Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP

*

*

*


"Dude, I am planning to propose to Cruz at the party, at kayo lang ni Jarrod ang malapit kong mga kaibigan dito sa Villa Vicente. Parang pamilya ko na kayo, kaya kailangan ko ang suporta niyo. Hindi makararating ang mga magulang ko, katatapos lang ng operasyon ng tatay ko at hindi siya maiwan ng nanay ko. It won't be easy for them to fly fro and to US."

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga; inusig ng konsensya. "Damn it—fine! Susubukan kong tapusin ang meeting ng mas maaga."

"That's more like it. Thanks, pare. Kinakabahan talaga ako para sa Lunes."

"So, you're marrying Cruz, huh?"

"Yes. I think I have found the one."

Sandali siyang naisip nang marinig ang sinabi ng kaibigan.

Found the one...

Sa isip ay pumasok ang araw noong sinabi rin niya sa mga kaibigan ang plano niyang pakasalan si Camiya.

~~

"Magpapakasal kami ni Camiya mamayang hapon sa City Hall."

"Kasal?" sabay na bulalas ng dalawa nang makipagkita siya sa mga ito nang umagang iyon.

"Bakit biglaan naman, pare?" si Jarrod.

"Mag-aasawa ka na kaagad? Parang kahapon lang tayo nagtapos sa kolehiyo, ah?" si Alfonz naman.

Nakangiti siyang tumango, at sa tinig na puno ng kasiguraduhan ay, "Patatagalin ko pa ba kung nahanap ko na ang babaeng para talaga sa akin?"

~~

He let out a deep sigh and ran his fingers through his hair.

You are such an asshole, Heathe Flaviero, aniya sa sarili.

"Tawagan mo ako sa Lunes ng hapon kung matutuloy ka, Pare. Kinakabahan ako, maraming tao ang pupunta sa party at naroon din ang buong pamilya niya."

"Is this an extravagant engagement party?"

"No, maliban sa inyo ni Jarrod ay walang naka-a-alam sa plano kong magpropose sa kaniya. Maraming bisita ang darating sa Lunes dahil kaarawan niya."

Napa-balikwas siya ng bangon nang marinig ang huling sinabi ng kaibigan. Muling kumirot ang ulo niya sa biglang ginawa subalit hindi niya iyon ni-inda.

"Sinabi mong kaarawan ni Cruz sa Lunes at maraming darating na bisita," ulit niya. "Sa tingin mo ba'y naroon din si Camiya?"


***

See you on the VIP! Xx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro