CHAPTER 025
FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP
*
*
*
"Are you sure you wouldn't mind Alfonz and Jarrod coming here?" si Cruz makaraan ang ilang sandali.
"Oh no, of course not. Masaya akong nakarating sila," aniya, "naging kaibigan ko rin naman ang mga iyon."
Hinayon niya ng tingin ang direksyong kung saan nakapwesto ang mga kaibigan niya kasama ang dalawa. Ang mesang in-okupa ng mga ito ay malapit sa glasswall na nakatanaw sa buong siyudad ng Villa Vicente. Nakatuon din ang tingin ng mga ito sa kanila, at nang makita ang paglingon niya ay sabay na kumaway at ngiti.
"Hindi sila nakalapit sa'yo kanina dahil pinalilibutan ka ng mga bisita," ani Cruz.
She waved back at the two men, "Lalapit ako doon mamaya."
"Got a call from your estranged husband?" tanong naman ni Loyda.
"Why would he call?" aniya sabay iwas ng tingin.
Hindi pa niya naiku-kwento sa mga ito ang tungkol sa mga bulaklak na natanggap sa nakalipas na mga linggo. Kahit siya ay hindi alam kung ano ang mararamdaman. At kapag ganoong nalilito siya sa damdamin niya ay minamabuti niyang hindi na magsabi kaysa sa hindi niya maipaliwanag ng maayos ang saloobin niya.
"Well, kahit man lang magpanggap siyang may pake siyang kaarawan mo ngayon," sabi pa ni Loyda.
She chose not to answer and just shrugged her shoulders. Inagaw ng isang bisita ang pansin niya, kaya sandali siyang nagpaumanhin sa mga kaibigan na tumango lang at bumalik na sa table kung saan ang mga ito nakaupo kasama sina Alfonz at Jarrod.
At habang kausap niya ang mga bisita sa kabilang table ay napa-sulyap siya sa entrance door nang bumukas iyon. She was expecting more visitors, kaya inaantabayanan talaga niya ang mga pumapasok.
Nang makita niya ang kanina pa hinihintay ay malapad siyang ngumiti.
Ryland, who was walking beside his nine year-old son, saw her but never bothered to smile back. Nagtaka siya sa blangkong ekspresyon na nakikita niya sa mukha nito, kaya nagpaumanhin siya sa mga kausap at akma sanang sasalubungin ang kaibigan nang lumampas ang tingin niya sa likuran nito.
Ilang dipa mula kay Ryland, ay nakasunod naman ang taong hindi niya inasahang darating—
It was her husband; confidently walking into the room as if he was included on the guest list!
***
See you on VIP!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro