Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10th Drop: T-shirt 👕

10th Drop: T- shirt 👕


“HAPPY 18TH BIRTHDAY, ERIKA!” Malakas na bati ng mga kaklase namin kay Erika maliban sa amin ni Mira at malamang ay pati na ni Sage na kanina pa nananahimik sa isang tabi.

“Erika, make a wish na.” Lalo pa akong napasimangot ng marinig ang maarteng boses na iyon ni Pauleen na siyang bumili ng cake ng birthday girl. Ito namang si Erika ay ngiting- ngiting pumikit at tahimik na umusal ng wish at nang magmulat ay hinipan ang kandila. Masayang nagpalakpakan naman ang lahat.

“Ayan, pwede ng magswimming! Sugod na mga hypebeast!” Pagtawag ng maingay na si Lupin sa mga kaklase naming lalaki na nagsipagsugudan na nga sa may pool. Mas excited pa ang mga itong lumangoy sa swimming pool kaysa sa mga handang pagkain ni Erika.

“About face!” Feeling commander namang sabi ni Jolo at ang mga engot na lalaki ay luminya namang parang sa mga sundalo. “45 degrees to the North!” Bulalas pa nito sa mas pinabuong boses at nagsimula na silang magmartsa papunta sa swimming pool.

Napailing na lang ako. Dahil hindi naman peak season sabihin pang maulan ay kami lang ang tao ngayon dito sa resort. Kapag nagkataon ay kami na naman siguro ang pinagtitinginan dahil sa ingay at engot ng mga lalaking kaklase ko. Maya- maya pa’y nakakarinig na kami ng naghihiyawan at nagkakantyawan sa may slide.

Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit kami invited ni Mira gayong sigurado akong kinaiinisan kami ni Erika. Kaya nga nang personal niya kaming imbitahan noong isang araw dito sa Triple J Resort sa barrio ng Buena Suerte ay napanganga talaga kami ni Mira. Pero siguro ay balak niya naman talagang imbitahan lahat sa klase dahil si Etteng lang ang wala ngayon pati na ang tatlong kaklase pa naming hindi pinayagan ng magulang. Si Ma’am Gina na may mahalagang inasikaso kaya hindi nakapunta. Nakapagtatakang wala din ang engot na si Asul.

“Sage, halika. Kain ka muna.” Malambing ang boses na yaya ni Pauleen kay Sage at ang huli’y lumapit naman sa maarteng babae. Kung may ihahaba lang siguro ang nguso ko’y pwede na iyong gawing sampayan.

“Mira, Yuni, kain na din kayo. Mamaya na lang ‘yong mga boys.” Paanyaya naman sa amin ni Erika na sa awa ng Diyos ay mukhang hindi naman kami iniitsapwera. Dahil ma- pride ‘tong si Mira ay ako na lang ang nagpasalamat para sa aming dalawa.

Ngunit nanigas ang buong katawan ko nang sa tabi ko naupo si Sage.  Nang pasimple ko siyang lingunin ay walang emosyong tumatagos ang tingin niya sa labas ng cottage. Kanina ko pa pinipigilan ang sariling hangaan siya pero sobrang gwapo niya talaga sa suot na itim na t- shirt na may maliit na print na Adidas at itim ding shorts. Lalo tuloy nangibabaw ang kaputian niya.Pero base sa suot ay mukhang walang balak maligo sa pool.

Nagpaalam si Mira sa akin na pupunta lang daw ng CR at kung hindi pa siya nagsalita ay malamang na nakanganga pa rin ako kay Sage ngayon. Nang biglang tumingin sa akin si Sage ay napatikhim ako at gulat na nagiwas ng tingin. Napapikit ako sa inis sa sarili ko. Galit nga ako sa kanya ‘di ba? Bakit ba umaakto pa rin akong patay na patay sa kanya?

“Yuni babes!”

Lalo pa akong napapikit sa inis nang marinig ang boses ng parating na si Asul na mukhang handa na ring maglunoy sa pool dahil nakahubad- baro na ito at nakasuot na ng board shorts. Sa leeg ay nakasampay ang isang puting tuwalya.

“Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo ngayon, babes?” Kumindat pang tanong ng hudyo at kulang na lang ay ibato ko rito ang tsinelas ko.

“Yuni, kumain ka na.” Pagtawag ni Sage ng pansin ko na ikinagulat ko. Nang lingunin ko siya’y nagiisang linya na lang ang kilay niya na para bang galit na naman sa mundo. Nang humarap ako sa mesa ay may siomai na sa harapan ko. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Asul sa akin.

“Bakit ngayon ka lang?” Malamig na tanong ni Pauleen kay Asul.

“Bakit, na- miss mo ‘ko?” Nakataas ang kilay na tanong ni Asul kay Pauleen na ikitahimik ng huli dala marahil ng gulat sa sinabi nito. Ilang taon ko na ring classmates sina Pauleen at Sage ngunit ngayon ko lang sila nakitang mag- usap ng ganoon. Sanay na akong makita si Asul na nagfli- flirt sa mga babae naming classmates kaya nga walang epekto ang mga pagpapa- cute at pagpapalipad hangin nito sa akin dahil alam ko ang kredibilidad nito sa mga babae. Pero never ko pa talaga itong nakitang nag- flirt kay Pauleen.

Tumikhim si Pauleen, “Bakit naman kita mami- miss? Ang kapal mo talaga.” Paismid na sagot ni Pauleen.

“Sabi ko nga.” Tila wala namang pakialam na wika ni Asul bago bumaling sa akin ng may malawak na ngiti sa labi, “Kumain ka na babes para sabay na tayong pumunta sa pool.” Anito habang kumukupit ng shanghai sa lalagyan.

“Mas bagay siyang magbantay na lang dito.” Wika ni Sage na ikinainis ko talaga. Hindi ako pumunta dito para maging tagabantay ng handa ni Erika noh! Hindi ako nagsalita pero sa labis na inis ay kinuha ko ang lalagyan ng bawang na may chili powder saka nilagyan ang siomai na kakainin ko. Pagkatapos kong kumain ay magpapalit na ako at pupunta sa pool. Ipapakita ko kay Sage na hindi na ako magpapaapekto sa mga komento niya na gaya noon.Pagkalagay ng toyo ay sinubo ko ng buo at bawat isa at huli na para mapagtantong sobrang anghang pala ng kinakain ko.

Pakiramdam ko ay naguusok na ang bumbunan ko sa sobrang anghang. Nakakainis kasi si Sage! Kung hindi niya sinabi iyon ay hindi na naman sana ako magpapadalos- dalos sa paglalagay ng bawang na may chili powder sa pagkain ko! Hindi ko talaga kayang kainin ang mga pagkaing may sili. Pawis na pawis na ang ilong ko nang marinig ko ang pagtawa ni Asul at pagpalatak ni Sage.

“O, tubig.” Inabot sa akin ng patawa- tawa pa ring si Asul ang isang baso ng malamig na tubig. Kaagad ko naman iyong kinuha saka ininom. Pinaypayan ko ang mukha pagkatapos gamit ang kamay dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang anghang sa loob ng bibig ko.

“Tsk! Ang takaw- takaw kasi.” Anas naman ni Sage saka ako inabutan ng saging. Halos mangiyak- ngiyak ko siyang tiningnan. Pakiramdam ko ay nasusunog ang dila at bibig ko.

“Maaalis ‘yong lasa ng sili kapag kumain ka ng matamis.” Siya na mismo ang nagbalat no’n saka inabot sa akin. Tatanggi pa ba ako kung pakiramdam ko’y maaabo na ang dila at bibig ko? Kumagat ako sa saging at sa tamis no’n ay bahagya ngang naiibsan ang anghang.

“Sage, kain ka ng biko.” Malambing na alok ni Pauleen kay Sage at ito na mismo ang naglagay ng isang hiwa ng biko sa platito saka ibinigay iyon kay Sage.

“Masarap ‘yan. In- order pa ‘yan ni Mama sa sikat na gumagawa ng kakanin sa bayan.” Proud na ayuda naman ni Erika para suportahan ang kaibigan. Napanguso tuloy ako habang kumakain ng saging samantalang itong si Asul ay  nakaka-ilan ng shanghai.

“Hindi kumakain ng biko na may latik si Sage.” Flat ang tonong sabi ko habang ngumunguya. Natigilan naman si Pauleen. Isubo ko ang natira sa saging.

“Alisin mo ‘yong latik para makain ko.” Utos naman ni Sage sa akin at inilagay pa talaga sa harapan ko ang platito ng biko na bigay ni Pauleen. Tinitigan ko siya ng masama. ‘Yan na naman siya, gagawa ng paraan para makain ang bigay ni Pauleen sa kanya at ang matindi ako pa ang gagamitin niya!

“Ayoko!” Ismid ko sa kanya.

Sumingit si Pauleen, “Sage, ako na lang ang mag- aalis ng latik—”

“Kapag ‘di mo inalis ‘yan ‘di ako kakain ng kahit na ano.” Tila pagbabanta naman nito. Ugh! Akala niya naman effective! Pero bakit gano’n? Nakukunsensya naman akong hindi siya kakain. Paano kung magutom siya? Nakakainis! Ba’t ba kasi ang selan niya sa pagkain?

Matapos ko siyang irapan ay padabog akong tumayo upang kumuha ng paper plate at plastic spoon. Kapagkuwa’y inumpisahan kong alisin ang latik na nasa ibabaw ng biko. Nang matapos ay nakasimangot kong iniabot iyon sa kanya.

Ang taong yelo ay inabot iyon nang hindi man lang nagpapasalamat. Grabe!

Pero nang makita ko siyang magsimulang kumain ay tila nawalang lahat ng inis ko. Para kasing gumaan ang mood niya at kababakasan ng mumunting ngiti ang mamula- mula niyang labi kaya napangiti na rin ako. Bakit ba kapag tungkol kay Sage, ang bilis kong lunukin ang pride ko?

………🌻

“Ayos na talaga ba ‘to?” Tanong ko pa ulit kay Mira. Kalalabas lang namin sa CR dahil sabay kaming nagpalit. Ilang beses ko na ring tinanong sa kanya iyon kaya nang humarap siya sa akin ay salubong na ang mga kilay niya.

“Yuni, swimming pool ang pupuntahan mo huh, hindi SM.” Sarkastikong anito. “Ayos na ‘yang t- shirt at shorts mo. Isa pa hindi ka din naman marunong lumangoy kaya ‘wag kang ambisyosa d’yan.” Ismid pa nito sa akin.

Napasimangot ako. Isang puting napaglumaang PE t- shirt at shorts na hanggang sa taas ng tuhod ang haba ang suot ko. Itinali ko ang mahabang buhok para madali pa ring suklayin mamaya kahit na mabasa ako. Si Mira naman ay nakasuot ng asul na t- shirt at jersey shorts.

“Okay na talaga ‘yan, halika na dito at panoorin mo akong lumangoy.” Hinila ako nito sa kamay at nagpatianod na lang ako hanggang sa may direksyon ng pool. Nadatnan namin ang mga kaklase naming nagkakasiyahan na. Ang mga lalaki’y nagkakasiyahan sa malalim na bahagi ng pool at naguunahan sa paglangoy. Ang iba’y nagtutulakan at walang pakialam sa sumasaway na lifeguard na naroon. Paano’y mas matatangkad pa sila kaysa sa lifeguard. Ang mga babae’y nasa gilid at abala sa paggru- groufie.

“Hintayin mo ako dito. Magsho- shower lang ako.” Bilin sa akin ni Mira saka ako iniwan sa may gilid ng pool na pangbata.

“Mira! Halika na dito, picture tayo!” Nakangiting pagtawag sa akin ni Jolina na nasa swimming pool na kasama ng iba. Alanganin akong napangiti. Paano kung itulak nila ako sa pool? Naalala ko pa noong Grade 11 kami at may subject kaming Swimming. Pabiro akong tinulak ni Lupin sa pool at kung hindi lang siguro ako nasagip ni Sage ay malamang na wala na ako ngayon. Dahil doon ay na-suspend si Lupin ng tatlong araw pero naging maayos na din naman ang lahat dahil personal itong humingi ng tawad sa akin at sa mama ko.

Nang makalapit ako’y nagsimula sila sa pagkuha ng pictures at nakiki- pose at ngiti na lang din ako. Matapos no’n ay lumangoy na ang iba samantalang ang iba’y nagkasya sa paglunoy ng paa sa tubig dahil hindi rin naman marunong lumangoy na gaya ko. Ilang sandali pa’y dumating na rin si Mira at nakilangoy na rin kasama ng iba. Maya- maya pa’y maririnig na naman ang pagbabangayan nila ni Asul dahil ang huli ay hindi na naman matigil sa pangaasar.

Lumangoy palapit sa akin si Asul.

“Halika na, babes. Tuturuan kitang lumangoy.” Anito habang nagpapalutang- lutang sa harapan ko.

“Lumayas ka nga sa harap ko. Baka ‘di ako matunawan.” Masungit kong taboy sa kanya.

“Bakit?” Nanunuksong ngiti niya. “Siguro pinagnanasaan mo ‘tong mga biceps at abs ko noh?”

“Alam mo, magpaturok ka na ng kaunting kahihiyan sa katawan. Layas!” Isinipa ko ang paa na nasa tubig upang itaboy siya pero ‘di ko inaasahang bigla na lang niyang hinila ang paa ko kaya naman bumagsak ako sa tubig.

Puno ng takot na nagkakawag ako ngunit naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikatko upang balansehin ako. Panay pa ang nakaiinis na pagtawa niya.

“Umayos ka kasi. Ang babaw na nga dito e. Ang OA mo talaga!” Nakatawang anito at sa inis ay pinaghahampas ko ito. Panay lang ang inwas ng hudyo habang tawa pa rin ng tawa.

“Uuuy! ‘Yong YuniSul tandem lumalab- layf!” Panunukso ni Kiko sa amin.

“Mas lifer pa kaysa sa kilay ni Caloy!” Ayuda naman ni Stacey na kilala bilang baklang- babae sa klase. Nagtawanan ang lahat.

“Pakboi ka talaga, Asul! May nalalaman ka pang pahawak- hawak sa balikat, hayop ka!” Ayuda naman ni Jolo na ikinatawa na ng iba. Ang mga babae naman ay nakisali na din sa tuksuhan.

Agad ko namang naramdaman ang pagiinit ng buong mukha ng mapagtantong halos magkadikit na ang katawan namin ni Asul dahil sa pagalalay niya sa balikat ko at naiwan pala sa dibdib niya ang isang kamay ko. Inis na itinulak ko siya palayo kasabay ng pagtawag ng iritadong boses sa pangalan ko.

“Yuni!”

Gulat kong nilingon ang pinagmulan ng tinig at sumalubong sa akin ang hindi maipintang mukha ni Sage. Sa likuran niya ay si Pauleen na nakatingin lang din sa amin ni Asul. Lihim akong nagngitngit. Bigla na lang silang nawala ni Pauleen kaninang pagkatapos naming kumain. Saan sila nagpunta?

Nakapinid sa isang manipis na linya ang mga labi ni Sage habang nagmamartsa palapit sa amin. Huminto siya sa tapat namin ni Asul at yumuko upang hilain ang isang braso ko. Naguguluhang nagpahila na lang ako at hinayaan siyang alalayan ako sa pag- ahon sa pamamagitan ng paghila ng dalawa kong kamay paangat. Nakatiim ang mga bagang na hinila niya ako sa gilid ng children’s pool. Nakaawang ang labing nakatingin lang ako sa kanya habang hawak niya pa rin ang isang kamay ko.

“Sa tingin mo ba bagay sa’yo ‘yang suot mo? Mukha kang dinamitang punongkahoy.” Malamig na aniya sa matigas na ekspresyon.Para namang nabalatan ang puso ko sa narinig. Kumpara naman talaga sa suot na maikling shorts at sleeveless na blusa ni Pauleen ay magmumukha lang akong punongkahoy kapag nagtabi kami.

“Ano bang pakialam mo?” Mas malamig kong tanong kasabay ng paghatak palayo sa kamay ko. Naramdaman ko ang pananakit ng lalamunan dahil sa pagpipigil ng iyak. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla na lang niya ako hilain ulit paharap sa kanya at gano’n na lamang ang gulat ko nang hubarin niya ang suot na itim na t- shirt. Lalo pa akong nanigas sa kinatatayuan nang isuot niya sa ulo ko ang damit na hinubad niya.

“B- Bakit—”

“Kung ‘di mo isusuot ‘yan kakaladkarin kita pauwi sa Casa Rosa.” Bagaman mababa ay may pagbabanta ang tinig niya.

Napalunok naman ako. Paano’y nakatambad lang naman sa akin ang makinis na katawan ni Sage na hindi ko talaga inaasahang may namumuo nang mumunting abs. Para tuloy natuyo ang lalamunan ko. Nagsimula akong pawisan ng malamig at hindi ko alam ang gagawin. Bigla akong nangilo at nanghihina ang mga tuhod ko. May usog ba si Sage? Inusog na yata niya ako!

“Nganganga ka na lang ba diyan o ako pa ang magsusuot ng t- shirt sa’yo?” Naiinip na wika ni Sage na bakas ang pagkayamot sa gwapong mukha. Mabilis ko namang itinikom ang nakaawang na bibig.

Nanginginig ang kamay na itinuloy ko ang pagsusuot ng t-shirt niya at maya- maya pa’y sunod- sunod ang pagsipol ng mga kaklase naming lalaki sa amin ni Sage.

“Lodi ka talaga, Sage! Ang macho mo pala, fafa!” Panunukso ni Lupin na sadyang pinalandi ang boses kay Sage.

“Hoy, Asul! Umpisahan mo ng maggluthatione, boy! Talo ka na kay Sage!” Si Jolo.

Uuuy! Mag- crush na sila! Basted na si Asul!” Pangangantyaw pa ni Kiko.

“Puma- fafa na ang peg ni bebe Sage. I love you na!” Malanding pagsali pa ni Caloy sa tuksuhan.

Pulang- pula ang buong mukha ko nang mapagtantong umahon na pala ang mga kaklase namin sa pool samantalang ang iba ay lumipat sa pambata upang panoorin kami ni Sage.Ang mga babae’y may panunukso ang ngiti sa akin lalo na sina Mira at Jolina.

“Tama na nga ‘yan! Nandito lang si Pauleen, o!” Saway ni Erika sa mga mapang- asar naming kaklase.

Nang lingunin ko si Pauleen ay tahimik lang itong nakatingin sa amin ni Sage. Hindi ko naman magawang makadama ng pagdiriwang kahit pa nakikita ko ang panibugho sa mukha niya. Nakikita ko kasi sa kanya ngayon ang madalas kong ekspresyon tuwing magkasama sila ni Sage.

“O bukas na lang daw ulit. Langoy na tayo, mahuli pangit!” Pagbasag ni Asul sa katahimikan. As if on cue, nag- unahan namang magsitalunan sa pool ang mga lalaki at maya- maya pa’y nagkakasiyahan na ulit.

“O, Mira! Ikaw ang nahuli. Pangit ka talaga!” Narinig ko pang sigaw ni Asul na binuntutan ng halakhak. Pinatulan naman ito ni Mira at gaya ng dati’y nagmistula na naman silang aso at pusa.

Nang ibalik ko ang tingin kay Sage ay hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Walang imik niya akong nilampasan at nakita ko ang pagsunod ni Pauleen sa kanya. Kaya ‘yong pag- asang binuhay ni Sage sa dibdib ko, bigla na naman tuloy naghingalo.

🌻

🔹🔸🔹

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro