Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 024




FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP


*

*

*





Ten months ago...

"Hey, I was just thinking... Pwede na ba nating palitan ang couch natin dito sa living room?"

            Lumampas ang tingin niya sa balikat nito at nalipat sa couch. "Why? Sira na ba?"

            She chuckled again. "Kailangan bang masira muna ang gamit bago bumili ng bago?"

            "Well, sa pamumuhay na mayroon ako noon, yes. At hindi ko maiwasang dalhin ang kaugaliang iyon hanggang ngayon." Napangiti siya nang muli niyang ibalik ang tingin sa asawa. "But if my wife wants a brand new couch, I will give it to her. Gusto mo bang bumili ng bago?"

            Tumango ito. "Plano kong ibigay itong luma kina 'Nay Melda. Pero tama ka..." Napayuko ito. "Bakit tayo bibili ng bago kung hindi pa naman sira ang gamit? We shouldn't waste money, pinaghirapan mong itayo ang negosyo at—"

            "C'mon, hindi naman sa ganoon. I can easily buy you three sets if you want, kusa lang lumabas sa bibig ko ang mga sinabi ko kanina."

            "Kaya ba parang hindi ka natutuwa sa tuwing ibinibili kita ng bagong mga damit at sapatos?"

            "What?" Bigla syang nalito. Bakit napunta na sa ganoon ang usapan?

            "Sa tuwing ibinibili kita ng mga bagong gamit ay para kang napipilitan lang na ngumiti. Hindi ko na naisip na... na nanghihinayang ka sa mga nagastos ko—"

            "No, hindi naman sa ganoon, Camiya. I love it when you buy me new things, and I appreciate your thoughts. Pero naisip ko lang na napakarami ko pang mga damit at sapatos para magamit silang lahat. Baka masira lang bago ko sila magamit. But that doesn't mean I don't appreciate your effort to—"

            "You should have told me..."

            "Come on, Camiya."

            Humiwalay muna ito sa kaniya bago siya muling tiningala. May bahid ng lungkot na dumaan sa mga mata nito.

            Pilit itong ngumiti. "That's alright, let's not buy a new couch. At sa susunod na lumabas ako ay hindi na muna kita ibibili ng mga bagong gamit. I'll only buy if you ask me to."

            Sinubukan niyang muling hawakan ang asawa subalit umiwas na ito at humakbang patungo sa kusina.

            "Wash up now, hihintayin kita sa hapag."

            Pakiramdam niya ay para siyang lalong napagod sa biglang pagiging sensitibo at sentimental ni Camiya. That's one thing he didn't want to trigger whenever they talk. May tendency itong magsumpong sa maliliit na mga bagay, at kahit alam niya kung paano ito suyuin, minsan ay nakararamdam na rin siya ng pagod.





***


See you on VIP!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro