FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP
*
*
*
"Happy birthday," he greeted as he handed her the box.
Nakita niya ang pag-alinlangan sa mukha nito habang nakatitig sa box, kaya muli siyang nagsalita.
"Hindi ako aalis dito kung hindi mo tatanggapin ang regalo ko."
Doon nag-angat ng tingin si Cami sa kaniya; she was frowning, and her eyes narrowed as she surveyed his face.
"Why are you doing this, Heathe?"
"Doing what?"
"This—ang pagpunta mo rito. And then, that." Sinulyapan nito ang kahon na hawak niya.
Imbes na sumagot ay kinuha niya ang kamay nito upang ibigay rito ang maliit na kahon. Hindi ito umilag na ipinagpasalamat niya. Doon niya naramdamang may pag-asa pa rin siya.
"I came here to personally greet you and to give you this. Marami akong gustong sabihin sa'yo pero ipagliliban ko muna. Sa ngayon ay ito muna ang tanggapin mo. I won't stay long, I don't want others to see me, especially your father."
Huminga ito ng malalim at nilingon ang glass door na tila makikita roon ang ama. Hindi mawala sa anyo nito ang pagkabahala.
At habang nakatingin sa ibang direksyon ang asawa niya'y nagawa niya itong pagmasdan. He wanted to grab her in his arms and hug her tight. He wanted to let her know how he missed her, and how he wanted for them to go back to how they used to. Marami siyang gustong sabihin sa asawa, pero maghihintay siya hanggang sa kung kailan ito handang makinig sa kaniya.
Nang muli siyang nilingon nito'y napa-tuwid siya. Ang pagkabahala sa anyo nito'y unti-unting naglaho, at napalitan ng pagkalito. Subalit sandali lang rin iyon; humugot ito ng malalim na pahinga, pumikit, at nang muling nagmulat ay nagpakawala ng pilit na ngiti.
"How have you been?"
***
See you on VIP!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro