang pakialam, Yuni! Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin. Kung hindi ko pinakiusapan si Erika, malamang ay wala kayo ngayon dito ng negra mong bestfriend!” Nangiinsultong sabi pa nito. Ugh! Sana nga ay malunod na lang ito!

“Uuwi na kami ni Mira para matahimik ka. Pero isasama ko si Sage at umasa kang makakarating sa kanya ‘yang kalokohang pinaggagawa mo! Gano’n- gano’n na lang kung laitin mo ako pero mas malala ka pa pala!” Matapang kong saad saka tumalikod.

“Yuni! Huwag mong gagawin ‘yan, sinusumpang kong pagsisisihan mo ang gagawin mo!” Pagbabanta nito sa akin ngunit bakas sa boses ang pangamba. Muli akong humarap dito.

“’Di gawin mo!” Hamon ko at tatalikod na sana nang bigla na lang itong lumubog sa tubig. Sarkastiko akong napabuga ng hangin, “Sa tingin mo bebenta pa ‘yang paandar mong ‘yan sa akin? Huwag ka ng magpanggap kasi alam ko namang magaling kang lumangoy!”

Nang biglang lumitaw ang ulo ni Pauleen ay naghahabol ito ng hangin, “Yuni, h- hindi a- ako nagbibiro—p- pinulikat t- talaga ako!” Muli itong lumubog.

“H- Hoy, Pauleen. H- Huwag mo nga akong binibiro!” Naiinis na saway ko pero nakadarama na rin ako ng kaba kasi bihira na lang umahon si Pauleen. At kapag umaahon naman ay nagkakakawag at naghahabol ng paghinga.

“Y- Yuni! T- Tulong!”

Inis at kinakabahan akong lumapit at lumuhod sa gilid ng pool.

“Itigil mo na kasi ‘yang acting mo, Pauleen. Hindi na talaga ako natutuwa!Umahon ka na d’yan!” Kinakabahang saway ko rito.

“T- Tulong! Y- Yuni!” Anito at tuluyan ng lumubog. Tila malalaglag ang puso ko sa labis na kaba. Mukha ngang nalulunod na talaga ito. Lord, patawarin mo ako sa nasabi ko kanina. Hindi ko na po uulitin. Magpapakabait na po ako. Sagipin niyo po si Pauleen!

“T- Tulong!” Natataranta napatayo ako at tumanaw sa nagkakasayahan naming mga classmates. “S- Sage! Tulong! Si Pauleen. Pauleen!” Hindi na magkandatutong sigaw kopero sa lakas ng videoke ay malabong may makarinig pa sa akin. Nang makitang papalubog na si Pauleen ay hindi na ako nag- isip. Pumikit na tumalon ako sa malalim na parte ng pool upang sagipin si Pauleen.

“Yuni!”

Boses iyon ni Sage! Pero binalot na ng tubig ang buo kong katawan. Sa lalim no’n ay nagkakawag ako. Nakikita ko ang papalubog na katawan ni Pauleen. Pilit ko iyong inaabot pero dahil hindi ako marunong lumangoy ay lumulubog lang din ako isama pang nauubusan na ako ng hangin.

Narinig ko ang tunog ng bunga ng pagtalon sa tubig kasabay ng paghawak sa bewang ko ng kung sinuman. Nakita ko ding papaangat na si Pauleen. Nang makaahon ako ay habol ko ang paghinga. Sunod- sunod ang pag- ubo ko habang hinihila ako ng mga brasong sumagip sa akin sa gutter ng pool. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas. Naramdaman kong inihiga ang katawan ko sa may gilid ng pool habang panay pa rin ang ubo ko ng tubig.

“Yuni!” Pilit kong iminulat ang mata ko. Si Sage ang tumatawag sa akin.

“Si- Si Pauleen.” Pinilit kong bumangon pero pinigilan niya ako sa balikat. “S- Sage, si Pauleen.” Nang marinig ko ang pag- ubo ni Pauleen ay nakahinga ako ng maluwag. Maski naman naiinis ako dito ay hindi ko maaatim na may masamang mangyari dito lalo pa’t hindi agad ako naniwala na pinupulikat talaga ito.

Umupo ako at naramdaman ko ang paghaplos ni Sage sa likuran ko.

“Dalhin niyo si Pauleen sa cottage! Asul dali, buhatin mo na siya!” Natatarantang utos ni Erika kay Asul. Nang tingnan ko si Pauleen ay mukhang ayos naman na ito bagaman halatang nanghihina dahil hindi na nagreklamo pa ng buhatin ni Asul na siya palang sumagip dito.

“Yuni, ayos ka lang ba? Tayo na sa ospital! Tatawagan ko mama mo!” Natatarantang sabi sa akin ni Mira na maluha- luha pa.

“M- Mira ‘wag!” Saway ko sa kaibigan bagaman nanghihina pa rin. Ayokong mamatay sa nerbyos si Mama. Iyakin pa naman iyon. Noong muntikan akong malunod last year ay kulang na lang na atakihin siya sa puso.

“Mira, kunin mo ‘yong tuwalya ko sa bag.” Utos ni Sage kay Mira at nakakatakot ang kalmado niyang boses. Parang naramdaman naman iyon ni Mira dahil nagmamadaling sinunod na lang nito ang utos ni Sage.

“S- Sage, s- salamat—”

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Yunique?!” Galit na singhal sa akin ni Sage na labis kong ikinagulat. Ngayon niya lang ako ulit tinawag sa buong pangalan ko pero sa halip na ikatuwa ko iyon ay takot ang nararamdaman ko ngayon.

Nakatiim ang mga bagang niya at nagiisang linya ang mga kilay. Napapinid sa manipis na linya ang labi niya at mabilis ang pagtaas- baba ng dibdib sabihin pang nakakuyom ang mga palad niya. Ngayon ko lang siyang nakitang magalit ng ganoon at pakiramdam ko’y ibang Sage ang kaharap ko ngayon.

Gaya ko’y basang- basa siya at tumutulo pa ang tubig sa buhok niya.

“S- Sage—“ napalunok ako, pinipilit kong salubungin ang malamig niyang mga mata kahit pakiramdam ko’y tutunawin ako no’n, “S- Sorry kasi d-di ko nasagip si Pauleen.” Pumiyok ako.

“Paano mo siya sasagipin kung hindi ka naman marunong lumangoy? Hanggang saan ka ba dadalhin ng katangahan mo, Yunique?!” Puno ng pagka- aburido ang boses niyang higit pang tumaas at tumigas ang tono. Napasinghot ako dahil nagsimulang bumalong ang luha sa sulok ng mga mata ko. Kasalanan ko bang hindi ako marunong lumangoy ay muntik ng mapahamak si Pauleen dahil  tanga ako?

“H- Hindi mo naman kailangang pagtaasan ako ng boses!” Napapahikbi nang bulalas ko.

‘Di makapaniwalang malakas siyang napabuga ng hangin, “Anong gusto mong gawin ko, huh, Yunique? Tawanan ko ‘yang katangahan mo? Kailan mo ba gagamitin ‘yang utak mo?!”

“Oo nga, ang tanga- tanga ko!” Mas malakas ko pang bulalas na ikinatigalgal niya. Suminghot ako at walang ingat na pinahid ang mga luha ko gamit ang likuran ng palad ko. Kahit pa nanginginig ang mga labi ko’y pinilit kong ipagpatuloy ang pagsasalita. “A-ng tanga- tanga ko kasi kahit ang sama- sama mo sa akin gustong- gusto pa rin kita! Ang sama- sama mo, Sage!” Humikbi ako.

“Y- Yuni—”

Pinilit kong pigilan ang pag- iyak at huminga ng malalim. Matapang kong sinalubong ang mga mata niya saka walang anumang hinubad ang itim na t- shirt sa harapan niya sa labis niyang panggigilalas. Bakit ba? Suot ko pa rin naman ‘yong puting t- shirt ko, a!

“Shit, Yuni! Ano ba ‘yang ginagawa mo!” Galit na bulalas niya. Siguro nga ay galit na galit na nga talaga siya dahil ngayon ko lang siya narinig na magmura. Gayunpaman ay pulang- pula ang buong mukha niya at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa pa siguro ako pero bwisit na bwisit talaga ako sa kanya ngayon.

“I hate you, Sage! Magmo- move on na ako sa’yo!” Sigaw ko sabay bato sa kanya ng itim niyang t- shirt. Pinilit kong tumayo at iniwan siyang nakatigalgal doon.

…....🌻

“Yuni, kay Manong Ramon ka daw sumakay sabi ni Sage.” Pagbibigay alam sa akin ni Mira. Nakaupo ako sa isang mono block sa harap ng resort. Nanghihina pa rin ako dahil sa nangyari kanina. Yakap- yakap ko ang bag ko at namimigat ang talukap ng mga mata ko. Si Pauleen naman ay inihatid na kanina ni Erika kasama ni Asul. Napagusapan ng buong klase na ililihim na lang ang nangyari kay Ma’am Gina lalo na sa Mama ni Pauleen na siyang principal namin.

“Sasabay na lang ako sa’yo.” Paos ang boses na sabi ko.

“Sasabay na lang ako kina Jolina kasi may dala ring tricycle si Kiko. Nakita kong binayaran na ni Sage si Manong Ramon. Doon ka na sumakay para diretso ka na sa bahay niyo.” Bilin nito sa akin habang inaayos ang basa pang buhok ko.

Napanguso ako, “Ba’t naman babayaran ni Sage ang pamasahe ko?” Bulong ko sasarili sa pagitan ng pag- ubo. Narinig pala iyon ni Mira.

“Syempre kapitbahay mo siya. Dapat may pagmamalasakit sa isa’t- isa ang magkakapit- bahay.” Tila matandang sermon ni Mira sa akin.

Lalong humaba ang nguso ko, “Bakit kampi ka yata sa kanya ngayon?” May pagdududang tiningala ko ang kaibigan.

“Huwag ka munang magpabebe d’yan, Yuni. Tsaka nakakatakot si Sage kapag galit kaya magpakabait ka na lang muna kung ayaw mong isumbong ka na niya kay tita Weng.”

Sa narinig ay tumahimik na lang ako. Nang makita kong palapit sa amin si Sage ay iniiwas ko ang tingin kahit ang totoo’y nagririgodon ang dibdib ko sa kaba. Matapos ng mga nasabi ko sa kanya kanina ay nakuha kong mahiya pagkatapos. Ang drama- drama ko. Tiyak na sasabihihan niya na naman akong OA.

“Inumin mo ‘to.” Iniabot niya sa akin ang isang bote ng mineral water at paracetamol. Tiningala ko siya. Nakapagpalit na siya ng damit at nagtataka ako kung ilang t- shirt ba ang dala niya. Nakasimangot na inabot ko ang tubig at gamot sa kanya. Ayoko din namang magkasakit. Baka kasi sa susunod ay hindi na ako payagang magswimming ni Mama kapag nagkataon.

“Babayaran ko ‘to.” Pabulong kong sabi.

“Huwag kang magalala, nakalista lahat ng utang mo.” Masungit ang tonong sagot niya. Tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin. Inis kong pinihit pabukas ang takip ng mineral water pero pakiramdam ko’y lantang gulay ang mga kamay ko. Napanganga na lang ako nang agawin sa akin ni Sage ang bote at siya ng nagbukas. Iniabot niya iyon sa akin at umusal ako ng mahinang pasasalamat.

“Bilisan mo, naghihintay na si Manong Ramon.” Tila naiinip na sabi niya.

“Sasabay ka ba sa akin?” Tanong ko ngunit sa iba nakatingin.

“Dala ko ‘yong motor.” Matipid niyang sagot saka kinuha ang bag sa kandungan ko. “Halika na.” Aniya at nagpatiuna na sa naghihintay na tricycle. Inismiran ko ang likuran ni Sage. Bakit hindi na lang niya ako iangkas? Gagastos pa siya ng pamasahe e pwede naman sa wave niya. Hmpf!

“Halika na, Yuni.” Inalalayan ako ni Mira sa pagtayo at inihatid ako sa naghhintay na tricycle ni Manong Ramon. Nailagay na sa loob ni Sage ang bag ko at nang lingunin ko siya’y nakaangkas na siya sa wave niya.

“Mira, ‘wag mo kong sumbong kay Mama, huh?” Bilin ko sa kaibigan ko nang nasa loob na ako ng tricycle.

“Oo. Basta magpahinga ka na pagkauwi mo. ‘Wag mo lang akong kalimutang itext para alam ko kung nakarating ka na.”

Tumango ako at ngumiti. Umandar na ang tricycle at tahimik kaming bumyahe. Hindi naman ako mapakali at parang sinisilihan ang pwet ko sa kinauupuan. Nasaan na kaya si Sage? Nang tumingin ako sa likuran namin ay kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makitang nakasunod si Sage na alalay lang ang pagpapatakbo. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilang mapangiti. Umayos ako ng upo.

“Uhm, Yuni.” Narinig kong pagtawag ni Manong Ramon sa akin kaya sumilip naman ako rito, “May pagkakaunawaan na ba kayo nitong anak ni Yasmine?”

“Si Sage ho?” Halos mabilaukan ako sa sariling laway.

“Oo.” May halong ngiting sagot nito.

“Wala po. E bwisit na bwisit nga po sa akin ‘yan e.” Napasimangot na sagot ko.

“Ganun ba? E bakit—” Bigla na lang natigilan si Manong Ramon.

“Bakit po ano?” Curious kong tanong.

“A, e wala naman.” Tila kinakabahan pa itong natawa, “Magkababata kasi kayo ‘di ba? Kaya akala ko lang na may pagkakaunawaan na kayo.”

Humalikipkip ako sa kinauupuan, “Kung alam niyo lang Manong Ramon. Pero sana nga isang araw ay magdilang- anghel kayo.”

Natawa si Manong sa sinabi ko, “Basta huwag ka lang susuko, Yuni. Pasasaan ba’t mahuhulog din siya sa’yo.”

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Manong, “Halata po bang gusto ko siya?”

Sa halip na sumagot ay isang naaaliw na tawa lang ang isinagot nito.

Nang malapit na kami ay nag- overtake si Sage sa amin kaya napasimangot ako. Pero gano’n na lang ang gulat ko nang makitang nakahinto sa tapat ng kahoy na gate namin si Sage na cool na nakasandal sa mamahaling wave niya.

Pagkababa ng tricycle ay sinalubong niya ako at kinuha sa akin ang sukbit kong bag na talaga namang nagpaawang ng labi ko. Nagpasalamat nga rin ito kay Manong Ramon. Anong nakain ng lalaking ‘to? May pampabait ba ‘yong handang pagkain ni Erika? O baka naman nakukunsensya sa pagsigaw- sigaw niya sa akin kanina?

Wala pang ilaw sa bahay namin. Ibig sabihin ay hindi pa dumadating si Mama. May seminar kasi ito sa division office at marahil ay dumaan pa sa grocery store kaya gagabihin ng uwi. Kailangan ko ng magsaing.Humarap ako sa seryoso at tahimik na si Sage.

“Akin na ‘yang bag ko. Babayaran ko na lang bukas ‘yong—”

“Huwag mo ng uulitin ‘yon.” Putol niya sa sasabihin ko.

Nagpanting ang tenga ko. Lagi na lang niyang sinasabi sa akin iyon! Nakuyom ko ang mga palad.

“Hindi ko na talaga uulitin! Hindi na ulit ako magtatapat sa’yo dahil hindi na ulit kita magugustuhan!” Naiinis na palahaw ko. Napaawang ang labi niya kapagkuwa’y napaungol sa inis.

“Damn! Why are you so frustrating, Yuni?” Yamot na anas niya at nang sandaling iyon ay ako naman ang napanganga. Iyon ang pinakaunang pagkakataong kinausap niya ako gamit ang Ingles. Alam ko namang magaling siya sa pagsasalita sa lengwahe dahil tuwing nagrerecite siya sa klase na nangangailangang mag- Ingles ay naririnig ko siya. Pero iba pa din pala talaga kapag gamit niya iyon kapag nakikipag- usap. Para siyang sanay na sanay sa paggamit ng lenggwahe idagdag pang may halong accent. Hindi naman Amerikano ang papa niya ‘di ba? Koreano naman.

Tumikhim ako upang hamigin ang sarili. Galit ka, Yuni. Hindi ka dapat lumalambot dahil lang sa pagi- ingles niya!

Sinalubong ko ang tingin niya at sinubukang suklian ang lamig ng mga iyon. “Masyado ka kasing matalino samantalang ako tanga kaya kahit kailan hindi talaga kita maiintindihan!”

Aburidong napapalatak siya at parang titirisin na ako sa tingin, “Ang engot mo, Yuni!”

“Alam ko! Kailangang paulit- ulit?” Naiinis kong bulalas.

“Ugh! You’re a real pain in the neck!” Inis na usal niya.

“Engot ako kaya hindi ko maintindihan 'yang sinasabi mo!” Sarkastiko kong tugon na lalong nagpalukot sa gwapo niyang mukha.

“Pwes, gagawa ako ng paraan para maintindihan mo!” May kalakip na pinalidad ang tinig niya at natigilan ako. Bakit parang hindi ko na masundan ang tinatakbo ng sigawan namin? At bakit ba kami nagsisigawan?

“A- Ang alin?” Napapatigalgal kong tanong.

“Sikapin mong maging matalino para maintindihan mo.” Masungit niyang tugon. So ‘yon ang paraan niya para maintindihan ko ang mga pinagsasabi niya? Sorry pero mahihirapan akong maging matalino!

Inis na inagaw ko sa kanya ang bag saka nagmartsa papasok sa gate ng pigilan niya ako sa braso at inilagay sa palad ko ang isang banig ng paracetamol.

“Kailangan mo ‘yan. Engot ka pa naman.” Aniya at siya namang tumalikod upang umalis. Napanganga na lang ako habang pinanonood ang likod niya. Lumapit siya sa wave niya at binuhay ang makina kapagkuwa’y pinagingay iyon.

Akala mo naman ay makikipag- karera. E ako nga ‘tong sampung taon ng nakikipagkarera para mapansin niya!

🌻

🔹🔸🔹

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro